I didn't regret anything.
Nagmahal ako nang totoo. I didn't want to regret anything.
Racel may be the biggest mistake of my life but he's also the sweetest lesson. I never gave him the chance to explain. Mali ko 'yon. Hindi pa kasi ako handa. Natatakot akong marinig ang mga sasabihin niya. Natatakot akong malaman na niloko lang niya ako. Pero mas natatakot ako kapag humingi siya ng tawad at tatanggapin ko ulit siya.
I was too broken at this point to do anything. I couldn't move. And that's okay. This is love. We fall, we bleed. Nando'n ako sa stage na 'yon.
But I knew makakayanan ko 'to. I got great people behind me, pushing me forward. After this, I'd stand up and be new again.
It's the cycle of life.
Yes. It left me raw and barely breathing. But the pain made me feel alive. His betrayal and my pain were the greatest proof that I truly loved him.
In a way, thankful ako na pinaramdam niya sa 'kin 'yon. My dream of having a crazy, passionate love. But just like everything else, all good things must come to an end. All ups must eventually fall down. It was too good to be true from the start, anyway.
Hindi pa rin alam ng mga pinsan ko ang nangyari. Kapag kasi nagtatanong sila, hindi ako sumasagot. Wala din naman akong naririnig na brawl o kahit ano kaya panatag ang loob ko na sinunod ni Kuya Jacob ang hiling ko.
When I told the girls what happened no'ng birthday ni Maxxie, they were beyond furious. But they helped me move on, little by little. I spent most of my weeks avoiding Racel. Kahit pa naghihintay siya sa labas ng bahay, wala akong pakialam. Hindi rin siya pinapansin ng mga kapatid ko pero at some point, Kuya Travis got fed up and went out to have a dialogue with him. Ewan ko kung ano ang sinabi ng kapatid ko. He never came back to the house after but his efforts to reach out to me never ceased. Minsan ginagamit niya sina Justin at Christelle. Nabalitaan ko pa nga na nag-away sila ni Harvey pero hindi ko na alam ang buong kwento dahil unti-unti ko na siyang binubura sa buhay ko.
It was for the best. Napakahirap pa rin sa 'kin na makita siya. Nilalamon ako ng galit at sakit at ayoko no'n. Hindi ako gano'n. I was better than this monster he had made me become.
Ngayon, ginugugol ko na lang ang oras ko sa mga kaibigan ko. Birthday nga ngayon ng daddy ni Hiromi kaya nandito kami sa bahay nila para i-celebrate 'yon. Konti lang naman ang mga bisita. Mostly mga katrabaho rin ng daddy niya.
We stayed in her room and talked about all various things. Inisa-isa din ni Anjo ang mga baby pictures ni Hiro kasi bihira lang kami dito. She has a flat in Taft at doon kami lagi nagpupunta kaya dalawang beses palang talaga kaming nakakapunta dito sa bahay nila.
"Damn, H. Mukha ka talagang manika," gushed Anjo as she leafed through the pages.
Sumilip si Ahron sa mga litrato at nagkomento kung paano pa mas mapapaganda ang maganda na nitong kutis.
Tahimik at tipid na ngumiti si Hiro. Halatang hindi ito kumportable sa atensyon na binibigay sa kanya.
Napangiti ako habang umiiling-iling naman si Maxxie. She isn't that thrilled with skin care. She has her own routine, yes, but she's not the type to go crazy for brands and layering. The simple, the better. She's laidback like that.
Kalaunan nagpaalam ako para magpunta sa restroom. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto niya, may pamilyar na bag akong nakita na nakasabit sa closet niya.
Napatigil ako habang iniisip kung saan ko nakita 'yon. Blood rushed to my head, making my vision swim.
Shit.
Parang nakita ko na talaga ang bag na 'to.
"Jan, something wrong?" tanong ni Ahron.
Umiling ako at mabilis na sumagot, "Wala. Nahilo lang ako."
"Okay ka lang?"
I raised my thumb to prove my point. Sa sobrang takot kong marinig nila ang kabog ng dibdib ko, dali-dali akong lumabas ng kwarto.
#
Hindi na rin ako nagtagal doon. Umuwi rin ako kaagad dahil parang masusuka ako sa mga naiisip ko. Hindi ko makalimutan ang mga kinilos ni Angelo no'ng outing namin. He reacted so wildly toward Hiromi-
Damn. Why? I needed to know. The need to quell all the questions was surging within me like a knife.
I felt sick for even thinking that way about one of my bestfriends but I couldn't help but entertain the treacherous voices nagging at me. Paano kung siya? Paano kung sila?
Para akong sasabog sa nararamdaman ko kaya hindi ko na natiis. Kinabukasan, nagpunta ako sa condo ni Hiro nang walang pasabi. It was early morning kaya alam kong nandoon pa siya. She never sleeps in her father's home dahil hindi niya gusto ang paiba-iba nitong mga babae.
"Javee?" gulat niyang tanong nang pagbuksan ako. She was in her work-out wear. Nakapusod ang buhok nito at pinagpapawisan kaya alam kong naistorbo ko ang morning session niya.
"Hey, sorry for dropping by unannounced. I wanted to ask you something." Bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa loob ng condo niya.
"Wait-" She tried to stop me from entering but it was too late. Hiromi's flat was spacious but I saw it right away.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok. Hindi pa man ako tuluyang nagtatagal doon, nakita ko na ang confirmation sa mga katanungan ko because hanging on the stand by her bookshelves was the older version of Centrex's university jacket.
Centaur #4
The very number that could only belong to one person. The very number he gave to me last time. The very number that should only belong to me. It was mine by right. So what the hell was it doing here?
Parang nabuhusan ako ng mainit na tubig. Kasabay no'n ang pagkawasak ng puso ko. Namuo agad ang mga luha ko.
Hiro stiffened from behind me. I didn't need to turn to her to see how mortified she was.
As if it wasn't enough, there was even a picture of the two of them in her bookshelf. Kuha ito sa isang restaurant at parehas na formal ang suot nilang dalawa.
Sumikip ang dibdib ko habang tinitingnan ko 'yon.
Now I understand. Kaya pala naging elusive siya sa amin nang mga nakaraang buwan. Kaya pala hindi na kami iniimbita magpunta sa condo niya. We thought it was because she wasn't ready to expose the love of her life yet.
Tama nga ako.
Ang hindi ko lang in-expect, boyfriend ko pala ang nagugustuhan niya.
Kaya pala.
Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Angelo. He knew everything. Oh, my God.
I brought a hand to my mouth, stifling the choking sounds I was producing. Ang sakit. Tangina. Sobrang sakit.
"Javee, let me explain. . ."
I briskly snapped to her, my face growing hotter. "Paano mo ipapaliwanag 'to, sige nga?"
The pain was back. Only stronger this time. I felt as if I was stitched back only to be cut open again. Racel's betrayal was beyond measure. But this? Yung kay Hiromi? Hindi ko kaya. Hindi ko kinakaya. Paano ko tatanggapin? Para akong papatayin ng sakit na nararamdaman ko.
Bakit si Hiromi pa? Siya na inalagaan ko? Tinanggap? Kinupkop? Nung mga panahon na walang may gustong maging kaibigan siya dahil na-i-intimidate sa kanya ang lahat, tinanggap ko siya nang buong-buo at ipinakilala sa grupo para naman hindi siya mag-isa. Tapos sa 'kin niya pa nagawa ito? Shit!
"Javee. Let me explain, please." Namumula at nanginginig na si Hiro. Puno ng takot at luha ang mga mata niya.
Quick as a lightning, I raised my hand. I wanted to slap her so bad. Pero hindi ko kaya. In my eyes, she's still that friend I adored so much.
Before my palm could land on her cheek, I stopped mid-air and balled my hand into a fist. I put it down. Nanginginig ako. Galit na galit ako. Umuusbong ang mga luha pero hindi tumutulo. I wanted to channel my anger. But I didn't know how or where.
I was panting so hard, barely keeping it in. But I managed to hold myself. Save what little dignity I still had. I didn't know how I could survive this. I didn't know how to fucking pick up the pieces of my heart. Sinira nila ako nang buong-buo. Wala na silang tinira sa 'kin.
"Kailan pa?" I asked, my voice shaking. "Kailan pa kayo?"
Please. Please tell me it's all a misunderstanding. Please, Hiro. Tell me it's all just a misunderstanding.
"I'm sorry." Bigla siyang yumuko, nagtakip ng mukha at humagulgol.
Suminghap ako. "Ikaw ba? Ikaw ba yung babaeng 'yon?"
Nakatakip ang mukha niya ng mga kamay pero nakita ko ang pagtango niya.
"It was a mistake. I know," Hiromi said through sobs. She looked up to me, her eyes bloodshot and puffy. "Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. I'm sorry hindi ko napigilan."
My breath hitched. Hindi ko na napigilan. Hot scalding tears ran down my cheeks.
Shit.
Shit.
Mahal niya?
As if an avalanche of snow fell over me, my knees weakened. Ano pa? Ano pa ang mga dapat kong malaman? Anong mga kasinungalingan pa? Anong mga panloloko pa? Ano pa?
"Hiro," nanginginig kong sabi. "Bakit? Paano?"
Umiling siya at sinubukan akong lapitan. I stepped back na parang napapaso sa kanya.
"It just happened. Nung nakilala ko siya, hindi ko alam na ikaw pala yung babaeng nagugustuhan niya. Hindi ko alam. Kaya ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako."
My heart was clenching. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig sa mga naririnig ko.
"Paano kayo nagkakilala?" My voice was now as cold as ice.
"My dad. Ang dad niya at dad ko, they're friends. We met in a corporate party. We talked. He saved me a lot of times, and I couldn't help but like him right away."
I kept my silence, taking it all in. Parang may mga kabayo sa dibdib ko na inaapakan ang pagkatao ko. Nahihilo ako at nangangatog sa sakit.
"Alam ko na may gusto siya. Pero believe me. Hindi ko talaga alam na ikaw 'yon. I didn't know. I really didn't know."
I clenched my shaking fists. Sobra akong nanghihina.
"Tapos? Tapos ano? Nung nalaman mo na ako 'yon, umiwas ka ba?"
She blanched. "N-no. I was-"
"No? No?" My voice raised an octave as my temper rose and I clenched my trembling fists to stop myself from doing anything I'd regret. "Kahit na alam mong mahal ko siya, ginawa mo pa rin 'yon? Inagaw mo pa rin? Niloko mo pa rin ako?"
"Mahal ko siya!" sigaw niya lang, desperation in her tone. "Mahal ko kasi siya. 'Di ko gustong saktan ka pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko siya. Umiwas ako pero hindi ko kaya. Magkatulad naman tayo, 'di ba? Sinubukan mo rin siyang iwasan pero nahulog ka pa rin. Imposibleng umiwas sa kanya." Nagtakip ulit siya ng mukha para humagulgol.
"E ako? Ano ako sa 'yo?" I bit back, my voice thick with raw emotions. Namamaos na ako. Hindi ako makasigaw dahil sa sobrang panginginig. "Wala lang ako? I thought we're friends. How could you do this to me? Pinagmukha mo akong tanga!"
"Hindi ko sinasadya, Javee," iyak niya habang bumubuhos ang luha. "That night was the first and the last. And it was the worst. My first time and it felt like hell. Every second of it. Alam mo kung bakit? Kasi kahit lasing na siya, ikaw pa rin ang gusto niya. Di niya pa rin ako nakikita. Ikaw pa rin ang tinatawag niya. At kung hindi pa ako ang unang kikilos, walang mangyayari. It was all me. I forced myself on him. I took advantage of his vulnerability kasi sinira mo siya nang mag-away kayo. You really broke him. Ako ang sumalo sa kanya nang mga panahon na 'yon. Ikaw, nasaan ka? Wala ka no'n kaya bakit gano'n? Bakit ikaw pa rin? Bakit no'ng nakipagbati ka, nagmamadali pa rin siyang bumalik sa 'yo? Bakit 'di ka niya nagawang iwan? Minahal ko naman siya. Sa 'kin, wala siyang problema. Kaya ko siyang ipaglaban. Bakit kayo pa?"
Ang dami kong gustong sabihin. Sabay-sabay umiikot sa isip ko ang mga gusto kong sabihin. Nagpapanting ang tainga ko sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko matanggap. Gusto kong manakit. Gusto kong mamatay. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
"Wala kang karapatan na landiin ang boyfriend ko sa tuwing mag-aaway kami. Tangina. Hindi mo ba ako naisip? I loved you as a sister. Kulang ka sa atensyon? Yung binibigay namin, hindi sapat? Sa dami ng lalaki, yung boyfriend ko pa? Don't worry. Hindi mo na ako po-problemahin pa." I stepped away from her and started to the door.
Sumalampak siya sa sahig. Iyak nang iyak. I steeled my heart and kept walking. Tangina!
Masakit ang maloko ng mahal mo pero ang mas masakit pa doon? 'Yon ang maloko ka ng kaibigan mo.
Sana hindi na lang si Hiromi. Sana ibang babae na lang 'yon. Matatanggap ko pa pero hindi, e. Hindi gano'n ang buhay. Hahanap at hahanap talaga 'to ng paraan para wasakin ka. And it chose the lowest blow of all.
Shit kasi. Bakit si Hiromi pa? Siya na tinuring kong kapatid?
Ang sakit-sakit na. Tama na. Hindi ko na kaya.
Damn them all.
"J-javee," she called, pleading.
I looked at her and said with a cold cutting voice that didn't sound like me at all, "Thank you for the friendship, Hiro, but I don't ever want to see you again. Thank you for betraying me. He's all yours," and then I walked away.