##################
I was born in this world that full of regrets. Hindi ko gusto ang pamilya ko na magulo, kaya naman nakarating ako sa ganitong pamumuhay. Malayo sa pamilya, malaya sa mga nagsisigawang mga boses na nagsisisihan at nag-aaway dahil sa pera. Ayoko ng magulo. Ayoko ng maingay. At ayoko ng may nag-aaway dahil sa mga walang kwentang bagay.
That's why I run away and now I'm in the middle of life.
50/50
"Clear!"
Naramdaman ko ang bagay na halos magpaalog sa buong sistema ng katawan ko ngunit dumidilim na ang paningin ko.
At sumunod ang pag-tunog ng monitor na nagsisilbing life detector. Diritso itong tunog na walang tigil.
At naramdaman ko na lamang na para akung hinihigop pababa. Habang naririnig ko ang mga boses na pinakaayaw ko kaya tinakasan ko ito.
Napapikit na lamang ako at pilit binabaliwala sa isip ang mga ala-alang yun.
Ng tahimik na ang paligid, nagpasya akung magmulat ng mata.
At namalayan ko ang isang hindi pamilyar na lugar.
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid.
Malawak na lupain, punong puno ng mga halaman. May mga bulaklak, puno at sariwang hangin. Kulay asul na kalangitan.
Ito na nga ang hinahanap ko. Ang lugar kung saan ko nais manirahan.
Nasa may mataas ako ng parte ng lugar. At sa di kalayuan, may puno malapit sa pampang.
"I'm expecting you to be here."
Napalingon ako sa nag-salita.
"Mother..."
Nginitian nya lang ako saka naglakad palapit sa puno. Tinitingnan nya ito habang may mga ngiti sa labi.
"Mother...diba po patay na kayo."
Naalala ko pa ang panahon kung paano sya nawalan ng hininga sa mismong harapan ko. Ang pagkabaril nya sa mga tulisan at ang mga labi nyang may mga ngiti habang unti-unting nalalagotan ng hininga.
At hanggang ngayon, dala-dala parin nya ang mga ngiting iyon.
"Tingnan mo ang punong yan."
Tiningnan ko naman ang puno. Ngayon ko lang napansin ang mga kumikinang na bagay na dumadaloy sa katawan nito. Mga butil na animo mga dyamante na nagbibigay liwanag sa puno.
Maliit lamang ito ngunit mayayabong ang mga dahon ng sanga.
"Maliit lamang yan ngunit nabuhay yan ng halos ilang taon. Ilang bagyo, malalakas na ulan at hangin na ang sumubok na patumbahin iyan ngunit hanggang ngayon, nanatili parin itong nakatayo."
Hinarap naman nya ako.
"Ganun karin Sam."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Ilang trahedya pa man ang lalabanan at lalampasan mo, patuloy kang mamumuhay sa magulong mundong iyon Sam."
"Mother hindi ko po kayo maintindihan."
"Matalino ka Sam. Alam kung naintindihan mo ako."
At hinarap nya uli ang puno.
"Oras lang ang tanging papatay ng punong ito, katulad mo. Ngunit hindi mo pa oras Sam. Hindi mo pa oras kaya bumalik kana. Kailangan ka nila."
Biglang humangin ng malakas kaya't napapikit nalang ako at unti-unting bumabalik sa akin ang nangyari.
***************
Naghahanda ako para pumasok sa trabaho. Mag-isa lang akung nakatira sa isang apartment malapit sa shop na tinatrabahoan ko at maging sa paaralan kung saan ako nag nanight study.
Palabas na ako ng apartment ng biglang nagkakagulo ang mga tao. Nagtatakbuhan at nag hysterical.
"Anong nangyayari?"
Tanong ko sa kapwa ko nangungupahan dito na maydala dalang mga gamit at nagmamadali.
"May mga terorista sa loob ng building, pasasabugin nila ang lugar-"
*bogsh*
Hindi ko na natapos marinig ang sinabi nya ng biglang may malakas na sumabog sa ibaba ng building na nagpaalog dito sa itaas. Halos mabingi ako sa nangyaring pagsabog.
Hindi lang isa, dalawa kundi tatlong beses akung nakarinig ng pagsabog.
Nagpatilapon sa akin sa sahig.
May mga nahuhulog at gumuguhong ceiling kaya't mas lalong nagpapanic ang mga tao. May mga hinimatay at natambakan ng mga ceiling.
Ayokong isipin na katapusan ko na to kaya kahit parang nahihilo at umiikot na ang paligid ko, pinilit kung tumayo at makisabay sa agos ng mga taong nagtatakbuhan pababa.
Malaki ang building at maraming tao ang nakatira, kaya siguro napagdiskitsahan ng mga terorista.
Halos mabingi pa ako dahil kanina kaya diko na masyadong marinig pa ang sigawan at daing ng mga tao sa paligid.
Hanggang sa makababa kami ng building na akala naming lahat ay makakaligtas na kami.
*tsug tsug tsug bang bang bang*
(Sound effect yan, korni ng dating.)
"Waaaaaahhjhjhh!!!!!!"
"Ahhhhhh!!!!!!"
Nagpapanic na naman ang mga tao sa pagtatakbohan at naghanap ng pwedeng dadaanan palabas. Nasa may entrance kasi ang mga terorista at marami sila, may dala-dalang mga matataas na kalibre ng baril.
Pinaghalong takot, kaba at lito ang nararamdaman ko, isama pa ang sakit ng katawan.
Pero pinilit ko paring makatakbo upang humanap ng pwedeng daanan palabas.
Patuloy parin sa pagpaputok ang mga terorista kaya mas lalo akung kinabahan.
Habang tumatakbo at palingalinga sa paligid, may nakita akung pinto na may nakasulat na exit sa taas nito.
Kaya agad akung nagtungo dito saka binuksan.
Palabas na ako ng saktong may mga armadong lalaki ang agad na tumutok sa akin ng mga baril habang sumisigaw.
"Tigil!! Lumuhod ka!!!"
"Don't shoot! Don't shoot!!"
Wala na akung ibang nagawa kundi ang magtaas ng kamay sabay luhod.
"Tatakas ka pa!"
At akmang hahampasin nya ako ng bitbit nyang baril ng sanggain ko to at nakikipag-agawan sa baril. Tinutokan kami ng mga kasama nya ngunit inikot ko ang katawan nya habang nakikipag-agawan parin sa baril kaya sya ang naputokan.
*bang*
I don't have to do this, but I won't let them kill me.
*bang bang bang*
Saktong tumama sa tatlo kaya't napatumba sila.
Di na ako naghintay ng ilang sandali at tumakbo na. Bitbit ko parin ang baril habang palingalinga sa paligid.
Habang tumatakbo at hinahabol ng kaba, nakakasalubong ko ang mga sira, umaapoy at basag na mga kotshe.
Siguro'y pinsala din ng mga terorista.
Mula sa daan na tinatakbuhan ko, napansin ko ang mga pulis na nasa may eskinita. Nakatotok ang baril sa direksyon ko.
"Hey!"
I wave my hand to inform them that I'm not a enemy.
Pero biglang nagpaputok ang mga ito.
Akala ko ako ang tinamaan, ng makita kung dinaanan lang ako ng bala at dumiritso ito sa tao sa may likod ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang sampung terrorist na humahabol sa akin.
"Sh*t."
Tanging nabulalas ko saka nagtago sa may nasirang kotshe.
Ayoko pang mamatay. Kahit magulo ang mundo, hindi ko naisipang kitilin ang buhay ko.
Kaya't sa ganitong panahon na nakikipaglaro sa akin si kamatayan, kailangan kung lumaban.
"Yaaahhjj!!!!"
*bang bang bang*
Hindi man nakahawak ng baril minsan at never pa akung nakipag gyera.
I always have a skill to fire a gun that can bullseye.
Even if not a gun, still natatamaan ko ang isang tao kung saan ko gusto patamaan. Hindi yun pinapractice, pinapakiramdaman yun at kinokontrol ng isip mo. This kind of ability is not good for me, but in this kind of situation, nagpapasalamat narin ako at may kakayahan din akung ipagtanggol ang sarili ko.
Tinutulongan ako ng mga pulis na makipagbarilan kaya't humanap ako ng tyempo na makatakbo papunta sa mga pulis.
Saktong naubos sila at agad akung tumakbo pero di pa ako lubusang nakaabot sa mga pulis.
"Hide!!!!"
*bang*
Isang putok.
Isang putok na nagpatigil sa paggalaw ng buong paligid.
Putok na nagpatigil sa paggalaw ko. At naramdaman ko nalang ang pagbagsak sa semento.
Nabingi na ako at tanging naririnig ko ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang naghahabol hininga ko.
"Ms. Don't close your eyes. Don't fall asleep. You are safe now."
"Where is the ambulance?"
"Coming pa sir."
"Make it fast."
"Ms. Do you hear me? Don't fall asleep ok?"
Bumibigat na ang halukipkip ng mga mata ko. Nasisilaw ako sa liwanag.
Naramdaman ko naman ang pagbuhat sa akin at paglagay sa stretcher. Hanggang sa pagpasok sa akin sa loob ng ambulansya. Naririnig ko sila. Pero Hindi ko sila nakikita. Tanging nababalot ng liwanag. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang lahat.
"Clear!"
*tooooooooooooooooot*
~~~~~~~~~~~~~~~~
[A/N: survival # 1 is done. Hay salamat... move to the next chapter na naman. Nakakatamad talaga magsulat eh. Sana nalang may magkainterest na magbasa.]