CHAPTER 1
The Daughter
"Mom I aced the exam!" Masayang saad ko pagpasok sa dining area kung nasaan ang mga magulang ko.
Kapwa na sila nakaupo at binibigyan ng pagkain ng mga katulong namin.
"Oh. Really?" Tanong ni Mom saka na nagsimulang kumain.
Nilapitan ako ni Nana Merly para kunin ang bag ko.
"Kumain ka na hija." Sabi niya saka ako nginitian.
Oh well, kailan ba nila ako yayayaing sumabay sa kanila? Buti pa si Nana.
Tumango ako sa kanya at umupo na.
"Yes Mom, 60 out of 60." I smiled wide.
Ngumisi si Dad kaya napatingin ako sa kanya.
"An exam with 60 items?" Mapanuyang tanong niya.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dulo nang palda ko sa ilalim ng mesa. I know I will receive some words of, well, discouragement from him again. Just like any other day.
"Y-Yes Dad. I did it perfectly."
"Oh right, perfectly. Don't be so proud, lady. Less number of items, less possibility to have a mistake." Sagot niya saka nagpatuloy sa pagkain. "Be proud when you aced a test with three digit number of items." He continued, making my jaw clenched.
I should remain patient. No, I must.
Bumaling ako kay Mommy at wala siyang reaksiyon. Diretso pa din ang pustura at patuloy pa din sa pagkain.
"Kumain ka na." Basag ni Nana sa katahimikang bumabalot sa amin, na ang tanging tunog nalang ng mga kubyertos an naririnig.
Pinigilan ko ang mga maiinit na luha na gustong-gusto nang lumabas. Mahirap na, baka masabihan na naman akong mahina ng mga minamahal kong magulang.
"Proud ako sa'yo anak." Sambit ni Nana pagpasok sa kwarto ko. She has always been my sanctuary. Sa kanya ko lang nailalabas lahat, kagaya ngayon, pagdating niya saka lang bumuhos ang mga luha ko.
"Nana, N-Nana ano po bang nagawa ko?" Tanong ko habang yakap-yakap niya ako.
"Wala. Wala hija." Sagot niya gamit ang isang malambing na tinig.
Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung ano ang nagawa ko sa kanila bago ako nawalan nang ala-ala.
Sabi ni Nana, someone bumped me when I was a kid. I was 10 back then at may nakasagasa sa'kin. Hindi naman daw ako tinakasan nang nakabundol pero nawalan ako nang ala-ala.
That is factual. May mga litrato ako nang nasa ospital, mga litrato nang wala pa akong malay hanggang sa tuluyan nang gumaling. May mga gasgas pa ako na nakalitaw sa bawat imahe.
Ang sabi niya pa, the three of us were so close with each other. A perfect family kumbaga. Walang babae si Dad, walang issue kay Mom, we are rich. Walang nagiging problema.
Nana said na hindi sila nag-panic nang nasa ospital ako. Hindi sila nag-alala. They did not care at all. Hindi pinapayagan noon si Nana na puntahan ako sa ospital. They can only see me through the hospital room's glass window.
We stayed at our old home after kong madischarge sa ospital pero hindi ako pinapalabas. Nakikita ko lang ang mga, ayon kay Nana, kaibigan ko mula sa bintana nang kwarto. Hanggang sa lumipat kami dito sa Evergreen Hamlet pagkatapos ng recovery phase ko nang walang nakukuha ni katiting na ala-ala mula sa mga sinasabi nilang kaibigan ko dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para kausapin sila.
Ayon sa mga naaalala ko, they never became sweet. Hindi nila inaalala ang ibang bagay tungkol sa'kin pero sobrang concerned sa health ko.
Well atleast they still care for me. That's great right? Na ayaw nila akong nagkakasakit.
Nang lumipat kami dito sa Evergreen, nasa bahay lang ako. Hindi ako lumabas, kagaya nang nandoon kami sa dati naming tinitirahan.
Hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan dahil strikto ang pag-uwi ko nang alas singko o mas maaga pa. Ngayon nalang sila naging maluwag. I can go out anytime, anywhere, pero hindi ko ginagawa, dahil sa'kin lang din naman babalik iyon sa pamamagitan ng mga masasakit na salita galing kay Dad.
Pero ganoon pa man, hindi pumapalya si Nana sa pagbibigay sa akin ng mga gamot at sapat na pagkain, kagaya nang inuutos ng mga magulang ko.
Gusto kong malaman kung ano ang nagawa ko bago ako mawalan nang ala-ala. Dahil mahirap mag-isip kung paano ko ito masosolusyunan, kung meron man, kung hindi ko man lang ito maalala.
Maybe I did something bad na nagpabago sa buhay nila? Or maybe naging perwisyo ako nang masagasaan ako at ma-coma sa loob ng isang buwan? Baka gumagastos sila nang madaming pera para sa akin? For my healing and recovery?
Pero iyon nga ba? Pera?
Kahit gaano ko tanungin si Nana, na siyang naging pangalawang magulang ko, wala siyang sinasabi na ginawa ko noon.
Lagi niyang sinasabi na wala akong kasalanan at ang mga magulang ko ang may mali. But still, I can feel that it is my fault.
My phone rang, an indication that someone is calling. Tinignan ko ito at nakitang si Rafa ito.
"Rafa." Sagot ko.
"I have a news!" Narinig ko ang maingay na background sa kabilang linya. Halatang nasa computer shop siya.
"Ano yun Rafa?"
"Hay nako! Bakit hindi mo kasi buksan yang account mo? Sagang-sagana ka diyan sa internet connection niyo sa bahay hindi mo gamitin habang ako, heto kinakailangan pang magrenta nang computer dito sa shop." Sabi niya.
Ano bang meron?
"What is it Rafa?"
"Well it is a good news for me, for you as well." She said.
"What is it Rafaela? C'mon just spill it."
"Meridith is dead." Dali-dali niyang sagot.
Natawa ako nang kaunti.
Rafaela is sometimes mean, most of the time I mean. Ayaw na ayaw niya si Meridith. Well everyone in EHU does. Siya ang pinakamaarteng estudyante sa lahat. They are rich, yes. She has the beauty and the body, yes. But she is being hated by the students because of her attitude.
Lagi ko siyang nakakakumpitensya. She is always my rival. Nagsimula iyon nang magkaroon ako nang boyfriend sa unang pagkakataon at pinagpalit niya ako kay Meridith dahil nakipagsex siya dito, we were just fifteen that time.
She will always do what she wants, she will never let her pride drop by doing her dirty little acts.
Even her friends are not real. They are just with her for money, at para lang masabi na 'cool kids' sila.
Rafaela once wished na sana madapa si Meridith sa harap ng madaming tao, mahulog sa kanal, at mapaupo sa tae nang kalabaw. Pinanalangin na din niya na masagasaan si Meri. She hates her that Rafa even murders her inside her mind, brutally. Kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin niya sa'kin ito.
"If you're joking, it's not effective Rafa. You can't fool me!"
Sumenyas si Nana na lalabas muna kaya tumango ako habang nakangiti pa din.
"I am oh so serious Cryanna, your rival is dead! Open your account and see for yourself." Sabi niya kaya natulala ako.
What? Is it really true?
"Rafa, I... I need t-to hang up." Pinatay ko ang tawag gamit ang nanginginig kong kamay.
Dali-dali kong binuksan ang account ko kagaya nang suhestiyon ni Rafaela.
Nakita ko ang post na kabilaang shine-share ng mga estudyante ng EHU.
Ang article ay galing sa mismong page ng university at mayroong litrato doon ng isang comfort room cubicle na may dugo ang sahig.
Meridith Johnson, a student from Evergreen Hamlet Unversity died because of suicide. Johnson was found in one of the cubicles of the ladies' comfort room in the school with her wrist cut. The school administration believes that she killed herself because of failing grades.
No. She won't do that. She will never do an action as crazy as that for a grade!
Mas importante sa kanya ang social status niya pero hindi ang academics. Bakit siya magpapakamatay dahil sa pagkakabagsak? Sa pagkakaalam ko, lagi siyang may mga naiiiwang subjects at mukhang ayos lang siya sa mga iyon. Pero bakit ngayon, bakit ngayon nagpakamatay siya?
A cutter was found together with her Biology grade computation.
There must be a deeper reason. She won't kill herself just because of a failing grade, a failing grade... from my father.
My father is a biologist and he also teaches in EHU dahil sabi ni Nana, gusto niya din magturo.
---
"Rafa!" Tawag ko sa kanya pagdating ko sa bahay nila.
Maliit lang ang hamlet namin. Lahat kami ay magkakakilala, kung hindi man, nakita na namin ang bawat isa. Ang mga estudyante ay sa EHU lahat nag-aaral dahil may elementary at highschool ito. Magkakalapit lang din ang mga bahay.
"Crya, Crya, Crya." Sabi niya sa isang mabagal na tono pagkabukas niya sa pintuan.
"What happened?" Tanong ko saka tuluyang pumasok sa bahay nila.
"Sinarado niya ang pintuan at sumunod sa akin patungo sa living room.
Umupo ako sa sofa at kumuha ng isang throw pillow at inilagay sa kandungan ko.
"She killed herself Crya." Sabi niya nang may kasiguraduhan.
"No. She is not that shallow Rafa, I mean, si Meri? Papatayin niya ang sarili niya dahil may bagsak siyang grade? C'mon it is nearly impossible." I said, frustrated.
"Nearly impossible, but it is possible Crya."
Sinamaan ko siya nang tingin. "No Rafa."
"Why are you suddenly concerned about her?" She asked suspiciously.
"No no no Rafa. I am just... curious and suspicious about it." Sabi ko saka yumuko.
"So you're saying that there is a foul play?" Tanong ni Rafaela kaya napatango ako.
"Yes! Rafa what if someone killed her at pinakita lang nito na nagpakamatay si Meri?" I answered at patuloy lang ang pagtitig sa'kin ni Rafa.
"Her fingerprints were detected from the cutter Crya." Sabi naman nito..
"Paano kung magaling lang gumawa ng ganoong crime scene ang salarin kaya naipakita niya na nagpakamatay nga si Meri?" I said as my eyes grew bigger.
"Tama ka, may posibilidad nga." Sabi niya saka nagtatango-tango.
"See? Now you're convinced!" I exclaimed.
"So you're claiming na hindi nagpakamatay si Meridith dahil napagdesisyunan na niya na maging matino at maging mabait kaso huli na ang lahat dahil bumagsak na siya sa Biology subject niya kaya nilaslas nalang niya ang pulso niya?" Dire-diretsong saad ni Rafa.
"Yes.. and no? Basta, hindi nagpakamatay si Meri. Someone killed her." Sabi ko habang matalim ang tingin sa kawalan dahil sa pag-iisip kung sino ang maaaring suspek.
"Maaaring nag-gloves ang suspect at pinahawak ang kustilyo kay Meridith at nilaslas ito." Rafa theorized, then I nodded, agreeing with her.
"Baka may hindi nakatiis sa magaspang niyang ugali kaya pinagplanuhan niya na patayin si Meridith." Sabi niya pa kaya tumango ako ulit.
"O baka may inagawan na naman siya nangboyfriend kagaya nang ginawa niya sa'yo kaya pinatay siya?"
Maaari.
"Or baka nahypnotize si Meri at pinagawa sa kanya iyon or someone threatened her parents' life at iyon ang kapalit kaya niya ginawa?" Teorya ulit ni Rafa.
"You're right. At inilagay lang ang grade computation niya sa crime scene para maipakita na nadepress si Meri sa grade niya kaya siya nagsuicide which is not true!" Sabi ko pa nang hindi ko na mapigilan.
"Crya stop." Rafaela suddenly said kaya nagulat ako.
"No. No Rafa, don't be afraid. Let's help her. Meri is still human. She needs justice." Pangungumbinsi ko sa kanya para sumama pa din sa akin sa iniisip kong imbestigasyon.
"Crya just stop." Sabi niya gamit ang seryosong tono pero hindi pa din ako nagpatinag.
"Rafa don't be afraid. Hindi niya o nila tayo masasaktan. H-Hindi tayo madadamay. We'll just secretly look on the flaws on the crime scene with the photos taken. We can get them, by hacking? Or sneaking into the police station? We'll plan everything out." Sabi ko na para bang siguradong-sigurado ako na hindi kami mapapahamak kahit na kabado din ako sa gusto kong gawin.
Umiling siya.
"Rafa imagine the adventure that we will experience, plus the achievement that we will get kapag nalaman natin kung sino ang killer!" I exclaimed.
"No Crya! Just stop." Sabi niya ulit.
"What?" I asked out of frustration.
"May lighter ka ba?" Tanong niya bigla kaya lalo akong kinain ng kuryosidad.
"Bakit Rafa? Tell me your plans." I said eagerly.
"I will burn them."
Napatingin ako sa kanya.
Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya nagsalita siya ulit kaagad.
"Your books, DVDs and flashdrives Crya! Just stop watching and reading mystery stories!" Sigaw niya sa'kin saka ako iniwan sa sala.
Then, I found out that she really is not convinced about my theory.