Mesmerized with Desire(#7)

By MarielLouise23

362K 10.1K 961

Desire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nags... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
EPILOGUE
Raffle Time-Love and Desire

Chapter 7

7.3K 202 16
By MarielLouise23

Chapter 7

MIA

"You sure you're okay?" Jenny asked me as she parked her car in front of our building. Late na para sa alas siyete naming oras ng trabaho pero pinili kong pumasok kaysa sa mabaliw sa bahay. Umuwi lang kami kanina para maligo at nagdrive-thru na lang para may laman naman ang tiyan ko bukod sa alak ko kagabi.

"My head still hurts but I'm fine." Huminga ako ng malalim. Kinuha namin ang bag namin sa likod at sabay na lumabas ng sasakyan. We started walking towards the building and she encircled her arms around mine.

"I know I shouldn't tell you this but aren't you curious?" She asked. Napatingin ako rito. "Ang inaasahan ko kasi kanina, may mataba na lalaking bubungad sa'akin habang nakapaligid sa kanya ang sampong bodyguards. Akala ko mapapasubo ako sa fight scene. Dala ko pa kanina 'yung pekeng baril ko." Tumawa ito at sabay kaming napailing.

May pekeng baril itong ginawa noon. May pekeng bomba pa nga. Pero pang display lang. Tinawanan namin noon ni Nadie pero nang minsan kaming namundok at may nantrip sa'amin, ginamit niya 'yun para panakot. Umepekto naman dahil 'yung baril nagpro-produce lang ng sound. Iba naman talaga ang utak ni Jenny minsan.

"Nagulat ako nang walang katao-tao doon at ang linis pa. Seems like he's living alone. Sure ka ba na hindi siya criminal? O drug dealer? Like what the hell? Sabi ni Ysa, bodyguard siya ng friend niya. Paano siya nagkabahay ng ganon? O baka naman katulong siya doon? Hardinero? Wow ha, all around." Daldal niya habang nakatingin pa sa malayo.

Hindi ako nagsalita pero napaisip rin. Minsan ko lang kasi narinig mag-english pero kanina, iba ang dating ng boses nito sa tenga ko. He also said that it's his house. May litrato rin siya doon sa side table. 'yung cabinet kung saan niya linagay 'yun bag ko kanina, nakita ko ring mga bags ang nandoon.

Traveller? Napailing ako. Imposible namang papayag si Kuya Gelo na may part-time sa negosyo niya. At bakit ang dami niyang trabaho?

Napatigil ako sa pag-iisip nang kurutin ako ni Jenny. Tinulak ko siya ng mahina at sinimangutan. Ngumuso naman ito, tinuturo sa may bandang likod kaya umikot ako para makita ang tinuturo niya.

Si Chester, na parang nag-aabang. Hindi na ako nagisip at naglakad na palapit. Ako lang naman ang binibisita niyan dito kaya alam kong ako ang hinihintay nito. Humalukipkip ako at tumayo sa harapan niya. "What brings you here?" I asked in a flat tone.

Nagulat pa nito ng makita ako at agad akong hinawakan at tinignan ang mukha at mga kamay ko. "Thank God you're okay." He sighed in relief. "Saan ka natulog kagabi? Sino naghatid sa'yo? Anong oras ka nakauwi? Hindi ka naman napano 'dba? Wala namang nanakit sa'yo? Hindi ko kasi---"

"I just want to ask you one question, sino ang kasama mong umuwi?" Putol ko ng hindi kumukurap. Tinitigan ko ito ng mabuti pero nagkamot ito ng ulo. Mas lalong naningkit ang mga mata ko at napatingin siya sa paligid.

"Bakit ako na lang mag-isa kagabi?" I asked again. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Lasing kasi tayo pareho---"

"Putangina. Mas mahirap pa ang exam mo noong college ka kaysa sa tinatanong ko ngayon sa'yo." I cut him again. Unti-unti itong napatingin sa parking lot ng mga bisita kaya sumunod ang mga mata ko.

There. I saw his bitch plainly sitting inside of his car. Hindi ko na kailangang lapitan dahil kabisado ko na ang mukha nito, kahit malayo ay namumukhaan ko dahil sa kaartehang taglay nito. At sa pulang lipstick na palagi niyang pinapahid sa labi nito.

Tumawa ako ng mahina at napamura. Tinignan ko si Chester pero nagbaba ito ng tingin.

"Nabingi ba ako noon? O panaginip lang 'yun? Nagka-amnesia ka ba?" I asked him sarcastically. "Ba't nandoon 'yun?"

"Hindi ko din alam. Nagising na lang ako kanina na siya na ang kasama ko at hindi ikaw." Mahinang paliwanag niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay ko dahil sa namumuong galit sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang inis ko para sa kanya pero may nararamdaman ako. Gusto ko siyang sigawan ngayon pero nasa teritoryo ako ng aking trabaho. Napabuga na lang ako ng hangin at napatingin sa malayo pero laking gulat ko ng maaninag ko si Herminihildo ilang metro mula sa kinatatayuan ko.

I can't tell the expression he's wearing. Nakatayo lang ito doon at nakatingin sa'amin. Hindi naman siya mukhang nagyayabang dahil totoo ang sinabi nito kanina.

I looked at Chester again. "I just want to tell you something too." I braced myself. "Para sabihin ko sa'yo, hindi ako sa bahay namin natulog kagabi. Nagulat na lang ako dahil paggising ko, hindi pamilyar ang kwarto sa'akin. Takot na takot ako dahil baka may kumuha na naman sa'akin para gawing hostage." Panunumbat ko. Tumaas ang tingin nito sa'akin pero hindi ako nagkurap.

"Mia..."

"Kung lasing ka at hindi mo naalala na may kasama ka kagabi, okay lang 'yun. I can accept that." Tumango ako. "Pero ngayong nalaman ko na iniwan mo ako doon, para makasama ang babaeng 'yan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano anong dapat kong maramdaman." Turo ko sa dibdib ko at lumayo ng konti.

"Hindi ganoon---"

"I know." I raised my hand to stop him. "I know you love her. Alam ko na nahihirapan kang magmove on at alam kung matatanggap mo pa rin siya pero hindi ba pwedeng ihatid mo rin ako sa bahay namin? Hindi ba pwedeng tignan kung safe rin ba ako? Hindi mo ba naisip na nasa bar ako, 'yung suot ko, lasing ako, dinala mo ako doon, wala akong sasakyan, maraming lalaki doon. Hindi mo ba naisip ang mga 'yun?" I asked again. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo pero agad ko itong pinunasan.

Sinubukan niya akong lapitan pero umiling ako at umatras. Itinaas ko ang kamay ko tinignan siya.

"Mia...kaya nga binalikan kita doon pagkagising ko pero wala ka na. Nakausap ko rin si Jenny kanina kaya nagpunta na ako dito makahingi ng tawad sa'yo." Paliwanag pa nito. Hindi pa rin ako gumalaw at tinimbang ang pakiramdam ko pero mas nangingibabaw pa rin talaga ang galit ko.

"Last na 'yun. Ayaw muna kitang makita sa ngayon." Sabi ko sa kanya at tumalikod na. I heard him calling my name but I didn't bother looking back.

Pagkapasok namin ng elevator ay agad akong tumalikod para pakawalan ang mga luha ko.

"Umamin ka nga. Mahal mo na ba si Chester?" She asked frankly. Umiling ako at hinarap ito.

"Hindi."

"Oh, ba't naiiyak ka?"

"Naiinis ako. Naiinis ako dahil parang gamit lang ako para sa kanya. Na kapag gusto niya ng kausap, ng kasama, ng kainuman...pwede niya akong kunin at iwan kung gusto niya. Naiinis ako dahil mahalaga siya sa'akin. Naiinis ako dahil hindi ganun ang halaga ko sa kanya." Paliwanag ko habang umiiyak. Ngumiti lamang ito ng konti at ibinigay sa'akin ang panyo ko.

"Halika nga dito." She pulled me for a hug and tapped my back. "You're both complicated. I don't know why you hide your feelings towards each other where we can clearly see it by just looking at you two. Hindi 'yan inis lang kundi selos, frustrations, love, anger...at hindi naipapakitang affection." Sabi nito. Inilayo ko ang sarili ko at tinignan ito.

"I don't love him." I cleared. Tumango lang siya at ngumiti.

"O, eh di hindi." Pambabara niya at saktong pagbukas na ng elevator sa floor namin. "Malaki ka na. Try mong maging malandi minsan para naman hindi ka nafru-frustrate diyan, Mia." Umiiling niyang sabi saka naunang lumabas. Pinunasan ko naman ang mga luha ko sa pisngi bago sumunod rito.

--------

Hindi ko na naman namalayan ang oras buong maghapon at alas nuebe na pala. Wala na ulit katao-tao sa opisina at tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng aircon. I yawned and leaned on my chair. Dinukot ko rin ang cellphone ko sa bag ko at nakita kong may message doon si Jenny. Sinasabing nauna na siyang umuwi dahil may sakit daw ang anak nito. Nag-inat na ako at nilinis ang table ko para makalabas na ng opisina.

Pagkalabas ko ng building ay nakatingin ako sa paa ko habang naglalakad ng may humarang sa dinaraanan ko. I stopped then looked up.

"Kota na ako ngayong araw. Huwag mo na akong bwisitin. Pagod na rin ako." I said then started to walk again. He grabbed my arm and stared at my face. Walang kolorete ngayon ang mukha ko kaya medyo nailang pa ako. Ni hindi pa nga ako nagpulbo.

"Let's eat? Hatid rin kita pagkatapos." Sabi nito pero tumawa ako ng mahina at binawi ang kamay ko.

"Look Hermini---or whatever your name is, stop." Sabi ko, maalumanay rin ang pagkakasabi ko para maintindihan nito. "Alam ko, may utang ako sa'yo at alam ko na ginawa mo lang ang alam mong tama kagabi pero pwede ba? Layuan mo ako. Huwag kang lalapit na akala mo ay matagal na tayong magkakilala dahil sa totoo lang, wala rin akong tiwala sa'yo. Stop being...like this." I sighed.

Dinalhan pa ako ng lunch kanina pero hindi ko kinain at nagkape lang ako. I don't know what exactly his intention is but I want to be aware.

"Masama ba?" He asked. Sa lahat ng sinabi ko ay iyan lang ang tanong nito. Napailing ako at nagsimula ulit maglakad.

"Hindi pero---"

"Then have a dinner with me." Hindi ko alam pero biglang kumalam ang tiyan ko pagkarinig ko ng sinabi nito. Napatigil kami pareho at nagbaba ng tingin sa tiyan ko.

I caressed it in embarrassment. He chuckled.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Pinagtatawanan ba niya ako?! Humalukipkip ako at inirapan siya. "Sa bahay na lang ako kakain." I answered.

"Gusto ko lang may kasamang kumain." He whispered. Dahil normal pa ang pandinig ko, hindi iyon nakaligtas sa'akin.

'Parang mag-isa siya sa bahay na 'yun...'

Jenny's voice echoed. Napatingin ulit ako kay Herminihildo. Ngumiti siya sakin at tumango. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa parking lot.

Kawawa naman siya. Walang kasama.

Bakit naman ako maaawa e minsan naman napakasama ng ugali niya?

Minsan feeling gwapo, minsan naman parang nakabakasyon ang boses nito. Minsan naman mabait at minsan marespeto.

Napahinga ako ng malalim at tinawag siya. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan nito. "Papakainin mo ko? Kahit anong gusto ko?" I asked. Tumango ito at ngumiti ng konti.

"Ipagluluto mo ako?" I asked again.

He nodded. "Anything."

"Okay." Sang-ayon ko at naglakad na palapit sa motor niya. Kabisado ko na rin kasi pati plate number nito.

"By the way Mia, I'm Ace Stefan Herminihildo Estrella. You can call me Ash. Ash Estrella." He said as he gave me his extra helmet. Napatigil ako at napatingin rito.

"Ash? Ash ang pangalan mo?" I asked, pointing at him. He nodded and smiled.

Napakurap ako. Ngayon ko lang napansin ang dimple nito sa left cheek niya. Hindi rin nakaligtas sa'akin ang magaganda nitong ngipin.

Teka.

Ba't parang kinakabahan ako?

"Let's go?"

Wala sa sarili akong sumakay at humawaka sa bewang nito.

Continue Reading

You'll Also Like

474K 8.2K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
47M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
630K 26.6K 64
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
27.2M 936K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...