Noli Me Tangere: Buod ng Bawa...

By ChenReal

20.9K 24 1

Ito ay naglalaman ng mga Buod sa bawat Kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal. Note: Hello there! I... More

Tungkol sa Noli Me Tangere
Mga Tauhan
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA L
KABANATA LI
KABANATA LII
KABANATA LIII
KABANATA LIV
KABANATA LV
KABANATA LVI
KABANATA LVII
KABANATA LXIII
KABANATA LXIV
BUOD NG NOLI ME TANGERE

KABANATA XXI

204 0 0
By ChenReal

Mga Pagdurusa ni Sisa

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan 

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

912K 35.4K 37
Ano ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria...
1.1M 4.4K 69
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

7.2M 299K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
Segunda By Binibining Mia

Historical Fiction

246K 11.5K 18
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at mal...