Every Paint Matters ✔

By Lserolf

64.6K 2.5K 119

HUMILIATION SERIES #1 As a daughter of the woman who killed her stepfather years ago, Hasheine incarcerated h... More

S Y N O P S I S
P R O L O G U E
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
E P I L O G U E

24

1K 46 0
By Lserolf


Scared

SOBRANG bilis lamang ng araw. Hindi ko na nagawang pumasok sa sunod na klase dahil sa pang-uusisa sa akin ng mga kaklase ko. Alam na nila na anak rin ako ng Papa ni Eerhia.



They thought that my father is also the real father of Eerhia. Walang nakakaalam na may naging unang asawa si Papa. And likewise, no one knew that the mayor is just a stepfather of Eerhia.



Sabagay, Papa and Mama just did a civil secret marriage. Kaya wala talagang nakakaalam. At pagkatapos ng ilang buwan lamang ay nagpasya silang makipag-divorce sa isa't-isa dahil wala na silang magagawa. At sa ibang bansa rin ako ipinanganak.



Papa's mother has mental illness kaya lahat ng gusto nito ay sinusunod niya. At dahil gustong pakasalan ng Mama ni Papa si Tita Erah kaya nakipag-usap siya kay Mama sa kanyang naging desisyon kahit masakit.



Hindi naging madali kay Mama ang lahat lalo na dahil buntis na pala siya sa oras na 'yon. Nalaman lamang ni Papa na anak niya ako no'ng Grade 7 ako.



Mama told him about me being his daughter. At nalaman rin ni Tita Erah ang tungkol sa akin dahil sinabi sa kanya ni Papa ang totoo. Kaya hindi ko masisisi ang galit na nararamdaman niya sa akin.



At ito na nga ang kinatatakutan ko ngayon. Alam kong darating ang oras na malalaman rin nila na may anak ang kilalang murderer. At ako 'yon. I'm not totally ready for that revelation. Sa tingin ko, hindi ko talaga kakayanin.



Napatingin ako sa screen ng cellphone nang tumunog ito. I decline the call when I saw it was Eerhia. I'm not ready to talk to her. I just felt betrayed after hearing what she told to her mom. Dalawang linggo na ring hindi ko siya pinapansin.



Kumain muna ako sa isang fast food habang nagpapalamig ng ulo. Galit ako sa lahat. I'm not ready for what might happen for the next, next days. Hindi ko pa talaga kakayanin ang makarinig na naman ng pangungutya galing sa karamihan.



Dumiretso ako sa mansion. Nag-aalalang sinalubong ako ni Manang Glor. Hindi pa naman kasi uwian at ang aga ko ngayon.



"Wala na bang klase hija?"



Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango na lamang ako at walang ganang pumaitaas.



Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatukod ang dalawang kamay sa barandelya ng terrace. Napatingin ako sa ibaba. I want to jump badly just to end this pain but I don't want to add my sins.



Iritadong hinugot ko ang cellphone sa bulsa ng palda ko. I'm planning to power off my phone but I'm curious with the message that Eerhia sent to me.



Parang nawalan ako ng dugo at agad na nag-uunahang dumaloy ang luha sa pisngi ko. Kanina pa siya nasa airport kaya siya tawag nang tawag sa akin para sabihing mangingibang-bansa na siya. At sa ngayon ay nakalipad na ang sinasakyan niyang eroplano.



Biglaan ang pag-transfer niya dahil sa galit ni Tita Erah. Matagal ko na naman siyang makikita. And it fucking hurts. Sobra. Pakiramdam ko ay ako na lang mag-isa at walang karamay.



Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol ng malakas. Wala sa sariling inihagis ko ang mga gamit na nakikita ko. Pati mga painting na naka-display ay binasag ko. Nagwawala ako sa labis na poot na nararamdaman.



Lahat na yata ng gamit ko dito sa kwarto ay sirang-sira na, including my laptop and computer. Napansin ko rin ang dumudugo kong paa kahit suot ko pa rin ang medyas dahil naapakan ko ang basag na vase. Malakas akong nagsisigaw at malakas na pinaghahampas ang pader.



Ayoko na! Nakakapagod na! Gustong-gusto ko nang mawala! Sana nagkaroon na lamang ako ng malalang sakit para madali lamang ang pagkamatay ko. I cried harder and louder.



Nag-angat ako ng ulo nang marinig ang tili ni Manang Glor. Namutla siya habang nakatingin sa akin. Agad niya akong nilapitan pero binato ko siya ng basag na vase. Mabuti naman at naiwasan niya agad ito.



"H-Hija... A-Anong nangyari?"



"Iwan mo muna ako," malamig kong tugon.



"Hindi pwede, hija. Hindi ko kakayanin kapag susubukan mo na namang saktan ang sarili mo. T-Tatawagan ko ang Papa mo..."



"No!" agad kong sigaw. "Huwag na huwag mong subukan, Manang..."



"Pero hija, ayokong makikita kang ganyan. Itinuring na rin kita na parang tunay na anak. Nasasaktan ako. Huwag kang gumawa ng makakasama sa'yo hija, please lang."



I shook my head.



"Kung ganoon, do me a favor..."



"Kahit ano gagawin ko hija!" natatarantang nilapitan ako ni Manang.



"Stab me using a kitchen knife. Just make sure, I won't breathe anymore. Kill me, Manang. I'm desperate to end everything. I want to be free from this unfair world!" I said in a pleading voice.



Kitang-kita kung paano nag-uunahan ang mga patak ng luha ni Manang Glor. She weakly bend her knees as she slowly crawled towards me.



Hinayaan ko siyang yakapin ako. Pareho kaming napahagulhol na lamang ng iyak.



"Sa tingin mo ba kapag namatay ka na makakamit mo ang tunay na kasiyahan? Hindi, talagang hindi. Life is unfair to everyone. Pero kinaya naman ng iba at alam kong kaya mo rin.nHamon lamang ang lahat anak. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa..."



Pagkatapos ng iyakang pangyayari ay nilinis ni Manang ang dumudugong parte ng balat ko dahil sa mga daplis ng mga nabasag.



"Ang puti mo pa naman pero puro galos lang ang palagi mong natatamo. Ikaw talagang babae ka," napapailing na wika ni Manang Glor.



"Tinawagan mo ba si Papa? Hindi niya ba nakita ang lahat?"



She sighed.



"Hindi niya alam. In-off mo kasi lahat ng CCTV na nandito sa mansyon. Pero hija, dapat malaman ng Papa mo 'to..."



"No..."



Kumakain ako ng gawa ni Manang na Tinabudlo. Nasa painting room ako at kakatapos lang mag-compile sa mga ipapa-ship.



Maya-maya'y pumasok si Manang Glor.



"Nasa baba si Marcaun. Papapuntahin ko ba rito? Sinabi ko pa naman sa kanya na masama ang pakiramdam mo."



Agad akong naalerto. My wounds are visible right now. Ang iba ay nakabenda pero ang iba naman ay maliit lamang pero namumula pa.



"Manang Glor, pauwiin mo na lang muna."



"Kung alam mo lang hija ang naging reaksyon niya matapos marinig na masama ang pakiramdam mo. Gustong-gusto ka niyang makita pero pinilit ko talagang kausapin ka muna."



"Uhm, just... just do everything Manang to make him leave right away," I said desperately.



Akala ko ay nagawa ngang paalisin ni Manang Glor si Marcaun dahil mga ilang minuto na rin at hindi na nakabalik si Manang Glor para sabihing nasa baba pa si Marcaun.



Medyo napatalon ako sa inuupuan ko nang malakas na bumukas ang pintuan. I immediately met his cold eyes. He instantly scanned my body. I saw how he bit his lip before shaking his head.



"What happened?" he asked in a concerned tone.



"Wala lang. Tinupak lang kasi."



He ruffled his hair frustratedly.



"I forced Manang to spit the truth. And what the fuck?! You even asked her to kill you?! Ang daming may mga mabibigat na pinagdadaanan pero hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa. Just fuck Ashi! I don't really know how to survive if I'm seeing your body full of blood in the floor!"



"You won't because it will never happen."



"Siguraduhin mo lang. Siguraduhin mo lang talaga dahil hindi pa naman ako magdadalawang-isip na gayahin ang ginawa mo kapag mangyari man..."



My jaw dropped.



"Kung magpapakamatay ako, gagawin mo rin?"



Nagsalubong ang kilay niya at naitutop ang labi.



"Why? You'll really do it?"



"Hindi na. Baka may madamay pa akong iba."



"Dapat lang. You know nothing about my thoughts. Not seeing you anymore is like a death for me already kaya susunod talaga ako."



I couldn't help my parted lips. He's so vocal right now. He really sounded like he's super in love with me and he'll do everything just to be with me. And that sounds so surreal! Nakakakilabot!



"Let's change the topic please? I'm trying to be okay so stop scolding me..."



He looked at me softly at the same time vulnerably like he's breaking himself. Dahan-dahan siyang lumapit sa harapan ko. Because I'm sitting so he bends his knees and unexpectedly hugs me.



"Paano naman ako?" tanong niya sa basag na boses.



"H-Huh?"



"Paano na kaya ako kapag may nangyaring masama sa'yo? I just couldn't stand the fact thinking always about you, about your killer thoughts."



"Bakit Marcaun? Bakit ka ganyan?" naguguluhan kong tanong.



"Hindi pa ba halata?" bulong niya.



"Na ano?" kinakabahan kong usal.



He shook his head.



"Nothing. Just let me hug you tightly," he softly said.



He gently pulled my hand to stand and embraced me with his arms. I hugged him back and leaned my head to his chest.



Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya kasabay ang pagbilis rin ng tibok ng puso ko na parang nag-uunahan. I'm afraid to accept this feelings. No, I just don't like him because I'm really into him. I fell for him deeply. I'm in love with him. And that scared me the most.



I'm just too scared to take risks.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
37.6M 87K 7
Published Under Psicom, available in selected bookstores. Also available in shopee and lazada for as low as 150 pesos. WINNER OF WATTYS 2016 "M-Maha...
73.1K 1.8K 35
"Mas mabuti pang ikaw nalang Ang namatay!" "Bakit ba nabuhay kapa?!" "Dahil sa'yo naging miserable Ang buhay!" "Mamatay kana!" Tama na... Tama na... ...
1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...