Chapter 29
"Diba si Janine yun? Balita ko may anak na daw siya ah?"
"Oo! Kaya pala nag drop siya bigla! Eighteen lang siya nun diba? Landi teh?"
"Yan kabata-bata kasi nagpabuntis. Tsk."
Hindi na bago sa akin ang ganyang mga usapan, nasa Baguio palang ako ay usap-usapan na ang pagiging batang ina ko. So what kung teenager palang ako ay nabuntis na ako? Sila ba ang nagpapakain sa anak ko? Tss. Atleast napalaki ko si JC ng maayos, kaya ba nila yon? Malayo ka sa pamilya mo tapos mag-isa mong pinapalaki ang anak mo? Damn! Padabog ko na lamang ibinaba ang gulay sa push cart ko.
"Hi Janine." hindi ko maalala ang pangalan ng babaeng bumati sa akin pero sigurado akong kaklase ko siya.
"Balita ko disgrasyada ka daw? Uh~oh! I'm so sorry about that----"
"Sinong nagsabi? Asawa niya ako, ako ang ama ng anak namin." natilihan ako ng bigla akong akbayan ni Ivan at seryoso niyang hinarap ang babaeng nasa harap namin.
"A-asawa mo siya? A-akala ko ba---" katulad niya'y hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsulpot ni Ivan sa tabi ko.
"Sa susunod na makikinig kayo sa chismis ay siguraduhin ninyong totoo muna. C'mon babe." bago pa ako makapag-salita ay itinulak na ni Ivan ang kaninang hawak kong push cart.
"Hindi naman pala totoo Apple! Tss. Sorry Ja ah? Atribida lang 'tong kaibigan namin. Hehe. Infairness ang gwapo ng asawa mo! Kung ako man magpapabuntis ako kaagad don! Bye! Tara na nga Apple, insecure ka talaga kay Janine!" wala sa loob akong napa-iling habang tinatanggap ang matalim na irap ni Apple. Naalala ko na, siya iyong tinalo ko sa flairing competition. No wonder nagdiwang siya ng malaman niyang disgrasyada ako.
Tahimik akong sumunod kay Ivan at hinayaan na lamang siyang kumuha ng ano pang mga kailangan sa bahay niya. Nakasakay sa may loob ng push cart si JC habang kinakain na ang Hello Panda kahit na hindi pa naman ito bayad. Hindi ako makapagsalita lalo pa't mukhang seryoso si Ivan. Nilingon ko siya ng humugot siya ng malalim na buntong hininga bago humarap sa akin.
"Sorry." he said in a small sad voice.
"Bakit naman?" itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa tiles ng sahig dahil naiilang ako sa lungkot sa kanyang mga mata.
"Siguro ay lagi kang pinag-uusapan ng ganoon lalo na noong buntis ka pa. Sorry dahil wala ako doon, kung pinagutan lang sana kita ay hindi ka na makakatanggap ng ganoong paghuhusga. Nasasaktan ako na makarinig ng ganoon sa ibang tao at alam kong mas masakit sayo yun. Sorry Janine." ngumiti lamang ako ng malungkot at umiling.
"Don't worry Ivan. I learned my lesson. I know naman sa lahat ng nangyari satin may mga natutunan tayo. Matagal na yon basta ang mahalaga tanggap mo na si JC." I squeezed his hands ng sa ganoon ay magkaroon siya ng assurance.
Wala na akong sama ng loob pa kay Ivan. I want to start over again with him kasama ang anak namin. Kahit pa sigurong gawin niya sa akin ay mapapatawad ko siya agad. Ganoon ko siya kamahal. I didn't know na nabulag ako sa galit at sa gratitude, natabunan ang pagmamahal ko sa kanya dahil lang doon.
Sa loob ng tatlong taon akala ko safe na ako kay Joseph pero nagkamali ako. Naghanap lang ako ng pagtataguan ngunit hindi ko talaga tuluyang kinalimutan si Ivan marahil ay natulog lang ng saglit ang puso, nagpahinga para kapag dumating ang tamang panahon para sa amin ay handa na akong muli. This is the right time. Our time. Siguro naman ay sapat na ang panahon ito upang tuluyang mahinog ang pag-ibig naming dalawa, matatag na siguro kami para sa relasyong ito.
"From now on wala ka ng maririnig na ganoon Ja. I will protect you and our son. Nandito na ako at hindi na ako mawawala pa." hindi ko pa rin mapigilan ang ilang paru-paro sa aking sikmura. Mas lalo pa silang nagkagulo ng halikan ni Ivan ang aking noo.
"Dalawang linggo ko lang namang hihiramin si JC! Ang cute ng pamangkin ko. Ang gwapo niya Grant! Bigyan mo ko ng ganitong anak ah?" ani ni Elaine sa asawa nitong si Grant habang nilalaro nila si JC.
“Hihiramin mo pa? Gumawa na tayo ng sarili nating version ni JC.” Nagbibirong saad ni Grant habang napasimangot nalang si Elaine. Napangiti ako dahil ang sweet nila. Haha. Mataman kaming nagkatinginan ni Ivan na may mga ngiti rin sa labi.
“Tse! Ivan halatang may galit sayo si Janine nung pinagbubuntis niya ang anak ninyo. Tignan mo mata lang ata ang nakuha sayo. Hahahaha. I’m glad na nagkabalikan na kayo. Ja, sorry if medyo tutol ako before alam mo na ang dahilan kung bakit.” Tumango na lamang ako ng may pag sang-ayon. Kung nakinig lang siguro ako sa mga payo nila ay baka wala ako sa sitwasyong ito. Masaya na din ako dahil nabuo si JC, hindi ako magiging mature kung hindi siya dumating sa buhay ko.
Ayokong mangyari sa ibang kabataan ang nangyari sa akin. Mahirap lalo pa at bata ka palang at walang kakahayan. Mahirap at nakakahiyang umasa sa magulang, binigo mo na nga sila tapos hihingi ka pa ng ipang-kakain mo sa anak mo. Hindi madali ang maging dalagang ina lalo na sa murang edad. Naroon yung naiiyak nalang ako sa hirap ng pagbubuntis tapos wala pa akong makapitan, sariling kamay mo lang ang hahawakan mo. Hindi ko malilimutan yung panahon na nag labor ako, public hospital iyonsa Baguio.
“Ano gagawa-gawa ka pa ng bata ha? Ayan kasi kabata-bata lalandi.” Sita sa akin ng nurse habang ako naman ay naiiyak na sa takot. Bawal ang bantay sa loob ng labor room. Natatakot ako at hindi ko alam ang gagawin, naiiyak ako sa sobrang hilab ng tiyan ko maski sa balakang tapos ay sisigawan pa ako at iinsultuhin ng nurse.
“Masarap gumawa ng bata pero kapag manganganak na iiyak-iyak! Uulit ka pa ba?” sigaw niyang muli sa akin. Gusto ko ng tawagin si mommy o kaya si Joseph. Nahihirapan na nga ako ng pisikal pagkatapos ay sisisihin pa ako ng mga nurse na ito.
“Ilang taon na ba yan?” tanong ng isa pang nurse sa kasama nito.
“18 palang yan. Landi no?”
Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang ala-alang iyon. Kung sana’y mayroon man lang isang nasa tabi ko habang naghihirap ako labor room. Hindi ko maiwasang mapaluha habang binabalikan ang nakaka-traumang araw na iyon nagpapasalamat nga ako at hindi ako nagkaroon ng post-partm blues gaya ng sinasabi ng ilang batang ina.
“Oy yung ilong sakin yun! Diba Ja?” natatawang biro ni Ivan habang sinisiko ako.
“Akin kaya! Ang tangos ng ilong ni JC!” natatawa kong pang-aasar sa kanya.
“Makapag-salita ka naman Ja parang pango ilong ko.” Nagtawanan na lamang kami nila Elaine at Grant dahil parang bata si Ivan na ipinaglalaban ang kanyang ilong. Ang gwapo niya! Lalo siyang gumwapo!
“Ay! May ibibigay pala kami sa inyo.” Tumaas ang isang kilay ko ng makita ng makita ang dalawang coupon sa isang sikat na five star hotel.
“Anong gagawin namin dito?” tanong ko sa kanya habang winawagayway ko sa harapa niya ang coupon. Binigyan lamang ako ni Elaine ng nagtatanong-ka-pa-look na mas lalong ikina-taas ng kilay ko. Dati ayaw niya sa akin tapos ngayon siya na mismo ang nag-set up sa akin sa kakambal niya.
“Gift yan noong kasal namin ni Grant but since nakapag-honeymoon na kami ay sa inyo nalang yan. Ano ba! As if namang sinasabi kong magkasama kayong pumunta, you can go there naman separately diba?” maarteng depense ni Elaine habang iniikot niya ang kanyang buhok sa kanyang daliri. Haha. Halata naman kaya Elaine!
“Bakit hindi mo nalang ibigay kay Tita Bi---“
“Nope! Nasa bakasyon ang parents namin so no need na. Sa inyo na nga kasing dalawa! Pag-untugin ko kayo ni Ivan eh.” Gusto ko ng matawa. Obvious na gusto niyang magkasama kaming dalawa ni Ivan. Baliw talaga!
“Sa wakas makakapag-bakasyon na din. Tara Ja tayong pamilya.” Hindi pa rin ako sanay na tawagin kaming ‘pamilya’ pero sa likod non ay tumatalon ang puso ko sa kagalakan. Kami ni Ivan at JC ay pamilya? Nakakatuwang pakinggan.
“Ano ka! Isasama nga namin si JC! Ang kulit naman!” angil ni Elaine habang nilalaro ang anak ko.
“Diba JC sasama ka kay Tita Pretty?” tinignan lang kami ng masama ni Elaine ng humagalpak kami ng tawa dahil sa huli niyang sinabi.
“Tita Pretty? Asa ka Elaine!” pang-aasar ni Ivan sa kakambal nito.
“Asawa mo ko Grant tapos isa ka pa sa tumatawa?! Tss. Sige ganyanin mo ko Ivan hindi ko ibabalik ‘tong anak niyo! Dali na! Kunin niyo na yan at gumawa na kayo ng kasunod ni JC! Tara na babe, kunin mo na gamit ng pamangkin natin.” Natahimik kaming dalawa ni Ivan sa sinabi ni Elaine at matagal bago nag sink-in ang gusto niyang mangyari.
Hindi na namin napigilan pa ni Ivan si Elaine sa pag-kidnap sa anak namin. Sapilitan niya talagang kinuha ang gamit ni JC kasabwat ang asawa nitong si Grant. Ngayon ko palang nakilala si Grant at hindi ako nagkamali mabait nga ito at saksakan ng gwapo! Well mas gwapo siyempre si Ivan. Haha.
“Uhm? So doon muna ko samin titira habang wala pa si JC.” Nahihiya at mahina kong suggestion kay Ivan ng wala na ang aming mga bisita.”
“Uhm? Sige.” Nahihiya rin niyang tugon habang kinakamot niya ang kanyang batok. One thing na napansin ko kay Ivan simula pa noon ay kapag nahihiya siya ay kinakamot o minamasahe niya ang kanyang batok. Ang cute na kapag ganoon nawawala ang pagka-hunk niya at nagiging boyish siya sa tuwing ginagawa niya ang mannerism na iyon.
“Ayusin ko lang gamit ko.” Nag-iinit ang mukha ko at tainga sa hindi ko alam na dahilan. Iyong paraan ng tingin niya ay para bang pinipigilan na ako sa pag-alis. Ano naman ang gagawin ko dito? Baka sabihin niya nakikitira pa ko gayong wala naman si JC. Gosh! Ayan na naman yung mga titig niya na para bang hinahaplos na ako ng mga ito. Nakakakilabot, nakakapanginig ng kalamnan.
“Gusto mo magpunta sa Tagaytay? Iyong hotel na sinasabi ni Elaine. Mamasyal tayo.” May bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya habang ako naman ay natulala lang.
“N-now na ba?” tanong ko na para bang hindi na nag-alinlangan pa sa pagsama. Tumango siya gayon din ako.
“Sige.” Hindi ko naiwasan ang mapangiti ng tumalikod na ako sa kanya. Kinikilig ako! I can feel the butterflies inside my stomach! I didn’t know that I’m still capable of that feeling.
to be continued...