Hindi maintindihan ni Jade ang ikinikilos ng binata, hindi niya gusto ang inaakto nito, nagiging mabait ito sakanya, weird pero ayaw niya na ganoon ang lalaki sakanya.
Ginamit niya ang simpleng off shoulder na may long sleeves, tinernuhan niya ito ng high waisted na slacks at nagsandals na may takong. Ipinusod niya ang kanyang buhok at saka nag apply ng manipis na make up.
Nang bumaba siya ay nakita niyang nakahanda na narin si Luke. Napansin niya ang kakaibang tingin nito sakanya. Kasama nito si Zac na may kausap sa telepono. Tinapunan rin siya ng tingin ng kanyang kuya.
Tumikhim siya ng tuluyang makababa.
"Jade hindi fashion show ang pupuntahan mo, masyado ka atang nagprepare sa damit mo." puna ng kaniyang kuya.
Inikot niya ang mata niya at tumingin sa kuya niya. "Hindi ko problema na maganda ako sa kahit na anong ayos okay." sikmat niya at bumaling kay Luke na titig na titig sakanya. "Tara na?"
Tumango si Luke at nagpaalam na sa kaibigan niya.
"Goodmorning sir." halos lahat ata ng mga nadadaanan nila sa building ay nakangiting bumabati sa binata. Napasimid si Jade dahil kita niya na kiligin ang mga kababaihan nang makita si Luke. Hindi rin niya naiwasang mapansin ang mga bulungan kung sino siya. Aba pinag chichismisan kaagad siya ng mga ito.
'Kala ko ba magaganda nag mga taga Maynila. Wala pa sila sa talampakan ko' naisip ng dalaga.
Hinawakan siya sa siko ng binata ng papasok na sila sa isang opisina. Kinausap ni Luke ang lalaking nakabantay sa pintuan ng opisina at saka sila pinagbuksan ng pinto.
Nakatshirt lang si Luke at faded jeans na tinernuhan ng converse na sapatos.
"Finally! Oh Luke! hindi mo ba magawang magbihis manlang ng maayos!" pambubungad ni Don Leon sakanyang anak.
Bumaling ang paningin nito kay Jade na nakangiti at bumati ng magandang umaga. Kaso ismid ang isinagot ng matanda sakanya.
'Wow, ang yabang. Matapobre ata to, minamata ata ako.' naisip ni Jade pero pinanatili niyang nakangiti parin.
"Dad siya yung kapatid ni Zac. Be nice.." mahinahon na sabi ni Luke sakanyang ama.
"Hanggang kailan mo sila tutulungan Luke? noon si Zac ngayon naman ang kapatid niya? hanggang kailan hihingi ng tulong ang mga yan?" seryosong tanong ni Don Leon at hinagod pa ng tingin ang dalaga.
Huminga ng malalim si Jade at hindi na nakapagpigil ng galit. "Excuse me sir? gagalangin ko ho sana kayo dahil matanda na kayo pero hindi niyo ako kailangang matain, oo mayaman kayo pero hindi niyo kailangang mang husga, hindi kami nagpapatulong sa anak niyo. Kusa niya itong binibigay. Nagbigay siya ng tulong at hindi kami mapride na tao kaya namin tinanggap ang tulong na binibigay niya. Sa tanda niyong iyan ay sana man lang marunong kayong rumespeto kahit na ba mahirap lang ang kaharap niyo. Aalis na ako Luke pagsabihan mo yang tatay mo." pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng opisina nito. Naiwan ang gulat na gulat si Don Leon at sekretarya nito na nasa gilid ng matanda. Tumawa ng malakas si Luke kaya natauhan si Don Leon sa kanyang pagkakatulala.
Pinaalis ng Don ang kanyang sekretarya.
"See? hindi siya katulad ng ibang babae Dad, she's straightforward. Ano pasado ba?" tuwang tuwa na sabi nito sa kaniyang ama.
"Now now now..i think you finally met your match iho, pabalikin mo na siya rito ngayong napatunayan mo na ang sinasabi mo."
Umungol si Luke. "Huwag kayong mag isip ng iba Dad, gusto ko siya as a friend yun lang, don't worry sinabihan ko na agad ang security na huwag siyang paalisin. Hindi rin naman niya alam ang pasikot sikot dito." lumabas na si Luke para puntahan ang dalaga.
Nang mag isa na lamang si Don Leon ay napangiti siya sa kawalan. "No son, i think mas malalim pa ang magiging relasyon niyo balang araw..I hope.."