Ang aking nasabing 2 salita
Na ibig sabihin na mahal kita
Pagkasabi ko ay bigla kang lumayo
Lumipad na parang isang paru-paro
Hinintay na ikaw ay makabalik
Na kahit madaming babae na gusto humalik.
Ilang taon,segundo at oras
Pero ang sakit sa pag-ibig ko ay wala na atang lunas.
Sinulatan at sa tagal na naghantay
Para lang maramdaman ang dampi sa iyong kamay
Aking puso lahat lahat iaalay
Pero maabutan ko lang pala ay ang iyong lamay.