CHAPTER 9
CINDY’S POV
Bumaba na ako sa kwarto ko ng naka-uniform para mag-breakfast at naabutan ko si kuya Lay at kuya Suho na kumakain na
Nandito pa sila?
“Goodmorning kuya Lay, goodmorning kuya Suho”
Nginitian ako ni kuya Lay at binati din pero si kuya Suho hindi. Bakit? Galit ba siya?
Pagka-upos ko isusubo ko pa lang sana yung kakainin ko ng biglang magsalita si kuya Suho
“Kelan mo balak sabihin samin na nawalan ka ng malay sa school?”
O.O P-pano nalaman ni kuya?
“K-kuya ayoko lang naman n-na mag-ala—“
“Sa tingin mo ba hindi kami nag-alala!?”
Tumayo siya at tinukod ang kamay niya sa mesa habang nakatingin sakin. Natatakot na ako.
“Kung hindi pa ako tumawag sa school mo para kamustahin ang activities mo hindi ko pa malalaman ang tungkol dito! TINATAKASAN MO NANAMAN BA KAMI!?”
“H-hindi kuya masama lang talaga ang pakiramdam ko non”
“YOU BETTER NOT CLARISSA!”
“HYUNG TAMA NA!”
Napatigil si kuya pati ako sa pagsigaw ni kuya Lay this was unexpected
Clarissa? Sinong tinatawag ni kuya na Clarissa? Ako ba? Pero--
“Sige na Cindy go to your school baka ma-late ka pa” kuya Lay
Tumayo na ako at umalis sa living room nakakatakot sila kuya bihira ko makitang magkaganun si kuya Lay
***
Tahimik lang akong umupo sa classroom wala sila Bam Bam may soccer practice daw kaya wala akong maka-usap dito sa room
Wala rin si Kyle masaya ako dahil payapa ang buhay ko ngayon
Gusto kong matulog ng maalalala ko yung tinawag sakin ni kuya Suho kanina
Clarissa. Sino ba yun? Bakit ba ako tinawag na ganun ni kuya Suho?
Hindi ko namalayan na sa sobrang pagd-daydream ko breaktime na pala
SUHO’S POV
Sht. Hindi ko dapat siya tinawag nun
“Hyung you shouldn’t have done that” Lay
Marahan akong umupo at napahilamos ko na lang ang palad ko sa mukha ko
“I know. I know nabigla lang ako”
Napahawak na lang ako sa sentido ko tsk. Kung bakit ko ba naman kasi ginawa yun /-_-\
Naramdaman kong hinawakan ni Lay ang balikat ko
“Hyung stop blaming yourself it’s been a long time I know it’s hard to let go pero andito kami, si Cindy don’t let our past ruin our life right now specially Cindy”
“Natatakot lang ako na mahanap niya si Cindy at maulit nanaman ang lahat I don’t want to lose our sister this time”
“Hindi natin hahayaan mangyari yun ‘We are One’ nga diba were all in this together we’ll protect our sister together”
Napabuntong hininga na lang ako tama si Lay
“Tara na baka hinahantay na nila tayo sa SMent”
Tumango na lang ako at naglakad na kami palabas ng bahay
CINDY’S POV
Pumunta na ako sa dance room ng school dahil breaktime naman at magpa-practice kami ni Taehyung ng sasayawin namin
Naabutan ko siyang nakahiga sa sahig at nakasuot ng earphones
Tss. Tulugan daw ba ang dance room -_-
Tinanggal ko yung isang earphone niya at pumadyak malapit sa tenga niya kaya’t napabangon siya agad
Pft. Gusto kong tumawa dahil ang epic ng mukha niya pero I should keep my cool
“Sayawan ang dance room hindi tulugan” sabi ko
“Tss. Kung binilisan mo sana edi hindi ako nakatulog”
Tumayo na siya at nag-inat pa
“Ewan bilisan mo na ng makapag-practice tayo”
“Oo na atat ka naman hawakan kamay ko”
Tinaasan ko nga ng kilay ang assuming naman nito untog ko to sa salamin eh bwisit ang yabang -_-
“Asa”
Nagsimula na kaming mag-practice counting muna kasi tinuturo niya pa sakin yung choreograph
After 30 mins. Medyo nama-master ko na yung first half ng step namin
“Kaya mo na bang sabayan ng tugtog?”
Tanong niya sakin ngumiti na lang ako bilang sagot
“Okay let’s start” nagsimula ng tumugtog yung music
Lumapit na kami sa isa’t-isa at hinawakan niya na ang kamay ko napalunok naman ako leche ang awkward ng atmosphere
Umiwas na lang ako ng tingin para di awkward
“Eye contact” sabi niya at hinawakan yung chin ko para mapatingin ako sa kanya
Pucha ang seryoso niya ayaw ko ng ganito ang awkward talaga >////<
We started swaying back and forth without breaking the eye contact we continued dancing hanggang dun na sa part kung san iikot ako habang hawak niya yung kamay ko papunta sa kanya
*DubDubDubDub*
Ng matapos na yung ikot magkalapit na kami as in sobrang lapit ito na yung end ng first half na natutunan namin tuloy pa rin sa pagtugtog ang music pero wala ni isa sa amin ang bumibitaw sa isa’t-isa
We can feel each other’s heavy breath. Nakatitig pa rin kami sa mata ng isa’t-isa
His head is slowly moving forward, he look at my eyes then down to my lips and back to my eyes
Gustong-gusto kong tanggalin ang tingin ko sa kanya but there’s something telling me not to look away
I close my eyes
*Clap Clap Clap*
Agad akong napamulat at naitualak palayo si Taehyung
“Wow that was impressive buti na lang at dumating ako naku kundi kung anong milagro na ang nangyari” napalingon ako sa nagsalita
O.O yung teacher namin para sa proj. na to at si Bam Bam >////<
“Sa araw ng performance gusto ko ganyan ka intimate kids okay? Oh sige na bet ko ang partnership niyo byee”
Tapos umalis na yung baklang teacher namin -_- naiwan kaming tatlo
AWKWARD
“Alis na ako Cindy kabisaduhin mo ng maayos yung sayaw” sabi ni Taehyung at kinuha na yung bag niya at naglakad paalis ng dance room
“Wooh buti na lang pala dumating kami ni sir” napahawak siya sa batok niya
Nakakahiya >.<
Hindi ko alam ang sasabihin ko nyemas
“Tara may binili akong beef soup baka lumamig na yun”
Hinatak niya na ako palabas ng dance room
***
“Nabili mo na ba yung condo?”
[Oo naman ako pa! Anyway I bought you some clothes there para naman may damit ka pagkailangan mong mag-stay dun in case of emergency]
“Salamat Tiana I owe you big time”
[Nah. You’re a family to me kaya kahit mukha na akong P.A mo nyemas di bagay sakin eh tutulungan kita Sister’s forever nga diba]
“Of course sister’s forever”
[Ay leche ang drama na natin sige na may gagawin pa ko I’ll just text you the address of your new awesome condo]
“Okay thanks”
Then I hung up
Yes nagpabili ako ng condo wala lang for investment lang
Tumambay muna ako sa gazebo nakakapagod ang practice eh pagkatapos namin kumain ni Bam Bam kanina bumalik na siya sa soccer practice nila pinag break lang pala sila
“Hi miss!” biglang may lumapit sa aking babae
Lumingon muna ako para siguraduhin kung ako nga ang kausap nito dahil simula nung mag-transfer ako dito wala pang babaeng lumalapit sakin
“Uh hi?”
“Im Alexa”
“Cindy”
“Can we be friends?”
“Uh sure”
Seriously ang clingy ng babaeng to kapit ng kapit sakin it’s irritating me -_-
Kanina lang kami nagkakilala pero kala mo close na close kami FC niya eh /-_-
“Sama ka sa house ko pakikilala kita sa parents ko you’re my new bestie yey!”
“Sorry Alexa hindi kasi pwede eh”
Nag pout naman siya tss. Isip bata naman nito
“Dali na pleaseeee” nag puppy-eyes pa siya
“Sorry talaga, sige alis na ako” sabi ko at naglakad na paalis
I don’t want to be mean but I don’t like her presence parang may bad vibes akong nararamdaman sa kanya
Hindi ko alam pero kasi malakas ako makiramdam eh weird right?
Nag-drive na ako paalis gusto ko sanang dumaan sa orphanage eh hindi pwede baka mahalata ako nila kuya eh mahirap na
Pagpasok ko sa bahay naabutan ko si kuya Chen sa living room naglalaro ng video games
“Oh kuya panget anong ginagawa mo dito kala ko ba flight niyo bukas papuntang China?”
“Ah ano—SHET! K-kasi—puta! Anak ng!”
-____- hindi niya matanggal tingin niya sa screen ng tv tae
*LIGHT BULB*
“KUYA SI TIANA!”
“HA!? ASAN!? ASAN!?” agad siyang napatayo at nagsisigaw siya habang palinga-linga pa XD
“Pft. HAHAHAHAHA”
Me ^________^
Kuya -______-
“Masaya ka na niyan?’’ pokerface niyang tanong
“Epic face kuya! Hahaha”
“Nyemas magbihis ka na nga amoy araw ka na, panget na nga ang baho pa”
“Whatevah! Si Tiana lang pala katapat mo eh hahaha”
Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit pagbaba ko dumeretso ako sa kusina at kumuha ng bread rolls na niluto ni kuya Chen
Bumalik ako sa sala
“Si unnie?”
“Umalis magg-grocery daw”
“Nag-impake ka na kuya?”
“Nae. Tapos na kanina pa”
Nanahimik muna ako inubos ko muna yung bread rolls ng may maalala akong itanong
“Kuya may kilala ka bang Clarissa?”
Agad naman siyang napatigil sa paglalaro at tiningnan ako yung para bang kinakabahan? Bakit sino ba yung Clarissa na yun at parang ang big deal naman sa kanila na mabanggit yung pangalan niya?
“B-bakit mo n-natanong?”
“Bigla kasi akong tinawag ni kuya Suho kanina nun nung nasigawan niya ako”
He’s face turn pale, are they hiding something?
“A-h C-cindy akyat na ako kunin ko lang yung mga maleta ko baka hinahanap nako nila Minseok hyung”
Tapos dali-dali siyang umakyat ng kwarto niya
May tinatago nga sila sakin! I don’t like this I have a bad feeling about this
I don’t know but I feel really mad I mean how could they keep a secret from me!? Im their sister for freakin’s sake! >////<
Hindi ko na pinilit si kuya Chen I’ll have to find the answer myself
Pumunta na ako sa dining area kumuha ako ng baso at nilapag sa mesa at umupo na ako para kumain
Aabutin ko sana yung baso ko ng kusa itong lumapit sa kamay ko
WAIT WHAT!? YUNG BASO KUSANG LUMAPIT SA KAMAY KO PUNYEMAS!
Agad akong napatayo sa gulat sanhi para matabig ko yung baso sa sobrang taranta ko hindi ko alam pero parang tumigil yung oras everything went slowmo
At ako lang ang nakakakilos ng maayos
ANO BANG NANGYAYARI THIS IS SCARING ME!
Napa-upo ako ano bang nangyayari? Nababaliw na ba ako!? Napahawak ako sa ulo ko
Kitang-kita kong unti-unti ng babagsak yung baso sa sahig at ang unti-unting naghihiwalay ang parte nito
“AAAHHHHH!!!!”
Sa sobrang pagka-frustrate ko sigaw na lang ang nagawa ko at bigla na lang bumilis ulit yung oras at narinig ko na ang mabilis na pagkabasag ng baso
“CINDY!? ANO NANGYARI BAKIT KA SUMIGAW!?”
I saw kuya Chen running towards my direction
Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko
“ANONG NANGYARI!?”
“Y-yung b-ba-baso yung o-oras n-nab-bas-sag”
I can’t say it properly shit! Pakiramdam ko nawala ako sa ulirat ang tangi ko na lang nagawa ay ituro yung basag na baso
“Cindy umayos ka nga! Ano ba kasing nangyari!?”
“Yung oras kuya! TUMIGIL YUNG ORAS!”
Nanlaki naman yung mata niya
Tumayo siya at medyo dumistansya sakin at tumalikod pero nakita kong hinawakan niya yung sentido niya
Ilang saglit lang ay dumating bigla si kuya Kai at kuya Lay !? AS IN THEY POOF IN FRONT OF US!
WHATHELL IS HAPPENING!?
I saw kuya Kai nod to kuya Lay
Lumapit sakin si kuya Lay at hinawakan yung balikat ko
Magsasalita pa sana ako ng nakaramdam ako ng matinding antok
“Kuya…”
And everything went black
CHEN’S POV
“Kai emergency isama mo si Lay hyung may nangyari kay Cindy”
Matapos kong kausapin si Kai through Telepathy ilang Segundo lang ay dumating na silang dalawa
Sinenyasan ko si Kai at agad niya namang sinenyasan si Lay hyung
Lumapit siya kay Cindy at hinawakan ang balikat nito para mapatulog siya
“Kuya…”
Binuhat ko na si Cindy at dinala sa kwarto niya
Bumaba na ako sa sala isa-isa na silang dumating
“Anong nangyari kay Cindy?” Luhan hyung
“Hindi ko alam ang eksaktong nangyari bigla ko na lang siyang narinig na sumigaw tapos pagdating ko sa dining area nakaupo siya sa sahig hawak-hawak yung ulo niya tinanong ko siya sabi niya yung baso daw tapos tumigil daw yung oras” pagk-kwento ko
“Pero ang pinagtataka ko yung mga mata niya, kakaiba kulay abo” dugtong ko
“Onti-unti ng lumalabas ang mga kapangyarihan niya” Kris hyung
“Remember 3 years ago nung na-depress siya physical strength ang lumabas at ngayon time control naman” D.O
“Her birthday is 3 months ahead she’s turning 18 baka yun ang dahilan kung bakit unti-unti ng lumalabas ang mga kapangyarihan niya” Tao
“Possible pero bakit dati lumabas yung physical strength niya?” Kai
“May mali eh” Lay
Napaisip ako sa sinabi ni Lay hyung kasi parang kulang
“Na-depress siya nung lumabas yung physical strength niya, possible kaya na pag na de-depress siya dun lang lumalabas yung mga kapangyarihan niya?” Xiumin hyung
“Kung yun nga yung dahilan ibig sabihin depress si Cindy?” Chanyeol
“Posible rin na kapag nagagalit siya, kasi dati nung lumabas yung physical strength niya galit na galit din siya nung malaman niya na niloko siya ni Kyle” Suho hyung
“Something must have trigger her to be mad” Baekhyun
“Baka si Kyle?” Tao
Hindi eh kasi hindi naman na siya ginugulo ni Kyle pinamamatayagan ko kasi si Kyle in case na guluhin niya ng kapatid namin
Napaisip ako kanina may tinatanong sakin si Cindy tungkol kay Clarissa.
I know Cindy doesn’t like secrets hindi kaya yun ang ikinagalit niya?
“Kanina tinatanong ako ni Cindy about Clarissa”
Agad silang natigilan at tinignan ako
“Ano!?” Sehun, Kai, Baek and Chanyeol screamed in chorus
“Pano niya nalaman ang tungkol kay Clarissa!?” Kris hyung
“I accidentally called her Clarissa kaninang umaga” Suho hyung
“Eh bakit mo ginawa yun! Hyung delikado yung ginawa mo!” Chanyeol
“Alam ko nabigla rin ako di ko naman sinasadya eh”
“Ayaw ni Cindy na pinaglilihiman siya” Luhan hyung
“Hindi kaya nagalit siya dahil dun?” Sehun
“Whatever it is hindi niya pa pwede malaman ang tungkol kay Clarissa” Xiumin hyung
“Lay make her forget of what happened” Suho
Tumango naman si Lay hyung at umakyat na sa kwarto ni Cindy
Malapit na ang birthday ni Cindy natatakot ako sa maaring mangyari dahil baka dumating siya at saktan niya ang kapatid namin
“Kailangan nating paghandaan ang kaarawan ni Cindy baka bigla na lang siyang dumating at mapahamak si Cindy” Kris hyung
“We must protect her no matter what” sabi ko
At lahat sila sumang-ayon
LUHAN’S POV
“Hyung di ka pa ba sasabay?” Sehun
“Hindi sige mauna na kayo” tumango na lang siya at pumasok na sa loob ng van papunta sa show
1 hour pa naman eh susunod na lang ako pupuntahan ko pa siya.
Mula dito kitang-kita ko siya she’s dancing I saw her wearing the ballet shoes I bought her napangiti ako dahil hanggang ngayon ginagamit pa rin niya yun, I know I’m a coward ever since hanggang tingin na lang ako ni hindi ko man lang siya magawang lapitan
I watched her every move, every dance she does. Gracefull as always
Gustong-gusto ko ng magpakita sa kanya ulit kaso natatakot ako. Natatakot ako na baka galit siya sakin
I miss her so much. It’s been almost a decade simula ng umalis ako ng hindi nagpapa-alam pero sa mga taong nawala ako sa tabi niya walang balita tungkol sa kanya ang hindi nakakarating sakin
I’ve always been watching her. She’s mine and mine only. As creepy as it may sound but I’m so afraid to lose her, I’ve been paranoid in the idea of losing her kaya pinabantayan ko siya
I will gather all my strength to face her soon but for now hanngang tingin muna ako. Wait for me Arcelyn.
Hantayin mo ako pakiusap, Im sorry if I hurted you
Malapit na babalikan kita. Sana ako parin.
I can feel a tear fell from my eyes , not now.
***
Sino kaya yung pinaghahandaan nilang dumating? At bakit nila kailangan protektahan si Cindy mula sa kanya? ;)
Suho on the multimedia >>>
vjnarido ♥