Bumalik sa normal ang mga nangyari. Pumasok ulit sa paaralan si Blue. Habang si Indigo ay busy sa pag aasikaso ng mga iba pang kakailanganin sa training niya.
May mga pagkakataon na nagkakasalubong sila sa hallway ng Dean. Kunwari nalang ay hindi ito nakikita ni Blue.
Kapag may pagkakataon ay nilalapitan siya ni Marco at kinakausap.
Malungkot pa rin si Blue ngunit kapag kaharap niya si Indigo ay pilit syang ngumingiti at tumatawa.
Dumating na ang araw ng pag alis ni Indigo. Umiiyak si Blue.
Blue (crying): Hindi na kita sasamahan ha. Dito nalang ako ha.
Indigo: Oo naman. Ito naman o, sabi ng walang iyakan eh.
Niyakap niya ng mahigpit si Blue.
Indigo: Wag kang malulungkot ha. Isipin mo nalang na magka away tayo kaya hindi mo ako nakikita. Hayaan mo, pagdating na pagdating ko tatawagan kaagad kita.
Bumitaw na siya kay Blue.
Indigo: Mag iingat ka palagi ha. Wag na wag kang sasama don sa Marco na yun ha. Kundi lagot talaga sakin yun. Mas malakas ang suntok ko don.
Blue (sabay punas ng luha): Ano ka ba.
Indigo: Seryoso. Basta umuwi ka nalang kaagad after school. Wag ka ng pumunta kung saan saan. Kapag may group project don niyo nalang gawin sa bahay niyo. Ha? Naiintindihan mo ha?
Blue: Opo.
Indigo: Kiss na...
Kiniss niya sa noo si Blue at niyakap.
Indigo: I love you Blue...
Lumaki ang mga mata ni Blue ng marinig niya yun. Pareho silang napatahimik.
Indigo: Sige, aalis na ko.
Pinisil niya ang ilong ni Blue.
Indigo: Tatawagan kita kaagad pagdating ko. Bye, see you again...
Tumalikod na si Indigo at naglakad palayo. Maya maya ay humarap ulit at kumaway kay Blue at tumalikod ulit hanggang sa hindi na niya ito nakita.
Nakatulala pa rin si Blue.
Blue: Nag I love you siya sakin... Totoo kaya yun? Hmmm... As a friend lang yun, binibigyan ko nanaman ng meaning. Hayyy...
Umuwi nalang din si Blue.
Lumipas ang mga araw at naging normal lang ito kay Blue. Hindi niya gaanong namimiss si Indigo dahil palagi nga ito tumatawag. Pinupuntahan naman siya paminsan minsan ni Marco sa bahay nila.
Wala na rin ang Dean nila sa School, na stroke daw ito kaya hindi na pumapasok. Tuwang tuwa sila ni Marco ng mabalitaan ito dahil sa wakas ay hindi na nila ito makikita at wala ng iiwasan sa school si Blue. Naging close friends na rin sila ni Marco dahil palagi niya rin itong nakakausap at pinapagaan din nito ang loob niya.
Lumipas ang tatlong buwan at hindi na nagvivideo call si Indigo. Nage-email nalang ito sakanya. Wala daw kasing facebook at signal sa bansa na napuntahan nila. Marami na rin daw kasing ginagawa at pagod na pagod na ito palagi at kulang sa tulog. Naiintindihan naman ito ni Blue ngunit nalulungkot siya dahil hinahanap hanap na niya sa paligid si Indigo.