YUNO'S POV
"Miss Seira what do you want?
"Nothing Mr. Yuno concern lang ako sayo at gusto kong makatuluyan mo si Snow. Nakangiting sabe ni Seira.
"I doubt, Hindi mo ko tutulungan dahil alam kong hindi mo gusto si Snow.
"How did you say so? Masama ang magbintang yuno. Sagot nito sa nagbabantang tono.
"Hindi kita pinagbibintangan, I know what you did to arian same with snow lalo noong sabihin mong ikaw ang nagligtas kay Sir. Riddle at hindi si Snow. I know everything Miss Seira.
Ngumisi ito sakin saka lumapit at bumulong. "Magpasalamat ka nalang kase tinutulungan kita.
Bahagya akong natawa at napailing sa sinabe nya. "I don't need your help Seira just leave me alone at wag mo na ring guluhin si Snow! Mariin kong sabe.
"Fine gagawin ko yan kung lalayuan ni snow si Ride, dahil ayoko ng sagabal sa mga plano ko Isa pa, hindi ko naman talaga dinadamay si Snow sadyang pakialamera lang talaga sya!
"Gusto mo ba si Sir kaya mo to ginagawa? Tanong ko.
"No! I don't need nor like that guy sa tingin nyo ba masaya kong mapalapit sa kanya? pwes nagkakamali ka! let say may galit ako sa kanya? at unti unting kamatayan ang gusto ko para sa kanya.
"Bakit mo sinasabe sakin to? Hindi kaba natatakot na baka sabihin ko to kay Ride? taka kong tanong dahil tila hindi sya natatakot sabihin ang kabaliwan nya.
Umiling sya habang nakangisi, base sa tono ng pananalita at galaw nya tila wala sya sa sarili. Ibang iba sya ngayon kabaliktaran ng ugali nya kapag kasama nya si Sir. Nakakakilabot ang kilos nya dahil tila uhaw sya sa buhay ni Sir ride.
"Hindi ako takot Kase alam kong ikaw ang makakatulong para mailayo si Snow kay Ride, isa pa hindi mo to sasabihin dahil kapag nangyare yon lalaki ang chance na magkatuluyan sila at alam kong hindi mo gusto yon. HINDI MO GUSTONG SUMAYA SI SNOW SA PILING NI RIDE! DAHIL GAYA KO MAKASARILI KA DIN KAYA NGA GUSTO MONG PAKASALAN KA NYA HINDI BA?! mariin nyang sabe.
"Hindi ka nakakasiguro Seira! At wag mo kong diktahan. Hindi mo alam kung gaano ko sya kamahal don't defined me based on what you see! Mariin kong sagot.
"Oh really? Kase sa pagkakaalam ko mahal na mahal mo si Snow samantalanag si Ride ang gusto nito? Nakakaawa ka at yan ang totoo! Kaya ngayon gusto kong magkaroon tayo ng kasunduan, Ilalayo mo si Snow at ilalayo ko si Ride? Deal?
Nag-init ang katawan ko dahil sa inis pero pinigilan ko ang sarili ko dahil babae sya. Ayoko ring patulan ang tulad nyang baliw! "Paano ka naman nakakasigurong papayag ako sa gusto mo?
"Wala kang choice yuno. Kung hindi mo ko tutulungan madadamay si Snow. Seryoso nyang sagot.
"You are insane seira, mahal ko si Snow at hindi ko gustong mapahamak sya o mapunta sya kay Ride pero hindi ko rin gustong mainvolve sa kabaliwan mo! Mariin kong sagot.
"Well it's up to you. Dahil sa oras na mapabayaan mo si Snow I can't give you any assurance about her safety, ikaw din? baka wala ng lumakad sa aisle para pakasalan ka dahil nagmamalinis ka? sarcastic nyang sagot.
"Bakit mo to ginagawa?! Tanong ko dahil hindi ko lubos maisip na may galit sya kay sir, matalik na kaybigan ang tingin ni Sir sa kanya pero may tinatago pala itong kasamaan.
"Yuno hindi pa oras para ipaalam ko ang lahat. Hihintayin ko ang sagot mo. Puntahan mo lang ako kapag nakapag decide ka na. Sabe nya saka nag umpisang maglakad palayo.
Isa syang baliw! Pinagmasdan ko ang paglayo nya saka unti unting pumatak ang maliliit na butil ng tubig mula sa kalangitan. Unti unti na ring nag si alisan ang mga batang andito sa park dahil sa pag ulan.
Unti unti pa itong lumakas pero hindi na ko nag abalang tumayo para humanap ng masisilungan. Malamig ang bawat patak, sing lamig ng pagmamahal ng babaeng gusto ko.
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib dahil bawat araw mas pinaparamdam ni Snow na hindi nya ko kayang mahalin. Konting panahon nalang at darating na ang pinakahihintay kong araw, iyon ay ang kasal naming dalawa. Pero bakit hindi ako masaya? hindi ako excited o natutuwa man lang?
Pumikit ako at pilit kong inisip kung gaano kaganda si Snow suot ang isang magandang damit pang kasal habang lumakad palapit sakin sa harap ng altar. Sigurado akong maganda sya sa araw na yon, pero hindi ko alam kung magiging masaya ba sya oras na suotin nya iyon dahil hindi nya mahal ang taong pakakasalan nya.
"Hijo? Gusto mo ba ng ice cream? Rinig kong sabe ng isang matanda dahilan para imulat ko ang mata ko.
Nakita ko ang hawak nyang ice cream na nasa apa, nakangiti sya at tila masaya. Hindi ko sana aabutin ang ice cream na hawak nya ngunit bigla syang nagsalita.
"Gusto mo bang hulaan kita? Nakangisi nyang sabe.
"Pasensya na po hindi po ko naniniwala sa hula. Sagot ko saka ko napansing hindi na pala umuulan at hawak ko na rin ang ice cream na kanina lang ay inaabot nya. Hindi rin ako basa kahit kanina lamang ay ramdam ko ang malalamig na patak ng ulan saking katawan. It's kinda weird?
"Hijo? hindi mo kaylangang magmadali, hindi sya ang para sayo kaya wag mo ng ipilit pa. Hayaan mong ang tadhana ang magbigay ng babaeng magpapasaya sayo.
"P-po? Taka kong sagot sa kanya.
Ngumisi sya sakin at tinapik ang balikat ko. "Pakawalan mo sya para sumaya ka. Nakangisi nyang sabe.
"Sino kaba at bakit parang kilalang kilala mo ko?
"Ako? kapag sinabe ko ba kung sino ako maniniwala ka? Tanong nya.
Tumango ako sa kanya na tila desperadong makilala sya. Lumapit sya sakin saka bumulong sa harap ko. "Ako ang pumana sa puso ng babaeng mahal mo, nakakalungkot lang isipin hindi ikaw ang pinili ko para sa kanya. Pakawalan mo sya para lumigaya ka. Sagot nya, nagtayuan ang halos lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa tila garalgal nyang boses at init ng kanyang hininga saka sya bahagyang lumayo sakin at ngumisi. Nakakakilabot talaga sya.
"Pumana? Manong lasing po ba kayo o nakadrugs? Hindi mo naman siguro sinasabing ikaw si kupido tama? Natatawa kong sagot sa kanya dahil baka ginugood time nya lang ako at may hidden camera lang pala sa paligid na lalabas ano mang oras tapos sisigaw na NASA TV KA!
"Ako nga. Plain nyang sagot saka sumikat ang araw, pagmasdan mo ang liwanag mula sa kanya para magising kana. Nakangiti nyang sabe. Walang ano-ano ay sinunod ko sya pero isang nakakasilaw na sinag ng araw ang naging dahilan para mapapikit ako. Hindi ako maka dilat kaya bahagya akong napasigaw.
"Nakakasilaw!!!!
"Yuno?! Yunoo? Rinig kong boses ni Snow saka ako napadilat.
"Ayos ka lang ba? anong nakakasilaw? gusto mo bang isara ko yung bintana? Bakit kaba kase nag paulan sa park? ayan tuloy ang taas ng lagnat mo! Nag aalalang sabe ni Snow. Nakita ko din ang namumuong luha sa kanyang mata dahil sa pag aalala.
"Asan ako? Tanong ko dahil kanina lang ay may kausap akong matanda.
"Andito ka sa bahay, may nakakita sayo sa park wala kang malay at sobrang taas ng lagnat. Pinag alala mo ko sobra yuno. Sabe nya saka pinahid ang luha sa gilid ng kanyang mata.
"Pasensya na hindi ko sinasadya. Sagot ko habang pinagmamasdan sya hanggang sa naalala ko yung matandang kausap ko sa park kanina. "May matanda akong kausap sa park kanina asan na sya?! Nag aalala kong tanong.
"Hindi ko alam? pero sabe ng nakakita sayo may kausap ka daw na babae tapos pag alis nya umulan tapos ikaw nanatili ka lang daw don saka ka bumagsak?
"wala daw ba kong kausap na matandang lalaki? Tanong ko at sigurado akong may kinausap akong matandang lalaki.
Umiling si Snow, hanggang sa natawa nalang ako sa sarili ko dahil baka panaginip lang lahat. Imposible rin kasing totoo yon dahil sinasabi nyang sya si kupido? May sakit lang siguro ko kaya ganon ang panaginip ko.
Nakita ko ang bimpong hawak ni Snow pampunas sakin kaya nakaramdam ako ng guilt. Kelan lang kung ano anong masasakit na salita ang sinabe ko sa kanya pero heto pa din sya at inaalagaan ako buong lakas.
Hinila ko ang kamay nya saka ko sya niyakap. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya saka ako patagong umiyak, mahal ko sya kaya pipiliin ko ang kaligayahan nya.
Naramdaman ko ang kamay ni Snow na tinapapik ang balikat ko. Siguro nga dapat makuntento na ko sa pagiging matalik na kaybigan nya.