Dion's POV
"Ready na ba lahat?" Tanong ni Ate Danna
"Yes! Handa na lahat, walang kulang" Sagot ko, boy scout kaya ako noon
"Nakakapanibago ka ngayon ah? Anong nangyari sayo?" Niramdaman niya ang noo at leeg ko, anong iniisip ba niya "Ang aga mong nagising, siguro inspired ka nuh?" Tukso niya, ako? Inspired? Kanino naman?
"Hindi ate noh! Halika na nga para makapag byahe narin tayo tatlong oras pa naman yung byahe" Sumakay na kami sa van
Ako, si Ate at si Mommy lang ang pupunta .. Si Daddy naman? Ayun! May inaasikaso pero mas mabuti narin yun para hindi masira ang araw ko. Masaya pa naman ako ngayon at kahapon, hinatid ko kaya si Hennessy sa bahay nila, kinumusta nga rin ako ni Tito Steve, alam niya ang nangyari sa amin ni Hennessy pero naiintindihan rin naman niya, I wish I had a father like him
Hindi kami masyado nagusap habang nasa byahe, kasi si Mommy at Ate, tulog! Kung tatanungin niyo ako kung anong ginawa ko? Ayun, iniisip yung mga nangyari kahapon, nung niyakap ko siya, nung niyakap niya ako pabalik, ang saya ng date namin noh? Ya ya ya, I call that a DATE! Umangal pangit!
pero sa huli nakatulog rin ako
~~
"Dion gising na uy!" Dahan dahan kong minulat ang mata ko, andito na pala kami, Si Mommy gising na rin, lumabas na ako ng sasakyan, hinayaan na lang namin na yung driver at yung dalawang body guard ang mag dala ng mga gamit namin sa loob ng hotel
I miss here, I miss Tagaytay, ang dami naming ala ala ni Hennessy dito! Ang sarap lang balikan, Hindi parin nagbabago kung ano ang mga nandito, napapangiti na lang ako sa mga sinasabi ko
"Mr. Fernandez! Nice to see you again!" Tumingin ako kung sino yung nagsalita, she's very familiar ... buffering ... buffering
Got it!
"Faith! Kumusta ka? Andaming nagbago sayo" Yea, Her hair was short, at hindi narin siya maputi medyo tanned na yung skin niya
"Okay lang naman ako, at syempre kailangan ko rin naman magbago diba? Tska ikaw rin naman lalo kang pumogi! Kumusta kayo ni Hennessy? Kayo na ba?" Mukhang excited siya sa isasagot ko
Ngumiti na lang ako, gets narin niya yun
"Mauna na pala ako baka hinahanap na ako ni Mommy, sige see ya around" at umalis na ako, naglalakad lang ako na nakatingin lang sa baba, ang ganda parin talaga ng buhangi-- OUCHH!
NATAMAAN AKO NG BOLA SA ULO! Ang sakit! Napahiga nga rin ako sa lakas ng pagkatama sa akin eh, pisting volleyball na yan!
"Sorry po talaga" Sabi nang babae, tutulungan niya sana akong tumayo kaso tumayo na ako ka agad at hinarap ko siya
O//O
"Dion!?" "Hennessy!?" Sabay naming sabi
"Anong ginagawa mo dito!?" Sabay na naman kami, halah! What a coincidence, andito siya at andito ako sus tadhana nga naman
"Trip ko lang bakit?" Sagot niya, seryoso siya dun? Weh? o baka naman...
"Weh? Baka kasi hindi mo kayang di ako makita ng isang araw? Kaya sinusundan mo ako? Dahil miss mo narin ako?" Sabi ko at sinipa naman niya ako sa braso, walang hiya hahaha
"Aminin mo, namimiss mo ako nuh?" Nakikilig naman ata siya napansin ko kasi namula siya eh lol.
"Hindi noh! Ang kapal naman ng mukha mo" Sabi niya tumawa pa siya pero halata naman na nakikilig siya
"Pero seryoso bakit ka nandito?" Tanong ko, naging malapad naman ang ngiti niya
"Kasi gusto kitang makita" nakangiti lang siya, habang ako nga nga
"Ah okeyyy" Ngumiti rin ako, ang seryoso niya kasi eh
Bigla naman siyang tumawa ng malakas
"WAHAHAHAHA joke lang! Naniwala ka naman agad! Pumunta kami dito kasi magbabakasyon kami, bakit may angal?" Naisahan ako dun aa
"Ah, okeyy kasama mo ba sina Tito?" She shookt her head means NO
"Eh sino?" Tanong ko
"Si ... "
"Hennessy!" Pareho kaming tumingin sa kanan, may lalaking lumalapit sa amin, maputi, pogi kaso mas pogi ako, matangkad Teka sino ba tu?
"Vhien?" Nakalapit na si Vhien sa amin, parang anino lang ako dito, hindi ako tinignan ni Vhien
"Lets go lunch is ready" sambit niya kay Hennessy, hihilain na sana siya ni Vhien kaya lang
"P-p-peroo" Tumingin sa akin si Hennessy at napatingin narin si Vhien
"Don't tell me gusto mong kasama etong lalaking to" tinaasan ako ng kilay ewww feeling on fleek kilay niya eh hindi naman
"And besides, kung nasan ka, andun rin dapat ako" dagdag niya
"At bakit naman?" Sumbat ko
"Kasi sabi ni Tita at Tito na ako ang bahala sa kanya at hindi ikaw na ex niyang walang kwenta!" Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Yung mukha ko nag iinit na, si Hennessy kawawa naman na nagpapatigil sa amin
"Ex niyang manloloko at mang iiwan! Ano masaya ka na!?" Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya
"Sino ka ba sa akala mo eh bago ka lang naman ha!? At isa pa huwag mo akong tatawagin na mang iiwan at manloloko dahil hindi mo alam ang buong istorya naiintindihan mo!?" Patalikod na sana ako nang bigla niya akong sinuntok at napahiga ako sa buhangin
Lumapit naman agad sa akin si Hennessy para tulungan akong tumayo
"Ano Hennessy? Kakampihan mo siya?" Nagalit naman si Hennessy sa sinabi niya at hinarap niya si Vhien
"Ano? Vhien? What the hell! Masama bang tumulong? Sinuntok mo yung tao eh! Kaibigan pa naman kita bakit ka nagkakaganyan!?"
"Eh kasi gago siya eh!" Sigaw niya
"Mas gago ka!" Buffering buffering, shookt sinabi niya yun?
"Halika na Dion" Hinila na niya ako paalis, si Vhien naman ayun naka tayo lang at naka nga nga wahahahaha, LT yung mukha niya
Pumunta kami sa isang garden, walang katao tao dito, naka indian sit lang kaming magkatabi at walang umiimik
"Uy, smile ka naman" Tumingin naman siya sa akin at ngumiti
"Fake yang ngiting yan" Sabi ko
"Paano mo naman alam?" Tanong niya
"Kilala kaya kita" kalmadong sagot ko, tumingin siya sa akin
"Weh? Sino ang crush ko?" Tanong niya, tumawa naman ako
"Sino pa ba? Eh di ako" confident ako sa sagot ko nuh
"Sira! Hindi!" Ako yunnn deny pa moreeee
"Sino naman"
"Si Zayn Malik right? Si Daniel Radcliffe"
"Sila parin ? Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ko
"Hindi noh, never akong magsasawa sa taong mahal ko" Sagot niya
"Ah kaya hindi ka pa nagsasawa sa akin?" Lumaki naman ang mata niya "Wala na kayo ni Lee?" Tumingin siya sa ibaba
"Sorry --- "
"Oo, wala na kami, matagal na, kasi narealize niya na mas deserve ko ikaw, at alam niya na dun lang din ang patutunguhan nun .. pero hindi. Akala ko babalik ka na sa akin nung pinapapunta mo ako nung gabing yon mali pala ako, closure pala yung kailangan mo" Bigla siyang nalungkot, hindi ko alam pero niyakap ko na lang siya
"Siguro hindi talaga tayo itinadhana" Nagulat ako sa sinabi niya, kaya ako bumitaw sa yakap
"Siguro para ka sa taong papakasalan mo sana" HINDI! IKAW YUNG PAKASALAN KO! NAIINTINDIHAN MO BA. IKAW YUN!
"Eh paano kung ayaw ko sa kanya?" Sabi ko
" *sigh* Hindi mo naman ma cocontrol si Tadhana diba?" Tama ka sa sinabi mo Hennessy pero ikaw ang gusto ko okey?
"Ah, ewan ko, mauna na ako baka hinahanap na ako nila Mommy, ikaw rin punta ka na, baka kanina ka pa hinahanap ni Vhien" umalis na ako, hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, oo na bastos na ako
Nung nakarating na ako sa hotel room, andun sila
"Anong ginagawa mo dito?" Panira ng araw oh!
"Dion, andito siya para magbakasyon kasama tayo wag ka ngang ano diyan" Sabi ni Ate Danna
"Hayss sira na naman ang bakasyon ko" pabulong kong sabi
"Dion! Wear your manners!" Sigaw ni Mommy, ngayon ko lang siyang makitang galit na ganito
"Alis na ako, ayaw ko na dito" Lumakad ako palayo pero naririnig ko parin ang sigaw
"Dion bumalik ka dito!"
"Hoyy unggoy!"
"Kausapin mo yung Daddy mo!"
Tssse! Mas mabuti pang umalis na ako kaysa naman kasama siya
Gabi na pala ang layo narin pala yung nilakad ko, makaupo nga muna ako dito sa buhangin
Ang tahimik dito, walang tao ako lang, malayo na rin ata ito sa hotel, maganda na rin yun para malayo ako sa Daddy ko
Kung hindi sana sa Daddy ko, siguro kami parin hanggang ngayon, siguro forever na kami.
Hennessy miss na kita ... naalala ko na naman yung panahong nililigawan pa lang kita ...