[05]
(Althea POV)
*O*
Di naman halata na nag ddaydream ako diba?
Ihhh.! Kasi naman ang gwapo niya eh ..
"Yes? Mr.Zest?"
Napukaw ang atensyon ko sa tinawag ni ms.Gladys
Napatingin ako sa likod
Omo .. >_< si mr.serious ang sasagot ..
Grabe bat ang gwapo nya?
Pero teka .. ? Sure ba si ms.Gladys na nag shift lang sila ng course? Eh bat alam nya ang difference ng asian at mideterranean cuisine?
Wow ha.. Di lang gwapo .. Matalino pa..
Grabe sya na talaga .. Tinitigan ko lang sya habang nag sasalita ..
*dugdug dugdug
Napahawak ako sa tapat ng puso ko .. Ano to? Bat ganto .. bakit bigla nalang naging abnormal pintig ng puso ko? oo na abnormal ako pero iba talaga tong nararamdaman ko ngayon ..
Napaiwas ako ng tingin ng mapansin kong napatingin din dito si Kai..
Aish! Napahawak uli ako sa dibdib ko .. Ramdam ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko ..
Grabe naman ang epekto ng lalaking to sa puso ko .. He's bad for my heart .. Baka atakihin ako sa puso kung diko titigilan ang pag titig sakanya..
Buong oras ng klase .. Naging maayos naman kahit papano ..
Tong katabi ko lang ang may malaking problema.. kung ano diko alam sakanya
kanina pa kasi di mapakali ..
Ewan ko ba sa babaing to simula ng dumating ang mga gwapings na iyon di na nagawang huminahon at take note ha ..
Nung lunchbreak lumapit samin yung cool guy sa kanilang tatlo at tinanong kung asan ang canteen .. Sinungitan ba naman ng bruhang to ..
Oh di ba? Di kaba magtataka non?
Pagkatapos nun? Di na umimik ang bruha ..
Nakakapanibago ..
Anyare kaya sakanya ..
Nakuha ng natapos ang buong araw .. At dismissal na di pa rin umiimik ang loka
Hanggang sa nag uwian nalang kami..
may pupuntahan nga pala ako
nag paalam ako kay Jade na mag aapply ngayon sa isang restobar ..
Nauna nakong umalis sakanya at pumunta na din sa restaurant na pag aapplyan ko .. 4 na din kasi ng hapon kaya nag mamadali akong nagpunta sa isang public restroom na malapit sa resto na papasukan ko para magchange outfit..
Ng makapag bihis pumunta na ako sa nasabing resto.. Nasa bungad palang ako ng magtanong ako kay manong guard na nakabantay duon
"kuya pwede magtanong?"
"sa lagay na yan .. Di ka pa ba nagtatanong?"
Aba't antipatikong guard to ah ..
Kalma lang Althea baka di ka pa papasukin nyan..
"ah mawalang galang na ho manong guard .. Itatanong ko lang sana kung available pa po ba yung hiring position na naka paskil dyan.." kalmadong sabi ko ..
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.. Na wari mo'y minamata ako ..
Tinignan ko din ang sarili ko at tinaasan ko sya ng kilay
"anong problema kuya??"
"problema? Wala naman .. Sa lagay na yan .. Nag aapply ka pala .." napangising sabi nya
Abat ang hinayupak na to..
"mawalang galang na ho uli .. Kayo po ba ang may ari ng resto na to at kung makapang lait kayo.. Sobra??"
Diko na napigilan ang sarili ko at nasagot ko na sya ..
Grabe naman kasi tong guard na to ..
daig pa ang amo kung makalait..
"pumasok ka na nga .. Dun ka magtanong sa may counter !"
Aba't nag sungit pa ang matandang to ..
Makapasok na nga baka masagot ko pa ang guard na to.. Maka suplado kala mo sya may ari ng restong to .. Eh guard lang naman sya dito
Lumapit nako sa counter na tinutukoy Ng masungit na guard na iyon..
Lumapit ako sa isa sa mga empleyado na naka position sa counter na iyon..
"Miss , pwedeng magtanong? May job opening pa bang available?nakita ko po kasi yung naka paskil sa labas eh.."
"ano bang skills ang meron ka miss?"
Magiliw na tanong nya .. Pinag masdan ko sya .. Infairness kahit wala syang make up .. Maganda parin sya .. Diko masabi kung ano ang edad nya pero sa tingin ko di rin naman nagkakalayo ang edad namin ..
"kahit ano kaya kong gawin .. Sa previous job ko kasi waitress ako kaya pwede uli akong maging waitress.. Or bartender sa bar ninyo ..pwede din akong maging utility staff lahat pwede .. Ang hirap kasing maghanap ng trabaho ngayon sa totoo lang .. Lalo na sa isang estudyanteng katulad ko.."
Mukhang nakumbinse ko naman sya kasi nakangiting inabutan nya ako ng application form ..
"paki fill up nalang yang form na yan :) ha .hmnn. as i hear it right. estudyante ka .. Your here for a part time job? Nakaka amaze ka naman girl .. Bihira nalang sa panahon ngayon ang masisipag na tulad mo .."
Napangiti naman ako sa sinabi nya
"eh miss .. Diba masungit ang boss mo dito??" tanong ko
"Hindi ahh .. Ang baet kaya ni sir.. And take note girl .. Gwapo pa.. Ahihihi"
Napangisi naman ako sa tinuran nya may tinatagong kalandian din pala tong kaharap ko ..
"sa tingin mo makakapasok kaya ako dito?"
Tanong ko at saka ibinigay na ang form ng matapos kong sagutan lahat ng nakalagay doon
"dont worry girl .. Mukhang qualified ka naman .."
Ng tinignan nya ang form Na sinagutan ko
"Ms.Althea Quizon right?"
Napatango ako.. You heard it right .. Yan ang real name ko ..
"Pakihintay nalang ang tawag namin for your interview date .. Wag kang mag alala sa palagay ko naman ma hhire ka .."
Napangiti ako sa good news na iyon..
Bago ako umalis sa harapan nya
"ah miss ano nga uli ang pangalan mo?"
"Sofia name ko .. " nakangiting sabi nya
"ah. Ms.sofia pwede bang magdala ako ng isa ko pang kaibigan kasi po nag hahanap din sya ng trabaho .. "
"ofcourse pwede naman.."
"sige po salamat.."
"ah wala nama—-"
Napahinto sya sa pagsasalita ng mapatingin sya sa may entrance ng resto ..
"His here!"
At automatic napatingin din ako sa entrance
Hindi lang ang babaing kaharap ko ang napahinto maski na rin ang buong nasa resto ay napatigil na rin ..
Oh My God! Its Kai Zest .. Anong ginagawa nya dito ..
While he's walking .. I cant help myself na titigan sya mula ulo hanggan paa.. Kinapa ko ang baywang ko to make sure na hindi pa nalalaglag ang suot kong pantalon .. Baka kasi bigla nalang malaglag ang pantalon ko kasama ang panty ko .. This man was so sinfully gorgeous ..
*O*
Grabe talaga ang epekto nya saakin ..
Hindi nanaman napuknat ang mga mata ko sa pagtitig sakanya..
Muli nanamang nag regidon ang puso ko .. At muli nanaman akong napahawak sa dibdib ko..
Napalunok ako ng mapansin kong papalapit na sya sa pwesto ko..
NAng tumapat na sya sakin hindi ko na napigilan ang sarili ko ..
"Hi.." bati ko sakanya at saka ako Kumaway sakanya..
Napangiti ako ng tapunan nya ako ng tingin..
Grabe sa simpleng sulyap nya para nakong Highschool student na kinikilig dahil pinansin ako ng crush ko ..
Napansin ko naman napasinghap sila ng mapatingin sya saakin
Inalis na rin naman nya ang paningin nya saakin ng tawagin nya ang pansin ni Sofia
"Sofia .. Hows the Resto?"
"maayos naman po ang lahat dito sir"
Te-teka .. Sir? Tinawag ba nya si Kai na sir?
Ibig sabihin?
Napatitig nalang ako sakanya ng mahinuha ko ang katotohanan ..
Hindi ko na naalis ang tingin ko sakanya hanggang sa nawala nalang sya sa harapan ko ..
Nagpunta na pala sya sa office nya..
Pagkalapat na pagkalapat ng pintuan parang doon lang din nagkabuhay uli ang mga taong nasa resto..
"Grabe ang gwapo nya talaga!"
"Seeing him is like heaven to me kyaaaa!!"
"i think im gonna die !! Im gonna die!!"
Susme over naman maka react ang mga to .. No wonder kung bakit puro babae ang mga parokyano nila sa restaurant na ito..
"Grabe Althea ang swerte mo naman.."
Napatingin naman ako kay sofia dahil sa tinuran nya?
"swerte? Bakit naman?"
"kasi tinignan ka nya.. Alam mo bang sa tinagal tagal ko dito bilang cashier slash assistant ni sir Kai .. Ni hindi man lang sya tumitingin kahit na sinong babae dito.."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya ..
"sya ba ang may ari ng restong to?"
Curious kong tanong kay sofia.. Though narinig ko na kanina.. Gusto ko lang maconfirm talaga..
"Oo sya nga .. I told you ang gwapo nya
Diba? Kaya ang swerte swerte mo.." kinikilig na sabi nya
"nge! natural titignan nya ako .. Nag hi kasi ako sakanya .. Anong kswerte swerte don? Samantalang ako sulyap lang ikaw .. Kinausap kapa.." takang tanong ko
"eh kasi naman .. Pure bussiness lang naman kapag nag uusap kami .. Ni hindi ako pinapansin ni sir kung hindi about sa resto ang pag uusapan namin"
Namangha naman ako pagka rinig nun..
Hindi lang pala sya gwapo . Matalino .. Mayaman pa higit sa lahat responsable.. Ahh.. My type of a guy *_*
"ah eh isa pang tanong? Madalas ba sya dito?" excited kong tanong ..
Malay nyo naman diba? Baka tadhana na talaga na maging boss ko sya at dahil nga boss ko sya magiging close kami at pag naging close kami .. May chance na ma fall sya sakin .. Kyaaaaaaaaaa!!!! *Q*
"Hui! *snap *snap" napabalik ako sa realidad when sofia snapped out at me..
"ok kalang" tanong nya
"ah eh oo .. Aha-ha " pilit kong tawa..
"anyway .. Unfortunately hindi sya madalas dito .. Minsan kasi pumupunta lang sya dito pag may happenings sila ng barkada nya .."
"ah ganun ba? Sige alis nako ha .. Salamat uli sofia"
"wala yun sige!"
Pagkatapos kong magpaalam umalis na rin ako ng resto ..
Nadaanan ko pa nga si manong guard na masungit.. Inirapan ko lang sya pagkakita ko sakanya tsaka nako umalis ..
Habang on the way pauwi hindi ko mapigilang hindi isipin si Kai ..
Grabe .. Sobrang Perfect nya .. Para syang Prinsipe sa mga fairytale na nababasa ko .
(KAI POV)
Pagka pasok na pagka pasok ko ..
Umupo agad ako sa swivel chair ko at naghintay ng ilang minuto para tawagin sa intercom na nagcoconnect kay sofia . She is my assistant
Pinindot ko na ang intercom ko
"Sofia"
"yes sir?"
"come to my office now"
I need to know kung anong ginagawa ng babaing yun dito ?
Ilang segundo rin naman ang lumipas ng kumatok na si sofia sa pintuan ng office ko
"come in" i said
Nang makapasok sya .. Pinaupo ko na sya sa upuan na nakatapat sa table ko
"ah .. Ano po yun sir? May kailangan po ba kayo?" she said
"wala naman .. May gusto lang akong malaman .." sabi ko
"about saan naman sir?"
"about sa babaeng kausap mo kanina "
Napangiti sya ng marinig ang tanong ko
"ah opo.. Speaking of that girl sir..here's her resume.. She's applying a job here together with her friend po"
Friend? Hindi kaya si—
" .. Andyan na din yung resume ng kaibigan nya"
Pagka tingin sa dalawang resume .. Napa ngisi ako ..
Tama nga ang hinala ko..
"so sir what do you think? Mag sschedule na ba ako for their interviews?"
"no need for their interviews" sabi ko
Nawala naman ang ngiti sa labi ng assistant ko
"bakit sir? Di po ba sila tanggap?"
"No. They are already hired. According to their resume marami na silang experience being a crew or waitress.. So no need na interviewhin sila .. "
"is that so sir?" nakangiting sabi nya..
"yes .. And pwede na silang mag umpisa bukas .. Let them know immedietly by the way .. I need to go .. Mukhang wala namang Nagiging problema dito .. Kaya aalis muna ako .. Gaya ng dati . Ikaw muna ang bahala dito .. Call me pag nagka problema ok?"
"yes sir"
Tsaka na sya umalis .. Napangiti naman ako habang tinetext ko ang mga kolokoy tungkol sa magandang balitang sasabihin ko sakanila
Mukhang magiging madali nalang kunin ang tiwala ni Young Lady ..
Mukhang mapapadali na ngayon ang trabaho namin..
———————————————
Pasensya na sa slow progress ng story .. I know boring ang simula .. Gusto ko kasing makilala nyo ng mabuti ang bawat karakter na lalabas .. Sana di kayo maboring :)
Please Vote .. Recommend specially comment naman kayo .. Please please .. Para alam ko kung anong nararamdaman nyo about sa storyang to ^__^
nasa left pala ung pic nila kai at althea :D
By the way may mga few lines diyan na base sa fav. Pocket book ko..