EPILOGUE: The End
9 months after...
"Yie, Ara! Ninang ako kapag nabinyagan na 'yang baby mo, ha?" Natutuwang sambit ni Jennifer, habang hinihimas himas ko ang tiyan ko.
"Asan na ba 'yung boyfriend mong si Altair? At saka 'yung dalawang mag-asawang abnormal?" Naiinip na tanong ko.
"Aba! Si Altair na sa mall, pinapahanap ko ng mga gamit na pang baby. 'Yung dalawang kumag, hindi ko alam," sagot niya, kumunot naman ang noo ko.
"BUNTIS KA?!" Nagugulat na tanong ko. Bakit naghahanap ng mga gamit for baby si Altair? Magiging ama na din ba siya?!
"Anong buntis? Syempre ireregalo ko 'yun sa mga anak niyo ni Raiza, 'no, Duh!" Saad niya at inirapan ako, naalala ko rin na nag-one year old na si baby Ivy.
"Nagugutom ako," pagrereklamo ko.
"Oh, eh, asan ba 'yang asawa mo?!" Tanong niya pa.
"Naglilinis ng kotse. Sandali nga! Naiihi ako!" Sambit ko at tatayo na sana ako nang-
"Omayghad! WAAAAH!! ARA! GAGO BAKIT DITO KA UMIHI?!" Natatarantang sambit ni Jennifer nang pati ako ay may maramdamang umagos mula sa pagitan ko. Bumaba naman ang tingin ko doon at napaawang ang labi ko nang may makitang umagos na tubig doon. Saglit na nangibot ang bibig ko at kasunod niyon ay ang pagkirot ng ibaba.
"A-ara.." nahihirapang sambit ko.
"Ano?! Ano?! Tangina, bakit kasi dito ka umihi?!"
"Manganganak na ako!!" Sigaw ko at malakas na napahiyaw nang maramdaman kong mas lalo pang sumakit iyun.
"OMAYGHAD! TYRON!!"
Jennifer's pov
"TYRON!!" Punyetang lalaki! Asan na ba 'yun?! Manganganak na si Ara!
"Hinga ka lang nang malalim, espren ha? Akong bahala sayo," pagpapakalma ko sa kanya kahit hindi ko alam kung naririnig pa ako nito dahil panay lang siya nang daing at hiyaw.
"Wha-"
"Punyeta ka! Saan ka ba nagsusuot?! 'Yung asawa mo manganganak na!!" Sigaw ko dito, nanlaki naman ang mata niya nang makita niya agad si Ara.
"Damn!" Mura nito at nagmadaling lumapit kay Ara, hindi na siya nagsalita pa at walang pasabing agad na binuhat ito at mabilis na itinakbo papasakay sa loob ng sasakyan na kalilinis niya lang.
Hindi ako mapakali kaya naman sumunod na ako sa kanila.
"Pakibukas ng pinto ng kotse, please!" Utos nito sa akin kaya dali-dali ko namang binuksan 'yung pinto para tuluyan niya nang maihiga si Ara na agad ko namang tinabihan si Ara para alalayan. Halos mabasag na rin ang eardrum ko sa sobrang lakas ng hiyaw nito pero hindi ko na 'yun pinansin dahil natataranta na rin ako nang dahil sa sobrang kaba dahil hindi ko alam ang gagawin, ponyeta!
Bakit naman kasi hindi agad nagsabi na manganganak na, eh!
Hindi ko alam na nakaalis na pala kami sa bahay at hindi ko alam kung paano kaming mabilis na nakarating sa hospital at agad na dinala si Ciara sa loob ng delivery room.
"Make sure she'll be fine," hingal na hingal na pakiusap ni Tyron nang maayos na naipasok roon si Ara. Pareho naman kaming nakahinga ng maluwag ni Tyron, pero ramdam ko pa rin ang pagka-taranta niya.
Nakaka-stress pala ang mag-panic, jusko. Partida, hindi ako ang manganganak pero grabe na 'yung tindi ng kaba na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko lalabas na 'yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog.
Naupo muna ako sa isa sa mga bench upang magpahinga, ngunit parang mas nahihilo lang ako lalo nang dahil sa kasama ko na hindi manlang umupo at lakad lang nang lakad sa harapan.
"Hoy! Kumalma ka nga!" Suway ko sak anya pagkatayo ko, dahil hilong hilo na talaga ako kakasunod ng tingin sa kanya. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha niyang namumula na at parang gusto nang sumigaw sa sobrang saya nang humarap siya sa akin.
"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ko.
Nagulat pa ako nang bigla niya na lang akong yakapin nang mahigpit.
"Thank you! Fucking thank you!" Narinig kong paulit-ulit niyang bulong. Tinapik ko naman ang likod niya kahit hindi ko alam kung bakit siya sa akin nag t-thank you, eh hindi naman ako ang gumawa ng baby nila. Ginagago ba ako nito?
"Congrats," bulong ko dito at tinapik-tapik pa siya sa likuran, dahilan para ang kaninang saya niya ay dahan-dahang napalitan ng hagulgol. Agad naman akong kumalas sa yakap at tinignan ang mukha niya.
"Gago, bakit?! Tangina naman nito, kumalma ka nga!"
"Sorry haha, I can't control it." Natatawang sambit niya habang may tumutulo pa ring luha mula sa mga mata niya na agad niya namang pinunasan at halos mamula na 'yun kakakusot at kakapigil ng iyak kanina pa.
"I-I'm just happy. I can't believe na manganganak na siya, magkaka-baby na kami." Nakangiting sabi niya, 'yung mga luha niyang pilit pinipigilan ay muli na namang tumulo.
Pinunasan niya naman 'yun nang pinunasan, pero hindi pa rin talaga tumitigil kaya naman napamura na lang siya sa hangin, dahilan para matawa ako dahil ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Tyron.
Natotouch ako, parang gusto ko ring umiyak! Huhu! Heh! Ang arte mo Jennifer, andiyan naman si Altair- charot. Ew. Omg, boyfriend ko na pala siya, pero ew pa rin. Yuck.
"M-magiging daddy na ako. Magiging daddy na ako, Jennifer! Magiging daddy na ako! Thank you, Lord! May baby na kami!" Umiiyak na sabi niya, kaya hindi ko napigilang maluha habang nakangiti.
Kapag hindi ganyan kasaya si Altair kapag nagkaanak kami ipapatapon ko talaga siya sa outerspace, huhu nakaka-touch si Tyron. Ang saya saya niya. Sana all.
"UWAAAAAAH!!" Nagkatinginan kami ni Tyron nang makarinig kami ng iyak ng baby.
"I-it's my baby!" Nagugulat na sambit ni Tyron at mabilis na napatayo at dali-daling sinalubong ang lalabas mula sa kwarto, kaya naman pati ako ay napasunod sa kanya ate heto na naman ang kaba ko pero naroon na ang tuwa at pagka-excite sa kung ano mang makikita.
Gosh, hindi ko akalaing magkakaanak ang bestfriend ko, pakiramdam ko ay napalaki ko siya ng maayos dahil nasaksihan ko ang paglaki niya pati na rin ang paglaki ng tiyan niya.
"UWAAAAAAAH!!!" Iyak muli ng baby, nakita ko namang nagpupunas ng luha si Tyron.
He's totally ready to be a dad.
Bumukas ang pinto. "Doc!" Si Tyron, sinalubong naman kami ng magagandang ngiti ni doc.
"Congratulations, Mr.Collins!" Nakipag-kamay si Tyron sa doctor at may kung ano pa silang pinag-usapan. Matapos ng ilang minuto ay nilipat ni si Ciara sa ibang kwarto. Sa semiprivate room na agad naman naming sinamahan. Hindi pa namin nakikita 'yung baby dahil nililinisan pa daw, bukod doon ay tulog pa si Ara kaya mamaya pa nila maibibigay 'yung baby pagkatapos nilang asikasuhin.
"Pwede na po bang pumasok?" Tanong ko nang maayos nang nailipat si Ara sa semiprivate room.
"Of course, ihahatid na lang dito ang baby kapag nalinis na ito ng maayos," sagot ng nurse.
Ciara's pov
Ikaw lang, ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.
Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw pa rin ang gusto ko.
Kahit na sinasampal at sinisipa't nasusugatan mo.
Ikaw pa rin, walang iba.
Ang gusto kong makasama.
Walang iba.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang may maramdaman akong presensya ng kung sino sa tabi ko dahil rinig na rinig ko ang pagkanta nito.
"Walang iba.." pagpapatuloy njya sa kanta.
"T-tyron.." mahinang sambit ko, dahilan para gulat niyang iangat ang paningin niya sa akin.
"Wife!" Masayang tugon niya bago ako niyakap.
"A-asan 'yung baby natin?" Tanong ko nang maalala ko kung gaano ko kahirap iniluwal 'yun kanina. Pakiramdam ko ay muntik na akong bawian ng buhay kanina dahil sa hirap.
"Mamaya daw dadalhin dito, nag-iisip na nga ako kung anong pwedeng ipangalan eh." Nakangiting sabi niya.
"Kung lalaki, pwedeng Sid, Shaun, or whatever that will suit him." Nag-iisip na sabi niya kaya natawa ako.
"Wife?"
"Hmm?"
"Let's name our baby after us." Nakangiting sambit niya.
"Ciaron," dagdag niya dahilan para lumukot ang mukha ko.
What?! Ciaron?!
"Ayoko, ang pangit naman!"
"Anong pangit?! Pinag-combine na name kaya natin 'yun!"
"Ayoko nga eh!"
"Basta, Ciaron!"
"Ang pangit nga!"
"Maganda kaya."
"Shut up or I'll kill you?!" Banta ko dito.
"Ciaron or I'll kiss you?!" Banta niya rin dahilan para mamula ako.
Hmm? Ano bang magandang pangalan?
"Ahuh! Alam ko na! / I knew it!" Sabay naming sambit habang nakangiti. Tumaas naman ang kilay ko.
"Siguraduhin mong maganda 'yan, ah." Kunot noong saad ko.
"Sige, para maganda, sabay nating sabihin ang idea natin, game?" Suhestiyon niya kaya napatango naman ako.
"Game, 1!"
"2!"
"3!!!"
"Kill/Kiss." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong sa'yo?!" Gulat na tanong ko.
"Kill." Nakangiting sagot niya pa.
"Kiss sayo? Eh, pang babae 'yun. Lalaki ang anak natin!" Kontra niya.
"Anong lalaki?! Babae!" Sigaw ko.
"Lalaki!"
"Babae!"
"Ahh, basta! Kill ang pangalan!" Sabi niya pa.
"No. It's a kiss!" Sabi ko.
"Kill!"
"Kiss!"
"Ang baduy baduy ng Kill!" Singhal ko sa kanya.
"Ang corny naman ng kiss mo!" A seconds of silence ang namagitan sa aming dalawa nang ma-realized namin pareho ang sinabi niya bago kami humalakhak nang pagkalakas-lakas.
"Ang weird pakinggan." Natatawang saad ko.
"Well, it's cute, pero Kill pa rin." Nakangiting pakikipagtalo niya.
"Kiss!"
"Kiss kita?"
"Kiss ang pangalan!"
"Kill!"
"Kill kita?"
"What the heck?!"
"Uh, Basta! Kiss!"
"Kill nga sabe!"
"Kiss!"
"kill!"
"Punyeta kiss nga!"
"Kiss mo na lang ako."
"Good afternoon, Collins couple." Nakangiting bati sa amin ng nurse na kakapasok lang kaya pareho kami ni Tyron napaayos.
"Good afternoon, how's our baby?" Masayang tanong ni Tyron.
"Good news po! Kambal ang anak ninyo!" Nakangiting sabi nya, dahilan para magkatinginan kami ni Tyron.
'K-kambal?'
'Omayghad!!'
"Kill ang pangalan!"
"No! Kiss!"
"Kill!"
"Kiss!"
"By the way, lalaki at babae po ang kambal niyo. Here they are, they're so cute. Kuhang-kuha ang mga face niyo." Kinikilig na sabi ng nurse.
Napatulala naman kami ni Tyron nang makita namin ang kambal naming anak.
Omg.. were they really my children? Ang cute..
Halos maiyak naman ako nang mahawakan ko ang babae kong anak at si Tyron ang kumarga sa lalaki. They're so beautiful.
"So? Ano pong pangalan ng girl?" Tanong ng nurse na may hawak na book.
"Kiss Damien Collins." Mabilis na sagot ko at nginisian si Tyron.
"Ang boy po?"
"Kill Damon Collins." Nakangiting sagot ni Tyron na akala mo nanalo sa pustahan.
Ang sama talaga niya. Kill Damon ba naman ang ipangalan sa anak?! Mamaya maging masama ang anak namin! Tanga talaga.
After 10 years..
"Kiss! Where's your kuya Kill?" Tanong ko sa anak kong babae nang makasalubong ko ito sa sala.
"Nasa kwarto po," sagot niya.
"Ay naku, asan ba ang daddy mo?" Tanong ko.
"Kasama po ni kuya." Nakasimangot niyang sagot.
"Anong ginagawa nila?" Tanong ko.
"May tinuturo po si Daddy kay kuya, mommy," Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.
"Ano? Halika nga, samahan mo ako!" Sabi ko at pumunta kami sa kwarto ni Kill, nasa pintuan pa lang kami ay rinig na rinig na namin ang hagikgikan nilang mag-ama. Aba, ano na namang pinagtuturo ng lalaking 'yun sa anak niya?!
"Sabi ni Daddy kay kuya, mommy, chix daw po." Nanlaki agad ang butas ng ilong ko sa sinabi ng anak ko, kaya padabog kong binuksan ang pinto.
"Andyan na ang mommy mo! Tago, dali!" Rinig kong sigaw ni Tyron.
"TYRON COLLINS!!! ANO 'YANG TINUTURO MO SA ANAK MO?!!" Bulyaw ko nang maabutan ko silang mag-ama na hindi na magkanda-ugagang nagtatago sa ilalim ng kama.
"Mommy! Tinuturuan po ako ni Daddy kung paano daw po ang tamang diskarte sa panliligaw kay Ivy, 'yung anak po ni tita Raiza," sagot ni Kill na ikinanganga ko.
What?! Si baby Ivy?! Anak ng!
"TYRON COLLINS!!" Sigaw ko na agad dumadagundong sa buong kwarto, dahilan para marinig ko ang mga tawanan nila.
"TAKBO!!!" Sigaw ni Tyron, at nagsimula silang tumakbo nang magsimula akong naglakad papalapit sa kanila. Nagawa pa nilang higitin si Kiss sa pagtakbo nila papalayo sa akin.
"HAHHAHAHAHHAHAHHAHA!" Mapuno ng tawanan ang kwarto, kaya hindi ko na rin mapigilan ang matawa habang patuloy pa rin ang paghabol sa kanilang mag-aama.
"HUMANDA KAYO SA AKIN KAPAG NAABUTAN KO KAYO!!"
The End.
What if, I die?
What if one of us died?
Paano lang naman hindi ba? Akala ko noong una ay totoong nawala na siya. Pero hindi pwede, dahil kaming dalawa ang bida sa istoryang ito.
Salamat sainyong mga sumubaybay sa storyang ito, mahal ko kayo!
Nagmamahal,
-Ciara Cortel-Collins ( CCC )