Fallen for the Star (Stardom...

By Jhiedith

7.7K 2K 2K

Completed [STARDOM SERIES #1] Zaydine Salvador Sheridan, grew up wanting to find her happiness because her mo... More

FALLEN FOR THE STAR
P R O L O G U E
FFTS 1
FFTS 2
FFTS 3
FFTS 4
FFTS 5
FFTS 6
FFTS 7
FFTS 8
FFTS 9
FFTS 10
FFTS 11
FFTS 12
FFTS 13
FTTS 15
FFTS 16
FFTS 17
FFTS 18
FFTS 19
FFTS 20
FFTS 21
FFTS 22
FFTS 23
FFTS 24
FFTS 25
FFTS 26
FFTS 27
FFTS 28
FFTS 29
FFTS 30
FFTS 31
FFTS 32
FFTS 33
FFTS 34
FFTS 35
FFTS 36
FFTS 37
FFTS 38
FFTS 39
FFTS 40
EPILOGUE
Author's Note
STARDOM SERIES #2

FFTS 14

140 57 14
By Jhiedith

Zaydine

While eating tumingin si Mark sa labas ng window. Kumunot ang noo niya at nanlaki ang mga mata niya na parang may nakita na kakilala.

"Is that Traven?" tanong ni Mark at may tinuro siya. Napatingin naman kami, si Traven nga..

"Different girl, again," sabi ko kay Mark, nang makita ko na may kasama na naman siyang babae.

"What do you expect?" seryosong sabi ni Andrei.

"Who's Traven?" tanong ni Ishia kay Andrei.

"Siya yung kumanta no'ng sinurprise kita," sabi ni Andrei kay Ishia at napatango na lang siya.

"Markus, diba close kayo?" tanong ni Andrei kay Mark.

"Yup, why?" tanong ni Mark.

"Pa'no?" tanong naman ni Andrei.

"We attended the same Music Camp no'ng summer," sabi ni Mark at napatango lang si Andrei. Nang matapos na kaming kumain ay tumingin ako sa relo ko.

"Maaga pa... ang first screening is 7:00 p.m.," sabi ko sa kanila.

"Tara, Arcade tayo." Inakbayan ako ni Andrei at nag taka tuloy ako.

"Andrei di ako ang ka-date mo," sabi ko. Nanlaki naman yung mata niya.

"Oo nga pala! Sorry, nasanay lang ako na tayo ang magkasama." Lumapit siya kay Ishia at nag sorry. Tumingin ako kay Ishia at umirap lang siya sa akin.

"Maagawan pa ako ng date," natatawang sabi ni Mark nang lumapit siya sa akin. Dapat talaga lumayo na ako kay Andrei. Pagkatapos nitong date na 'to... lalayo na talaga ako ng tuluyan. Nakarating na kami sa Arcade at naglaro lang kami ni Mark ng basketball.

"Mas mataas ang score ko sa 'yo pa'no ba 'yan?" natatawang sabi ko kay Mark.

"Nagpatalo lang talaga ako..." nakangiting sabi ni Mark.

"Di mo lang tanggap na talo ka, eh..." sabi ko.

"Ishia ayaw mo talaga i-try?" rinig kong tanong ni Andrei kay Ishia.

"No, I'm good. Di ako mahilig sa arcade games," sabi ni Ishia at umupo lang siya sa isang upuan. Tumingin sa akin si Andrei.

"Zane, laro tayo nung barilan ng Zombie," yaya sa akin ni Andrei. Tumingin ako kay Mark at tumango lang siya.

"Game!" sabi ko at lumapit sa kanya. Wala naman sigurong masama laro lang naman.

"Ako ang player 2," sabi ko.

"Paramihan nang kills," sabi ni Andrei. Nag smirked ako sa kanya.

"Sure... dating gawi," sabi ko at nag start na kami mag laro.

"Matatalo rin kita," natatawang sabi ni Andrei. May pagka competitive rin talaga itong si Andrei.

"Wala... gawin mo!" sabi ko at nag focus na sa paglalaro.

Gagi! talo ako, tumingin sa akin si Andrei na ngiting tagumpay.

"Natalo rin kita sa wakas!" sabi niya habang pumapalakpak.

"You just got lucky!" sabi ko, tumingin ako kay Mark at parang disappointed siya. Nag peace lang ako at ngumisi siya.

"Re-match! Ako naman ang kalaban mo," hamon ni Mark kay Andrei.

"Game!" sabi ni Andrei at nag start na sila mag laro. Nangunguna na si Mark ang galing niya pala mag laro. Natapos na ang oras at panalo si Mark.

"Yes! Panalo si Mark!" sabi ko kay Andrei at nagyakapan naman kami ni Mark sa sobrang saya.

"Good game!" sabi ni Andrei at ngumiti lang.

"Andrei, gusto ko nung bear. Laro ka para sa akin, please," sabi ni Ishia at lumapit kay Andrei.

"Sure, love," sabi ni Andrei at pumunta na sila ro'n sa stall. Dapat tamaan mo yung target tapos may premyo pag natamaan mo. Nag try na si Andrei nang ten times saka niya lang natamaan yung target. Binigay niya naman yung premyo kay Ishia.

"Thanks, love! Galing mo talaga," nakangiting sabi ni Ishia kay Andrei.

"Miss, ako rin," sabi ni Mark at nag try din siya. Naka six times siya at natamaan na niya yung target. Binigay niya naman sa akin yung bear.

"Wow, nice! Thank you!" sabi ko kay Mark. Niyakap ko naman nang mahigpit yung bear.

"Tara bili na tayo ng ticket sa Cine," sabi ni Andrei at nag lakad na kami. Si Andrei na ang bumili ng tickets. Nilibre naman ako ni Mark. Umupo lang kami sa bench habang nag hihintay ng oras.

"Nag enjoy ka ba?" tanong ni Mark.

"Oo naman. Masaya rin ako na medyo naging okay na kayo ni Andrei," sabi ko naman.

"Buti naman. Next time lalabas tayo nang tayong dalawa lang, ah..." sabi niya.

"Sure, Cole," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Don't call me that..." sabi niya sa akin at parang nag iba ang aura ng mukha niya.

"Bakit? Diba second name mo 'yon? Cute nga, eh..." tanong ko sa kanya.

"Wala, I just hate that name and I hate when someone calls me that..." sabi niya sa akin and he forced a smile. I just nodded at him and tumayo na lang ako.

"Restroom lang ako," sabi ko.

"Okay... may multo ro'n," natatawang sabi niya, hinampas ko naman siya sa braso.

"Gagi! Nanakot ka na naman, eh..." sabi ko at tumawa naman siya. Nag lakas loob na lang ako pumunta sa restroom... kahit medyo na takot ako sa pananakot ni Mark.

Palabas na ako sa girls restroom nang narinig ko ang boses ni Traven, kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Graceful, seriously? Sa public bathroom?" inis na tanong ni Traven sa kasama niya.

"Bakit ayaw mo na ba sa akin?" mataray na sabi ni Graceful. Sumilip naman ako sa labas at nakita kong naghahalikan sila sa hallway.

Hindi naman si Graceful ang kasama niya kanina no'ng nakita namin siya. Ang bilis talaga magpalit. Malapit masiyado si Graceful kay Traven at si Traven naman nakahawak sa bewang ni Graceful. My eyes needs holy water. Bakit ba lagi ko na lang na wi-witness na may kahalikan si Traven? Hilig niya sa Cr, ah. Tinulak naman ni Traven si Graceful.

"Graceful..." sabi ni Traven at pinunasan yung labi niya.

"But you always like it," sabi ni Graceful with a seductive tone.

Lumabas na ako sa girls restroom. Sana di nila ako makilala. Nanlaki ang mata ni Traven nang magtugma ang mga mata namin pero umiwas agad ako nang tingin.


"Zane?" Tawag ni Traven sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanila. Nakakahiya... wait, bakit ako ang mahihiya?

"Hi, guys... Ah, Get a room?" Sinamaan ako nang tingin ni Graceful...

"We just got back together," sabi ni Grace at I awkwardly laughed.

"Did I asked?" sabi ko. Dumating naman bigla si Mark... timing siya.

"Zane? Magsta-start na yung--" di na niya natapos yung sasabihin niya nang makita niya si Traven.

"Oh, Traven andito ka rin pala?" sabi ni Mark kay Traven.

"Ah, yeah."

"We're on a date actually," nakangiting sabi ni Graceful.

"Date or make out session?" pabulong na sabi ko pero parang narinig nila ako.

"May sinasabi ka?" mataray na sabi ni Graceful. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Hmm... nothing. Enjoy kiss-- I mean enjoy each other's company," sabi ko at ngumiti.

Nag lakad na kami ni Mark paalis do'n. Napansin ko na naiwan ko pala yung bag ko sa restroom kaya nagsabi ako kay Mark na susunod na lang ako sa kanila. Agad akong bumalik sa restroom. Nang papasok na ako sa loob ng Cine may narandaman akong humahawak sa braso ko.

"Can we talk?" tanong sa 'kin ni Traven. Humarap ako sa kanya, naalala ko yung mga sinabi niya at yung nangyari kahapon. Binawi ko naman yung braso ko sa kanya.

"We're talking right now what do you want to say?" walang expression na sabi ko.

"Are you mad?" tanong niya ulit. Psh... after what happened kahapon!? May nanabunot sa akin at ang sasama ng tingin ng ibang babae sa akin. Okay, medyo masakit din yung sinabi niya na di niya ako magugustuhan. Nakakasakit sa ego ko.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo? Umalis ka na nga balikan mo na yung girlfriend mo," sabi ko.

"She's not my girlfriend. Accidentally lang kami nag kita ngayon at hinila niya ako sa Restroom," sabi niya.

"Bakit ka ba nag e-explain sa akin? Di naman tayo friends at di naman tayo close... kapatid ka lang ng kaibigan ko at wag ka na nga lumapit sa akin baka mamaya may manabunot na naman sa akin bukas," sabi ko at iniwan ko na siya mag-isa ro'n.

Nandito na ako sa loob ng cine at katabi ko si Mark, pinaggigitnaan ako nila ni Andrei. Si Ishia naman katabi ni Andrei.

"Anong nakita mo kanina?" tanong ni Mark.

"I saw them kissing. Ang awkward talaga kanina buti dumating ka," sabi ko kay Mark.

"Ilang beses ko na rin sinasabihan 'yon na mag bago na. He's not listening to me, sabagay he has his reasons," sabi ni Mark.

"Reasons?" tanong ko kay Mark.

"I have no rights to tell you," sabi niya.

"Okay, if you say so," sabi ko at kumain ng pop corn. Horror ang papanoorin namin ngayon, mahilig naman ako sa Horror kaya okay lang sa akin.

Nag start na yung movie kaya sigaw naman nang sigaw si Ishia, si Andrei ay niyakap na lang si Ishia.

"Di ka natatakot, ah..." sabi ni Mark.

"Di naman. I like horror movies," sabi ko.

"Pero in real life matatakutin ka, tulad kanina natakot ka mag punta sa restroom," sabi niya at tumawa ng mahina. Siniko ko naman yung braso niya.

"Oo na..." sabi ko.

"Ang interesting kaya ng movie buti na lang nae-enjoy natin," natatawang sabi ni Mark.

"Buti nga," natatawang sabi ko at bumalik na kami sa panonood.

"Ano ba 'yan bakit sila nag hiwa-hiwalay?" inis na sabi ni Mark.

"Kaya nga isa-isa sila niyan mapapatay ng killer, eh..." sabi ko naman.

"Feeling ko siya killer diyan," sabi ni Mark.

"Oo, feeling ko rin," sabi ko naman. Nagulat kami nang tumayo si Ishia.

"I'll go outside na. I don't wanna watch anymore," sabi ni Ishia at nag walkout.

"Ganda pa naman manood. Pero kailangan ko siyang sundan," sabi ni Andrei sa amin bago tumayo at sundan si Ishia. Natawa naman si Mark.

"Sayang yung ticket," natatawang sabi ni Mark.

"Hayaan mo na," sabi ko kay Mark at tumawa na lang siya nang mahina.

Nang matapos na yung pinapanood namin ay lumabas na kami ni Mark sa Cine at agad naming nakita sina Andrei na nakaupo sa isang bench at uminom ng frappe.

"So, how's the movie?" tanong sa amin ni Andrei.

"Maganda ang ending, ayaw lang namin maging spoiler. Sayang di mo napanood," sabi ko kay Andrei at tumingin ako kay Ishia. Sinamaan niya lang ako nang tingin.

"Saan tayo mag di-dinner?" tanong ni Ishia kay Andrei.

"Do'n tayo sa favorite na restaurant namin ni Zane," sagot ni Andrei at tumango lang si Ishia. Bigla namang tumunog yung phone ni Mark at sinagot niya ito.

"Zane, I'm so sorry I have to go. May emergency sa hospital," sabi ni Mark, halatang nag mamadali siya at parang nag aalala. Siguro tumawag yung Dad niya.

"Okay lang, Mark. You can go na," sabi ko kaagad sa kanya.

"Thanks for understanding," he pats me on my shoulder, "Una na ako guys ingat kayo," sabi ni Mark sa amin.

"Let's go... I'm hungry," sabi ni Ishia at tumayo na siya. Pumunta na kami sa parking lot kung saan nakapark yung kotse ni Andrei. Nang makarating kami ay nag order na agad si Andrei sa Counter at naiwan na naman kami ni Ishia.

"Have you made up your mind?" tanong ni Ishia.

"Come on Ishia, wala naman masama kung friends kami, eh... Kung gusto mo pwede rin naman tayo maging friends, eh. Ayaw ko nang away," sabi ko at ngumiti.

"Zane, don't underestimate me. Di mo pa ako kilala and you don't know what I'm capable of. Kaya if I were you layuan mo na si Andrei," seryosong sabi niya.

"Kung alam mo lang. I'm trying my best na layuan siya pero di ko lang matanggihan yung mga favor niya kasi malaki ang utang na loob ko sa kanya," mahabang explanation ko, "Threaten ka ba talaga sa akin?" I curiously asked her.

"No, it's just that... I don't want to see you lingering around my boyfriend. I can turn everyone against you. Mark my words," sabi niya at nagcross arms.

"We'll see Ishia, we'll see," sabi ko at ngumiti. Parang napikon naman siya.

"Well a friend of mine told me a little dirty rumor about you," sabi niya na ikinagulat ko. Tumingin agad ako sa kanya at feeling ko ang saya niya dahil sa reaction ko. Magkakilala kaya sila ni Ace?

"Are you friends with Ace?" agad kong tanong.

"Yeah... we're pretty close. Di ko akalain na magagawa mo 'yon. You and Dos... Ace's brother," sabi niya at tumawa. Not that again, why does it keeps haunting me? Keep calm, Zane... don't think about it... be strong...

"Too bad, Andrei already knew that one at alam niya na that rumor wasn't true," sabi ko. Naiintindihan ko naman na ayaw niya na may lumalapit na iba kay Andrei. But to bring that up? That too much... Kung gusto niya akong awayin di ako mag papatalo, kahit gusto ko ay peace. Below the belt na siya...

"Here's a steak for Zane and for you, love," sabi ni Andrei. Padabog namang nilayo ni Ishia yung pagkain niya.

"Love, you know na I'm on a diet, diba? I want a salad," sabi ni Ishia kay Andrei.

"Okay, I'll order one for you," sabi ni Andrei at tumayo para mag order.

"See? He loves me so much. Pa'no naman ikaw? Hanggang tingin ka na lang," inaasar niya ba ako?  "I know you have feelings for him. I'm not dumb," sabi niya nag smirk siya.

"Ishia, ilang beses ko na itong sinasabi... ayaw ko nang away. Lilinawin ko lang, nilalayuan ko na si Andrei. Wala kang reason para magalit sa akin at wala rin akong reason para magalit sa 'yo... pero sa sinabi mo tungkol do'n sa rumor about sa akin, binibigyan mo ako ng reason para magalit. But still I just want peace... I'll just let it slide..." sabi ko at tumawa siya.

"Whatever... stop with the bait-baitan attitude," sabi niya and she flip her hair.

Kumain na lang ako at binalewala siya. Ayaw ko na makipagtalo sa kanya.

#

"Good Morning, Class!" bati ni Ms. Valez. First subject namin siya ngayon.

"Good morning, ma'am!" bati namin sa kanya.

"I have a announcement! Like every year... we will be having a camping trip! This coming Monday to Tuesday! September 10 to 11. Make sure na magpaalam na sa mga parents niyo," sabi ni Ms. Valez at umingay ang mga kaklase ko.

"The faculty decided na yung mga lead role no'ng film showing sa freshman ay sila rin ang kakanta for that night to represent freshmen again," sabi ni Ma'am, so it means kami ni Mark ang kakanta!?

"Zaydine and Markus, prepared na kayo ng solo songs na kakantahin niyo," sabi ni ma'am.

"Bakit siya na lang palagi?" inis na sabi ni Clara na nasa likod namin. Parang first time ko mag a-agree kay Clara... Bakit kami na naman? Dapat yung iba naman. Ang unfair.

"Ma'am kahit ano pong genre?" tanong ko kay ma'am.

"Hmm... yes kahit anong genre pwede," sabi ni Ma'am.

"Okay po, ma'am. Thank you po!" sabi ko ulit kay ma'am. Pag katapos nang announcement ay nag turo lang si ma'am sa amin. Pagkatapos ay nag hiwa-hiwalay na kami nina Ella dahil iba-iba kami ng mga susunod na subject.

Habang nag lalakad ako ay nakita ako ni Milly at agad siyang lumapit sa akin.

"Zane! Ngayon na lang kita ulit nakita. Congrats pala at nanalo yung band niyo at sa pagiging lead mo sa short film," masayang sabi niya sa akin at niyakap ako.

"Thank you, Milly!" nakangiting sabi ko at humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Nakakakonsensya, gusto kong sabihin sa kanya yung tungkol sa pag two time ni Ace. Pero it's not the right time yet.

"Hey, Zane? Are you alright?" tanong niya, ngayon ko lang na pansin na nakatulala lang pala ako sa kanya.

"Sorry, may iniisip lang," sabi ko at ngumiti. Napabuntong hininga naman siya.

"Ako rin may iniisip. Tungkol sa boyfriend ko," sabi niya at agad akong napatingin ulit sa kanya.

"A-ano?" tanong ko.

"Parang ang distant niya sa akin these days. Pero baka busy lang siya. Oh gosh! Malalate na ako sa klase ko," sabi niya at kumaway bago umalis. Hays.. I know kung anong feeling, kasi yung boyfriend niya ex ko.

#

"Anong sasabihin mo?" tanong ni Andrei kay Kit. Kasi pinapunta niya kami sa cafeteria ngayon.

"Oo nga bakit wala si Carmen?" tanong ni Ella. Kami lang kasing lima ang nandito.

"Gusto ko na mag Confess nang nararandaman ko kay Carmen," sabi ni Kit sa amin. Nanlaki mga mata namin at agad tumingin sa kanya.

"So, totoo talaga na gusto mo si Carmen?" nagtatakang tanong ko. Akala ko kasi echos-echos lang.

"Oo naman, gusto ko talaga si Carmen. Akala niyo ba joke lang?" sabi ni Kit.

"Oo, akala namin inaasar mo lang siya. Kaya ninaasar din namin kayong dalawa," natatawang sabi ni Jerome.

"Bakit ngayon mo lang gusto mag confess?" tanong ko ulit.

"Nainspired kasi ako kay Markus at Andrei. Alam niyo 'yon? Yung ang lakas nang loob nila mag confess sa taong gusto nila," sabi ni Kit at parang determinado talaga siya.

"Oh, kailan ka aamin?" tanong ni Ella kay Kit.

"Balak ko sana mamaya. Do'n sa Koraoke niyo Ella," sabi ni Kit na ikinagulat ulit namin.

"Mamaya agad?" gulat na tanong ni Jerome.

"Oo mamaya, basta feeling ko ngayong araw ang tamang araw na mag confess ako. I just feel it... saka idol ko si Andrei! Speed, eh," nakangiting sabi ni Kit. Hinamapas naman siya ni Andrei at tumawa kami. Halatang inlove talaga siya, impulsive decision pero sweet.

"Sige! Kung ngayon ang gusto mo su-suport ka namin diyan," sabi ko.

"Talaga?" tanong ni Kit.

"Ako rin support kita diyan. Syempre sinuportahan mo ako," sabi ni Andrei kay Kit.

"Sige, tatawag na ko sa KTV namin na magpa-reserve ng room," sabi ni Ella. Nilabas niya agad yung phone niya at may tinawagan.

"Ako na bahala sa decoration wala naman akong last subject ngayon," sabi naman ni Jerome.

"Thank you talaga, guys. I appreciate it talaga," sabi ni Kit at niyakap kami isa-isa...

"Good luck sa 'yo mamaya," sabi ko.

#

"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ni Mark habang nag aayos ako ng gamit ko. Nauana na yung mga boys sa KTV at kami naman mga girls ay susunod na lang.

"Oo, mag K-KTV kami nina Ella," sabi ko kay Mark. Lumapit ako sa kanya para bumulong.

"Mag co-confess daw si Kit kay Carmen. Wag kang maingay..." bulong ko.

"Talaga? Dami nag co-confess ngayon, ah.." natatawang bulong niya.

"Nainspired daw sa 'yo, eh," natatawang sabi ko.

"Iba talaga ang influence ko," sabi niya at nag cross arms na parang sobrang proud sa sarili. Pinalo ko naman siya sa braso.

"Ayan ka na naman. Dapat pala di ko na sinabi," natatawang sabi ko.

"Diba lesbian si Carmen?" tanong ni Markus.

"She's Bi..." sabi ko and napatango siya.

"Ah, okay. Well, enjoy kayo," nakangiting sabi ni Markus.

"Tara na, Zane! Gusto ko nang kumanta!" excited na sabi ni Carmen at hinihila na ako palabas.

"Sige, Mark una na ako. Ingat ka sa paguwi..." sabi ko at tumango siya.

"Ikaw rin, ingat kayo," sabi niya at tuluyan na kaming umalis ni Carmen. Hinihintay namin si Ella sa classroom niya nang napadaan si Ishia sa harap namin at sinamaan ako nang tingin.

"Anong problema no'n?" tanong ni Carmen.

"Ewan ko nga do'n, eh. Ay! May ikwe-kwento pala ako sa 'yo yung nangyari kahapon," sabi ko. Lumapit naman siya sa akin at parang interesado sa sasabihin ko.

"Kahapon diba nag double date kami. Ishia threatened me. Sabi niya she don't like me at dapat lumayo na ko kay Andrei. I understand her naman pero she went under the belt," inis na kwento ko na ikinagulat niya.

"Sabi ko na, eh... unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na may tinatago siyang sama ng ugali," sabi naman niya.

"Pero wag mo na lang sabihin kay Andrei," sabi ko naman at napakunot yung noo niya.

"Bakit naman?" tanong niya, napabuntong hininga ako.

"Ayaw kong masira sila ni Ishia ng dahil sa akin," sabi ko.

"Ang bait mo talaga... kung ako 'yon, nako. Sabagay tama ka. Pero nakakainis siya, di naman sila bagay ni Andrei. Saka ano bang nakita ni Andrei sa kanya!?" inis na sabi niya. Mayamaya ay lumabas na si Ella sa Classroom nila.

"Let's go, girls!" sabi ni Ella at naglakad na kami papunta sa entrance ng school.

Nang makarating na kami sa KTV ay nag message na si Ella kay Jerome para sabihin na paparating na kami sa Karaoke room. Si Carmen ang una naming pinapasok. Nagulat siya nang pinagbuksan siya ng pinto ni Kit at binigyan siya ng bulaklak. Halatang naguluhan siya sa nangyayari.

"Carmen Yoon, since nag transfer ka sa rati nating school na love at first na talaga ako sa 'yo. Siguro akala mo nag bibiro lang ako kapag humihirit ako sa 'yo, pero para sa akin totoo lahat 'yon.

Minsan siguro naiinis ka na sa akin kakaasar ko sa 'yo. Pero sa totoo lang ginagawa ko lang 'yon para mapansin mo ako. Carmen, gusto kita, ngayon lang ako nag karoon nang lakas ng loob para umamin sa 'yo," sabi ni Kit kay Carmen. Nilibot ko yung paningin ko at napansin ko nandito rin pala si Traven.

"Bakit andito si Traven?" tanong ko kay Andrei.

"Nagpaalam kasi si Kit sa kanya. Pumayag naman siya," sabi niya at napatango na lang ako.

"Kit, ano... di pa-" di natapos ni Carmen yung sasabihin niya nang magsalita na si Kit.

"Okay lang, Carmen. At least umamin na ako sa 'yo. Sana di tayo maging awkward sa isat-isa," sabi ni Kit at yumuko.

"Wait, di mo pa ako pinapatapos," she cleared her throat, "Di pa ako makakapagdecide sa ngayon kasi di pa ako ready sa relationship. Pero pwede ka bang mag wait?" tanong ni Carmen kay Kit. Napangiti si Kit na abot hanggang langit.

"Oo naman maghihintay ako para sa 'yo," sabi ni Kit at yumakap siya kay Carmen. Natuwa naman kami sa kanila.

#

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mommy pagkapasok ko sa loob ng bahay.

"Mommy diba nag paalam naman po ako na mag kakaraoke kami nina Andrei?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumayo siya sa sofa at lumapit sa akin. Nakita ko naman na kinabahan na si Zindy para sa akin.

"Malay ko ba kung totoong nagkaraoke ka. Remember, I don't trust you anymore," sabi ni Mommy sa akin. Medyo nanainis ako kasi di naman ako nag sisinungaling.

"Mommy alam ko na wala kang tiwala sa akin. Pero, Mommy, ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na I've changed," sabi ko.

"Sumasagot ka na!? Let me remind you, no'ng naging kayo ni Ace you always lied to me, bumaba ang grades mo, and worst may nag kalat pa sa school niyo na rumors about you cheating on Ace with his brother! Pumunta-punta ka pa kasi sa party na 'yon. Nakakahiya ka!" Naiyak naman ako, ito na naman ang sumbat niya sa akin.

"Mom, I never cheated on Ace. You know that, right? I was-" di ko na napatuloy yung sasabihin ko ng magsalita ulit si Mom.

"Kahit na! Nakakahiya ka talaga! Sana di na lang kita naging anak! Sana di ka na lang nagising no'ng gabing 'yon. Sana natuluyan ka na lang," sabi niya.

"But I always do what you want me to do! Di pa rin ba 'yon enough?" I shouted, then she slaps me.

"Mom! Stop na!" sigaw ni Zindy kay Mommy at agad akong niyakap.

"Sige mag sama kayong dalawa mga walang kwenta. Buti pa si Kevin..." sabi ni Mommy at iniwan na kami ni Zindy sa sala. Napaupo naman ako at umiyak ng umiyak dahil pinaalala na naman sa akin ni Mom yung nangyari.

"Sige, iiyak mo lang, Ate. I'm here for you..." sabi ni Zindy na nakayakap pa rin sa akin at hinalikan ako sa ulo.

"Salamat," sabi ko sa kanya. Nakakasawa na... lagi na lang ganito tuwing uuwi ako. Yes... I was having fun with my friends pero ang laging kapalit nito ay sumbat, masasakit na salita at sampal ni Mommy. Gusto ko lang naman maging masaya, eh...

=====
Jamie Kit Garcia• POSTED A NEW STATUS • September 7, Friday 11:41 p.m.•

Di ka na mag sasana all Carmen Yoon ❣️

12,645•likes

👍 like 💬comment ➡️Share

View all 1,365comments

Jerome Pajarillo: Good Luck 😉

Anderson Erwane: Ayun may love life na siya 😌

Emmanuela Guzman: Yey! Happy for you guys!🤗😍

Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 325K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.4M 34.3K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
8.2M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."