Half an hour of staying inside Airos fall asleep while hugging Mizu tightly, while Via also fall asleep between Cass and Mia. Pinagsiksikan ni Mia ang sarili niya sa air bed na pang apatan na tao lang. They can't move their body but still they manage to sleep, siguro ay dahil sa pagod din.
I decided to go outside with the first aid equipment, medicine and the sandwich in my hand. Paglabas ko ay inaayos na ni Axelle ang pinagkainan nila ni Airos.
Tumingin siya saakin, "Muntik ko ng maubos buti naalala ko ang pagbabanta saamin ni Mia," he can't help silently laughing.
"May space pa ba sa kama? Gusto ko ng magpahinga."
Umiling ako, "Lima na silang nasa kama."
"Sa lapag na nga lang ako o kaya dadaganan ko na lang si Airos," nagkamot siya ng ulo niya, "So kayo muna ang bantay dito?"
I nodded. He patted my shoulder bago siya pumasok sa loob dala ang tatlong tupperware.
Nilapitan ko siya, "Can I seat?" I asked.
He didn't look at me, umusog lang siya ng konti para makaupo ako. Malaki ang bato na inuupuan niya. Tumabi ako sa kanya. Nililipad ang buhok ko dahil sa mahinang hangin, habang nagugulo naman ang buhok niya. Nakatingin lang siya sa malayo, like what he always do.
"Bakit ayaw mong gamutin ang mga sugat mo?" I asked him.
Napunta ang atensyon niya sa kamay niyang hanggang ngayon ay hindi padin nalilinis. Natuyo na ang dugo.
"Do it," sabay abot ng kamay saakin.
Natulala ako sa ginawa ni Ashton.
"If you don't want then don't," then he move away his hand from me. But I don't let him, I held his hand.
Holding his hand, I felt the warm. Too good to feel because of the cold weather. I put down his right hand on my lap, binuksan ko ang first aid kit. Kinuha ang alcohol saka ang cotton. Inangat ko ang kamay niya saka inumpisahang linisin ang natuyong dugo. I'm sure masakit ito dahil nalagyan din ng alcohol ang mga sugat niya sa kamay. Inangat ko ang ulo ko para makita ang reaction niya dahil sa sakit, but he's just staring at my face. His cold eyes that I can't stand looking through. Na conscious ako bigla at kinabahan sa hindi ko na naman malaman na dahilan.
"Masakit ba?" pinilit kong huwag mautal.
He slowly nodded pero parang hindi naman siya nasasaktan, "Yeah, it hurts... so much," he said, habang nakatingin lang siya saakin. Para bang ibang sakit ang tinutukoy niya.
I felt shivered because of his own way of cold voice. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya, and turned it back to where his hand is. Nilinis ko, pagkatapos ay nilagyan ng Betadine ang mga sugat. Hindi kalakihan pero malalalim. Ang ilan ay nakuha niya panigurado sa pagbubuhat ng puno ng iniligtas niya si Via, habang ang ilan ay galing sa nakalaban niya kanina. Dahan-dahan kong nilapatan ng betadine. Saka ko binalutan ng bandage paikot ang buong kamay niya para hindi mapasukan ng dumi.
"Tapos na," I turn back the hands I'm holding to the owner.
Umayos ako ng upo, katulad niya ay sa malayo din ako tumingin.
"Hindi ka kumain kanina? Kailangan mo magpalakas dahil panigurado ay may sasalubong pa saatin," I told him.
At first I really hate this guy, now I know why. I can't stand him, I can't win against him. That's new to me, everything are new.
Kinuha niya sa tabi ko yung sandwich na nakabalot sa foil. Kumuha siya ng isa, akala ko kakainin niya pero tinanggalan niya ng cover na tissue ang taas na bahagi saka inabot saakin. Nagtataka man ay kinuha ko. Kumuha pa siya ng isa at iyon ang kinagatan.
"I can't eat earlier, I don't feel to."
Dati hindi niya ako kinakausap. Kinakausap niya ako pero lagi kaming nag-aaway. Madalas nagagalit ako sa mga sinasabi niya. Unang beses ko pa lang siya nakita ang una niya agad sinabi ay umalis na ako, bumalik na ako sa mundo ko. He hate me that much kaya niya ako pinatamaan ng apoy. Halos lahat ginagawa niya para umalis na ako. Pero ngayon hindi na niya ako pinipilit umalis.
"Do you really hate me?" pinipilit kong kumain kahit dumausdos na ng kusa sa bibig ko ang tanong na dapat ay sa isip ko lang.
"Yeah..." may iduduktong pa pero pinigilan niya ang sarili.
"Gusto mo ba talaga akong umalis dito?"
Hindi siya agad nakasagot.
"You need to," naubos niya na agad ang kinakain. Kinuha niya pa ang isa saka inumpisahan kainin.
I need to? Ang layo ng sagot sa tanong ko.
"He confessed," now he's the one who speak.
Naguguluhan ko siyang tiningnan.
"That boy confessed to you."
Ngayon ay nagets ko na ang sinasabi niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Mizu confessed his feelings.
"Do you feel the same way?" he asked.
Hindi ko na kayang kumain.
"I..." hindi ko nagawang sumagot dahil nagsalita na naman siya.
"You don't need to answer that, there's no need..." he said,"If you feel the same way... it can still be change."
I frozed. Naistatwa ako sa pwesto ko. Pero isang sigaw galing kay Axelle ang nagpabalik saakin. Tumatakbo siya palabas ng tent.
"Their mind are controlled by Dark spirit!" iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi hangang makarating sa tapat namin.
Pilit niyang tinatakpan ang leeg niya gamit ang kanyang palad. It's a cut from a sharp object.
"What happened?"
Tumingin siya sa tent, "Nagising ako ng nasa harapan ko si Via at bigla niya akong inataki ng sword, nagawa ko naman agad umiwas. Pero mabilis niya rin akong nahabol ng sword saka tumama sa leeg ko. Sinubukan ni Mia pigilan siya pero ng nahawakan siya ni Via ay naging kulay itim din ang mata nito saka ako sinugod, sinakal niya ako at---" he can't continue dahil bigla siyang napaluhod at yumuko. Sa pag-angat ng tingin halos mapaatras ako palayo sa kanya.
Buong mata niya ay kulay itim. Tumayo siya saka sumugod saakin. Hinatak ako palayo ni Ashton. What the hell is happening to him?