"Athalia?" Nagising ako dahil sa tawag sa akin ni Mommy. Nang imulat ko ang paningin ay agad lumipat kay Ate Demi ang tingin ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Sinubukan kong bumangon ngunit agad akong natigilan nang maramdaman ang pagkirot ng sentido at napapanakit ng katawan.
"Huwag ka munang bumangon, anak!" pigil sa akin ni Daddy.
"K-Kumusta na po 'yong lalaking nakabanggaan ko?" halos pabulong kong tanong sa kanila.
Bumalatay ang gulat sa kanilang mga mukha dahil sa tanong ko. Unang nakabawi sa gulat si Daddy. Nagkatinginan muna sila ni Mommy bago siya bumaling sa akin. "W-Wala pa rin kaming balita hanggang ngayon. 'Wag ka na masyadong mag-alala dahil naasikaso na namin ang mga gastusin at napinsala, and besides... we should be worried about you. Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya.
Pumikit ako nang marahan. "Ayos lang po ako. Gusto ko pong malaman kung kumusta na po 'yong nakabanggaan kong lalaki?" napapaos na tanong ko.
Lumapit sa akin si Mommy bago marahang hinaplos ang buhok ko. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "H-He's still in a critical condition right now... It-transfer daw siya sa isang malaking ospital sa Maynila. It's been hours since we last heard about him. Hindi namin alam kung naka-survive pa ba siya o hindi. We already shouldered their expenses and dealt with the damages, anak."
Tila nanuyo lalo ang lalamunan ko sa sinabi niya. "T-Totoo po bang... n-nabulag siya?"
Namilog ang mga mata ng aking ina. Hindi niya siguro alam na narinig ko ang tungkol sa sitwasyon ng may-ari ng sasakyang nakabanggaan ko. Umupo siya sa kama ko bago inayos ang ilang takas na buhok na nakaharang sa aking mukha.
"Hindi na raw nila na-recover ang kanyang paningin. Nadaplisan kasi ang kanyang cornea dahil sa nangyaring aksidente," bigong sabi ni Ate Demi.
I swallowed hard and felt my tears pooling in my eyes. Inawang ko ang aking bibig upang makahinga nang maayos dahil naninikip ang aking dibdib. "I-I'm sorry..." I croaked. "Kasalanan ko po ito..."
Niyakap agad ako ni Mommy nang magsimula akong humagulgol. Hinayaan ko ang sarili na umiyak sa kanyang bisig. "Shh... Stop blaming yourself, anak. It was an accident, okay?"
Inangat ko ang tingin sa kanila. My vision was still blurry because of my endless tears but my mind is clear. "I promise, Mom... Sa oras na matagpuan ko ulit ang batang iyon, I'll do anything just to bring his vision back," buo ang loob na sabi ko.
Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha dahil sa sinabi ko. "And what will you do, Athalia? Are you going to be a surgeon?" gulat na tanong ni Ate Demi. Ngumiti ako sa kanya bago marahang umiling.
"Ibibigay ko po sa kanya ang paningin ko," napapaos na sabi ko na siyang nagpalaglag sa panga ng aking mga magulang.
"Nagbibiro ka lang, 'di ba? Hindi magandang biro ito, Athalia..." seryoso ngunit halatang gulat na sabi ng pinsan ko.
"At saka, anak, hindi naman natin sigurado kung nakasurvive pa nga ba ang batang iyon o hindi. Huwag kang mangako ng ganiyan sa isang bagay na wala naman tayong kasiguraduhan," ani Daddy.
I pursed my lips into a grim line and looked away. I know I sounded so irrational right now and I probably won't be able to take it seriously once I grew older. Pero kung sakali mang maalala ko pa rin ang pangakong ito at nanatiling ganito ang nararamdaman ko, gagawin ko iyon.
"You can't just give your eyes to someone you don't know," natatarantang pigil sa akin ni Mommy.
Ngumiti ako sa kanila bago tumango. "Alam ko po... Kaya nga po sabi ko ay kapag nagkita lang ulit kami ng batang iyon," natatawang sabi ko sa kanila upang gumaan ang tensyon sa silid.
"Paano mo naman malalaman kung sino iyon?" taas ang isang kilay na tanong ni Tita Allain sa akin.
"His name is Vermont. I don't know what his surname is but if ever I got to meet him again someday... kapag wala pa rin siyang donor ay ibibigay ko ang paningin ko sa kanya. He deserved to see the beauty of this world more ngunit binawi ko iyon sa kanya dahil sa pagkakamali at kapabayaan ko..." Ngumiti ako nang malungkot dahil sa sariling sinabi.
Naramdaman ko ang pagbigat muli ng mga talukap ko. Narinig ko ang mahinang tawanan nila habang unti-unti akong hinihila ng antok. Maaaring nasasabi ko lang ito ngayon dahil may talab pa sa akin ang mga gamot na itinurok sa akin kanina. Maaaring paggising ko ay maglaho na lahat sa aking alaala ang mga sinabi. I meant everything I've said, but who knows if I'll meet him again someday, right?
"Athalia... G-Gising ka na ba?" Nagising ako dahil sa boses ni Lana. Nanginig agad ang nanunuyo kong mga labi nang dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. The darkness I'm seeing right made me feel a bit lonely but somehow, I feel relieved. I know I couldn't undo it anymore yet I don't have a shred of regret with my decision.
Alam kong hindi lang ito simpleng katuparan sa binitiwan kong pangako noong bata ako. Alam kong sa loob-loob ko ay ito rin talaga ang gusto kong mangyari. I wanted to do this for him. Hindi dahil ako ang may dahilan ng paghihirap niya kun'di dahil mahalaga siya sa akin at ang kaligayahan niya.
Sigurado rin akong mapapasaya ko ang dati kong kaibigan na si Tuesday kapag nalaman niyang maaari nang makakita si Vermont. They both deserve a happy ending. Ako lang naman talaga itong extra at kontrabida sa istorya nila na nagpahirap sa kanilang sitwasyon.
I'd like to think that I'm the protagonist of the story and he's my leading man. But of course it would never happen in this lifetime dahil hindi naman ako ang nakatakdang maging bida sa kuwento nila.
Kung sakali mang nasa loob kami ng isang kuwento o pelikula, alam kong hinding-hindi pa rin ako ang magiging leading lady ng taong mahal ko. Isa lang akong kontrabida sa kanilang love story. Isa lang akong second lead na malabong mapili ng leading man. At kahit kailan, alam kong hinding-hindi magiging si Athalia ang para kay Vermont. Dahil si Vermont ay para lamang kay Tuesday.
I bit my lower lip when tears started to stream down my face. Ramdam ko ang paghawak ni Lana sa aking kamay. Naririnig ko rin ang mahihinang paghikbi niya tanda ng kanyang pag-iyak. A memory flashed in my head. I remembered her face when she was crying so hard the night before my surgery. I also remembered her face when she was crying while watching me go inside the operating room. Napangiti ako nang malungkot bago marahang pinisil ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
Nakakatakot... Nakakatakot ang katotohanan na tanging ang kadiliman na lang ang aking makakasama simula ngayon. Nakakatakot ang katotohanan na ang mga alaala ko na lang noon ang tangi kong baon ngayon dahil wala na akong makikita pa. Nakakatakot ang katotohanang maaaring sa huling hininga ko ay hindi ko na maaaring masilayan ang kagandahan ng mundong nilikha Niya.
Pero sa tuwing iniisip kong matutulungan ko ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, pakiramdam ko worth it itong sakripisyo ko. My world became dark but my heart and mind is finally at peace. This is what I've been searching for so long. This is what I've been longing for. This is what peace feels like.
Lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin noon ay nagbigay ng maraming aral. Lahat ng mga masasayang nangyari noon ay nagbigay sa akin ng magagandang alaala na tiyak na babaunin ko hanggang sa aking huling hininga. Marami na akong natutunan sa dalawampu't limang taon kong nabubuhay sa mundo, pero isa sa pinakamahalagang natutunan ko ay kung paano magmahal nang lubusan at walang pinipiling dahilan.
Natutunan kong mahalin si Vermont kahit sino o ano pa siya. Natutunan kong makita ang kagandahan ng pagkatao niya despite of all his flaws and imperfections. Natutunan kong mahalin siya despite of his disability, and never saw it as a hindrance to love him even better.
But this love is unrequited. This love is hopeless. And I know that this love may not have a happy ending. Noon akala ko ay mga tanga lang ang handang magsakripisyo at ialay ang kanilang mga buhay para lang sa taong mahal nila. Never in my life have I thought I would be willing to go this far for someone I love.
Hindi ko na hihilingin pang muli na tumigil ang takbo o bumagal ang takbo ng oras. Hindi ko na hihilingin pang muli na maibalik ang oras upang maitama ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. There's no turning back to change everything anymore.
The past made me who I am today, and I will never regret every decision I made. Nandito na ako ngayon sa kasalukuyan kaya hindi na dapat lumingon pa sa mga pagkakamali sa nakaraan.