13 Things To Do Before I Die...

By missrxist

5.3K 152 8

Paano kung nalaman mo na kaunti na lang pala ang nalalabing araw mo sa mundo? Ano ang mga gusto mong gawin at... More

Teaser
1
2
3
4
5
6
7
9
10

8

317 9 0
By missrxist

"SURE ka bang gumagana 'yong parachute nila? Baka mamaya may butas o hindi pala gumagana tapos—"

Naiiling at natatawa niyang pinutol ang mga pinagsasabi ni Stepehen. "Relax ka lang," awat niya dito. "Nakita mo naman kanina 'yong mga nauna sa ating nag-skydiving, maayos naman ang naging landing nila at walang anumang aberya." Paliwanag niya sa lalaki.

Nasa Subic Bay Freeport Zone sila, dahil niyaya niya ang lalaki na mag-skydiving. Nag-off siya ng dalawang araw para gawin ang kanyang mga gustong gawin sa buhay. Wala na siyang sapat na oras dahil baka anytime ay mag-degenerate na ang katawan niya, kaya habang hindi pa gano'n kalala ang nararamdaman niya ay gagawin na niya ang mga 'yon.

Kaso parang si Stephen naman ang may sakit dahil sa putla ng mukha nito dahil sa nerbyos. Hindi pa kasi nito nasusubukan mag-skydiving ngunit nakasakay na din naman daw ito ng eroplano. Eh, pareho lang naman silang first timers e, kaya lang mukhang malaki ang takot nito sa extreme adventure na ito.

"Kayo na po ang susunod sa line, ma'm at sir." Imporma ng isang staff, saka sila simulang lagyan ng equipments sa katawan. Kinakabahan siya, pero wala 'yon sa kaba at nginig ng kasama niya.

"'Uy Stephen, kung hindi mo kaya pwede ka nang mag-backout, baka kasi bigla ka na lang himatayin sa ere, mahirap na." nangingiting sabi niya.

Mabilis namang umiling ang lalaki saka napalunok nang mariin. "K-Kaya ko!" anito, na nabubulol-bulol pa. Lagi niya itong nakikitang optimistic at masayahin, kaya nakakapanibago na makita niya itong takot at mukhang paranoid.

Nang sila na ang isasalang ay mabilis na silang sumakay sa airplane, napangiti siya nang makita niya ang ganda ng kapaligiran hanggang unti-unti na silang tumataas sa himpapawid. May ilang buwan na rin simula nang huling beses siyang sumakay sa plane, kaya natutuwa siya na muli siyang nakasakay bago man lang siya mawala sa mundo.

Nasunod naman nila ang skydiving requirements at pareho naman silang walang sakit sa puso, asthma o anupang makaka-apekto sa gagawin nila, kaya qualified silang sumakay, saka may pinirmahan silang waiver para kung sakaling may mangyari sa kanila ay walang kasalanan ang mga taong involved—may makukuha din silang certificate kapag natapos nila ang adventure. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan ng plane, nasa pinaka-itaas na silang bahagi. In-inform sila na maaari na silang tumalon in the count of three. Nakakalula ang view at kung gaano sila kataas, ang sabi ng kasama nilang staff ay nasa thirteen thousand feet daw 'yon, nakakatakot at nakakanginig ng mga paa pero nakaka-thrill!

"Kung magagawa mo ito nang mabuti, may reward ka sa akin mamaya." Nakangiting sabi niya sa binata, saka siya naunang tumalon in the count of three, ilang sandali pa ay sumunod na rin si Stephen. "Ang sarap sa pakiramdam!" masayang sigaw ni Max sa ere. Ang presko sa pakiramdam at ang ganda pa ng kanilang view. "Stephen, kaya mo pa?"

"H-Hindi ako mahilig sa ganitong uri ng adventures, pero kinakaya ko dahil kasama kita." Sigaw din ni Stephen. Saka ito nag-thumbs up sa kanya. "It's not that bad!" dagdag pa nito, kaya napangiti siya at nag-thumbs up dito. Nagpakuha din sila ng larawan na nasa ere, in-enjoy nilang dalawa ang pakiramdam na parang lumilipad, bago binuksan ang kanilang parachute. Ilang minuto ay dahan-dahan na silang lumapag sa isang safe at malawak na ground.

Mabilis siyang tumayo at inalis ang nakatakip na parachute sa kanya para puntahan ang lalaki, iniisip kasi niyang baka nahimatay na ito sa labis na kaba, kaya nang pagbukas niya ng parachute ng lalaki ay nagulat na lang siya nang may kamay na humila sa kanyang kamay—at sunod niyang namalayan ay nasa mga bisig na siya ng lalaki.

"I love you, Max and I think I deserve this as a reward." Nakangiting inilapit nito ang mukha sa kanya at mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Napangiti siya habang nilalasap ang matamis na mga halik nito—ganito rin kasi ang iniisip niyang reward sa lalaki kapag naka-survive silang dalawa sa skydiving. Ilang sandali pa ay tinapos na nito ang halik sa kanya.

"Nakuha mo na ang reward na gusto ko rin ibigay sa 'yo." Aniya sa lalaki, saka niya ito niyakap nang mahigpit. "I love you, Stephen." Sagot niya sa lalaki. Naisip kasi niyang kahit ano'ng takas na gawin niya sa nararamdaman para sa lalaki ay useless din dahil mas lalo lamang tumitindi ang damdamin niya para dito. Kaya sa huli ay naisip niyang pagbigyan na lamang ang kahilingan ng kanyang puso na tugunin ang nararamdaman nito para sa kanya.

Naisip niyang masasaktan niya ito sa huli, pero nangako si Stephen na kahit ano'ng mangyari, pipilitin nitong maging maayos—kaya sumugal siya. Mas gusto daw kasi nitong subukan nila—kaysa mabuhay ito nang hindi nasusubukan na makasama siya sa buhay nito. Isa sa mga nilagay niya sa 'to-do list' niya ay 12. Fall in love—at nangyari nga 'yon nang hindi niya namamalayan at inaasahan.

Mahal niya ito at mahal siya nito, bakit pa ba nila pahihirapan ang kanilang mga sarili? Kung oras na niyang mawala sa mundo—at least wala na siyang pagsisisihan na hindi niya sinubukan ang gusto niyang maranasan. Pero sinabi niya sa lalaki na kapag nawala na siya—sana ay maging masaya uli ito tulad ngayon. At ayos lang na magmahal uli ito ng ibang babae—ngunit hindi na niya itinuloy ang iba pang sasabihin dito nang yakapin na siya ng lalaki nang mahigpit.

BUMALIK na sila sa Camayan Beach Resort and Hotels kung saan sila nagpa-reserve ng two nights stay. Gusto nilang isama ang mommy niya, kaya lang ay mabilis itong tumanggi, dahil may date pa daw ito. Kaya hindi na niya ito pinilit. Gusto na rin tuloy niyang makilala ang lalaking pinakatatago ng kanyang ina.

Tig-isa sila ng kuwartong kinuha ni Stephen at maganda ang view na nakuha nila dahil natatanaw nila nang malapitan ang beach. Bukas naman nang umaga ay mag-i-scuba diving sila.

Nasa kuwarto siya noon at nag-aayos ng kanyang mga gamit nang katukin siya ni Stephen, niyaya siya nitong maglakad-lakad sa seashore, she find it so romantic dahil papalubog na rin ang araw noon—parang ganito 'yong mga napapanood niya sa mga pelikula at hindi pa niya nararanasan 'yon with Gabe, kaya kinikilig siyang maranasan 'yon—with Stephen.

"ANG SARAP pala ng pakiramdam ng mga paa sa basang buhangin, 'no? Ngayon ko lang kasi na-try ang ganito." Nakangiting sabi ni Max kay Stephen. "Mukhang wala namang nagkalat na shells, kaya hindi nakakatakot maglakad." Dagdag pa niya na tinanguan ng lalaki. Mas lalo siyang kinilig nang maramdaman niyang hinawakan ng binata ang kanyang kamay kaya—HHWW sila. Lihim siyang napangiti nang tignan niya ang magkasiklop nilang mga kamay. "Ang totoo niyan, ang sabi ko noon sa sarili ko, hindi na uli ako ma-i-in love kasi masakit, mahigit isang taon din kasi kami nang huling lalaking naka-relasyon ko—pero dumating ka at binago mo ang lahat ng ipinangako ko sa aking sarili." kuwento niya. Napangiti siya nang itinaas nito ang kamay niya saka itinapat sa bibig nito at hinalikan 'yon.

"It's my pleasure, your highness." Nakangiting sabi nito, napangiti uli tuloy siya. Ilang saglit pa ay natahimik sila pareho hanggang sa ito ang bumasag. "Why did you break up?" curious na tanong nito, kaya ikinuwento na din niya kung bakit sila naghiwalay ni Gabe. "He's stupid." Naiiling na sabi nito sa huli, natawa tuloy siya dahil kapareho nito nang sinasabi ng Mommy niya.

"Thank you, for staying with me, Stephen. Siguro kung ibang tao lang, iniwan na ako dahil alam nilang mawawala na ako sa mundo—"

"No matter what happen, I will never ever leave you." Seryosong wika nito. "Hindi ako katulad ng stupid ex mo."

Tumango-tango naman siya. "Let's do a sand castle? Hindi ko pa 'yon nata-try, e, though no'ng bata pa ako—kasama 'yong kalaro ko noon, nagpapatayo kami ng sand castle." Nakangiting pag-alala niya.

Ngumiti naman ang binata, saka sila pumuwesto sa pagpapatayuan nila ng sandcastle. "You must really miss your playmate." Nakangiting sabi nito.

"Si Ping-ping? Oo naman. Masyado na sigurong abala 'yon sa buhay ngayon, huling beses na nakita ko siya no'ng five years old pa lang siya, ako nine." natatawang pag-alala niya. Saka niya ikinuwento ang buhay no'ng bata pa siya. She really missed her childhood. Nagkuwento rin siya tungkol sa mga magulang niya, sa mga hilig niya at kung anu-ano pa. Napangiti siya nang maalala niya ang number six sa 'to do list' niya. 6. Tell a story of her life.

NANG matapos sila sa sandcastle nila at pag-i-stroll sa seashore, nagtungo na sila sa Pier one bar and grill—a seafood restaurant—na malapit doon para mag-dinner. Medyo madami na noong mga tao, pero nakakuha sila ng puwesto.

Madami uling in-order na pagkain si Stephen, after half an hour ay i-d-in-iliver na din ang mga orders nila; mabango at mukhang nakakatakam. Ngunit iba pa rin kasi 'yong seafoods resto na pinuntahan nila ni Stephen sa Maynila; the best 'yon!

Habang abala si Stephen sa pagbabalat nito ng tahong ay may naisip siyang nakakalokong biro nang mapagtripan niya ang ketchup na nasa mesa nila. Palihim niya 'yong kinuha saka nilagyan ang kanyang hintuturo para pagmukhaing may dugo. Gusto lang naman niya makita ang hitsura nito na takot sa dugo.

You are so silly, is that really you—Max? anang isipan niya, ngunit hindi na niya pinansin. Minsan lang naman siya maging silly, e. Ayon nga sa kanyang 'to do list' number 9: Do silly things. Lights, camera, action!

"Oh gosh! Stephen, dumudugo 'yong daliri ko!" kunwari ay naghi-hysterical niyang sabi, mabilis namang napabaling ang binata sa kanya, nakita niyang nanlaki ang mga mata nito—ngunit nagulat siya nang mabilis itong nakalapit sa kanya at mabilis na inilabas ang panyo nito na nasa bulsa, saka 'yon ipinantakip sa sugat-kuno niya.

"W-What happened?" tila kinakabahang wika nito, saka siya nito tinulungang tumayo. "I will bring you to the nearest hospital." Anito. Umiling-iling siya. "Madugo ang kamay mo at kailangan mong madala sa hospital." Matatag na sabi nito.

Napakagat siya sa ibabang labi niya. "A-Akala ko ba takot ka sa dugo? Eh, bakit parang hindi naman." Aniya.

"Mas nangingibabaw ang pag-aalala ko sa 'yo at ang kagustuhan kong maging maayos ka, wala na akong pakialam sa sarili ko. Kaya tara na!" sabay akay nito sa kanya, pero nagmatigas siya.

"May ipagtatapat ako sa 'yo." Aniya, na-konsensya tuloy siya sa kalokahan niya. "I'm faking it." Aniya, na ipinagtaka nito. Kaya mabilis niyang binawi ang kamay dito at mabilis na inalis ang panyo na nakatakip sa hintuturo niya. "It was just ketchup. I really don't have a wound. Sorry. I just wanted to see your reactions." Nahihiyang pag-amin niya, akala niya ay magagalit ito ngunit nagulat na lang siya nang bigla siyang niyakap nito.

"Thank God." Sabi pa nito. "You made me so nervous." Saglit siyang napakurap-kurap hanggang sa huli ay napangiti na lang din siya. She's one of a lucky girl—for having such a sweet boyfriend.

NANG makapagbayad si Stephen nang kinain nila ay inakay niya ito sa bar na malapit lang din doon.

"What are we doing here?" tanong nito.

Ngumiti siya. "Hindi ka nagpupunta sa mga bar?" tanong niya sa lalaki, na mabilis ikinailing nito, kaya napangiti siya sa pagka-good boy nito, saka mabilis na hinila ito papasok sa loob. Madami ng mga tao noon, maingay sa paligid at amoy alak everywhere. Hindi rin siya mahilig sa maiingay na lugar—pero gusto niyang masubukan ang ganito—makinig ng mga rock band at uminom ng alak hanggang sa ma-knock out, nasa 'to do list' niya 'yon!

Nagsisimula na noon ang pagtugtog ng mga banda at marami nang nagkakasiyahan sa dance floor, kaya mabilis niyang hinila ang lalaki para makipagsayawan din doon.

"Hey, are you okay?" tanong niya sa kasama niya.

Tumango ito. "But I didn't know that you like live bands and crowded places like this." Anito.

"Hindi ko gusto," sagot niya. "Pero nasa 'thirteen things to do before I die' list ko siya, kaya susubukan ko." Sagot niya, hindi nakasagot ang lalaki dahil tumamlay ang mukha nito—kaya hinila niya ito at nagsayaw-sayaw, "Come on, cheer up. For me?" sa huli ay tumango na din ito at nakipagsabayan sa pagsasayaw niya. Ilang saglit din silang nagsayaw sa dance floor bago nagpunta sa bar counter para mag-order nang maiinom. "You are responsible for me, kaya iinom ako hanggang sa ma-knock out ako." aniya.

"It is really okay for you to get drunk? Wala bang contraindications sa mga gamot na tini-take mo?" tanong nito.

"I'm not taking my meds anymore. Tutal puro pain relievers lang naman ang mga 'yon and I'm not that in pain." Aniya.

"But Max..."

"Let's not talk about it," aniya, saka siya bumaling sa barista at um-order ng champagne. Nakailang shot glasses siya—na panay awat ng binata—kaya sa huli ay para siyang hilong talelong. "The earth is spinning," aniya, naka-piggy back ride siya sa lalaki, pero hilong-hilo pa rin siya. Pauwi na sila noon sa Resort. "Nahihilo ako, Stephen." Aniya. She was really drunk! Malapit na siyang ma-KO sa kalasingan niya. "Ikaw ba?" dumudulas na din ang mga salita sa kanyang bibig.

"I only drank two shot glasses," imporma nito, "Ang kulit mo kasi, sabi nang hindi mo na kaya." Pangangaral nito.

Napahagikgik siya, saka hinalikan ang batok nito. "Huwag ka nang magalit sa akin, please. Love naman kita, e." aniya, saka niya isinandal ang ulo sa likuran nito—ilang saglit pa ay unti-unti nang napapapikit ang kanyang mga mata.

SIKAT na sikat na ang araw nang magising siya kinabukasan, mabilis siyang napatingin sa orasan sa bedside table niya, alas nuwebe na nang umaga. Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang kama ngunit nahilo siya saka kumirot ang ulo niya. Nagpakalasing nga pala siya kagabi at inihatid siya ni Stephen sa kanyang kuwarto. Napailing-iling siya, ito ang unang beses niyang nalasing nang gano'n at hindi pala maganda sa pakiramdam.

Tuluyan na siyang tumayo sa kama at nagtungo sa bathroom. Naligo na siya nang tuluyan para mawala ang kanyang hang over. Pagkatapos ay nag-toothbrush siya, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Baka kanina pa siya hinihintay ni Stephen, usapan kasi nilang mag-scuba diving sila ngayon.

Pagkalabas niya sa kanyang kuwarto ay bumungad agad sa kanya ang isang baso ng tubig na may honey na nakalagay sa isang plastic cup, mula sa nakangiting si Stephen.

"Panlaban sa hang over." Nakangiting sabi nito. Mabilis naman niyang inabot 'yon at uminom doon. For sure, nag-effort itong naghanap ng honey para sa kanya. Hmm... sweet! "Breakfast na tayo?" yaya nito, saka nito hinawakan ang kamay niya patungo sa kung saan sila magbe-breakfast at talagang hinintay pa siya nito.

Nag-agahan sila sa isang magandang restaurant at saglit na nagkakuwentuhan sa nangyari kagabi, doon na din sila nagpababa ng pagkain. Kapagdaka'y niyaya na niya ang lalaki na magtungo sa beach para sa kanilang scuba diving. She wanted to have a date with Stephen under the sea.

"Kaya mo na ba?" pagkokumpirma nito, na mabilis niyang tinanguan. Dahil sa excitement ay nawala yata ang hang over at sakit ng ulo niya.

Nang makarating sila sa beach ay nagpa-register na sila para mag-scuba diving, kaya pinagpalit na sila agad ng pang-swimming attire at kinabitan ng mga scuba diving apparatuses.

Sumakay sila sa bangka hanggang sa makarating sila sa kalagitnaa ng dagat saka sila magkasamang nagpatihulog sa karagatan pailalim. Napangiti siya nang makita niya ang mga nakatagong likas na yaman sa karagatan. May mga bagay talaga na hindi lahat nabibili ng pera—tulad ng experience niyang 'yon.

Hindi niya namalayan nasa tabi na niya si Stephen, sinabi nitong ngumiti siya saka nito mabilis na inilabas ang cell phone nitong water proof. Saka sila kumuha ng larawan nila together. Nilibot pa nila ang magagadang likas na yaman doon; mga corral reefs, mga iba't ibang uri ng mga isda, sea shells at marami pang iba.

Sobrang saya ng pakiramdam niya nang mga sandaling 'yon, pakiramdam niya ay worth it na worth it ang thirty three years of existence niya. Ilang sandali pa ay umahon na rin sila at muling sumakay sa Bangka pabalik sa shore. It was one of the best experiences, ever.

Nang makarating sila sa shore ay unli tawanan at kuwetuhan sila sa mga nakita nila under the sea. Nagpalit na din sila ng mga damit nila at isinauli ang mga diving apparatuses, eleven forty five na nang maisipan nilang mananghalian sa isang Meat restaurant.

Habang abala silang kumakain ay biglang tumunog ang kanyang phone, it was an unregistered number, nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya, pero sa huli ay sinagot din niya.

"This is Dr. Merilos of Haven Hospital. Ms. Opiña I need to see you as soon as possible. I have important things to say." Tila bothered na sabi ng doctor.

"Nasa bakasyon po ako, doc. Bukas pa po ng hapon ang uwi ko, hindi po ba dito niyo na lang sabihin sa phone?"

"Gusto ko ay personal kitang makausap. This is an emergency..." kaya sumang-ayon siyang makikipag-meet sa doctor bukas ng hapon.

Hindi kaya mas napaaga ang taning ng buhay ko? May mahigit isang linggo pa dapat ako—ilang araw na lang kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.1K 53
3rd tape
12.1K 1.3K 70
Tiffany Kate Folkerson is a simple teenage school girl, isang nerd, hilig niyang mag basa ng libro, matalino... Matalino, pero masasabi pa ba nating...
144K 403 6
Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo o ang taong mahal ka? Paano kung malaman mo na parehas silang parte ng nakaraang buhay mo? Iikot ang kwento...
621K 26.3K 63
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...