Crowned: One-shot Stories

By RoviMochizuki

3.3K 102 18

Set of one-shot stories by yours truly. Cover by: eiramslove More

My Online Boyfriend
Scrabbled

Once Again, With Feelings

470 16 0
By RoviMochizuki

~ ~ ~ x ~ ~ ~

Love is sweeter
When it is real.

~ ~ ~ x ~ ~ ~

"NABALITAAN mo na ba?" tanong sa akin ni Eli habang naglalakad sa hallway ng pinapasukan naming school. Yapos nito sa dibdib ang librong gagamitin sa pagtuturo, ang bag nakasabit sa kanang balikat.

"Hi, Sir!"

Nakangiting binati ko muna ang mga estudyanteng bumati sa amin bago bumaling muli kay Eli.

"Nabalitaan ang alin?" pagbabalik-tanong ko rito habang inaayos ang suot kong salamin at mas niyakap pa ang dala kong lesson plan.

"Ay, hindi mo alam?!" gulat na tanong nito uli sa akin. Bored na tingin naman ang sinagot ko rito.

"Malamang," sarkastiko kong sagot. "Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Tipid na lamang itong ngumiti sa akin bago tumikhim at magsalita uli.

"Well, nakita ko lang ito sa Facebook," panimula nito na tinaasan ko naman ng kilay. "Nakauwi na pala si Fritz dito sa 'Pinas."

Napatigil naman ako sa paglalakad at napaisip.

Nandito na uli si Fritz?

Kumabog ang dibdib ko nang isiping nandito na sa 'Pinas ang nag-iisang taong minahal ko pero hindi niya alam.

"Mamaya ka na magmuni-muni, Theo," paggising sa akin ni Eli. "May klase pa tayo."

Nginitian ko naman ito bago nagpatuloy sa paglakad.

"CLASS dismissed," anunsyo ng guro namin sa harapan dahilan para magkagulo ang mga kaklase ko. Lahat ay nagmamadaling mag-ayos ng gamit.

"Saan ba tayo?" tanong ni Kurt, isa sa aking kaklase, habang isinasabit ang bag sa kanyang kanang balikat. "Kina Fritz ba?"

"Oo, doon nga sa amin," sagot naman ni Fritz sa tanong ni Kurt habang inilalagay ang mga gamit sa bag niya.

"Fred, saan kayo pupunta?" tanong naman ng kaibigan kong si Eli na kasalukuyang nakaupo sa harap ko. Hinihintay na lamang ako nitong makapag-ayos ng gamit.

"Sa bahay nina Fritz," sagot ni Fred kay Eli na naghihintay na lamang sa may pinto. "Sleepover lang kami bago man lang tayo maka-graduate."

Napatingin ako kay Eli nang pumalakpak ito. Tapos ko nang ayusin ang gamit ko ng mga oras na iyon.

"Sleepover?!" masayang tanong ni Eli habang kumikinang ang mga mata. "Pwede ba kaming sumama ni Theo?!"

"What?!" pasigaw kong react sa tanong ni Eli. Agad naman akong napatakip ng bibig nang mapagtanto kong ang pangit ng naging reaction ko.

"Mukhang ayaw naman ni Theo e," pang-aasar ni Kurt.

"Hindi! Gusto niya!" giit ni Eli bago lumingon sa akin. Pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Di ba gusto mo?! Di ba?!"

"Ah... Eh..." Napatingin ako sa tatlong lalaking naghihintay sa aking sagot. "Ah... O-oo, gusto ko. G-gustong gusto ko nga e."

"Di ba?! Sabi sa inyo gusto niya e?!"

Natawa naman si Fred. Nag-aya naman na si Fritz na umalis na para makapunta na agad sa kanila.

NANOOD kami ng movie pagkarating palang sa bahay nina Fritz. Wala siyang kasama sa bahay dahil nasa business trip daw ang mga magulang niya. Nakakaapat na movies na ata kami and it is already 3AM.

"Before we sleep, dapat maglaro muna tayo," suhestiyon ni Eli at kinuha ang isang bote ng softdrinks. "Spin the bottle!"

Mabilis naman kaming pumaikot sa boteng nakalapag sa sahig. Nang makumpleto at maging maayos ang mga upo ay pinaikot ito ni Eli. Tumutok ito kay Kurt.

"Truth or dare?" tanong ni Eli kay Kurt.

"Dare."

"Strip off your shirt."

Mabilis namang hinubad ni Kurt ang suoy nitong shirt. Boxer shorts na lamang ang suot nito kaya litaw na ang pinagyayabang nitong malapad na dibdib, medyo hulmadong four-pack abs, at well-developed biceps and triceps.

"Ay, ang hottie naman pala this guy," natatawang puri ni Eli kay Kurt na nag-flex pa ng muscles nito sa harap ng maharot kong kaibigan. Nagsisisigaw naman ang mga baliw nitong kaibigan.

"Magtigil na nga kayo," natatawang sabi ko bago ipaikot ang bote. Tumapat naman ito kay Fred.

"Dare," sagot agad nito kahit hindi ko pa tinatanong.

"Sure, dare it is." Then I came up with something. "Kiss mo si Eli sa cheek!"

"Kiss daw, p're!" natatawang sigaw naman ni Fritz.

Nakita ko namang namula si Eli. Crush kasi nito sina Kurt at Fred, kaya naman sa kanya ko ibibigay ang lahat ng biyaya.

Tumayo naman si Fred at walang alinlangan hinalikan sa pisngi ang nangingisay ko nang kaibigan. Natawa naman ako sa reaction nito.

Umikot uli ang bote at tumapat naman ito sa akin.

"Truth...?" patanong kong sabi dahil nagsimula na akong kabahan sa kung anong itatanong nila sa akin.

"Sinong crush mo sa klase?" tanong ni Fred na ikinamula ko.

Napatingin naman ako sa kaibigan kong biglang tumawa ng malakas. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Bes, sabihin mo sa kanila kung sino crush mo. Dali!" panghihikayat nito sa akin bago tumawa uli ng malakas.

Namula naman ako lalo nang nakitang naghihintay pala sina Kurt sa isasagot ko. I cleared my throat and looked down.

"Si..." Lumunok ako ng laway. "S-si Sir Maniego."

Muling tumawa ng malakas si Eli. Napanganga naman sina Kurt sa akin.

"Di ba may asawa na si Sir Chie?" tanong ni Kurt.

"Yup, meron na," sagot naman ni Eli. "Ngayon lang uli bumalik si Sir sa pagtuturo dahil napangasawa niya ang isa sa estudyante niya sa dating school na pinagtuturuan niya."

"At ang cute ng asawa niya!" sabat naman ni Fritz.

"Crush naman ni Fritz iyong asawa ni Sir Chie!" maligalig na sigaw naman ni Fred bago tumawa ng malakas. Namumula namang tumawa si Fritz pero hindi itinanggi ang ibinunyag ni Fred. Kami naman ni Eli ay nagulat dahil alam ng lahat na lalaki rin ang asawa ni Sir Chie.

"Theo!"

Napatingin ako kay Eli na nakakrus ang braso at nakataas ang kilay sa harap ko. Halata rin sa mukha nito ang pagkainip at pagkairita.

"Ano? Tapos ka na managinip? Kasi kung hindi mo natatandaan, may klase pa tayo," nakasimangot at sarkastiko nitong sabi sa akin.

"Pasensya na. May iniisip lang," sagot ko na lang dito bago magpatuloy sa paglalakad.

"State the obvious." Inikutan ako nito ng mga mata bago sumunod sa akin sa paglalakad.

PABAGSAK akong umupo sa sofa nang ako ay makauwi. Mabilis kong sinandal ang likod ko sa lambot nito at tumitig sa puting kisame.

Nandito na uli si Fritz.

Naisip ko lang na narito na muli ang lalaking minahal ko sa Pilipinas ay nakaramdam ako ng tuwang hindi ko maipaliwanag at kaba na alam ko kung para saan.

Bumuntong-hininga na lamang ang aking ginawa bago pinikit ang aking mga mata.

"OKAY, last na ito tapos matulog na tayo a?!" maligalig na sabi ni Eli habang naghahanda na itong paikutin ang bote.

Napalunok naman ako ng laway sa kaba. Ewan, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.

Pinaikot ni Eli ang bote at napakagat labi na lamang ako sa kaba at antisipasyon. Ang titig ko ay nasa boteng umiikot lamang bago ito tumigil ng nakatapat kay Fritz ang nguso.

"Dare."

"Okay!" Napatingin kami kay Eli na nakakatakot ang pagngisi. "Dahil hindi ginawa ni Theo ang dare niya kanina na halikan si Kurt, this dare for the both of you."

Nag-umpisang magkarambola ang lahat ng meron sa dibdib ko.

"Ang dare ko," panimula ni Eli bago nang-aasar na tiningnan ako. "Be boyfriends for a week."

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ko ang maingay kong telepono. Kinuha ko ito mula sa aking bag.

Hmm. Anong kailangan ni Eli?

Hindi naman kasi normal na tumatawag sa telepono ko si Eli dahil halos araw-araw na kaming magkasama. Unless mahalaga ito.

"Hello," bati ko rito nang sagutin ko ang tawag.

"Theo!" Inilayo ko naman ang aparato sa tainga ko habang napapasimangot ng sumigaw ito.

"Do you really have to shout?" Inikutan ko ito ng mata kahit hindi nito nakikita.

"Busy ka ba bukas?" tanong nito na hindi pinansin ang tanong ko.

"I am not," sagot ko rito. Sabado naman bukas at wala akong gagawin kundi tumambay sa bahay at manood ng anime probably. Or maybe play League of Legends in my room.

"Good," masayang komento ni Eli. "Kurt is inviting us. Sleepover daw!"

Napangiti ako at tumango. It brought back so many memories and I was starting to reminisce things that I forgot I have Eli on the other line.

"Hello? Are you still on the line?"

"Ay, sorry," paghingi ko ng pasensya rito. "Yes, sasama ako."

"Then it's settled."

"WHAT are you doing here?!" gulat na tanong ko nang mabungaran ko si Fritz. Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader malapit sa pinto ng bahay namin.

"Sinusundo ka like what a good boyfriend should do," kaswal na sagot niya bago dumiretso ng tayo.

"Don't tell me you are taking Eli's dare," siningkitan ko siya ng mga mata.

"Well, what if I am?" Nagkibit-balikat siya bago kunin ang kamay ko at hilahin. "Ang daldal mo. Baka ma-late tayo."

"Hindi ko alam kung anong natira mo pero ayokong maging boyfriend ka," sabi ko sa kanya pero sumusunod lang ako sa panghahatak niya.

"Sa tingin mo ba gusto ko rin na maging kasintahan ka?" Hindi niya nilingon pero alam kong nakakunot ang noo niya. "Hindi ako bakla kaya hindi kita papatulan. Para lang ito sa laro."

Sa hindi malamang dahilan ay nasaktan ako sa sinabi niya. Pero isinantabi ko ang negatibong nararamdaman at ipinagsawalang-bahala ito.

Pumasok kami ng school ng magkahawak-kamay. Nakuha naman namin ang atensyon ng lahat. Kami ang naging sentro ng bulungan at mga tingin. Hindi naman namin ito ininda at dire-diretso lamang naglakad.

"What's the meaning of this?" tanong ni Cara, ang babaeng may gusto kay Fritz. Humarang ito sa daan at nakakrus pa ang mga braso sa harapan.

Tumigil naman kami ni Fritz. I tilted my head sideways while waiting for Fritz to answer.

"Whatever you are seeing, that's it," kalmadong sagot ni Fritz habang ang tingin ay hindi inaalis sa mga mata ni Cara.

"What?!" naiinis na tanong ni Cara habang tumatalim ang tingin sa akin.

"We're boyfriends," kaswal na sagot ni Fritz. "So don't you glare at him."

Narinig ko ang pagkagulat mula sa aming kaeskwela. Kung hindi lang ako sentro nitong lahat, tatawa talaga ako ng malakas dahil sa reaksyon ni Cara.

She was caught off guard. Para itong goldfish sa pagbukas-sara ng bibig. Buti at naisipan nitong itikom na lamang ang bibig bago samaan ako ng tingin at tumalikod na lamang.

"You really don't have to do that," sabi ko kay Fritz nang makalayo na si Cara. "This is only a dare."

"I know it is," sagot naman ni Fritz habang malawak ang ngiti. "But why not make it the best dare we ever did? Let's enjoy our week being together."

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya habang naiiling.

"SERIOUSLY?!"

Napalingon ako kay Eli na kasalukuyang nasa pinto ng bahay ko. Binati ko lamang ito bago ibalik ang atensyon ko sa TV. Kasalukuyan kasi akong nanonood ng Haikyu!!

"Don't tell me wala ka pang kain niyan?" tanong ni Eli kahit alam na niya ang sagot.

Nginitian ko lamang ito na agad naman kinaikot ng mga mata nito. Nagdiretso ba ito sa aking kusina habang nagpatuloy naman ako sa panonood.

"I DON'T know why you are here but good morning," bati ko kay Fritz na kasalukuyang nasa hapag namin. Naka-uniform na ito at ang gamit ay nasa gilid niya.

"Of course, you know," natatawang sabi ni Fritz. Bungisngis muna siya bago nagpatuloy. "Boyfriend mo kaya ako!"

Natigilan ako sa pag-upo sa tabi ng ate kong si Rhea. Lahat ng tao sa mesang iyon ay natigilan at palipat-lipat ang tingin sa amin. Nakaramdam naman ako ng kaba. Kahit naman kasi alam nila na bakla ako, hindi pa nila ako pinapayagang mag-boyfriend.

"Oh, my God," pagputol ni Ate Rhea sa humahabang katahimikan. Lumingon ito sa akin at pinalo ako sa braso. "Ikaw, ha?! I love your taste in men!"

Namula naman ako habang hinihimas ang napalong braso. Nakita ko namang ngumiti lamang si Fritz.

Napatingin kaming lahat kay Papa nang bigla itong tumikhim. "Hindi kami tutol sa relasyon niyo pero ikaw, lalaki, ingatan mo ang anak ko."

Napalingon kami kay Mama nang bigla itong suminghot na para bang iiyak. "Ang tanda ko na. May boyfriend na si Bunso."

"HOY!"

Napalingon naman ako kay Eli nang bigla ako nitong paluin. Nabungaran ko itong kunot-noong nakatingin sa akin. Nginitian ko na lamang ito.

"Kanina pa kita tinatawag. Kakain na tayo."

Tumayo naman ako at dumiretso kami sa kusina para kumain. Napansin ko ring pasulyap-sulyap sa akin si Eli.

SA MGA nagdaang araw ay pinanindigan namin ni Fritz ang pagiging magnobyo. Naroong gumagala kami after class, sabay kaming kumain ng lunch, at minsan ay sa amin siya natutulog. Simula ng mangyari ang dare ay halos hindi na kami mapaghiwalay. Marami pa rin kaming naririnig na hindi maganda pero hindi na namin iyon ininda. Lalo pa at ito ang huling araw namin.

Kasalukuyan kaming nasa Mall Of Asia seaside. Nakaupo lang kami roon habang magkahawak ang kamay at nakatingin sa papalubog na araw.

"Huling araw na pala natin, ano?" biglang sabi ni Fritz. Ramdam ko ang lungkot sa sinabi nito pero kahit ako ay nalungkot.

Hindi ko man sabihin sa kanya ay aminado naman akong napamahal na siya sa akin. Sa loob ng isang linggo, nasanay na akong lagi kaming magkasama to the point na minsan ay hinahanap ko siya. Sa mga nakalipas na araw ay masasabi kong hindi na ako naarte para sa dare, kundi para sa sarili kong damdamin.

"Pero alam mo..." Napalingon ako kay Fritz. "Mabuti na rin na huli na ito."

Nanlalaki ang mga matang nakatingin lamang ako sa kanya. Hindi ko rin itatanggi na nasaktan ako sa sinabi niya. Marahil ay nakita niya ang pagtatanong at sakit sa mga mata kaya napabuntong-hininga siya at mas hinigpitan ang hawak sa aking kamay.

"Mabuti na rin ito kasi aalis na ako bukas. Kailangang dalahin ni Mommy sa America para ipagamot. Kaya magma-migrate kaming lahat doon."

KUMATOK si Eli sa pinto nina Kurt. Kabado naman akong nakatayo sa likod ng excited na si Eli.

Bumukas ang pinto at kung hindi ako nagkakamali, si Fred ang sumalubong sa amin. Lumawak ang ngiti nito nang makita kaming dalawa.

"Eli, Theo! Good to see both of you," nakangiting sabi nito bago gumilid. "Come on in!"

Pumasok naman kaming dalawa ni Eli at namangha sa interior design ng bahay. Well-organized ito na medyo nakakapagtaka kasi sa pagkakatanda ko ay burara si Kurt.

"Theo! Eli!"

Napalingon kami sa lalaking masayang lumulundag pababa ng hagdan. I will admit, Kurt is so dazzling at that moment. Ang gwapo nito kahit nakapambahay.

"Buti nakapunta kayo," bati nito nang makalapit sa amin. "Ngayon lang wala ang mga bata kaya hindi natin alam kung kailan ito mauulit."

"Mga bata?" pagsasatinig ni Eli sa pagtataka naming dalawa.

Ngumiti naman sa amin si Fred. "Yup. Nasa bahay ng ate ko ngayon iyong nga bata para mangyari ang lahat ng ito."

Lalo naman akong naguluhan. Nahalata siguro ni Kurt ang pagkalito sa mukha namin ni Eli kaya mahina itong natawa.

"May mga anak na kami kung iyon abg tanong niyo."

Kami...? Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang salitang iyon.

Natawa muli si Kurt sa amin. "And yes, kami. Asawa ko si Fred. Three years na rin kaming kasal."

Sabay kaming napanganga ni Eli. Pero mas malala ang gulat ni Eli. Alam kong mahirap ito para rito dahil ang dalawang crush nito, mag-asawa. Natatawa tuloy ako para sa kaibigan ko.

"Kurt? Fred?"

Napalingon kami sa lalaking pababa ng hagdan.

And apparently, nagpatigil ng mundo ko.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang makita ko siya. Naroon iyong saya dahil makalipas ang ilang taon ay nagkita uli kami. Nandoon din ang kaba kasi hindi ko naman alam kung ano nararamdaman nito para sa akin. Pero ang pinakanararamdaman ko ay pag-asa - pag-asa na maaamin ko na rin ang nararamdaman ko.

Nakangiting lumapit siya sa amin. Sinalubong naman siya ng ngiti ng mga kasama ko. Kanina pa pala siya narito kina Kurt at nakaidlip ito sa taas.

"Mag-umpisa na tayo," maligalig na anunsyo ni Kurt buksan ang DVD player.

Nakaapat rin kaming movie bago mapagdesisyunang matulog na. Pero bago matulog ay humirit si Eli ng isang laro: ang Spin The Bottle. Isang larong napaka-memorable sa akin dahil dito nag-umpisa ang lahat.

Pumabilog naman kami sa bote. Unang ikot ay natapat kay Eli.

"Truth," matapang na sagot nito.

"May love life ka ba ngayon?" natatawang tanong ni Fred na ikinaikot ng mga mata ni Eli.

"Nakakainsulto ka. Alam mo ba iyon?" nakasimangot na sagot nito na ikinatawa ng mag-asawa. Napangiti naman kami ni Fritz. "Wala. Zero. Bokya."

Mabilis nitong inikot ang bote habang tumatawa naman ang mag-asawa. Tumapat ito kay Kurt.

"Dare," nakangiting sagot nito.

"Make out with Fred for ten seconds," utos naman ni Eli rito.

Napangisi si Kurt bago lumingon sa namumulang si Fred. Walang sabi-sabi ay hinalikan ni Kurt si Fred. They made out. Gulat pa ako noong makita ang likot ng mga dila nila.

"Okay, ten seconds na."

Tumigil naman ang dalawa. Nakangising inikot ni Kurt ang bote at tumapat ito sa akin. Kinakabahan naman akong napatingin sa mga kasama namin.

"D-dare," kabadong sagot ko. Nakapit tuloy ako sa sofa na nasa likod dahil sa kaba at antisipasyon.

"I dare you," panimula ni Fritz na seryoso ang ekspresyon habang matiim na nakatingin sa akin. "To be my boyfriend."

Natigilan kaming lahat sa sinabi niya. Ako naman ay natulala rito. Nakaramdan ako ng saya sa sinabi nito. Parang may kung ano sa loob ko ang nasindihan at sumabog.

"And this time, for real. With feelings."

Naiiyak akong ngumiti sa kanya bago tumayo at mabilis na yumakap sa leeg niya. Hindi naman siya nagpabuwal at gumanti pa sa akin ng yakap.

"I will take the dare," masayang bulong ko rito. "I will be your boyfriend once again. This time, with feelings."

Nakangiting pinapanood lamang kami ng mga kaibigan namin. Napasandal si Kurt kay Fred na tinugon naman ng huli ng yakap. Si Eli naman ay palihim na nagpupunas ng luha habang masayang nakatingin sa amin.

Sa mga oras na iyon, pakiramdan ko ako na ang pinakamasayang tao. After all these years of waiting, it all worth it. Now, the man I am waiting is in my arms.

"I love you..." Bulong lang iyon pero nagbigay iyon ng kakaibang kiliti sa akin.

Magiliw ko naman itong sinagot. "I love you, too." Humiwalay ako sa kanya at saka namin pinagsaluhan ang isang matamis na halik.

At saksi ang mga kaibigan namin sa pag-uumpisa ng dare namin ni Fritz na habambuhay naming paninindigan.

Continue Reading

You'll Also Like

172M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
64.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
28M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...