UNFAITHFUL
© loviesofteinyl | 2018
NAGISING akong masakit pa rin ang ulo. Alam kong kahit anong pahinga ang gagawin ko, hindi parin mawawala ang sakit ng ulo ko. Nasa kalagitnaan ako ng trabaho nang mangyari iyon. Hindi ko inakala na dito pa ako sa hospital hihimatayin. Nakakahiya.
Bumuntong hininga ako nang makita ko ang IV line na nakakabit sa kanang kamay ko. Nilibot ng paningin ko ang buong sulok ngunit tanging ang puting kurtina lang ang nakikita ko. Nasa ER ako ng hospital. Mabuti at hindi nila ako ipinasok sa isang private room. Pinilit kong umupo nang biglang bumukas ang kurtinang nakapaligid sa akin.
"Saan ka pupunta? Magpahinga ka muna dito," sambit ni Anna ngunit desidido akong umalis sa lugar na ito, marami akong pasyente sa araw na'to at hindi ko pa sila nakakamusta. Hindi pwedeng hihina-hina ako.
"Kailangan ako ng mga pasyente ko, Anna." sagot ko sa kanya habang dahan-dahang inaalis ang IV line sa kamay ko. Marahil mababa ang sodium ko kaya kinailangan nila akong lagyan ng intravenous line.
"Kailan ang balak mong bumalik sa BHI?" Natigilan ako sa seryosong tanong ni Anna. Seryoso ang mukha nito na may halong pag-aalala. Hindi ko siya sinagot sa halip yumuko lang ako.
"Tinatanong kita kaya dapat sagutin mo ako." Sa tono nang pananalita ni Anna ay alam kong napipikon na siya sa akin. Hindi ako sanay sa ugaling niyang ito.
"Pag-iisipan ko yan," sagot ko sa kanya at nakita kong inirapan niya lang ako.
"I'm a keen observer and I'm a licensed doctor. Alam ko kung may sakit ang nasa harap ko kahit hindi niya sabihin sakin. You fainted, Steffi! Mabuti nalang at nakita ka ni Stephen." Tumataas na ang boses nito kaya alam kong galit na siya sakin. Ayokong bumalik sa BHI dahil dito ang buhay ko.
Ngayon na nakabalik na ako sa buhay ni Flynn, hindi ko na siya ulit iiwan. Wala na akong lakas para iwan siya tulad ng dati. It was a right decision but it was also a selfish act that is why I don't what to do it again. What I've done before was a big mistake. My emotions manipulated me. I was consumed by fear.
"Where is Flynn? Alam niya ba?" Ayokong pag-usapan ang pagbabalik ko sa BHI. Naalala ko si Flynn kaya naitanong ko siya kay Anna.
Napaiwas siya ng tingin, "Hindi ka nakikinig sakin, nakakainis ka! Hindi niya alam, umalis siya kasama si Bella at hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik," sagot niya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot sa sinabi niya.
Paano kung siya ang nakakita sa akin, sasagipin niya ba ako? Paano kung malaman na niya ang totoo, tatangapin niya pa ba ako? What if he did not rescue me? What if he did not accept me? What should I do? What if he didn't love me anymore? Will I stay?
PINAUWI ako ng head doctor namin nang malaman niya ang nangyari sa akin. Wala akong magawa kundi sundin ito kahit pa na gustong-gusto kong ipagpatuloy ang pagrounds sa mga pasyente ko. Papasok na ako sa kwarto ko nang makita ako ni Nay Aida.
"Steffi, masama ba pakiramdam mo? Namumutla ka," sabi niya habang kinakapa-kapa ang leeg ko. Nginitian ko lang siya. Hindi ko naman maitatago sa kanya na masama ang pakiramdam ko.
"Stress lang ako, Nay." Mahinahong sagot ko sa kanya.
"Inihatid ka ba dito ni Zeke?" nag-aalalang tanong niya sa akin. How I wish he accompanied me but he didn't because he was with someone else. And I even don't know where they are. I disgust myself for being a useless fiance.
"Hindi po, busy si Flynn kaya ayoko siyang maitorbo." Nakangiting sagot ko sa kanya.
Pinilit kong ipakita na okay lang dahil ayokong mag-alala pa siya ng husto. Batid kong napapansin ni Nay Aida na madalas hindi kami magkasama ni Flynn. Hindi kami magkasabay kung pumunta ng hospital. Hindi rin kami magkasabay kumain.
"Sige Nay, magpapahinga na po ako," at agad naman siyang umalis.
Pumunta ako sa balkonahe ng kwarto at sinalubong ako ng malakas na hangin. Sapat na iyon para mapawi ang bigat na nararamdaman ko. Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ngunit napangiti rin ako nang marinig ko ang mga ibon na lumilipad-lipad sa puno na katapat lang ng kwarto ko.
"You still not have changed. You still love the sounds of birds." Napamulat ako at biglang napalingon nang marinig ko ang boses na iyon.
Napangiti ako nang makita ko si Kate. Agad ko siyang nilapitan at niyakap nang mahigpit. I looked at her as a sister.
"Hindi tayo nakapag-usap ng maayos nung nagkita tayo sa hospital. Gusto kitang kamustahin eh, kamusta kana? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umalis? Bakit mo kami iniwan? Bakit kinailangan mong gawin yun?" sunud-sunod nitong tanong sa akin kaya hindi ako makapagsalita.
Alam kong sabik na sabik siyang malaman ang mga rason ko. Tinititigan niya lang ako ngunit nakikita ko pa ring tinatanong ako ng mga mata niya.
"I'm alright. H-hindi ka ba magagalit sa akin kung sasabihin ko sa'yo ang rason?" nag-aalangang sagot ko sa kanya at agad niyang tinapik ang likod ko.
"I know you well, I don't think a selfless woman like you will do stupid things without a valid reason. Masyado kang mabait para maging tarantada," sagot nito at napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Well, I guess I did." Yumuko ako pagkatapos kong sabihin iyon. I'm not selfless. To leave them was already a stupid and selfish act. Please don't believe her.
"I'm just here for you. I will listen." Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Napangiti ako sa ginawa niya. Pinaramdam niya sakin na sa kabila ng ginawa ko, nararapat pa rin akong pakinggan. Sa wakas may taong gustong marinig ang mga paliwanag ko.
"I left because of him. He will not be healed if he saw me suffering the same way as tito Marlon." Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa sinabi ko sa kanya. Nanggigilid na naman ang mga luha sa mata ko. I can't help it. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa bang sabihin sa kanya ang lahat.
"Kaya mo bang sabihin sakin ang lahat ngayon?" tanong ni Kate sakin na may halong pag-aalala. Ni hindi ako makasagot sa kanya.
"Okay, siguro sa sa susunod nalang. Mukhang hindi makakabuti sa'yo na binibigla kita." dagdag pa nito at agad siyang napatayo sa harap ko.
"Noong umalis ka, naging magulo ang lahat. Flynn left home. Halos sa kotse siya tumira habang abala sa paghahanap sa'yo. Na-canceled ang lahat, reception, reservation sa hotel, ticket niyo sa Maldives para sa honeymoon niyo at pati na rin ang mga reservation ng mga guests sa resort kung saan dapat gaganapin ang kasal. Pero sa kabila nang lahat na iyon, hindi siya nawalan nang pag-asa na mahahanap ka niya. Until one day, he changed. Iyon ang ikinagulat ko."
Natigilan siya sandali at natulala pagkatapos niyang sinabi ang lajat na iyon. Napatingin si Kate sakin at hinakawan ang kamay ko.
"Hindi ka sana mabibigla, sasabihin ko sa'yo 'to dahil gusto kitang tulungan. I'm your sister and I don't want to hurt you." Tumango ako sa kanya at hinawakan ko rin ang kamay niya.
"What is it?" mahinahong tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at yumuko.
"Flynn and Bella had a relationship." nag-aalangang sinabi niya.
Mas napahigpit ang paghawak ko sa kamya niya nang marinig ko iyon. Hindi napigilan ng mga mata ko ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.
What is more painful than the truth? My heart beats faster than it should be. I bowed and smiled at her to cover up the pain I feel. Time makes us sentimental. Perhaps, in the end, it is because of time that we suffer. Healing takes time but forgeting takes time too. And when that time is over, you will learn to move on and break free. Meet new people. Date them. Fix yourself. You are motivated to start of something new. You tend forget those awful memories and make a new one.
Time is so unfair.
"I'm so sorry, Steffi. Hindi ko sinasadyang mabigla ka." Naiiyak na sinabi ni Kate. Umiling ako ng ilang beses sa kanya. Sunud-sunod pa rin na tumutulo ang mga luha ko pero hinayaan ko lang.
Crying helps you ease the pain. My heart is so invested, I don't want to face the truth but the truth came to me.
"I know. I saw them kissing each other three years ago. It was so painful to witnessed a sincere and genuine kiss that I have never experience before." No words can explain the pain. It shattered me into pieces. I wish I could turn back time when everything was perfect. I want to go back to the past but I was too late. I'm five years too late to fix everything.
I'm five years too late to save our relationship.
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏
Author's Note: This story is unedited. I'm sure maraming wrong grammars, typos etc. aayusin ko po soon. Don't forget to vote and comment (for silent readers okay lang na di magcomment, vote nalang 😃💕). God bless us all!
Proverbs: 31:25 😄💕