Fantasy Realm Online

By DarkNiiChan

179K 7.5K 777

It all starts when Kaizer and his friends starts playing the new VRMMORPG game that came up of nowhere. Until... More

Prologue
Game Informations
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2 - Exceed
Chapter 3 - Transfer Students in Our Class?
Chapter 4 - Meet Dark
Chapter 5 - A Dragon Boss
Chapter 6 - Realization
Chapter 7 - My Demon Form
Chapter 8 - A Mysterious Foe
Chapter 9 - Arcadia Kingdom
Chapter 10 - The Unknown Creature
Chapter 11 - Berserk
Chapter 12 - Acquired a New Title
Chapter 13 - A Start of a new Adventure
Chapter 14 - Hidden Village in the Mountains
Chapter 15 - A Sacred Temple
Chapter 16 - The Battle for Epiria
Chapter 17 - Uncontrolled Power
Chapter 18 - Confusion and Goodbye
Chapter 19 - Farewell?
Chapter 20 - A Little Request
Chapter 21 - I'm Back!
Chapter 22 - We're in Trouble
Chapter 23 - Crogue
Chapter 24 - Violet Colored IGN's
Chapter 25 - The Orc Kingdom
Chapter 26 - Kingdom Raid
Chapter 27 - Re-Awakening
Chapter 28 - Suspicions
Chapter 30 - Exploration Quest
Chapter 31 - Black Skull Guild
Game Updates
Chapter 32 - Massacre
Chapter 33 - Undeads
Chapter 34 - Zeraphim
Chapter 35 - Grimoire of Deatth
Chapter 36 - Brats Everywhere
Chapter 37 - Announcement
Chapter 38 - Summoned Beasts
Chapter 39 - Black Skull Strikes
Chapter 40 - One vs Three
Chapter 41 - Black Skull's Leader
Chapter 42 - Downfall of the Corrupted Me
Chapter 43 - The Truth Behind the Game
Chapter 44 - Ignis City
Chapter 45 - A Stroll and A War
Chapter 46 - United Arisen
Chapter 47 - Guild House
Chapter 48 - The First Guild Meetup
Chapter 49 - New Comrades/Friends
Chapter 50 - The Legend Starts
Chapter 51 - Corrupted Dragon
Chapter 52 - Rampage
Chapter 53 - The Last Dragon Tribe
Chapter 54 - With the Help of Her
Chapter 55 - Reunion With The Holder Of Grimoire Of Life
Chapter 56 - Evil God
Chapter 57 - A Duel With The Self Proclaimed Strongest
Chapter 58 - To Demoria Continent!
Chapter 59 - From Demoria With Love! (Part 1)
Chapter 60 - From Demoria With Love! (Part 2)
Chapter 61 - Welcome To Demoria
Chapter 62 - Cursed Demonic Hero VS The Evil God
Chapter 63 - A New Awakened Power
Chapter 64 - The Countdown Starts... NOW!
Chapter 65 - Demoria's Crisis
Chapter 66 - Demoria's Worst State
Chapter 67 - It's Cleaning Operation...ANNIHILATION
Chapter 68 - The Beginning of His Judgement
Chapter 69 - Marauder's Group
Chapter 70 - Demorious
Chapter 71 - Fall of Demorious
Chapter 72 - The Final Battle for Demoria
Chapter 73 - I'm Literally Going to Thera!
Chapter 74 - An All Out War Against Us
Chapter 75 - The War Has Begun
Chapter 76 - The One Sided War
Chapter 77 - Arkosios
Chapter 78 - Earth's In Trouble
Chapter 79 - Uneasy Feeling
Chapter 80 - The Day He Lost His Everything
Chapter 81 - Fooled by the ENEMIES
Chapter 82 - The Beginning of the 'END'
Chapter 83 - Taking the First Step
Chapter 84 - The Third Continent of Thera
Chapter 85 - Zhuro Continent
Chapter 86 - Absinthe and Kiran
Chapter 87 - The Meeting About The Future Of The Earth
Chapter 88 - The Beginning of the Final War
Chapter 89 - Enlightenment
Chapter 90 - The 4th Continent
Chapter 91 - Crystal of Life and Death

Chapter 29 - Im Back Arcadia!

1.9K 87 4
By DarkNiiChan


Kaizer's POV

"Huy Kaizer gising na!" napabalikwas ako nang bangon dahil sa pagyugyog sa akin ni Izumi, nang ikutin ko nang tingin ang buong classroom ay kitang kita ko ang mga kaklase ko pati na din si maam na nakatingin sa akin

Dahil sa hiya at pagkagulat ay bahagya ko na lang na naiyuko ang ulo ko bilang paghingi nang tawad

Ilang saglit pa ay nagsimula nang magdiscuss si maam, kinuha ko na din ang notebook ko at nagsimula na kong magtakedown nang mga notes

Habang nagsusulat ako ay napapansin kong parang hindi mapakali si Rhaine, tatanungin ko na sana siya kung anong problema niya nang maalala kong hindi ko nga pala dapat na gawin yon

Dahil doon ay kinalabit ko na lang si Izumi gamit ang ballpen ko tapos ay tinuro ko si Rhaine, mukhang nagets niya naman ang gusto kong iparating dahil tumango siya

"Rhaine ayos ka lang?" tanong ni Izumi kay Rhaine habang ako naman ay diretsong nakatingin lang sa harap at nakikinig

"A-ahh o-oo ayos lang ako, medyo masama lang yung pakiramdam ko" sagot ni Rhaine, bahagya ko ding tiningnan si Rhaine gamit ang peripheral vision ko

Napansin kong may kakaiba sa kanya ngayon dahil parang nanghihina siya, iba din ang itsura nang mukha niya para bang pagod na pagod siya

Napansin ko ding pinagpapawisan siya nang matindi kahit naman naka aircon ang classroom, namumula din ang mukha niya

Oh shit! Hindi kaya may lagnat tong babaeng to?!

Acting on my instinct iniharap ko sa akin si Rhaine tapos ay inilapit ko ang noo ko sa noo niya, nagulat si Rhaine dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay pinagtuunan ko nang pansin ang temperatura niya

Napakainit ni Rhaine at napakataas din nang lagnat niya, hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at agad na kong tumayo sa upuan ko

"Ma'am excuse, dadalhin ko lang po si Rhaine sa clinic mataas po yung lagnat eh" dahil sa sinabi ko ay napunta sa amin ang buong atensyon nang buong classroom, tumango naman sa akin si maam bilang pagpayag

Hinawakan ko ang braso ni Rhaine at dahan dahan ko siyang itinayo,noong una ay ayaw niya pang pumayag pero nung makita niyang seryoso ako ay wala na siyang nagawa

"Huwag ka nang maarte dadalhin kita sa clinic, masyadong mataas ang lagnat mo" seryosong sabi ko sa kanya

Pagkatayo niya ay nakaalalay ako sa kanya sa paglalakad pero mukhang hindi niya kaya dahil muntik na siyang matumba nung unang hakbang pa lang

Wala na kong nagawa at binuhat ko na lang siya in bridal style, hindi magandang pagurin ang may sakit dahil baka mas lalo lang tumaas ang lagnat niya

Dahil sa ginawa ko ay bigla na lang naghiyawan ang mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin, parang mga ewan lang nakita na nilang may sakit yung tao eh bibigyan pa nang malisya yung ginawa ko

Pagdating namin sa clinic ay agad kaming inasikaso nang nurse, nang mainom na ni Rhaine ang gamot niya ay aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko

Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya, hindi ko alam kung dahil ba sa sakit niya o nagbublush siya dahil sobrang pula nang mukha niya ngayon

"P-Please h-huwag m-mo k-kong iwan" kahit na hirap sa pagsasalita ay pinilit niya pa ding tapusin ang sasabhin niya, tinitigan ko si Rhaine, napansin kong seryoso siya sa sinabi niya kaya naman wala na kong nagawa at muli na lang akong umupo sa upuan sa tabi nang higaan niya

Habang nakapikit siya ay hawak hawak niya nang napakahigpit ang kamay ko, para bang ayaw niya na itong pakawalan pa

Ganito ba ang epekto nang lagnat sa babaeng ito?

Dahil sa wala akong magawa sa loob nang clinic ay sinalpak ko na lang ang earphones ko saka ako nagpatugtog at sumandal sa upuan ko, unti unti ko na ding ipinikit ang mga mata ko

Dahil sa mukhang nakulangan pa ko sa tulog kanina ay madali akong nakatulog pagkapikit ko nang mga mata ko

Nasa kasarapan ako nang tulog ko nang makarinig ako nang tunog nang mga camera sa buong paligid ko, nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mga kaibigan ko na may kanya kanyang hawak nang cellphone na nakatutok sa akin

"Pasimple ka palang kumilos Kaizer ah" sabi sa akin ni Yumina habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi

Dahil sa hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya ay wala akong naisagot sa sinabi niya

"So Kaizer anong progress? Kayo na ba ni Rhaine?" dahil sa sinabi ni Chrissia ay napatingin ako kay Rhaine tapos ay napansin ko ang mga kamay namin na magkahawak pa din hanggang ngayon

Oh shit! Mukhang namisunderstand nila, aish!

Aalisin ko na sana ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Rhaine kaya nga lang bigla na lang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko

Argh! Ilang ulit ko pang pasimpleng inaalis ang kamay ko kaya nga lang sa bawat pagpupumilit kong tanggalin ang kamay ko ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya

Dahil sa no choice na ako ay ginamit ko na ang isa ko pang kamay para lang maalis ang kamay kong hinahawakan pa din ni Rhaine hanggang ngayon

Pagkatanggal ko nang kamay ko ay bigla na lang bumangon mula sa pagkakahiga niya si Rhaine tapos ay tumingin siya sa direksyon ko

"Mou!" nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin nang napakahigpit, sa sobrang higpit nang pagkakayakap niya sa akin ay pakiramdam ko ay hindi na ko makahinga "Sabi sayo wag mo kong iiwan eh" habang nakayakap sa akin si Rhaine ay bigla siyang nagsalita dahilan upang mapatigil ako

W-What did she just say?!

Dahil sa narinig ko ay hindi ko ay parang tumigil ang buong paligid ko at para bang kaming dalawa na lang ni Rhaine ang nakikita ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact sa sinabi niya kanina

Aaargh! Nakakainis naman!

Pakiramdam ko pa ang init init nang mukha ko, siguro pulang pula na ko ngayon! Aish!

Napatigil lang ako sa pagiisip nang muli nanaman akong makarinig nang pagclick nang camera sa paligid ko, dahil doon ay bumalik ako sa katinuan ko at inilayo ko si Rhaine mula sa pagkakayakap niya sa akin

Napansin kong parang tulog pa si Rhaine ngayon, aish hindi pa pala gising yung diwa nang babaeng to kaya naman pala kung ano-ano yung pinagsasabi

Pagkatapos kong alalayang mahiga ulit si Rhaine ay ibinilin ko na siya sa mga kaibigan namin, hindi ko na pinansin ang mga panunukso nila sa akin

Pagkabalik ko sa classroom ay tumigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa at napatingin silang lahat sa akin, tsk! Ano nanaman kayang problema nang mga to?!

Hindi ko na lang sila pinansin lahat at sa halip ay umupo na lang ako sa upuan ko, pagkaupo ko ay agad akong yumuko dahil katulad kanina ay mukhang kapos nanaman ako sa tulog

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang makaramdam ako nang pagkalabit sa kaliwang bahagi ko, iniangat ko nang bahagya ang ulo ko para tingnan si Izumi

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay

"Nabalitaan mo ba yung announcement kagabi? may bagong available na kingdom sa game eh, gusto mo iexplore natin mamaya?" sunod sunod na sabi niya sa akin, kung pwede lang kumislap ang mga mata ni Izumi ay sigurado akong kanina pa siya nagiispark

"Ikaw na lang muna, may aasikashin ako mamaya sa game" sabi ko sa kanya

Plano ko kasing bumisita sa Arcadia Kingdom mamaya pagonline ko sa game, matagal tagal din akong nawala at nangako ako sa kanila na kapag bumalik ako sa game ay bibisitahin ko agad sila

Kaya nga lang maraming nangyari kaya naman medyo napatagal ang pagbisita ko haha

"Ayy ganon ba sige sama na lang ako sayo mamaya" masayang sabi niya sa akin

"H-Huh?, a-ano hindi ka pwedeng sumama mamaya dahil d-delikado yung aasikasuhin ko" hindi pwedeng malaman ni Izumi ang tungkol sa access ko patungo sa arcadia castle!

"Ehh, ayos lang yon! Sige na pumayag ka na, please! Please! Please!" pagpupumilit niya sa akin habang naka puppy eyes pa, tsk!

"Aish! Ganito na lang sasamahan kita mamaya sa orc kingdom pagkatapos noon ay maghihiwalay na tayo, ano payag ka?"

"Ehh?!" mukhang hndi pa ata papayag ah "Hays, sige na nga" ayos pumayag haha

Pagkatapos nang klase ay sabay kaming pumunta ni Izumi sa car park tapos ay hinintay ko muna siyang makasakay sa kotse nila bago ako sumakay sa kotse ko at umuwi

Pagdating ko sa bahay ay wala sila mama at papa, dumiretso na lang ako sa kwarto ko tapos ay naghilamos ako at nagpalit nang damit

Pagkatapos kong magpalit nang damit ay dumiretso ako sa kusina at kumain muna ko, nagpahinga muna ko saglit sa sala habang nanonood nang anime, nang matapos ko ang isang buong season nang anime na pinanonood ko ay dumiretso na ko sa kwarto ko at inayos ko na ang nerve gear ko

"Initialize!" sabi ko tapos ay nagrespawn na ko sa loob nang game

Tiningnan ko sa friends list ko kung nakaonline na si Izumi, hindi naman ako nabigo dahil nakaonline na siya at mukhang kanina pa dahil napakadami na nang message niya sa akin

Speaking of message, kung nakakapagsend siya sa akin nang messages eh di nakikita niya ang ign ko, matanong nga siya mamaya

Pagkarating ko sa plaza sa gilid nang fountain sa kiriko village ay isang malakas na batok ang isinalubong sa akin ni Izumi

"Bakit ba ang tagal mo magonline?! Kanina pa ko naghihintay dito eh?! Ganyan na ba talaga kayong mga lalaki ngayon?! Pa vip ka pa hindi ka naman importante?! A..." hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nakakagaw na kami nang atensyon

"May ginawa pa kasi ako sa bahay kaya hindi agad ako nakapagonline tsaka wala ka namang sinabing eksaktong oras nang meetup diba?! Isa pa ganitong oras talaga ako madalas na nagoonline at alam kong alam mo yon, isa pa pwede bang wag kang sumigaw nakakaattract ka na nang atensyon eh" pagkatapos kong magsalita ay tumingin siya sa paligid naming dalawa

Habang nililibot niya nang tingin ang buong paligid ay nanlalaki ang kanyang mga mata, siguro ngayon niya lang din narealize na kanina pa kami pinagtitinginan nang mga players dito

"Ngayon naiintindihan mo na" sabi ko sa kanya

Tumango siya bilang pagsagot sa sinabi ko kaya naman tinanggal ko na ang kamay kong nakatapal sa bibig niya

"Tara na pumunta na tayo sa orc kingdom" sabi ko sa kanya tapos ay hinila ko na ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad

Habang naglalakad kami papunta sa orc kingdom ay marami kaming nakakasabay na mga players, ang iba sa kanila ay nanghu-hunt nang mga monsters sa daan habang ang iba naman ay walang pakielam at dire-diretso lang katulad namin haha

Habang naglalakad ay nakita ko nanaman ulit yung puno na pinagtulugan ko sa tabi nang pond, wooh! Brings back memories haha, naalala ko tuloy ulit yung mga pk's na nakalaban ko sa lugar na to

Pagkatapos nang hindi ko alam kung gaano katagal ay nakarating na din kami sa orc kingdom, bakas pa din sa buong kaharian ang pinsalang dinulot namin dito pero mukhang inaayos na nilang muli ang kaharian

Yung kastilyo naman ay parang nirerenovate nila, ngayon ko lang din napagisip isip na napatay ko nga pala yung hari nang kahariang to, so ibig sabihin may bago silang hari, sana naman ngayon maayos na yung papalit

Kapag parehas lang nang ugali ang naunang hari sa bagong hari nang kahariang ito ay wala na kong magagawa kung hindi ang makielam ulit sa mga nangyayari sa kahariang to

Naglibot libot lang kami sa buong kaharian ni Izumi tapos ay pumunta din kami sa forest na katabi nang orc kingdom

Pagkatapos nang ilang oras na paglilibot ay napagdesisyunan na din namin ni Izumi na maghiwalay na

Lumabas muna ako nang kaharian bago ko kinuha ang teleportation ore ko saka ako nagteleport sa Arcadia Kingdom

Pagkateleport ko sa harapan nang kaharian nang Arcadia ay bumungad sa akin ang isang bagong Arcadia Kingdom

Napansin kong nabago ang kanilang naglalakihang pader na pumoprotekta sa kaharian, nilagyan nila ito nang naglalakihang elemental towers at sa tingin ko ay hindi maganda ang mangyayari kapag tinamaan ka nang mga atake nang mga elemental tower

Pagkapasok ko sa loob nang Arcadia ay napansin ko din ang pagdami nang mga kabahayan at commercial buildings sa loob nang kaharian, mas lalo ding nabuhay at sumigla ang buong paligid

Kitang kita ko ang mga ngiti sa mga labi nang lahat nang nakakasalubong ko mapa npc man o player

Linibot ko lang saglit ang buong kaharian nang Arcadia bago ko napagdesisyunan na pumunta na sa Arcadia Castle

Pagdating ko sa pinakadulong bahagi nang Arcadia Kingdom ay nakita ko na ang bahay na lagusan para makapasok sa loob nang kastilyo

Pagbukas ko nang pintuan nang bahay ay bumungad sa akin ang dalawang kawal na nakasuot nang kulay itim na armour

"Magpakilala ka?" tanong nito sa akin

"Ako si Dark" sagot ko sa kawal na nasa kaliwa

Nagkatinginan ang dalawang kawal na nasa harapan ko ngayon at pakiramdam ko ay biglang nagbago ang aura nilang dalawa

"Huwag mo kaming pinagloloko" sabi sa akin nang kawal na nasa kaliwa

"Anong karapatang mong gamitin ang pangalan nang bayaning nagligtas sa kaharian namin" sabi naman nang kawal na nasa kaliwa

Woah! Woah! Woah!

Grabe tong dalawang to ah haha, ako naman talaga yung bayaning sinasabi nilang nagligtas sa kaharian nila eh, well yung unang account ko nga lang yon haha

"Sa maniwala kayo o hindi ako talaga si Dark" sabi ko sa kanilang dalawa pero mukhang mas lalo lang silang nagalit dahil sa sinabi ko

"Lapastangan! Isa kang mapagpanggap!" galit na sabi sa akin nang kawal na nasa kanan

Bigla na lang siyang sumugod sa akin habang hawak hawak niya ang espada niya, bahagya akong umurong saka ko kinuha ang espada mula sa likuran ko

Nang malapit na siya sa akin ay bigla siyang nawala mula sa harapan ko, tinalasan ko ang senses ko at napansin kong nasa kanang bahagi ko siya at nakatutok na sa akin ang espada niya, agad kong isinangga ang espada ko sa espada niya tapos ay gumamit ako nang pwersa saka ko siya tinulak papalayo sa akin

"Oi! Wala akong balak na labanan kayong dalawa, bakit hindi niyo na lang tawagin si Jules para malaman niyong nagsasabi ako nang totoo" imbis na makinig sa akin ang kawal ay mukhang mas lalo pa itong nagalit

"Isa ka talagang lapastangan! Ang kapal nang mukha mo para banggitin ang pangalan ni Sir, Jules nang hindi gumagalang!" galit na sabi sa akin nang kawal na kaharap ko ngayon

Muli ay bigla nanaman siyang sumugod sa harapan ko, sunod sunod ang ginagawa niyang pag-atake sa akin kaya naman sunod sunod din ang ginagawa kong pagsalag sa kanya, kahit na isa sa mga atake niya ay hindi lumalampas sa espada ko, nang makahanap ako nang opening ay agad akong nagdash papunta sa harapang bahagi niya, mukhang napansin niya ang gagawin ko kaya naman inihiwa niya ang espada niya sa harapan ko mabuti na lang at agad akong nakayuko para iwasan ang atake niya, nang makalapit ako sa kanya ay inihampas ko sa kanya ang hawakan nang espada ko dahilan upang mapaurong siya sa akin

Naitukod niya ang espada sa lupa para makahanap siya nang masasandalan, napansin kong nangatog ang tuhod niya dahil sa pagatake ko, tsk! Mukhang nasobrahan ko ata

Nasa kalagitnaan ako nang pagiisip nang bigla akong makaramdam nang pagatake mul sa likuran ko kaya naman agad akong nagside step saka ako lumayo sa kanya, nang makadistansya ako ay tiningnan ko ang isa pang kawal na papasugod na din sa akin ngayon, inihanda ko ang espada ko saka ko inactivate ang skill kong Shadow Walker, mukhang nagulat siya sa biglaan kong paglaho dahil napatigil siya sa pagsugod sa akin

Nagdash ako papunta sa likuran niya tapos ay inihampas ko sa likuran niya ang hawakan nang espada ko dahilan upang mapahiga siya sa sahig, katulad nang naunang kawal ay mukhang nanghina din siya dahil sa natanggap niyang pag-atake mula sa akin

"Aish! Sabi na kasing wala akong balak na makipaglaban eh" sabi ko sa kanilang dalawa

Kahit na nahihirapang tumayo ay pinilit nang isang kawal na tumindig pero hindi kinaya nang kanyang katawan kaya naman agad akong nagdash sa harapan niya para saluhin siya

"Bastard! Huwag mong hawakan si Jane!" sigaw nung unang kawal na umatake sa akin kanina

Muli ay sumugod nanaman siya sa akin, habang papasugod siya sa akin ay nagpalit palit siya nang posisyon nang napakabilis dahilan para magkaroon nang after image niya ang buong paligid, pero dahil sa malakas nga ang senses ko ay kitang kita ko kung nasaan talaga siya

Nagdash siya papunta sa harapan ko, nang malapit na sa akin ang espada niya ay bahagya akong tumagilid para iwasan ang atake niya, nang nasa harapan ko na siya ay kinuha ko ang espada mula sa kanya tapos ay itinutok ko ito sa leeg niya

"Sabi ko sayo, wala akong balak na makipaglaban" seryosong sabi ko sa kanya tapos ay mabilis kong binaliktad ang espada saka ko hinampas sa kanya ang hawakan nang espada niya dahilan upang mawalan siya nang malay

Hays! Ang kukulit kasi, sabi nang ayokong makipaglaban eh!

Binuhat ko parehas ang dalawang nanghihinang kawal sa balikat ko tapos ay pumasok ako sa portal papunta sa kastilyo nang Arcadia

Nang makarating kami sa gate ay sinalubong ako nang sandamakmak na mga kawal nang Arcadia, pare-pareho silang nakasuot nang mga putting armour at may tatak ito sa balikat nang simbolo nang Arcadia

Lahat sila ay pwumesto nang makita nila ako, nakatutok sa akin ang mga sandata nilang lahat, woah! Ang ganda nang pagsalubong nila sa akin haha

"Magpakilala ka!" malakas na sabi sa akin nang nasa unahang kawal at sa tingin ko ay siya ang commander nilang lahat

"Huwag mo kaming lokohin! Sabihin mo ang tunay mong pangalan! At isa pa bakit dala dala mo ang dalawang Black Knights na nagbabantay sa lagusan?!" sigaw sa akin nung commander

Napabuntong hiniga muna ako bago ako muling tumingin sa kanila

"Katulad nga nang sinabi ko kanina ako si Dark at etong dalawang kawal na ito ay inatake ako kanina nang nasa lagusan ako, wala akong nagawa kung hindi ang depensahan ang sarili ko" sagot ko sa kanya

Dahil sa isinagot ko ay napansin kong naglabasan ang mga ugat sa leeg nang commander nang mga kawal, uhh... again did I pissed them off?

"Mga kawal lusob!" malakas na sigaw nang commander nila

Oh shit naman! Itinabi ko muna sa gilid nang daan ang dalawang kawal na buhat buhat ko dahil hindi ako makakakilos nang maayos kapag may bitbit bitbit ako, medyo mabigat pa naman sila

Ilalabas ko na din sana ang espada ko nang biglang may sumigaw mula sa labas nang pintuan nang kastilyo

"Magsitigil kayong lahat!" pamilyar yung boses nang lalaking sumigaw, teka lang si Jules ba yon?

Dahil sa excitement ko ay hindi ko na pinansin yung mga kawal sa harapan at nagdire-diretso lang ako sa pwesto kung saan nanggaling yung boses

Nang makalapit ako sa pintuan nang palasyo ay nakita ko si Jules na nakatayo sa gitna nito, katulad pa din siya nang dati, walang pinagbago si Jules haha

"Oi Jules!" malakas na sigaw ko, napunta sa akin ang lahat nang atensyon nang lahat nang mga kawal pero hindi ko sila pinansin lahat at sa halip ay lumapit ako kay Jules "Long time no see!" bati ko sa kanya nang makalapit ako

Napansin kong mukhang kinikilala pa niya ko dahil tinitingnan niya ko mula ulo hanggang paa, hays mukhang pati siya hindi na din ako matandaan, mukha ngang ang Dark na kilala nila ay yung una kong account, at dahil bagong account na yung gamit ko ay hindi na nila ko matandaan pa or should I say hindi nila ko kilala

Bakit nga ba hindi ko naisip yon?! Ibang account na yung gamit ko kaya naman malaki yung possibility na hindi na talaga nila ako makikilala pa

Hays, epic fail ako ngayon ah

Tatalikod na sana ako nang bigla akong hawakan ni Jules sa braso ko kaya naman napaharap ulit ako sa kanya

"Dark, ikaw ba yan?" dahil sa tanong niya sa akin ay nanlaki ang mga mata ko, no way! Kilala niya pa ko! "Ikaw nga yan Dark! Hindi ako pwedeng magkamali!" masayang sabi niya sa akin tapos ay niyakap niya ko

Dahil sa nalaman ko ay napangiti na lang ako, akalain mo nga naman na naalala niya pa ko, akala ko nawala yung data eh kasi nagpalit ako nang account

"Ako nga to Jules" masayang sabi ko sa kanya

Nang humiwalay sa akin si Jules ay nagpunas pa siya nang luha niya, gayish mang pakinggan pero namiss ko din tong lalaking to haha

"Bumalik na ko Jules" masayang sabi ko sa kanya dahilan upang mapangiti nang napakalapad

"Mga kawal, magbigay galang kayo sa pagbabalik nang bayaning nagligtas sa ating kaharian mula sa kamay nang Diskoure! Si Dark ay nagbaik nang muli!" dahil sa narinig nang mga kawal ay nanghina silang lahat

Siguro ay magkahalong gulat at kaba ang nararamdaman nila ngayon, gulat dahil ang kaninang lalaking balak sana nilang sugurin ay ang bayani pala nang buong kaharian at kaba dahil baka kung anong parusa ang pwedeng ipatawa sa kanila dahil sa kanilang mga ginawa

Dahil sa gusto kong mawala ang mga kaba nilang lahat ay hinarap ko sila

"Sabi ko sa inyo ako si Dark eh, ang kulit niyo haha" nakangiti kong sabi sa kanilang lahat

Dahil sa pagsasalita ko ay isa isa silang nagsipagluhurang lahat kaya naman nabigla ako, oh shit! Ano nanamang nangyayari ngayon?

"Dark-sama patawarin mo kami sa kalapastangan naming lahat, alam naming hindi mawawala nang paghingi namin nang tawad ang kasalanang nagawa namin sa iyo pero kahit na ganumpaman ay gusto naming humingi nang tawad. Nakahanda kaming tanggapin ang anumang parusang ipapataw niyo sa amin dahil sa kalapastanganan naming lahat" sabi nang commander nang mga heneral habang nakayuko

Oi! Oi! Oi!

"Ahaha, pwede bang magsipagtayuan na kayong lahat dyan, alam niyo bang natutuwa ako sa ikinilos niyo kanina" dahil sa sinabi ko ay nagsipagtaasan nang ulo ang mga knights at nagtatakang tumingin sa akin "Tama lang ang ginawa niyo kanina, alam kong ginagawa niyo lang ang inyong trabaho upang protektahan ang kaharian nang Arcadia kaya naman natutuwa ako sa ginawa niyo kanina, kaya nga lang huwag muna kayong magpapaapekto sa init nang inyong mga ulo dahil ito ang magdadala nang kapahamakan sa inyong lahat" mahabang paliwanag ko sa kanila

"Ganumpaman ay napakalaking kasalanan ang ginawa namin kanina, tinawag naming lapastangan ang bayaning nagligtas sa aming lahat kaya naman nakahanda kaming tanggapin ang kahit na anumang parusang inyong ipapataw sa amin" sabi sa akin nang commander nila

Hays, ang kulit naman nito

"Alam niyo wala akong balak na parusahan kayong lahat dahil sa ginawa niyo kanina dahil katulad nga nang sinabi ko alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyong lahat" paliwanag ko sa kanya

Dahil sa sinabi ko ay parang nabunutan nang mga tinik sa lalamunan ang lahat nang mga kawal na nasa harapan ko ngayon

"Maramng salamat" sabi sa akin nang commander habang nakayuko pa din

"Ah nga pala, huwag na kayong lumuhod lahat dahil naiilang ako, hindi ako santo para luhuran niyong lahat" sabi ko sa kanila

Pagkatapos nang mahabang kumbinsihan ay tumigil na din sila sa pangungulit sa akin na parusahan sila

Pagkapasok namin sa loob nang kaharian ay kabilaan ang ginagawang pagbati sa akin nang mga tao, habang ako naman ay ngumingiti lang, siguradong mapapagod ako kapag bumati din ako dahil napakarami nilang lahat

Pagpasok namin sa receiving room nang kaharian ay napatingin sa aming lahat ang mga tao maging ang si King Chronos, ang reyna at pati na din si Shaira

"Yoh! Im back Arcadia!" sabi ko sa kanilang lahat habang nakangiti nang napakalapad

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 271K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
Alzacar Academy By shi

Science Fiction

11.2K 212 54
Alzacar Academy is an institution where young people train to enhance their dexterity in able to kill and surmount the mutants that has been envading...
20.7K 1K 49
(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
563K 29.9K 44
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...