Pag-nagmahal ka lahat gagawin mo. Lahat iindahin mo kahit nagmumukha ka ng tanga, martyr, manhid at bobo. Wala ka ng pakialam. Ganoon naman talaga ang nagmamahal diba? Hahamakain ang lahat mahalin ka lang ng taong mahal mo. Kahit paulit-ulit kanang nasasaktan patuloy pa rin sa pagtibok ang puso mo para sa taong iyon.
Pero hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong tiisin? Hanggang saan ang kaya mong harapin? Makakaya mo ba hanggang sa huli o darating ka sa oras na wala na, sumuko kana kasi hindi mo na kaya?
I am Marie Lyssa Alecante and this is my story. Will I STAY or STRAY?