Taming my Gangster Wife

By ThisIsGorgeous

1.3M 23K 748

" Second chance are given for those who deserve it " - FRANCHESCA ALEXIS LIM. -- He want her back but she doe... More

Prologue :
TAMING 1 : FIERCE GANG
TAMING 2 : ARRANGE MARRIAGE
TAMING 3 : MY FIANCE
TAMING 4: FLASHBACKS
TAMING 5 : YOU'RE ENGAGED ?
TAMING 6 : THE MEETING
TAMING 7: THE ENGAGEMENT PARTY
TAMING 8: A DATE !!?
TAMING 9 : ENCHANTED DATE
TAMING 10: IRISH KRISTINE LEE
TAMING 11: ORIGIN GANG
TAMING 12: HER GIFT
TAMING 13: THE WEDDING
TAMING 14 : HONEYMOON KUNO :D
TAMING 15: HONEYMOON KUNO PART 2 :D
TAMING 16: BOY KANTA
TAMING 17: MEET ANA LOPEZ
TAMING 18: QUEEN OF DRAG RACING
TAMING 19: SURPRISE DINNER
TAMING 20: SHE'S HURTING </3 ( ERZA&RAIN COUPLE )
TAMING 21: THE TRUTH
TAMING 22: CLAIRE MADRIGAL
TAMING 23: NOON
TAMING 24: PUNISHMENT
TAMING 25: INGRID'S ADVICE
TAMING 26: ISELFIE MO !
TAMING 27: EPIC DATE
TAMING 28: KAIBIGAN
TAMING 29: INSECURITIES
TAMING 30: FOUNDATION DAY ( PART 1 )
TAMING 31: FOUNDATION DAY ( PART 2 )
TAMING 32: MR.NICE GUY VS. TARAY
TAMING 33: CHARLES
TAMING 34: HATRED
TAMING 35: HIS SIDE ( KEN )
TAMING 36: ALLIES
TAMING 37: KRISSHIA
TAMING 38: HER BIRTHDAY
TAMING 39: THE PLAN
TAMING 40: SAVING HIM ( PART 1 )
TAMING 41: SAVING HIM ( PART 2 )
TAMING 42: ALEXIS
TAMING 43: CHRIS SIDE
TAMING 44: AWAKEN
TAMING 45: AFTER 2 YEARS
TAMING 47: FLAME AND FIRE
TAMING 48: DUDES
TAMING 49: NATHAN'S BDAY
Epilogue :

TAMING 46: BABY NATHANIEL

21.3K 366 8
By ThisIsGorgeous

*** 1 one a half year has passed after the wedding.

-----

THIRD PERSON'S POV

Nagmamadali sa pagligo si Kurt dahil sa panay na pagsigaw nang kanyang asawa mula sa labas nang banyo.

" Ano ba Kurt ! Ang tagal tagal mo ! Bat ba kase tinanghali ka nang gising ! "-Inis na sigaw ni Alexis.

Gusto sanang sabihin ni Kurt na dahil sa kanya kaya tinanghali na ito nang gising. Kasalukuyang tatlong buwang buntis na si Alexis at tuwing madaling araw ay naghahanap ito nang kung ano ano na kapag hindi kinuha ni Kurt o binili ay nagwawala.

" Eto na po ! magbibihis na ako antayin mo na lang ako sa sala ! "-Sigaw naman ni Kurt mula sa banyo.

Nakabusangot na mukha na bumababa si Alexis at sumalampak sa sofa nila. Hinimas niya ang tyan niya na bahagyang nakaumbok na at napangiti.

" Excited na akong maging mommy "-Bulong nito sa sarili.

Nakasuot nang gown na kulay lavander si Alexis dahil siya ang maid of honor nang kanyang matalik na kaibigan na si Ingrid na ikakasal na mamayang hapon.

Napatingin siya sa pinto nang may narinig siyang marahan na pagkatok. Nagtataka naman siya kung bakit hindi na lang ito nagdoorbell.

Agad na tinungo naman iyon nang kanilang kasambahay at binuksan ang pinto. Sumilip siya para malaman kung sino iyon pero wala naman tao. Napatayo siya nang may narinig siyang pag iyak nang isang bata.

Agad niyang tinungo ang pinto nang napansin niyang may malaking basket sa tapat nito habang ang kanyang katulong ay inalalayan siya sa paglapit.

Parang may humaplos sa puso niya nang makita niya ang isang sanggol na kasalukuyang umiiyak sa loob nang basket na kinumutan nang bimpo. Sa tingin niya ay mga nasa tatlong buwang gulang pa laman ito.

" Maam may Baby ! "-Gulat na sigaw nang kasama sa bahay.

Lumuhod si Alexis at kinarga ang bata at inugoy ugoy hanggang sa tumigil ito sa pag iyak. 

" Maam san po kaya galing yan ? At iniwan dito sa tapat nang bahay niyo pa Maam ? "-Ani Nang katulong.

Hinaplos ni Alexis sa mukha ang batang hawak at ngumiti. May isa siyang anghel na hawak hawak , yan ang naisip ni Alexis habang patuloy sa pagugoy nang bata.

Pinasok nang katulong ang basket na pinaglagyan nang bata at dinala sa sala. Sumunod si Alexis at naupo sa sofa habang hawak ang bata na parang ayaw nang pakawalan.

Tinignan niya ang pinaglagyan nang bata nang mapansin niyang may nakatuping papel sa loob nito.

Intusan niya ang katulong na iabot sa kanya ito at pinahawak muna ang bata sa kasama.

Binuklat niya ito at naglalaman ito nang isang sulat.

Mrs.Lee/Mr.Lee

Ako po ang ina nang batang inyong natagpuan. Patawarin niyo po ako sa pagiwan ko sa inyong mga kamay nang aking anak. Hindi ko na po siya kayang buhayin. Ang kanyang ama ay namatay sa isang aksidente at ako naman po ay may kasalukuyang sakit na cancer. Isa po ako sa mga nakakakilala sa inyo bilang isang mabuting tao. Ibinibigay ko na po sa inyong pangangalaga ang nagiisa kong anak. Nararamdaman kong hindi na rin ako magtatagal sa mundong ito. Ngunit bilang isang ina ay ninanais kong mapabuti ang kalagayan nang aking anak.

Sana po ay mahalin at kupkupin niyo ang anak kong si Nathaniel. Hinihiling ko lang po na iyon pa rin ang ipangalan ninyo sa kanya. Tatanawin ko po na isang malaking pagpapasalamat ang pagtanggap niyo sa aking anak. Alam ko pong hindi niyo ito pababayaan kahit kailan. Maraming salamat at pakisabi pag laki nang aking anak na mahal na mahal ko siya.

Napatakip sa bibig si Alexis pagkatapos niyang mabasa ang sulat.

Sakto namang pagbaba ni Kurt at nagtatakang nakatingin kay Alexis na may hawak na sulat at bata na hawak nang kanilang Kasama sa bahay.

Nakita siya nang katulong at binati.

" Magandang tanghali sir Ivan "-Katulong

Lumapit si Ivan sa bata at hindi maiwasang hindi mapangiti. Binalingan niya naman ang asawa na tulalang nakaupo sa sofa habang takip takip ang bibig.

" Alexis ? "-Pukaw pansin niya sa asawa.

Doon lang nakabalik sa realidad si Alexis at agad na niyakap si Kurt at inabot ang sulat na hawak niya.

Nagtataka man si Kurt ay agad niya rin itong binasa pagkakalas nang yakap ni Alexis.

" Paano ?-- "-Tanong ni Kurt sa sarili matapos basahin ang sulat.

Biglang hinawakan ni Alexis ang kamay ni Kurt at tinignan sa mata.

" Let's adopt him "-Buong sinseridad na sabi ni Alexis.

Nabigla man sa desisyon nang asawa ay tumango nalamang ito. Nakikita niya sa mata nang asawa ang saya sa pagdating sa kanila nang bata.

Kinuha ni Alexis ang bata mula sa katulong at kinarga habang nakangiti. Tumabi siya kay Kurt at pinakita ang bata.

May kung anong naramdaman si Kurt at hinawakkan ang maliit na kamay nang bago nilang anghel.

Hinalikan niya ang mga kamay na iyon at si Alexis sa pisngi.

" Okay. We will adopt him "-Masayang sabi ni Kurt.

Nababalot nang galak si Alexis sa sinabi nang asawa. Kahit hindi sa kanya nanggaling ang bata ay agad niya na itong minamahal at nangangakong aalagaan.

" Pano yung baby ? aalis tayo papunta sa kasal "-Tanong ni Kurt sa asawa.

" Tawagan na lang natin si Mommy para bantayan ang baby natin at gusto konbg iayos mo na ang papers para maging legal na anak na antin si Nathaniel "-Magiliw na sabi ni Alexis at dinampian nang halik sa noo ang bata.

Napangiti na lang si Kurt at tinawagan ang kanilang abugado para sa paglilipat sa kanila nang kustodiya nang bata at pagiging Lee na rin nito.

Tinawagan niya na din ang magulang ni Alexis at kinwento ang nagyare at pagampon nila. Hindi naman ito tumutol at sinabing papunta na sila.

Bumalik siya sa asawa at inakbayan habang karga pa rin ang bata.

" Mukhang marami na agad tayong baby ah "-Kurt

Tinutukoy niya ang bata at ang pinagbubuntis ngayon ni Alexis.

Ngumiti nang mas malawak si Alexis at inabot si Nathaniel kay Kurt na mukhang nagaalangan.

" Hold him. I'll name him Nathaniel George. He's handsome right ? "-Sambit nang asawa.

Nagaalangan man ay kinuha ni Kurt ang bata at maingat na kinarga ito na siyang kinatawa ni Alexis.

" He's so tiny. Baka mapisat ko siya "-Nagaalalang sabi ni Kurt kay Alexis.

Umiling lang si Alexis at niyakap si Kurt at hinalikan muli ang noo nang bata.

" I'm very happy now. Nathaniel is a blessing for us. "-Alexis

Pagkarating nang magulang ni Alexis ay magiliw din nilang tinaggap ang pagdating ni Nathaniel sa buhay nila Alexis.

Nagpaalam na sila na pupunta sa kasal at mamimili na rin nang gamit para kay Nathaniel.

Tinungo na nila ang kasal at nagsimula niya. Binati niya na rin si Ingrid.

Sila paring magkakaibigan ang abay at si Kurt na rin ang ginawang bestman ni Topher.

----------------

" You may now kiss the bride "-Father

Naghiyawan ang mga kaibigan nila Ingrid at nagkuhanan na rin nang litrato. Masayang tinungo nila ang reception at nais ipabalita ni Alexis ang kanyang bagong anak na si Nathaniel.

Nakaupo silang magkakaibigan maliban kay Topher at Ingrid na nasa harapan sa isang malaking pabilog na table.

" Ayie. Ang blooming nang preggy na si Chesca "-Tukso ni Erza sa kaibigan.

Ngumiti lang si Alexis sa kanya.

" Inggit ka ata eh ? rain oh "-Natatawang sagot ni Chesca.

Nagtatawanan sila nang dumating si Topher at Ingrid at naupo sa tabi nila.

" Kelan ba kase kayo magpapaksal huh ? "-Patukoy ni Alexis sa magkasintahang Chris at Erin , Rain at Erza.

Ngumiti lamang ang dalawang lalaki habang si Erza ay inangat lamang ang balikat bilang pahiwatig na hindi niya alam at si Chris na walang reaksyon.

" Oh andito na pala ang newly wed eh "-Erin

Binati nila itong muli nang tumikhim si Alexis upang makuha ang atensyon nila.

" I have a great news "-Panimula ni Chesca at hinawakan sa kamay si Kurt.

" Bukod sa pagiging preggy mo ano pa ba ang good news ? "-Nakangiting sagot ni Ingrid.

Nagkatinginan si Alexis at kurt bago sumagot at napangiti nang malaki.

" We have already our first baby named nathaniel "-Alexis

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Chesca dahil sa pagkakaalam nila ay hindi pa ito nanganganak at tatlong buwang buntis pa lamang.

" Paano eh ? "-Topher

" Nathaniel is our adopted son "-Sagot naman ni Ivan kurt sa mga kaibigan.

Nanlaki ang mga mata nila ngunit kalaunan ay ngumiti.

" Looks like may 1st baby na pala agad ang grupo. San siya nanggaling ? "-Topher

" Iniwan siya nang parent niya sa bahay at iniwanan kami nang sulat na hindi na nila kayang buhayin ang bata at may sakit siya. Kilala niya daw kami ni Kurt at alam nilang hindi namin pababayaan ang bata "-Alexis

" Tama. Tska magaan ang loob namin kay Nathaniel , we will treat him as our own son "-Dugtong nang asawa nitong si Kurt.

Nagtanguan ang mga kaibigan nang magasawa at ngumiti nang malaki at pumalakpak.

" Congrats ! "-Sigaw nila.

" Kailan namin siya makikita ? ayie Excited na ako ! "-Erza

 " Soon. Nasa bahay siya "-Sagot ni Alexis

Napatingin naman silang lahat kay Ingrid nang tumayo ito at pumunta sa Cr na agad ding sinundan nang asawa.

" What's the meaning of that? "-Takang tanong ni Chris sa kasama.

Nagshrug ang lahat maliban kay Chesca na nakatingin parin sa direksyong pinuntahan nang magasawa at napangisi.

" Mukhang nauna ang baby bago yung kasal ah "-Opinyon ni Chesca at tumingin muli sa mga kaibigan.

Napabuga nang iniinom si Erza na agad dinaluhan ni Rain at pinunasan. Samantalang napanganga naman ang iba na ikinatawa ni Franchesca Alexis.

" Pano mo naman nasabi ? "-Tanong ni Erin na mukhang nakabawi na mula sa pagkakagulat.

" I know dahil buntis ako ngayon and instincts of course "-Sagot naman ni Alexis at uminom nang tubig at siyang pagbalik naman nang dalawang bagong kasal. Pagkaupo agad nila ay agad silang tinaasan nang kilay ni Chris.

" Sabihin niyo nga. Buntis ka ba Ingrid ? "-Diretsong tanong ni Chris.

Namutla ang dalawa at napayuko. Natawa naman ang barkada. Ibig sabihin lamang nun ay totoo iyon. Buntis na nga si Ingrid.

Uminom ulit nang tubig si Chesca bago magsalita.

" Kelan pa ? "-Tanong ni Chesca

Nagangat nang ulo si Ingrid at nahihiyang sumagot.

" One month na akong buntis "-Nahihiyang sagot ni Ingrid.

Agad na binatukan ni Rain at Erin si Topher na mukhang nahihiya din.

" Grabe, kaya pala nagpakasal na kayo agad. Galing mo Topher mukhang wala pa kayong balak sabihin yung totoo ah "-Erin

Umiling naman si Topher.

" Sasabihin din naman namin sa inyo eh. Sa tamang panahon "-Sagot ni Topher

Muli siyang binatukan nang dalawa at nagtawanan.

" Grabe Ingrid talagang bestfriend mo si Chesca at sinabayan mo pang magbuntis ! ahahaha "-Erza

Napailing na lang si Chris at inawat ang dalawang bumabatok parin kay Topher

" Sorry kung hindi ko agad sinabi "-Ingrid

" Wala yun . Parang magiging nanay ka lang naman ! haha "-Erza

Nagtawanan na lang sila at nagpaalam na makalipas sila Alexis at Kurt para mamili nang mga bagong gamit ni Nathaniel.

Pumunta sila sa SM supermarket baby section at lahat nang panglalaki ay binili katulad nang walker, stroller pati maliit na kama ay binili nila. Maging mga sari saring laruan at damit na agad naman nila pinadeliver.

Excited nang umuwi ang magasawa para makita si Nathaniel. Nadatnan nila itong natutulog habang karga nang Ama ni Alexis.

Lumapit sila dito at nagmano.

" Tulog na pala ang baby ko. "-Masayang sabi ni Alexis at kinuha ang bata mula sa pagkakakarga nang Ama.

" Naayos na ang adaption papers mukhang sainyo na rin kase binigay yung custody kaya mas napadali "-Ani nang ama ni Alexis.

Hinalikan ni Alexis sa pisngi ang Ama.

" Thanks dad. Naayos na ba yung pinamili namin para kay Nathan at yung katabing naming kwarto ? "-Tanong ni Alexis.

Ngumiti naman ang ama at tumango. Masaya silang tanggapin si Nathaniel bilang bagong parte nang pamilya.

Inakyat ni Alexis sa kanilang kwarto ang bata at marahang hiniga sa kama. Nilagayan niya ito nang harang dahil baka ito'y mahulog.

Nagbihis siya at tumabi dito saktong pagdating ni Kurt upang magbihis din.

Pagkatapos magbihis ni Kurt ay nahiga siya sa kabilang gilid nang bata at pinagitnaan nila ito.

" How's our baby ? sleeping very well huh "-Saad ni Kurt at kunwaring kinakausap ang bata.

Natawa naman si Alexis.

" Thank you Kurt dahil pumayag kang kupkupin natin si Nathaniel.  Gusto kong dalhin natin siya sa doctor bukas para macheck kung may sakit siya"-Alexis

Nakangiting tumayo mula sa pagkakahiga si Kurt at binuhat si Nathaniel papunta sa binili nilang crib na nakalagay sa kwarto nila.

Nang tulog pa rin ito ay tumabi na ito sa asawa at niyakap mula sa likod.

" Kung saan ka masaya ay dun din ako. Besides ang masaya rin naman ako sa pagdating ni Nathaniel sa atin noh. We are now a complete family kasama ang ating baby nathaniel at baby na nasa tyan mo pa lang. And sige hindi na lang ulit ako papasok bukas para masamahan ko kayo "-Kurt at hinimas ang tyan ni Alexis.

Napangiti si Alexis sa tinuran nang asawa. Humarap siya dito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

" I love you Kurt. Thank you for everything you give to me. Our baby , Nathaniel and you of course is my treasure "-Alexis

Hinalikan ni Kurt sa noo si Alexis at ngumiti.

" I love you too. And I am meant to spend my life with you "-Kurt

Ngumiti silang parehas.

----------

" Kurt ? "-Bulong nang dalaga habang ginigising ang asawa mula sa pagkakatulog..

Naalimpungatan siya at nakadarama nang pagkagutom.

" Hmm ? "-Sagot ni Kurt habang nakapikit.

" Gusto ko nang chocolate fondue tska maraming strawberries at marshmallow "-Alexis

Dumilat si Kurt at naupo. Naglilihi nanaman ang asawa niya. 

" Sige kukuha ako wait "-Kurt

Tumayo siya at nagpalit nang damit. Kailangan niya pang maghanap nang ganun ngayong ala una na nang madaling araw.

Sanay na siya kaya hindi na siya nagreklamo dahil magwawala si Alexis kapag hindi naibigay ang gusto. Nahihirapan man siya ay gusto niya ang ginagawa niya para sa mag ina niya.

" Dalian mo ah "-Pahabol ni Alexis.

Tumigil si Kurt sa tapat nang crib at hinalikan sa noo si Nathaniel at maging si Chesca.

" Opo. I love you , babalik ako agad "-Paalam ni Kurt

" I love you too ! "-Alexis

Kumaway ang asawa at umalis na.

--------

SUNOD SUNOD NA 3 CHAPTERS NA PO ANG INAUPDATE KO DAHIL GUSTO KO NANG MATAPOS ITO.

WAAAH ! HAPPY 100K READS MGA FRIENDS ! HUHUHU ! SALAMAT PO TALAGA SA INYO <3

NOTE: LAST 4 CHAPTERS NA LANG PO :))

VOTE.FAN.COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

54.4K 2.4K 44
💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a w...
4.1M 57K 76
Nagsimulang magkandabuhol-buhol ang kapalaran ni Helaisha ng dahil sa isang hula. WALANJOOO!!!! Ikaw ba naman ang maging SLAVE ng pinakakinatatakutan...
7.8K 285 25
Prologue Bastard, Bitch, Idiot, Slut, Whore, Shit, Asshole. Name it. If I didn't know my name? I'm sure, even me I will think that it was all my name...
3.2M 101K 89
[PUBLISHED Under Precious Pages] Meet Sage Elizalde, a 500 year old vampire na isang dating prinsipe noong pre-Hispanic period. For some unknown and...