Para sa mga taong pagod na, kaya mas pinipiling magparaya at magpalaya.
❝Malaya ka na❞
Tulad ng ibong nakakulong sa hawla, papalayain na kita.
Katulad nitong puso kong gusto naring makalaya,
Makalaya mula sa lahat ng sakit at pait na iyong ginawa.
Dahil mahal masakit na, at sa tingin ko tama na dapat itigil na.
Tama na, papalayain na kita.
Dahil alam kong nagpapanggap ka lang na masaya.
Dahil ang totoo gusto mo ng makalaya kase bumalik na siya.
Oo, bumalik na siya pero heto ako kumakapit pa nagbabakasakaling isip mo ay mabago pa.
Pinili kong kumapit kahit bumitaw ka na,
Pinili kong mahalin ka kahit mali na.
Pinili kong manatili kahit masakit na,
Pinili kong palayain ka kase mahal mo parin siya at mas pinili mo siya.
Nagawa mong balewalain ako, para lang mabigyang atensyon sya.
Nagawa mong pasayahin ako, sa mga mabulaklak mong salita,
Nagawa mong paniwalain akong mahal mo 'ko, kahit hindi naman pala.
At nagawa mong iwan ako para lang sakanya.
Kaya mahal, malaya ka na,
Malaya ka ng mahalin siya.
Papalayain ko narin ang sarili ko sa relasyon nating kumupas na.
At magsisimula na ako ng panibago nang wala ka.