"Huli ka!" sabi ni Mike.
"Anong huli?"
"Ang hilig mo kasi maglaro ng taguan at habulan eh... hehe alam mo yung kantang escape?"
"Anong konek??"
"Basta. hehe"
"Sinong kumanta?"
"Enrique Iglesias."
"Oh eh ano naman dun??"
"You can run, you can hide but you CAN'T escape my love :P "
"K."
"Areng si Ampalaya! Peace :)) "
"Nako, yung mga pinsan ko na lang kausapin mo, baka mapektosan pa kita dyan."
"Sorry naman bossing :))"
Ayun, sila sila na nag usap, tumahimik na ako at nakatingin sa cp ko, wala na talaga si Carl. Di nya na talaga ako itetext. Haiiist..
Samantalang biruan sina may Mike at mga pinsan ko. Tawanan sila. Sinabi ni Mike na malapit na daw sya bumalik ng France.. Bitin daw bakasyon nya, kung kelan naman daw sya nag eenjoy na talaga, tsaka pa matatapos.
bigla syang tumingin sakin,
"Tamii.."
di ako sumagot, sa totoo lang di ko narinig, si Carl kasi iniisip ko.
"TAMii!" - sabay sabay pa talaga sila lahat.
"Ha?"
"Lalim naman iniisip, si Carl lang??" - pajoke ni Karen
"Shhh" sabi ni Rey
"Sinong Carl?" tanong ni Mike
"Wala wala tol.. haha" sagot ni Rey
tinanung ni Mike kung pwede daw nya akong makausap. Yung kaming dalwa lang.
Lumayo mga pinsan ko samin. Tapos kilig na kilig pa sila. Makangiti naman, kala mo nanalo sa lotto.
"Iniiwasan mo ako noh?" - tanong nya.
"May dahilan ba ako?"
"Ehmm.. e dahil nanliligaw ako kahit na binasted mo na ako. Tsaka kasi bakit pag tinetext kita at niyayayang lumabas, lagi ka nalang may excuse para tumanggi. Dati naman sama ka lang ng sama."
"Mas mainit na kasi, nakakatamad lumabas."
"Eh ano lang ginagawa mo?"
"TV, kain o kaya nagbabawi ng tulog..."
"Ah.. Musta naman ang puso?"
Natahimik na naman ako at nakatitig sa lupa..
"Ayan, di ka na naman umiimik pag ganyan tinatanong ko...Yun bang Carl na yun ang dahilan?"
Tahimik pa rin ako at umiiwas na makipag eye contact sa kanya...
"Seryoso ka talaga pag puso na pag uusapan noh?"
"Hindi naman lahat ng bagay idinadaan ko sa biro."
Natahimik din sya... Ilang minutong walang nagsasalita, nakatingin lang ako sa malayo, sya naman nakatingin sa lupa...
"Alam mo, sa totoo lang madaldal akong tao, (so hindi ka pa madaldal nyan?? naisip ko.)
hindi ako nawawalan ng sasabihin, pero pagdating sayo, minsan namumulupot dila ko, di ko alam kung anong sasabihin... ang alam ko lang kailangan at gusto ko maghanap pa ng pag uusapan kasi kung maaari lang, lagi kita kausap...
Lagi ko iniisip yung mga sinabi mo sakin, na wag basta basta magbibitaw ng salita..."
"Ganon naman talaga dapat ang mga tao, hindi puro bibig ang ginagamit. Mahirap kasi, baka yung sinasabihan mo maniwala at umasa tapos hindi mo naman pala kayang panindigan ang mga binitawan mong salita..."
"Tama ka.Totoo lahat ng sinasabi mo at agree ako kaya nga inuulit ko sayo...
"Mahal kita. Tamii, MAHAL KITA. Totoo at walang halong biro. Sana balang araw mapatunayan ko din sayo yun...
at di ko alam kung ano nangyari senyo nung Carl na yun, kung anong ginawa nya sayo.
Kung sinaktan at niloko ka man nya, wag mo naman sana idamay lahat ng lalaki sa mundo, tulad ko, basted ka ng basted sakin e magsisimula pa lang ako manligaw..
Di naman lahat ng lalaki ay parepareho eh. Bakit ba di mo
subukan muna pumayag sa panliligaw ko?? ano bang mawawala sayo??? Di naman ako nag eexpect, alam kung pwedeng maging OO o maging HiNDi ang isasagot mo sa huli, alam ko na ang risk na yun at handa naman ako kung ano man mangyare eh.. ang sakin lang, wag kang tanggi ng tanggi agad, kasi hindi mo pa naman alam ang inooffer sayo.
Ibahin mo ako. Hindi ako si CARL! "
- ano kayang mangyayari? matatauhan na kaya si Tamii? hahayaan nya na kayang manligaw si Mike? o bitterness pa din ang magwawagi??
ABANGAN. :))