Knight’s P.O.V.
“Sylvania” walang buhay na wika ni Kim.
Halos gulat na gulat pa rin kaming lima dahil sa bangkay na nakahiga sa harapan namin ngayon, Mamaya pagbintangan pa kami na pinagtulungan naming lima yan dahil kami lang naman nina Kim,Dwight,Harry,Mia at ako ang nandidito.
“D-don’t tell me p-pinatay niyo yan” utal na wika ni Mia.
“Lol, Hindi kami ganun ano! At isa pa, tingnan mo siya. Hindi yang tipong ganyan na ang itsura na ngayon lang pinatay” paliwanag ko.
Medyo parang nakalipas na kasi ang ilang araw bago pa siya pinatay, Maitim na din ang ilang parte ng kanyang katawan.
“E anong ginagawa niyo dito?” tanong ulit niya.
“Ganito kasi yun, Akala namin galit si Kim dahil medyo maloko kasi yang si Dwight” turo ni Harry kay Dwight
“Maloko?”
“Hahaha, sinabuyan kasi ng malamig na tubig ni Dwight si Kim, tapos ayun. Nagwalk-out kaya akala namin galit”
“Ay loko pala talaga kayo E, Lokohin niyo na ang lasing huwag lang ang bagong gising!”
“I am alert with that, nangyari na E”
“Tapos?”
“Tapos nga ay sinundan namin dahil akala nga namin ay galit hanggang sa dito siya pumunta kaya kami nakarating din dito”
“Akala ko ba bawal ng pumunta ang mga estudyante dito?”
“Hindi ko alam” sabat ko.
“Nangyari na E, Isa pa kung hindi sana kami nagparito e di sana hindi natin yan nakita” si Harry.
“Oo nga naman” ako.
“E ikaw, baka gusto mong magpaliwanag kung bakit mo kami sinundan?” si Harry.
“Wait lang guys, kailangan malaman agad ito ni Dean kaya ipapaalam ko lang” singit ko.
“Sige pero wag, Knight wait lang” salita pa ni Harry ngunit hindi ko na siya nilingon.
Hindi ko na sila pinatapos sa pagsasalita at kaagad ay tumakbo na papunta kay Dean. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero kailangan niyang malaman ito at talagang kapag nalaman niya iyon ay itatanong niya agad kung nag-aano kami sa lugar na iyon.
‘Bahala na!’
Harry’s P.O.V.
“Sige pero wag, Knight wait lang!” sigaw ko ngunit hindi na sya lumingon. “Aisht! Napaka talaga. Hindi muna ako pinatapos sa sasabihin ko”
“Babalik din naman yun”
“Here, pampakalma” abot ng mineral water ni Dwight kay Kim.
“Thanks”
“Tss. E ano nga? Bakit mo kami sinusundan?” muli kong tanong sa kanya.
“Kapal” taas kilay niya sa akin. “ Si Kim lang ang sinusundan ko nuh”
“Bakit mo naman siya susundan?”
“Magkasama kasi kami kanina”
“Ah, so kaya pala hindi ka na bumalik sa klase ni Sir John kasi magkasama kayo”
“Ganun na nga, Hahaha. Nakakatamad kaya ang subject niya. Hinang hina pa ng boses kaya nakakaantok!”paliwanag niya.
“Sinabi mo pa” sagot ko. “Mabuti pa doon muna tayo sa harap ng simbahan tumambay habang iniintay ang tinatawag ni Knight”
Inakay ni Dwight si Kim pero tinabig niya ang kamay nito.
“Arrrgghh! Ano!” sigaw ni Kim.
“Ikaw na nga ang inaalo diyan, pabebe ka pa!” masungit na salita ni Dwight.
‘Wuahaha, ang cute nilang tingnan’
“Wag ka kasing manapok”
“Tch!”
“Pero curious pa din ako doon sa Sylvania nga ba yun?” si Mia.
Nakakita kami ng isang sementadong upuan doon sa harap ng simbahan kaya doon na lang kami umupo.
“Sylvania nga? Bakit?” ako.
“Medyo pamilyar kasi ang kanyang mukha” paliwanag niya.
“President kasi siya ng SSG kaya pamilyar ang mukha, madalas pagala gala yan sa buong campus kaya siguro nasabi mong pamilyar ang mukha”
“P-president siya ng SSg?” gulat na tanong ni Kim.
“O-oo bakit?”
“S-siguro tunay ang l-lahat ng nakita ko?” si Kim.
“Nakita mo?” gulat na pagtatanong ni Mia with rising note tone.
“W-what do you mean by that?” si Dwight.
“I mean napanaginipan ko”
“What! Hahahaha” tawa ko.
‘Ang impossible kasi, pero may cases na nangyayari ang mga panaginip pero hindi ganoong katugma in reality’
“Alam mo kasi Brad, lahat ng nangyayari sa panaginip ay may possibility na magkatotoo sa mundo natin pero maliit na percentage lang yun. Siguro 2 percent. Pero kadalasan talaga ay kabaligtaran lahat ng natutunghayan natin sa panaginip” paliwanag ko.
“Oo nga, yun din ang alam ko” sabat ni Mia.
“Yun na nga ang hindi ko maintindihan E. Sa panaginip ko kanina ay si Sylvania yung namatay at mismong doon siya namatay sa tayo niya ngayon ,sa harap ng rebultong yun,sa panaginip ko. Pinagkaiba lang ay suot niya sa panaginip ko yung kanyang SSG uniform pero ngayon ay school uniform ang suot niya”
“Its may be a Coincident?” gulong bitaw ko ng salita.
“Siguro naman yun lang ang tatama sa panaginip mo” si Mia.
“I hope” sagot ni Kim.
“Bakit, ano ba ang napanaginipan mo at hindi ka namin agad magising kanina?” sabat ni Dwight.“Wag mong sabihing sa panaginip mo ay ikaw ang puma-” dugtong pa ni Dwight pero pinutol agad ni Kim.
“Pwede ba! Hindi ako ang pumatay sa kanya!” sigaw niya.
“O-okay, calm down. I am just joking”
“Then its not a good joke”
“Woahhh, English yun ah.” banat ni Mia na tiningnan pa kunware na may sakit si Kim dahil sa pagdampi ng palad nito sa noo ni Kim.
“Tumigil ka nga! May gusto ka yata sa akin E kaya sunod ka ng sunod!” inis na wika ni Kim na hinampas pa ang kamay ni
“Huy! Kapal ng apog mo para sabihin mo yan sa feslak ko!”
“Okay, back to topic. So ano ngang kwento?” pagtigil ko sa pagbabangayan ni Mia at Kim.
“Tss. Yun na nga. Pero wait? Ba’t parang ang big deal naman yata sa inyo nung panaginip ko?”
“Tss. Just spill it out, Wala namang mawawala kung sasabihin mo!” inis na usal ni Dwight.
“Sabihin na nga kasi. Mamaya duguin pa diyan si Dwight, sige ka. Hahahaha” bulalas ko.
Kinunutan naman ako ni Dwight pagkatapos kong sabihin yun.
“Joke lang. Hahaha”
“Okay-okay-okay, Ganito kasi yun. So yun na nga, namatay si Sylvania pagkatapos nun ay pinagbintangan agad ako ni Tatang Fraud na ako daw ang pumatay”
“Tingnan mo, Maling mali na agad na mangyari yun sa tunay na buhay! Ikaw pagbibintangan ni Dean?, ni Tito Fraud?, E halos nga kayo yung magkasangga diyan” bulalas ko.
“Kaya nga malabong mangyari lahat ng napanaginipan ko ngayon ano!” diing salita ni Kim.
“Tuloy mo ang kwento” walang ganang salita ni Dwight.
“Tapos sa natatandaan ko pa ay dinala ako sa korte at nilitis” pagtutuloy ni Kim.
“Tapos” si Mia.
“Tapos hindi ko alam kung nakulong ako o hindi pero base duon sa lawyer ay natalo ang side ko kaya siguro kung hindi niyo pa ako ginising ay nakulong ako”
“So sana pala hindi natin siya ginising, gusto yatang maexperience ang buhay bilanggo. Hahaha” si Mia.
“Ha-Ha-Ha, anong nakakatawa doon?” sarkastikong wika ni Kim.
“Ang OA naman pala ng wirdong panaginip mo E. Bitay na lang dapat para di na maghirap. Hahaha” usal ko.
“Isa ka pa nuh? Sino bang may sabing pakinggan nyo yun?” si Kim.
“Si Dwight, atat na atat pa ngang pakinggan. Ano nga Bebe Dwight” panunuya ni Mia.
“Tch!”
Makalipas pa ang ilang minutong paghihintay ay dumating na ang tinawag ni Knight kaya napunta muli kami sa lugar kung saan naroroon ang katawan ni Sylvania.
Kinuha ng ilang tao si Sylvania at isinakay sa isang van, papunta na siguro sa isang morgue or e-examine muna ang kanyang katawan, ipapasok sa computerized tomography scanner at kung anek anek para malaman ang ikinamatay ni Sylvania.
Mayroon ding ilang pulis na nasa paligid at pilit na kinukuha ang maliliit na detalye na maaaring makuha sa case na ito.
Mayroon na ding yellow seal yung lugar kung saan nakalagay yung bangkay ni Sylvania.
“Anong nangyari Kim?” pag-aalalang tanong ni Tito Fraud. “Ayos ka lang?Kayo hijo” tingin niya sa amin.
“Ayos lang naman” sagot ni Kim. “Medyo nagulat lang sa nakita, pero ayos naman. Hahaha” dugtong pa niya.
“Mabuti naman” si Tito Fraud. “Pero paano kayo nakapunta dito?Naglagay na ako ng alambreng bakod diyan ah?” turo niya sa dinaanan namin.
“Tatang naman, syempre gumamit kami ng paa”
“W-what, Tatang? Sino si Tatang?Ano mo si Tatang? Taga-saan si Tatang?” aligaga niyang tugon kay Kim.
Ayaw niyan kasing magpapatawag ng Tatang dahil hindi pa naman daw siya matanda. Siguro mga 59 years old pa lang si Tito Fraud pero aakalain mo talagang 70 na dahil puti na lahat ang buhok. Nyahaha.
“I mean ‘Tito’, gumamit kami ng paa para makarating dito” sarkastikong ulit ni Kim.
“Nako hijo, alam ko iyan. Ako ay wag mong lokohin ha!” sarkastikong bato din ni Tito kay Kim na parang yung boses ay bisaya. Ganun yun. Wuahaha.
“HAHAHAHAHA” si Kim at Tito Fraud.
Matapos nilang tumawa ay pinakalma ni Tito ang kanyang sarili at biglang nag-iba ang tono ng kanyang pananalita. Super Exchange Mood lang ang peg.
“Okay its enough Kim, gaya ng sinabi ko kanina, Anong ginagawa niyo dito?”
“Ah Tatang ah este Tito, katunayan po niyan ay ako lang yung pumunta talaga dito”
“Bakit kasama kayo Harry?” harap niya sa akin.
“Sinundan po kasi namin siya”
“Ano naman ang dahilan ng pagsunod niyo sa kanya?”
“Dwight, ikaw na ang magpaliwanag” imik ko kay Dwight.
“Bakit ako? Ayan si Knight oh” masungit niyang sagot.
“Eh ikaw naman ang nagsimula diba?” wika ko ulit.
“Oo nga” pagsang-ayon ni Knight.
“Tch!”
“Ano bang nangyari Dwight,hijo?”
Bago magsalita si Dwight ay nagbitaw muna siya ng buntong hininga at inalis ang nakacross arm niyang braso.
“Mahabang kwento Dean E” panimula niya.
“Gaano man yang kahaba ay makikinig ako, involve din ako sa mga pangyayari dahil sa mismong school ko namatay yang batang iyan at pananagutan ko iyon dahil naka uniform pa din siya ng mamatay,At maging kayo ay involve dahil kayo ang nakakita sa kanyang katawan, Okay?”
Tumingin si Dwight kay Dean ng parang nanghahamon at para yatang may kalokohang gagawin.
‘Magkwekwento lang hindi pa magsalita, akala mo naman ay mamahaling tubig ang kanyang laway at siya lang ang nagpro-produce sa mundo E’
“Then the story Begins here, Once upon a ti-”
“Dwight!” saway ko.
“Do not be so rude Mr.Weasley!”
“Hahaha, I’m sorry Dean, I was just joking”
“Okay”
“So, ganito po kasi yun. Dumating kami nina Harry at Knight na si Kim ay nakahiga doon sa baba nung bench kanina. And knight thought that Kim is dead but he is just only sleeping then inalog alog niya pa si Kim”
“Then?”
“Then nung hindi ho siya nagising ay binuhusan ko siya nung dala kong cold mineral drink”
“W-what!Ano bang g-ginagawa mo dun Kim at sa sahig mo pa naisipang matulog?”
“Nahulog siguro ako dun sa Bench” sagot ni Kim.
“So whats next Dwight Hijo, Bakit kayo napunta dito?”
“Ahhmmm, We thought that Kim is mad because he walk out after that kaya sinundan namin siya hanggang sa dito namin siya hinanap” pagtatapos ni Dwight.
“Bakit mo naman naisipang pumunta dito Kim?”
“Ahh, yun po ba? Gaya nga Tatang este Tito ng sinabi ko sa kanila”
“Tch!, what have you said to them?”
“Kanina po kasi habang natutulog ako ay napanaginipan ko ulit yung napanaginipan ko habang natutulog sa class ni Sir John, Hehehe”
“What! Its not a good attitude Kim. Sa inasal mo ay para mo na ding hindi nirespeto si Sir John”
“Hahaha sorry *peace*, Nakakaantok kaya ang Pre-Calculus”
“I know that, I hate the math too but you need to respect your lecturer even its too boring or nakakaantok. Kahit makinig ka lang , its a way of respect para sa iyong lecturer, Understand?”
“Okay-okay-okay, Yun na nga. Naalala ko yung napanaginipan ko habang natutulog ako sa subject ni Sir John kaya pumarito ako”
“Whats with your dream?”
“Ahhmm, Yan si Sylvania namatay dun sa panaginip ko na di ko inaasahan na totoo sa reality”
“W-what! What a coincident”
“Sobra ho, diyan sa reboltung yan” turo niya dun sa Buenaventura Trio Statue. “Diyan din natagpuan ang kanyang katawan sa aking panaginip na nakasuot siya ng SSG Uniform at in reality ay natagpuan din namin ang kanyang bangkay sa rebultong yan ngunit school uniform lang ang pinagkaiba”
“Kaya ka nagtangkang pumarito dahil sa panaginip mo?”
“Oho, makatotohanan kasi yung panaginip.Wala namang mawawala kung hahanapin ko dahil kilala ko naman yung lugar doon sa panaginip pero sad to say na may nawala at hindi ko naman kasalanan yun na nagkatotoo ang panaginip ko”
“So is that all?” tanong niya kay Kim. “ Punta na ako para maasik--”
“Meron pa Tatang este Tito!” si Kim.
Tumingin naman si Tito Fraud ng nagtatanong kay Kim.
“Ayoko sanang mangyari yung kadugtong ng aking panaginip” mahina wika ni Kim pero pakinig ko dahil magkatabi lang ang tayo namin.
“Ha, I can’t heard?”
“Ah wala ho. Alam kong marami pa kayong gagawin kaya good luck”
“Ah thanks hijo” wika ni Tito na may malaking ngiti sa mukha bago umalis.
“Okay ka lang?” tanong ni Dwight.
“Lol! Bakit naman hindi ako magiging okay?”
“Bakit parang kinakabahan ka?”
“Nyenyenye!”
“Hahaha, tara na sa sunod na subject. 1 hour late na tayo” wika ni Knight.
“May klase pa din kahit ganito ang nangyari?” gulat na tanong ni Mia.
“Ahh ,yun ba? Tayo tayo pa lang ang nakakaalam ng nangyari at ayaw munang ipaalam ni Dean dahil baka matakot ang mga estudyante. May ilan sigurong nagtaka dahil sa mga dumating na pulis and the stuff pero wala pang totally na nakakaalam kaya tuloy lang ang klase hanggang 3pm. Maagang papauwiin ngayon dahil nga dito” paliwanag ni Knight.
“Ah ganun ba”
“Kaya nga tayo na sa klase E”
“Ngayon pa bang ganito ang tumambad sa atin?” si Kim.
“E anong gusto mong gawin? Mag cutting pa lalo, at saka maiintindihan naman ng lecturer ang ating palusot dahil ni Dean kaya pwede pa tayong pumasok sa klase” sabat ko.
“Gets kita Kim, Hahaha” pagsang-ayon ni Mia kay Kim at tumitig pa kay Kim ng nakakaloko. “Makisakay na lang kasi kayo, isang subject na lang naman ang ma mi-missed natin at Dismissal na” dugtong pa nya.
“Oo nga!” si Kim.
“Bahala kayo jan, pasok na kami sa klase” wika ko at saka hinila si Knight pero hindi siya sumunod. “Ano?!”
“Hahaha, Parang masaya itong binabalak ni Kim. Lets join hihihi”
‘sinabi na nga ba eh at nahulog din sa patibong ni Kim’
“Tss. Pati ikaw sasama ka?” tanong ko kay Dwight pero tinaasan lang niya ako ng kilay at pinagsungitan. “Bahala nga kayo jan!”
Tirik na tirik yung araw kung ano ano pang gagawin nila at isa pa ayokong mag cutting class nuh! Makarating pa ito kay Papa. Yari ako dun. Kakatapos nga lang ng masamang nangyari sa kaschoolmate namin tapos magsasaya sila. Tss…
Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad papuntang klase.
‘Parang kulang at sobrang boring, sinong kasabay ko mamaya? Mga mang-iiwan talaga!’
“Sumama na kasi!” dinig kong sigaw ni Kim.
Napahinto ako at napakamot sa aking batok at napaharap sa kanila.
“Tss. Pasalamat kayo at hindi ako kumpleto kung wala kayo kung hindi ay…” bulong ko sa aking sarili. “ Ayyy ano nga ba?. Tsk Tsk Tsk!!!”
“Sasama din pala pakipot pa, Hahaha” tuya ni Kim.
“Wala lang choice, okay!”
“HAHAHAHAHAHAHAHA” sila.
Pag hindi lang talaga ako nag enjoy sa pakulo ni Kim ay bubuntalan ko ito ng mahusay.
Jenny’s P.O.V.
d^-^bY
Hi, I’m Jenny Sobremonte, student of BTS. A pleasure to be close with you.
Hihihihi….
Sa unang linggo ng school ay talagang napakarami na ng nangyari sa aking buhay.
Yung dating ini-stalk ko lang tuwing wala akong ginagawa ay nalapitan ko na din sa wakas.
Yiiiieeeehhh
d^_^b
At nagpapasalamat ako sa dalawa kong kaibigan na si Angel Eris at Macy na pinalakas nila ang loob kong dati ay sobrang rupok. Wuahaha.
Makapal man ang aking salamin sa mata at maging ang aking buhok ay kulot at halos maging bruha na dahil hindi sinusuklay ay nilapitan pa din nila akong dalawa at hindi nagdalawang isip na kaibiganin ako at tulungan ako noong mga araw na iyon.
That’s when I am bullied by a girl when I am crossing the hallway going to my classroom. I’m just a grade 8 student and the one who bullied me is I think a grade 10 student. That time is my first day in BTS because I am a transferred student.
Flashback
“Look at her Bessy, Her style is so baduy. Hahahaha”
“Yah!yah!yah, Look at her dress. Yuck! So dirty”
“Nilalabhan niya pa ba yan?”
“I think hindi na, hahaha”
Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy ako sa paglalakad.
‘Napakayayabang! Nilalabhan ko ito nuh! At isa pa, design ng damit ang tinutukoy niyong madumi nuh!Dye kaya ito. Mga hindi sabay sa fashion. Tsk!’
“Watch Precious, Saw your Fritty Bessy make a scene and be a star. Hahaha” Rinig kong salita mula sa daanan ng makalampas ako mula boses na yun. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil habang daan ay naka tungo lang ako dahil sa mga salitang natatanggap ko sa buong paligid.
“Go Fritty, I will be your supporting actress. Hahaha”
Nagmadali ako sa paglalakad ng marinig ko iyon ngunit natigilan ako ng may tumakid sa akin kaya natumba ako sa may sahig at lahat ng hawak kong libro ay bumagsak din sa sahig.
“Oh miss sorry, are you okay?”
Tumunghay ako para makita ang kanyang mukha.
Maganda siya.
Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin para makatayo ako kaya tinanggap ko ito pero ng papatayo na ako ay binitawan niya ulit ako kaya natumba ulit ako.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” tawa ng lahat ng taong nakatingin sa akin ngayon.
Napatunghay ako ng may kunot sa aking noo at nakita ko yung magandang babae na tumatawa din.
‘Maganda sana! Masama lang ang ugali’
“Duh! What do you think, I am here to help you? Hahahaha” sarkastiko niyang salita.
“Yuck Fritty! May germs na sa kamay mo, hinawakan mo ang kamay ng babaeng yan! Here alcohol!” maarteng wika ng kanyang katabi.
“Oh thanks precious”
Sinamaan ko sila ng tingin ngunit hindi sila nagpatinag at tinaasan naman ako ng kilay.
“Oh Fritty, she’s so mad na. I’m so scared na on her. Hahaha” parang batang salita ni Precious daw.
Hindi ko na lang pinatulan at tumayo ako pagkatapos ay nilimot ang nalaglag kong mga gamit at saka naglakad.
“Yah!, Not so fast Ms. Ugly Duckling. We’re not finish yet”
Hinila niya ang collar ng aking damit at pinabalik sa dati kong pwesto.
“A-ano ba! Tigilan niyo nga ako!” medyo utal kong wika.
Wala akong kilala dito kaya wala akong kakampi kaya kailangan kong mag-ingat sa pananalita ko.
“Aba! May balak kang lumaban ha!” wika ni Fritty habang akala moy inaayos pa ang collar ng aking damit na medyo nagusot dahil sa pagkakahila niya at umikot siya sa akin.
“H-hindi, a-ayoko ng gulo kaya g-gusto kong itigil mo na ang g-ginagawa mo” medyo utal ko pa ding wika.
“I enjoying what I am doing now so give me a little more seconds and shattttappp your mouth” mahinang bulong ni Fritty sa akin ngunit may diin.
“Yah!yah!yah, We’re enjoying , may magagawa ka?” sabat ni Precious.Tumungo ako at hindi siya sinagot.“Awwttss. Umiiyak na ata siya Fritty. So sad naman” si Precious.
Katunayan ay medyo nanginginig na ang aking paa dahil wala man lamang tumulong sa akin o miske umawat man lamang sa dalawang yan.
“Did your parents know that your attending school?” maarteng wika ni Fritty. “Hahaha, ‘Im Fritty, sure’ na hindi ka alam ng parents mo. So sad”
“A-alam ako ng parents k-ko” mahina kong salita.
“And then what’s with your t-shirt?” taas matang salita ni Fritty.
“Yah!yah!yah, its so Dirty. Kadiri!” sabat ni Precious.
“I-its a dye, pinagsamang black ang gray” mahina kong salita ulit, mapapaos na ata ako sa ginagawa nitong dalawa E. Masyadong maka hardcore, andami tuloy nanunuod.
“Whats your name!” mataray pa ding tono ni Fritty. “Well! ‘I’m Fritty, sure!’ na pati yang pangalan mo ay pang squatter at pang palamunin katulad ng kadungisan mo ngayon”
Medyo nainis ako sa tono ng pananalita kaya napaharap ako sa kanya ng wala sa oras at medyo mean na tinitigan siya sa mata.
“J-jenny, Jenny Sobremonte, ‘ikaw’” medyo madiing pananalita ko kaya yung sarkastikong itsura niya ay napalitan na ng inis.
Hinawakan niya ng madiin ang aking baba at saka nagsalita.“Tch! Stop glaring at me because its annoying!” at saka patulak na binitawhan kaya medyo na out of balance pa ako.
Hinawi ko ang aking buhok at saka tumingin ng masama sa kanya.
“Then stop playing around me because its disgusting!”
“Owwww, sumasagot na siya Fritty. May ibubuga na siguro. Hahaha” si Precious.
“Who are you to scold me ha!” wika ni Fritty sa galit na tono habang dinuduro pa ako“ Nakikilala mo ba ako, Ha!”
Itinulak niya ako kaya naman nabagsak muli ako sa sahig.
Maraming nakakakita ngunit ni isa ay wala man lamang umaawat! Ganito ba talaga ang school na ito. Madaming admirer ng action!
“Sumagot ka! Dahil tinatanong kita!” sigaw ni Fritty.
“S-sorry pero hindi! Hindi ko hilig ang mangilala ng taong hindi naman ako interesado”
“So sumasagot ka na!”
‘Ay loko pala ito e, pasasagutin ako tapos kapag ako’y sumagot ay magagalit Tsk!’
“You have no right to--” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinigilan ng isang babae yung braso ni Fritty na aktong sasampalin ako kaya hindi niya ako nasampal. “And who dare you to ruin my enjoyment!”
Napatayo ng tuwid si Fritty habang hawak hawak pa din ng babae yung kanyang braso at mahigpit pa ding kapit.
‘Thanks God at may nag-atubiling tumulong’
“Bitiwan mo nga ako”
“Oh ayan, lamunin mo ang mabigat mong braso” intrada ng babae at patapong binitawan niya ang braso ni Fritty
“How dare you!”
“And how dare you too! Tigilan mo na nga yang ginagawa mo! Pati yung ibang estudyante naaabala sayo. Isang talak mo pa dadapo sayo ang kamao ko!” maangas na sigaw ni Ate.
“You d-”
“Sige ituloy mo. Hospital ang aabutin mo!”
“Sino ka par-”
“Isang salita mo pa talaga hindi na ako mag-aatubiling ihampas sayo ang mabigat kong kamay”
Gigil na tinitigan ni Fritty si Ate at tumalikod at hinila si Precious.
“Precious lets go. Its too damn plenty of ugly here” inis na salita niya kay Precious at saka bumaling sa akin.
“Huy! Ugly duckling. Hindi pa tayo tapos!” duro niya sa akin.
“Isa!Dalawa!” hindi pa nakakatatlong bilang si Ate ay mabilis na naglakad na papalayo si Precious at Fritty.
‘Sobrang war freak nila, kainis!’
d>,<b
“Ayos ka lang?” baling sa akin ni Ate.
“Salamat” abot niya sa akin ng kamay para makatayo ako. “Oo ate, ayos lang ako. Hehehe. Salamat nga pala para doon” ngiting medyo mahiya hiyang wika ko sa kaniya.
“Ahh. Wala yun, kahit sino namang makakakita sa ginagawa nun ay tutulong eh”
Nilimot ko ang nagkalat kong gamit at iniabot naman ni Ate yung iba sa akin.
“Salamat, Hindi din Ate. Marami ngang nakakakita kanina pero ikaw lang yung nagtangkang tumulong”
“Hahaha. Ano ka ba! Huwag mo nga akong tawaging Ate. Macy na lang para naman hindi masyadong casual”
“Ahh. Sige po ate--ah este M-macy”
“Ayan, para mas ayos. Pang maganda. Hahaha”
“Ako nga po pala--”
“At isa pa, hindi naman ako senior kaya alisin mo na din ang po. Okay?”
“Opo-- ah este Oo. Hahaha. A-ako nga pala si Jenny”
“Nice name”
“Macy. Ring na ang bell. Tara na!” wika ng bagong dating na babae.
“Ahh sige tara na Angel. Jenny sabay ka na sa amin. Baka mamaya ay balikan ka pa nun” sagot ni Macy kay Angel daw?.
“O-okay” sagot ko.
“Hi Jenny. Ako nga pala si Angel” malumanay na pagpapakilala ni Angel sa akin habang nakangiti.
“Jenny nga pala. Nice to meet you” kamay ko sa kanya.
“Tara na at baka mahuli na tayo” si Macy
“Sige”
End of Flashback
At yun yung mga oras na una kaming nagkakila kilala.
Grade 8 kami ni Angel at si Macy naman ay Grade 10 pero ngayon ay Grade 10 na kami ni Angel at si Macy ay Grade 12 na kaya malimit na kaming mag bonding tatlo dahil marami ng ginagawa si Macy.
Pagkapaalam ko sa Lecturer ko na pupunta ako ng Cr ay nagderetso agad ako, Sa dulo pa yun ng aming building kaya maglalakad pa ako.
‘Hay! Nakakapagod din. First week of school ay marami na agad gawain. Ano ba yan!’
“Baby Harry gusto kitang makita ng magkaroon naman ako ng inspiration sa araw na ito. Drafting pa naman at puro plano ng bahay ang ginagawa”
Pagbukas ko ng pinto ng Restroom ay may narinig akong sunod sunod na sasakyang dumating kaya hindi ako nagdalawang isip na sumilip sa ground.
POLICE!
do-0b?
“Bakit may mga pulis? Anong meron?”
Tahimik silang pumasok ng school, Iniiwasan sigurong makaabala sa mga klase.
At dahil sa kyoryusidad ay bumaba ako mula sa 4rth floor ng aking building at sinundan kung saan yun patungo.
Nang makarating ako ay bumulaga sa akin ang akay akay ng mga itong estudyanteng wala ng buhay at saka isinakay sa isang ambulance.
‘Sino yun? May krimeng naganap dito?’
Napatingin ako sa tao sa paligid at nakita ko sina Kyah Harry,si Krass… Yiieeee..,Si Kuya Knight, si Kuya Kim at yung isang babaeng kasama nila, hindi ko kilala at saka si Dean na kausap si Dwight at si Dwight na ngayon ay nakatingin sa direksyon ko.
d0.0b
‘Nakita niya ako!’
Nakatago lang ako sa isang punong habang nakatanaw sa kanila.
Yumuko akong umalis dahil baka mapa Dean’s Office pa ako pag nagkataon at laking tuwa ko ng hindi niya ako sundan.
“Pero ano yun? May estudyanteng pinatay na taga dito sa BTS”
d>.<b!
“Kailangan ko itong ipaalam!”