Chapter 07:
Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa sunod sunod na notification na natanggap ko sa aking cellphone.
Kinapa ko ito sa may bedside table at medyo nagulat ako nung makita kong mahigit sa bente na ang mensaheng natanggap ko.
What is wrong with them? Disoras na ng gabi pero chat parin sila ng chat. Ano bang pinag-uusapan nila sa GC?
Annie:
Pagkabukas ko sa GC ng student council, agad na tumambad sa akin ang isang hindi kaaya-ayang larawan.
Ginny:
OMG. Is that really her?
Annie:
Yes.
Ginny:
I can't believe this.
Annie:
I know right.
Hindi ko alam kung sino ba ang babaeng nasa picture dahil hindi naman nakikita ang mukha nya, tanging ang duguan nyang braso at kamay na may hawak na bulaklak ang makikita dito.
Somehow this reminded me of what happened to Leslie. Parang ganitong ganito din kasi yung eksena namin, ayun nga lang wala akong idea kung sino ang taong pinag-uusapan nila ngayon.
Hindi na ako nakatiis, kaya sumali na ako sa usapan.
Channel:
Who is she?
Annie:
You won't believe this Channel!
Ginny:
That's our teacher, Mam Cruz!
Channel:
What?!
Ginny:
I know right!
Channel:
What happened?
Annie:
According to a reliable source, Mam Cruz was stabbed to death by her boyfriend.
Ginny:
Ano daw ang reason?
Annie:
Sobrang selos siguro?
No one really knows.
Channel:
When did this happen?
Annie:
Kaninang 10 o'clock lang
Ginny:
Nahuli na ba ang boyfriend nya?
Annie:
Hindi pa.
Her boyfriend is still on the run.
Ginny:
That's so scary!
Hindi na ako sumali sa usapan nila, hinayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap tutal nalaman ko na ang gusto kong malaman pero maya't maya din akong nag-ba-backread sa usapan nilang dalawa.
Sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa nangyari kay Mam Cruz, kanina lang buhay pa sya, nagklase pa nga sya at pinahiya nya pa ako sa boung klase~
"Sino ang gusto mong unahin Channel? Ginny or Mam Cruz?"
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ng taong yun. May kinalaman kaya sya sa pagkamatay ng teacher ko?
Ang sabi ni Annie, ang boyfriend ni Mam Cruz ang pumatay sa kanya at nagawa syang patayin nito dahil sa sobrang selos. Sa totoo lang napaka-babaw ng rason nya para patayin ng ganun ganun na lang ang isang tao.
A part of me wanted to believe that but a part of me believes otherwise.
Paano kung hindi talaga ang boyfriend ni Mam Cruz ang pumatay sa kanya? Paano kung may kinalaman ang taong yun sa pagkamatay nya? That person offered to kill her, hindi man nya direktang sinabi na papatayin nya ito pero parang ganun nadin yun. Diba nga at tinanong nya pa ako kung sino ang gusto kong unahin nya?
Kung totoo man ang hinala ko, kailangang matigil na ito. Nung una ini-stalk nya lang ako, pero ngayon pumapatay na sya ng tao para sa akin. Iba na ito.
I need to uncover his true identity. Kung sino man sya o kung sya man si Tristan, kailangan ko ng malaman bago pa may madamay na ibang tao.
But how can I prove that Tristan is the culprit if he is not around? Ang sabi kasi ni Ginny, may sakit sya kaya hindi sya pumapasok. As long as he's not around, then I can't really put my plans into action.
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa GC namin, since anong oras narin naman nagdecide ng matulog sina Ginny at Annie. Bukas na lang daw nila itutuloy kung ano man ang pinag-uusapan nila.
Inilapag ko na sa may bedside table ang cellphone ko, matutulog na din sana ako nung bigla na naman itong tumunog. Ano to, pahabol?
Akala ko may nakalimutang sabihin si Ginny or si Annie kaya medyo nagulat ako nung hindi sila ang nakita kong nag-message sa akin sa messenger.
#ff0000:
It was the same picture of Mam Cruz's bloody arm.
#ff0000:
Surprise!
Do you like my present?
Present? Ano ba ang pinagsasabi nya? Is he talking about Mam's Cruz bloody arm? Ibig ba nitong sabihin may kinalaman nga sya sa pagkamatay ni Mam Cruz?
#ff0000:
seener :(
Hindi ko pinansin ang message nya pero chineck ko ang profile nya. Wala akong nakitang kahit na anong impormasyon sa profile nya at wala ding makikitang kahit na isang picture dito. Parang ginawa nya lang talaga ang account na ito para guluhin ang buhay ko.
#ff0000:
Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sayo Channel?
I received another message from him again.
Dapat na ba akong mabahala? Sa school, kahit saan ako magpunta, text message at ngayon dito naman sa messenger.
I actually have two options, ignore his message or respond to it?
In the end, I choose the latter.
#ff0000:
Channel
Channel:
What do you want?
#ff0000:
You
Channel:
Why?
#ff0000:
Because~
Your just like me.
Me:
What do you mean?
I am not a killer like you!
#ff0000:
Trust me, you are :)
Me:
Tigilan mo na ako!
#ff0000:
I can't do that
Channel:
Why?
#ff0000:
I just cant
Channel:
Kung ayaw mo akong tigilan, sabihin mo na lang sa akin kung sino ka.
#ff0000:
Not yet :)
Channel:
Bakit?
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Naghintay ako pero ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Seener.
Nababaliw na siguro ako. I know a thing or two about stalkers. At ang alam ko sa mga katulad nila, kapag inintertain mo sila mas lalo ka nilang hindi titigilan. Malaki ang tyansang hindi nya ako tigilan dahil sa ginawa kong pagkausap sa kanya ngayon.
Okay lang sana kung isa lang syang simpleng stalker pero hindi dahil may mga tao na syang napatay.
Isa din kaya ako sa mga balak nyang patayin?
~Channel.
⚜️
|Author's Note|
This chapter is dedicated to: Wilmar Red
What do you guys think?. Looking forward to your Comments and Suggestions. Also don't forget to like this new story of mine.
PS: Photo not mine. Ctto.
@Acinnejren