My Words

By kushikimika_03

237 36 39

Kailangan mo ba ng kausap? o di kaya'y pakiramdam mo nag-iisa ka na lang? Iyong tipong nasa dilim ka at wal... More

Tired and Upset
PARABLE #1
White Lies
Pain
Alone?
Parable #2

Reminders

11 2 0
By kushikimika_03

Nasaan ka na?

Nasaan ka na nga ba ngayon?

Iyan ang madalas itanong sa atin ng ating Panginoon, sa bawat panahong  nakakalimot tayo!

Huwag mong itanggi dahil totoo.

Nasaan ka?  Bakit mo ako iniwan!

Iyan naman ang mga katagang madalas mo'ng bitawan, sa mga panahong naghihirap ka.

Huwag mong itangi dahil totoo.

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw. Mula sa kung ano ang tama, sa ano ang mali.

Bawat tao ay nakakalimot, nakakalimot sa mga bagay, na araw-araw na biyayang binibigay ng Diyos.

Magaling tayong manisi. Manisi sa kung bakit ka ganito, bakit ganiyan, bakit mo pinayagan ang ganito!

Pero naisip mo ba, ang dahilan kung bakit ka ganiyan, bakit niya pinayagang mangyare ang ganito?

Isang kwento, ang hatid ko sa inyo at nawa'y basahin niyo.

Hindi ito original na sa akin, ngunit may mga tagpo akong binago, upang mas lalong kapana-panabik.

Ako nga pala si Jose, may asawa ngunit walang anak.

Tatlong taon na kaming nagsasama ni Maria, at hanggang ngayon, ay wala pa din kaming anak, na matagal na naming pinagdadasal sa Panginoon.

Ito ang araw, na ipinasya kong iwanan muna ang aking asawa at mag hanap-buhay sa malayong lugar, na pinayagan naman ng aking asawa.

"Mag-iingat ka Jose!" Paalam nito sa akin. Sabay halik sa aking labi.

"Salamat Mahal, pangako babalik ako, kapag naka-ipon na ako ng malaki."

"Huwag mong hangarin ang kayamanan Jose, tandaan mong mas kailangan kita kaysa ano pa man. Kaya kong may sapat ka ng ipon ay umuwi ka na at siguradong malulungkot ako, kapag wala ka." May luha sa mga matang ika nito at mahigpit na yumakap sa akin.

Inihiwalay ko ito mula sa aking katawan at ngumiti. "Pangako Maria." Ika ko at tumalikod na dito.

Ayaw kong nakikitang umiiyak ito. Hindi ko kaya at baka hindi na ako maka-alis pa.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, limang oras ang itinagal ng aking byahe, bago ako tuloyang nakarating sa tahanan na siyang aking aalagaan.

"Jose, ikaw na nga ba iyan?" Salubong sa akin ng matandang nakabarong sa gitna ng bukid.

Tumango ako at napagtantong ito ang aking pagsisilbihan.

"Ako nga pala si Andong ang nagmamay-ari ng lupaing iyong kinatatayuan." Pakilala nito sa sarili.

"Don Andong, ako nga po si Jose, ang inatasan ni Pareng Dante na pumalit sa kanya."

"Kung ganon ay nasisiguro ko ng alam mo na, ang magiging trabaho mo dito."  Nakangiting ika nito na ikinatango niya.

Ang alagaan ang lupain, mga alaga at pati na din ito. Ang siyang magiging trabaho niya.

Mabilis na dumaan ang araw, buwan at taon, na halos igugol ko na ang lahat ng aking oras at lakas, para lang sa pag-aalaga sa Don. 

Dumating ang pinaka-ayaw kong mangyare sa lahat, ang kunin ito ni Lord sa kanyang pangangalaga.

Labing pitong taon, Oo! Labing pitong taong inalagaan niya ito, Labing pitong taon na din siyang hindi umuuwi sa kanyang asawa, sa kadahilanang kailangan siya ng Don.

At itong araw na ito ang burol ni Don Andong. Naka-usap na niya ang anak nitong galing sa Manila. Ipinaki-usap nitong doon na daw siya manirihan at lahat ng nakikita niya roon ay pag-aari na niya, basta huwag na lang daw siyang umalis at muli niyang alagaan ang naiwang asawa ni Don Andong.

Matindi ang ginawa niyang pag-iling matagal na ding panahong nawalay siya sa kanyang asawa at natatandaan niya pa ang huling bilin nito sa kanya.

Sapat na siya para dito. Hindi importante ang kayamanan basta naroon lang siya.

"Bakit Jose? May hindi ka ba nagustohan kay Mama?" Tanong nito sa kanyang kakikitaan ng lungkot sa mga mata.

"Patawarin niyo po ako, ngunit kailangan na ako ng aking asawa, Sapat na ang labing pitong taon na pagsisilbi ko sa inyong mga magulang." Magalang na wika niya.

"Kung ganon ay tinatangihan mo ang lupaing nakikita mo? Ang mga hayop sa iyong paligid?"

Tumango siya. "Sapat na sa akin ang binigay na singsing ng iyong ina, bilang gantimpala sa pag-aalaga ko sa kanila." Matapat na ika niya at inilabas ang singsing na kung hindi siya nagkakamali ay higit pa sa milyon ang halaga nito.

"Handa mo din bang isuko, ang sing-sing na ibinigay sayo upang maka-uwi ka sa iyong asawa?"

Tinitigan niya ito kasabay ng kanyang pagtango.

Kinuha nito ang singsing na inilapag niya at saka ito ngumiti sa kanya.

"Kung ganon ay mag-iingat ka." Muli ay ika nito at tumayo na siya.

Kung ano ang suot niyang dumating doon, ay iyon din ang suot niyang uuwi sa kanyang asawa.

Pagkatalikod niya ay muli siyang tinawag ng anak ni Don Andong. Lumingon siya dito at inabutan siya ng isang malaking bag.

"Dalhin mo ang bag na ito, naglalaman iyan ng tatlong malalaking tinapay." Ika nito na siyang inabot nito sa kanya.

Hindi kataka-taka pagkat may kabigatan nga ito .

"Panghuli Jose, Gusto mo na ba talagang umuwi?" Muli ay tanong nito sa kanya.

Muli ay tumango siya.

"Mamili ka Jose.  Ang Limang Advise ko sayo, para maka-uwi ka ng ligtas sa asawa mo, o itong singsing na binigay sa iyo ni Ina, para ibigay mo sa asawa mo?" Tanong nitong kakikitaan ng ngiti sa labi nito.

Naalala muli niya ang binitawan ng kanyang asawa. Hindi ko kailangan ng kayamanan, ikaw lang ay sapat na.

"Ang limang advise, para maka-uwi ako ng ligtas."  mababa ang tinig na ika niya.

"Sigurado ka ba?" muli ay uli nito.

Tumango siya.

Itinuro nito ang upuang kanina ay nilisan niya na siyang naintindihan naman niya.

"Una." Ika nitong tinitigan siya.

"Huwag kang magmadali sa pag-uwi, dahil makakarating ka din sa iyong pupuntahan."

Tumango siya.

"Pangalawa, Kainin mo ang pabilog na tinapay, Habang naglalakbay ka sa pag-uwi."

Tinignan niya ang bag na inabot nito sa kanya at ngayon niya lang napansin na may iba't-ibang shape pala ito.

"Pangatlo, Kailangan mong magpahinga at kumain ng maayos. Tandaan mo hindi mo kailangang magmadali sa pag-uwi, kaya kainin mo ang parisukat na tinapay dahil iyan, ay sapat para sa muli mong paglalakbay."

Ika nito at itinago na ang singsing na kanina ay hawak nito.

"Pang-apat, Huwag na huwag kang maging mausisa sa lahat ng bagay. Ang dapat mo lang isipin ay ang maka-uwi ka sa asawa mo."  Nakangiting ika nito at tumayo.

"Panglima at huli sa lahat  Kailangan mo ng matinding pagtitiis at hinahon, at ang pahabang tinapay na pinakahuli sa lahat, ang kailangan niyong pagsalohan ng iyong asawa." ika nito at nagpa-alam.

Tumango siya at nagpasalamat, ngunit bago pa siya umalis ay muli siya nitong inabutan ng kaunting pera.
"Gamitin mo." Matipid na ika nito at saka siya iniwan.

Sa kanyang paglalakbay ay may nakasalubong siyang matandang babae. Tinanong siya nito kung saan siya paparoon na siyang sinagot naman niya.

"Naku iho! may mas mabilis na daan para makapunta ka sa nais mo, na hindi ka na aabutin pa ng ilang araw."  Ika nito at itinuro sa kanya ang daan.

Agad niyang sinunod ang itinurong daan ng matandang  babae, ngunit hindi pa siya nakakalayo ay naalala niya ang payo sa kanya ng anak ng Don.

Huwag kang magmadali sa pag-uwi!

Kaya agad siyang bumalik sa dating daan, kung saan siya naglalakbay kanina lang.

Hapong-hapo na siya, na sinabayan pa ng kanyang gutom. Kaya inilabas na niya ang pabilog na tinapay na siyang bilin ng anak ng don.

Nang matapos na siya sa pagkain ay muli na siyang nagpatuloy sa paglalakbay.

May nalampasan siyang dalawang lalaki na nag-uusap at napatingin sa kanya.

"Saan ka ng galing pare?" Tanong ng matabang lalaki.

Sinabi niya kung saan siya ng galing.

"Mabuti at hindi ka dumaan sa kabila, dahil kung sakali ay baka ikaw ang natyempuhang holdapin ng mga nagkalat na gang. " Ika nitong tila humanga sa kanya.

Nagkibit balikat siya at naalala niya ang payo sa kanya. Huwag kang maging ma-usisa.

Nagpaalam na siya sa lalaki. Kung ganon pala, mabuti na lang at hindi siya tumuloy sa shortcut na sinabi sa kanya.

Gabi na at hindi pa siya nakakarating kaya ipinasya niya na lang na magpalipas ng gabi sa isang lodge na nalampasan niya.

Agad siyang nahiga sa kama at pumikit. Ilang oras din siyang naka-idlip ng may narinig siyang nagsisigawan. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at bubuksan na ang pintuan para mag-usisa, ng muli niyang matandaan ang payo ng anak ng Don. 

Huwag kang maging ma-usisa.

Umupo siya  sa kama at inilabas ang parisukat na tinapay saka niya ito kinain. Nakakabusog nga ito, kaya nakalahati lamang niya at muli niyang inilagay sa bag.

Nasilaw siya sa sikat ng araw na umabot sa kanyang kinahihigaan. Agad siyang bumangon at agad ding nag-ayos ng sarili.

Pagkababa niya ay sinalubong siya ng maintenance boy. "Wala po ba kayong narinig na sigaw kagabi?" Tanong nito sa kanya.

"Mayroon, bakit? Takang tanong niya.

"Mabuti at hindi kayo lumabas, Sir. Dahil kayo pa lang ang kauna-unahang nakaligtas sa kapit bahay nating may sira sa ulo.Lagi po itong sumisigaw pag-gabi at kapag may lalabas ay saka niya ito sasaksakin na parang wala lang." Balita nito sa kanya na ikinataas ng balahibo niya.

Huminga siya ng malalim at nagpaalam na.

Mabuti na lang talaga at naalala niya ang bawat payo sa kanya.

Inilabas niya ang kalahati ng parisukat na tinapay at muli niya itong kinain.

Sumalubong sa kanya ang malakas na ulan. Kung kailan malapit na siya sa bahay nila ay saka naman umulan ng malakas.

Pa gabi na din at halos hindi na niya makita ang dadaanan niya, hanggang sa makita niya na ang liwanag na nang gagaling sa bahay nila. Sa bahay nila ng kanyang asawa.

Tumakbo siya at hiningal, ngunit talagang malayo pa siya.  Hanggang sa maalala muli niya ang payo sa kanya. Huwag kang mag madali.

Naglakad siya hanggang sa makarating siya. Kakatok na sana siya ng makita niya ng anino ng kanyang asawa na may kasama ito.

Nagdilim ang kanyang paningin. Lalo na ng makita niyang hinalikan ng kanyang asawa ang kasama nito sa loob ng bahay nila. Agad niyang pinulot ang naka-usling bato sa gilid at handa na sanang pumasok ng walang babala, nang muli, ay maalala niya ang panghuling payo sa kanya.

Matinding pagtitiis at hinahon.

Ibinaba niya ang hawak na bato at dumaosdos sa pagkaka'upo.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niya ng hinahon at pagtitiis.

Hanggang sa makatulogan na niya ang pag'iisip.

Kinaumagahan ay agad siyang nagising sa sigaw ng kanyang asawa.

"Jose! Ikaw na ba iyan?" Tuwang-tuwa na ika nito at agad siyang niyakap.

Hindi siya gumanti ng yakap at agad din niyang inilayo ang sarili dito.

Nagtatanong ang mga mata ni Maria habang nakatingin sa kanya.

"Sino ang lalaking kasama mo kagabi." may diing tanong niya dito, dahilan ng pag-aliwalas ng mukha nito.

"Siya ay iyong anak, buntis ako ng iniwan mo ako Jose!" Ika ni Maria at muling yumkap sa kanya.

Kung nagulat siya, ay hindi niya maipaliwanag. tila unti-unti siyang nanghina at napaiyak na lamang sa balikat ng kanyang asawa.

"Ma,Sino siya?" Narinig niyang ika ng kanyang anak.

"Joseph, siya ang iyong ama." Pakilala ni Maria, dahilan ng pagyakap nito sa kanya.

Nagpa-alam si Joseph, na makikipaglaro daw ito sa mga kaibigan nito, dahilan kung bakit sila naiwang dalawa ni Maria.

Masaya silang nagkwentohan ni Maria, sa kung ano ang nangyare ng mga panahong iniwan niya ito.

Ikwenento din niya ang paglalakbay niya pauwi, para lang dito hanggang sa ma-alala niya ang pahabang tinapay na pagsasalohan nila ng kanyang asawa.

Kinuha niya ang bag at inilabas doon ang pahabang tinapay.

Agad niyang hinati iyon at nagulat na lamang siya sa laman nito.

Maging si Maria ay namangha at nanlaki ang mga mata.

"Jose, saan galing ang mga alahas na ito?" Nagtakang tanong nito sa kanya.

Hindi niya akalaing, ang huling tinapay palang dala niya, ay naglalaman ng mga sari't saring alahas.

Wakas.

May mga pangyayare tayong hindi na-uunawaan.

Pero may mga bagay na alam nating ibinigay na sa atin, ngunit binalewala natin.

Ang kwentong ito ay nagpapatunay lang, na ang lahat ay kailangang may pagsasakripisyo.

May pang-uunawa at higit sa lahat tiwala.

Kung marunong kang tumupad, makakarating ka sa iyong pupuntahan.

Ang Limang Payo ay pwede nating gamitin sa ating buhay.

Una.  Huwag mag madali.
Pangalawa. Kumain ka. (Lasahan mo ang salita ng Diyos. Namnamin mo. Isa Puso.)
Pangatlo. Magpahinga ka. (Rest/tandaan ang araw ng Pahinga)
Pang-apat. Huwag maging ma-usisa. (Huwag puro reklamo.)
Panglima. Pagtitiis  at Pang-unawa.

Ang kabanatamg ito ay isa lamang paalala.

Paalala na kailangan mong maghirap, magtiis, umunawa, magtiwala, magsakripisyo at higit sa lahat huwag kang maging gahaman.

Dahil ang tunay na nagtatagumpay sa lahat, ay ang mga taong may malinis ang mga puso. Ang mga marunog magmahal at higit sa lahat,  ang may Diyos sa kanilang puso.

Continue Reading

You'll Also Like

52.8K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
165K 2.7K 27
Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para piliin mong mamatay? Ang tanong, susug...
13.3K 1.6K 31
May mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi...
100K 7K 34
4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.