Parted I
Posted date: June 26, 2018
· Unedited
· Subject for revision
· Comment. Vote. Share
· Thank you my silent, patient & faithful readers.
· Peace out
(4th month after the abduction)
Vriella: Looking Back
Ito ang huling araw ko dito sa probinsya ng Matnog Sorsogon. Dito ako napadpad ng mag desisyon akong lumayo muna sa Maynila. Walang kasiguruhan noon kung saan ako pupunta. Walang plano kung hanggang kailan ako lalayo o kung kailan ako babalik. Ang tanging alam ko lang nang mga oras na iyon ay kinakailangan kong lumayo at pumunta kung saan walang anino na susunod sa akin. Kung saan mabubuo kong muli ang aking pagkatao.
No one knows where I am. Pero may isang tao akong nakakausap. Bago kasi ako umalis ay nag bilin muna ako sa tatlong tao. Una kay ate Minda, siya ang pinagbilinan ko sa shop. Pangalawa si Tifa, sa kanya ko naman ibinilin ang ampunan. At pangatlo si Dra. Marigold. Sa kanya ko ibinigay ang bagong phone number na gamit ko upang makausap siya at makamusta sa kanya ang aking kapatid.
Naging malapit kasi si Silver kay Peridot, at walang alam si Peridot tungkol sa totoong dahilan kung bakit ako lumayo. Alam ni Peridot na kailangan kong umalis minsan kapag nais kong mapag-isa. Kaya hindi ko maaring ibigay sa kanya ang number ko ay nasisiguro kong ibibigay niya ito kay Silver sa oras na pilitin siya nito. Si Dra. Marigold lang ang tanging alam kong hindi ibibigay ang number ko kay Silver.
I need to leave everyone because I'm literally becoming a burden to the people I love. Sa harap nila ay kinakaya ko ang lahat, ngunit ang totoo, nadudurog na ang kalooban ko. I was broken then, too broken that I could say it is by far the toughest situation that I have ever dealt with. And it is all because of one man, the man I promised myself to always stand by his side no matter what; I vow to never give up on him however painful or worst our situation would be. The first and the last man I will ever give my heart too. The only man I will love till my heart ceased from breathing. Unfortunately he's also the man who gave up on me. The man who pushed me away. The Devil Debonair himself, Silver Demonteverde.
He choose to crushed my emotion, rip my heart into fragments, and broke my soul for me to let go of him. And he won. He got what he wanted.
At least he think he did.
Yeah, a least he think so.
All those words and memories running inside my head as my feet played with the white fine sand here on the beach of Matnog Sorsogon. The cold water from the ocean washed the sand away from my feet every time it reaches the shore. I often sit here, it brings calmness and peace inside me while watching the beautiful sunset.
Bukas na ang balik ko sa Maynila. Bukas ay haharapin ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay. Kabanatang walang Silver Demonteverde. Walang Robert, Amanda o Richard na umaanino o nag babantay sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko. Oo, handa na ako...
Marahan kong inilapat ang aking likuran sa pinong buhangin, ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga ng malalalim, at muling binalikan ko ang simula at dahilan kung bakit ako napadpad sa sitwasyon at sa lugar na ito. Binalikan kong muli sa aking alala ang araw matapos ang pag dukot sa aking ng mga taong nagnanais pabagsakin at patayin ang isang Silver Demonteverde.
Silver: Looking Back
Apat na buwan ang nakalipas simula ng pangyayari sa amin ni Vriella, Bulag pa rin kami sa kaso tungkol sa naka-ambang panganib sa kanya. Bagaman wala rin kaming na kikitang anumang bakas na mag sasabing tuloy pa rin ito. We all came up to the conclusion that she's no longer in danger. That being apart from her made my foe realized that she has no value to me anymore, that she's just one of the women I bed and play with. Throwing her out of my life is the best thing I did for her.
I guess it is true, that I'm the one putting her life at the edge of the cliff. That I am her death sentence. That I'm destroying her life and her future.
Sa kabila ng walang anuman banta kaming nakikita na ay hindi pa rin ako naging kampante. I still need to know the person who orchestrated the threat and the list of people involved in that mission. Belinda gave me all the possible source and suspect she knew, yet still, I couldn't find the culprit. Everything leads to a dead end. It's too damn frustrating!
I haven't seen her for a while, she run away from all the pain I have caused her. I couldn't stop her, I didn't' stop her. I let her go. I have to pursue my mission and find the person who wishes to use her to get through me. Mapapanatag lang ang kalooban ko kapag na sa mga kamay ko na ang taong sinasabi ni Belinda. At hindi ako maaring tumigil, hindi rin maaring maging kampante.
Hindi ko alam kung nasaan Si Vriella sa mga oras na ito. Walang ibang nakakaalam maliban kay ate Marigold. Na kahit tangkain ay hindi ko magawang tanungin siya. Nalaman ko lang na alam ni ate Marigold kung nasaan si Vriella dahil minsan, di sinasadyang narinig ko siyang kausap ito sa cellphone. Sa tono ng usapan ay kinakamusta ni Vriella si Peridot kay ate. Napanatag ako dahil nalaman kong maayos ang kalagayan niya.
Umalis siya, at siniguro niyang hindi ko siya matatagpuan. Na hindi ko siya mapapasundan sa kahit na kanino. Na hindi ko siya makakausap. At alam niya na tanging si ate Marigold lang ang maari niyang makausap at makaalam kung nasaan siya na hindi ko magagawang tanungin o piliting ibigay ang impormasyon tungkol sa kanya. Matalinong babae si Vriella kahit pa nga di hamak na mas bata siya kaysa sa akin, kahit pa hindi siya nakapagtapos ng pag aaral. Isang katangian niya na labis kong hinahangaan.
Sana ay bumalik ka na Mahal ko. Kahit alam kong hindi na kita makakasama pa o kahit pa alam kong hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat, sapat na sa akin ang masulyapan ka. Makukuntento na akong mahalin ka sa malayo. Alang alang sa kaligtasan mo. Mas nanaisin kong malayo sayo masiguro ko lang na maayos ang kalagayan mo. Hindi ko makakayang ibahagi pa sayo ang sumpa ng madilim na pagkatao ko at ang hindi ko matatakasang impyernong nakaraan ko. Hindi tama na ikaw ang mag bayad ng mga kademonyohan noon, hindi tama na ikaw ang singilin nila sa pagkakautang ko.
"Sir, nakahanda na po ang sasakyan." Putol ni Robert sa pagbabalik tanaw at pag iisip ko kay Vriella. Tumango ako sa kanya. Muli kong sinulyapan ang larawan namin ni Vriella noong mamasyal kaming dalawa, kung saan pareho kaming nakangiti at magkadikit pa ang mga mukha.
"Let's go Robert." Sabi ko sabay tayo mula sa aking kinauupuan. Habang nasa loob ng sasakayan ay hindi ko mapigilang balikan ang araw na nag tulak sa aking upang mag desisyon na tapusin na ang anumang namamagitan sa amin dalawa. Tapusin maging ang pagmamahal na nadarama ko para sa kanya.
Ito lang ang tanging paraan upang hindi na muling manganib ang buhay niya. Ang natatanging paraan upang tuluyang makalaya siya sa anino ng impyerno kong mundo.
--- 0 ---
(1st month after the abduction)
KW: Nightmares
After the abduction Vriella was confined at the hospital for less than a month, her first two weeks was the most difficult stage for her. The video compilation of Silver's gruesome, inhumane ways of punishing people swallowed Vriella's whole being. Her heart and soul was corrupted with such agony, terror, and abusive aura. It chases her even in her sleep.
"Wag! Tama na! Maawa ka! Pakiusap tama naaaa! Ayoko naaaa!" Malakas na sigaw ni Vriella habang nakapikit.
Nananaginip na naman siya. Yan ang paulit ulit niyang sigaw sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog. She's being consumed by the suffering of the people inside that video. The pain corrupted her senses and emotions, it subconsciously putting her in the position of being the person tortured to death. She's experiencing a cycle of pain, damage, and death for more than a week now.
Ito ang isang disadvantage ng kanyang kakayanan. Sa maraming pagkakataon ay kaya niyang harangan ang mga negatibong enerhiya na maaring sumakop sa kanyang puso at isipan, subalit sa tuwing may higit na matindi o bago at malakas na emosyon o enerhiya na hindi pa niya nagagawang pag aralan o pag handaan ay nilalamon siya nito ang buong buo.
Kung ang titingin sa kanya ay isang ordinaryong tao, mapagkakamalan siyang nababaliw. Ngunit hindi si Dra. Marigold at ang mga kasamahan nito. Alam nila ang totoong nangyayari sa dalaga. Kasama ito sa kanilang pag aaral, sa sinasaklawan nang kakayahan ni Vriella na kinakailangan nilang i-monitor.
May mga pagkakataon na kinakailangan saksakan pa siya ng gamot na pampatulog para lamang huminahon siya. Sa oras naman na hawak niya ang kanyang sariling emosyon, mababanaag mo naman ang lungkot at kalituhan sa kanyang mukha. Makailang ulit na siyang kinausap ni Marigold at ng mga doktor na kasama nito, ngunit tanging ang muntik na niyang pagkakagahasa ang kanyang sinasambit. Ayaw niyang banggitin ang nadiskubre niya tungkol kay Silver. Nais muna niya itong makausap at marinig mula sa kanya ang buong katotohanan.
Ito ang ilang araw nang nasasaksihan ni Amanda. Siya ang inatasan ni Silver na mag bantay kay Vriella.
"What!? You want me to babysit your girlfriend? But why me?" Protesta ni Amanda kay Silver.
"Damnit Amanda I don't have time for this. People who wanted me dead is going to use her as bait! Just like what Belinda did. I can't and I won't allow that to happen again. Do you hear me!? Now, I'm going scour the earth to find that son-of-b**th who plotted this mission, this f**kin menace in front of me. While you, I command you to secure Vriella's safety. No harm shall come to her while I'm gone! Do you understand me?!" He shouted with gravity of rage and authority.
"Yes Council Raven." Amanda answered with respect.
"Call it anything you want! I don't give damn. You stay with her and protect her! That's an order!"
"Yes Sir."
Sa loob ng kulang kulang dalawang linggo ay nakikita ni Amanda ang pagwawala at ang hirap na dinaranas ni Vriella sa tuwing nagigising ito mula sa isang bangungot. Wala siyang alam sa pagiging Empath nito hindi ito na banggit ni Silver, kaya naman ang alam lang niya ay na trauma si Vriella at ito ang resulta. Tahimik lang siyang nag babantay sa loob ng kwarto ni Vriella. Umaalis lang siya kapag kinakailangan o may mabilisang misyon na dapat niyang gawin. May ibang agent na itatalaga si Richard kapag kinakailangan niyang umalis sa hospital. Ngunit babalik rin agad pagkatapos.
Sa kabila ng pagkabagot ay patuloy lang siyang nag babantay habang walang kibong nakaupo lang sa sofa bed. Hindi rin naman siya nakikialam sa kung ano ang ginagawa ng mga doctor kay Vriella o nakikipag usap sa mga ito. tahimik lang siyang nagmamasid at matapos ay mag rereport naman kay Silver.
"She had a nightmare again Sir. Nagising uli siyang namimilipit sa sakit at walang tigil sa pag susuka."
"Yes Sir, the doctors sedated her to calm down and put her back to sleep."
"Yes Sir."
"I will."
"Copy that."
Ito ang madalas na pag uusap nila ni Silver sa mga pag kakataong mangangamusta ito sa kalagayan ni Vriella. Habang si Silver naman ay patuloy ang pag iimbistiga sa mga impormasyong sinabi ni Belinda tungkol sa taong mag paplanong pabagsakin sa pamamagitan ni Vriella, kahalintulad sa ginawa nito sa kanya. Kaya't walang ibang magawa si Amanda kundi sumunod sa utos na bantayang mabuti si Vriella.
VRIELLA: Nightmares
Naka upo ako sa kama habang pinagmamasdan ko si Amanda habang natutulog siya sa sofa bed may ilang hakbang mula sa kamang tinutulugan ko ang layo. Maghigit dalawang linggo na rin ang lumipas. Muntikan na akong sumuko, muntik nang bumigay ang katinuan ko kung hindi niya ako natulungan.
Simula ng magising ako dito sa hospital ay siya kaagad ang nabungaran ko. Hindi ko siya kilala noong una pero hindi siya maaring hindi mapansin ng aking damdamin dahil mag katulad sila ni Silver, parehong silang nababalot ang puso ng galit, madilim at negatibong damdamin. Ang kaibahan lang niya kay Silver ay ito lang ang tanging nararamdaman ko sa kanya, wala ng iba pa. Wala akong maramdamang kabutihan sa puso niya. Napakatigas ng damdamin, hindi ko magawang makapasok sa kaibuturan nito. Higit siyang nakakatakot kaysa kay Silver, kung ang pagbabasihan ay ang assessment ko bilang isang Empath.
Una pa lang ay alam ko na, na kasamahan siya ni Silver, tulad ni Robert at Richard ang pananamit nya, at maging ang pag kilos nito. lahat ay parang de-numero, kalkulado at hindi rin sila masyadong masalita. Well, liban kay Robert, siguro dahil palagay na ang loob namin sa isa't isa.
Pero gustuhin ko mang kausapin siya at alamin kung nasaan si Silver ay di ko magawa noon oras na'yun. Hindi ko rin alam kung gusto ko nga bang makita o malaman kung nasaan si Silver that time. Naguguluhan pa ako, natatakot at nasasaktan, nagagalit, mamumuhi, sari saring emosyon ang pinagdararaan ko noon. Hindi ko pa siya kayang harapin hanggat hindi pa ako nakakabawi sa bangungot na kinasasadlakan ko. Hindi ko pa kaya, kahit pa nga sobra akong nangungulila sa kanya at nananabik na akong mayakap siya.
Araw araw si Amanda dito, umaalis sandali at muling bumabalik. Nakatayo, nakaupo, may hawak ang cellphone, may ginawa sa laptop, madalas ay nag babasa ng libro. Ganyan lang siya palagi. Hindi siya umiimik, hindi nakikialam. Kapag inanatake ako, titingin siya sa akin, pero wala kang mababaanag na expression sa mukha niya. May pipindutin lang siyang bagay na nasa tabi niya at ilang sandali lang ay may mga nurse nang magdaratingan upang daluhan ako.
Noong isang araw ay narinig ko siyang may kausap sa cellphone niya.
"Yes sir, she's fine sir. Still having nightmares." Palakad lakad siya habang nakikipag-usap.
"No sir, she's physically okay, her wounds are all healed. Though I think there something wrong with her brain." Sagot niya sa kausap sa kabilang linya. Mukhang sinigawan siya ng kausap dahil inilayo niya ang phone sa kanyang tenga.
"I'm sorry sir. It won't happen again." Apologetic niyang sabi.
Alam kong si Silver iyon at hindi ko mapigilan ang biglang pananabik na marinig ang boses niya.
"Miss.. Miss.. Si...Si... Si Silver po ba ang kausap nyo? Pwede ko ba siyang makausap?Please." Naiiyak kong sabi sa kanya. Miss na miss ko na si Silver, sana kahit boses man lang niya ay marinig ko.
Tumingin lang siya sa akin, tapos ay tinungo ang pintuan at tuluyang lumabas. Panay ang tawag ko sa kanya ngunit di na niya ako pinansin. "Gusto ko lang marinig ang boses niya." Mahinang sabi ko nang tuluyang mag sara ang pintuan.
Nakatulugan ko na ang sama ng loob ko noong araw na iyon, nais ko lang naman ay marinig ang boses ni Silver. Kahit wala munang paliwanagan o usapan tungkol sa nangyari. Gusto ko lang malaman kung kamusta na siya. Kahit yun lang sana, dahil alam kong pareho pa naming di magagawang harapin ang isa't isa.
Nang gabi rin iyon ay muli akong binangungot. Isang kahindikhindik na bangungot na tila sa puntong iyon ay hindi ko na makakayanan.
Nasa kwarto ako kung saan pinarurusahan ni Silver ang iba't ibang tao. Pero bakit ako narito? Bakit hindi ako makagalaw?
Agad akong nangilabot at nangatal ang aking buong katawan. Nang pagmasdan kong mabuti ang aking sarili ay nakatali ang bewang ko sa isang upuan at tulad ng napanood ko sa video, nakahubad ako at basang-basa. Nakatali rin ang aking mga paa sa magkabilang bahagi ng paanan ng silya. May busal ang aking bibig at ang mga kamay ko'y nasa ibabaw ng lamesa. Nasasakal ng makakapal na bakal ang bawat palapulsuhan ko habang nakadikit sa lamesa ang palad ko. Nangingig ako sa takot, lamig at hilakbot. Anong nangyayari bakit ako narito?
Mula sa isang madilim na bahagi ay may isang bulto ng katawan ang lumabas at ngayon ay marahang lumalapit sa akin.
S-Silver? It was Silver, but he's not the same Silver that I know. His cold glare, his ruthless wicked smile, his evil grin, and his soulless appearance as he moves towards me terrifies my entire being. I tried to scream but it is useless. I tried to free myself yet the only movement I'm capable of is trembling out of fear. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong kumuha siya ng isang bagay na nag lalabas ng kulay asul ng apoy (torch flame gun).
NO! NO! SILVER PLEASE NOOO! Sigaw ko, ngunit tanging ungol lang ang lumalabas aking bibig dahil may busal ito. Samantala, nakangisi siyang lumapit sa akin, tumapat siya sa lamesa at unti-unting inilalapit ang apoy sa aking mga kamay. Panay ang pag iling ko, piglas ko, hiyaw at iyak. Pero hindi siya naaawa. Humahalakhak pa siya na para bang nag e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Tila isang demonyong nag diriwang sa bawat pananakit na ginagawa niya sa akin. Humahalak siya sa bawat iyak at palahaw na naririnig niya, sa bawat luha at dugo na pumapatak sa kanyang biktima.
"AHHHHH.. AHHHH... TAMA NA! TAMA NAAAA!" Napabalikwas ako sa aking kama. Nakadilat na ang aking mga mata, ngunit nararamdaman ko pa rin ang sakit, init at amoy nang nasusunog kong balat. Nakaunat ang aking mga kamay habang nakatitig ako rito na tila ba naroroon pa rin ako sa lugar na iyon at patuloy pa ring dinaranas ang karumaldumal na pag papahirap ni Silver. Tila ba nasasaksihan ko pa ang pagkasunog ng aking kamay, nakikita pa ang pagtagas ng dugo at pagkaluto ng aking laman.
"Ahhhh tama naaaahhh! Ayo-ayoko na parang awa mo na!!!! Ahhhhgggghhhh" Walang tigil kong sigaw, iyak at pag luha.
"Damnit! Stop it!" Sigaw na narinig ko. Ngunit hindi ko magawang alamin kong kanino ito galing dahil nilalamon pa rin ako ng sakit na aking nadarama.
"Damnit! Look at me!"
"I said look at me!" It was from Amanda. She forcefully grabbed my hands. She pulled me closed to her almost violently.
"Listen to me! Come on look at me!" Madiin niyang hinawakan ang aking baba at iniharap sa kanya upang alisin ang pagkakatitig sa aking mga kamay na sa oras na yun ay tila ba nasusunog.
"Listen to me. Stop crying! Focus! Do you hear me!? Focus! Don't be afraid of the pain. You can control it!" Sa tuwing ibabaling ko ang aking paningin sa aking kamay ay agad niyang pipisilin ang aking baba, pabalik sa kanyang dereksyon.
"I said look at me. Control the pain! Use it!"
"Let the pain be a part of you, let it be like it's the air you breathe. Like it's the blood that flows into your veins. Don't fight it! Control it!"
"I can't. Aaahhhh... Hindi ko kaya, sobrang sakit..ahhhhAyoko na!" Panay ang iling ko habang umiiyak.
"You can't or you won't?" Bawat salita niya ay may diin. Determinado at matapang na ipinaiintindi sa akin. Hindi ako nakasagot agad. Nakatingin ako sa kanya habang patuloy na lumuluha.
"Kaya mo! Kayanin mo! Gustuhin mo! Kontrolin mo! Gamitin mo ang utak mo! Utak mo ang sundin mo!"
"Kaya ng utak na patigilin ang sakit na nadarama ng isang tao. Utak ang nag sasabing huminga ka para ka mabuhay, Utak mo rin ang gumagana para tumibok ang puso mo. Kaya rin ng utak mong gawing manhid ka sa sakit na nararamdaman mo. Naintindihan mo ba!? Kaya mo! Now control that f**kin agony inside you! Own it! Let it be a part of you so even if you feel it you can handle it! You can take it! You can live with it!?"
"That way no one can hurt you, not even the ones you trusted and betrayed you. Not even the one you gave your heart too and leave you in the most miserable and unbearable part of your life. No one can hurt you nor brake you if you get used to it, if you're numb to it... No One.. So stop crying and start controlling the damn pain of yours."
"Hindi ko kaya, imposible ang sinasabi mo." Lumuluha ko pa ring sabi.
"You can do it! It's damn possible, I did it! Nakaya ko! Do you hear me. Nakaya ko! Kaya kayain mo! Kaya mo! Damn it!" Huling sabi niya bago padabog na binitiwan ang mga kamay ko.
Naiwan akong tahimik sa kama, nakatingin lamang ako sa kanya. Bumalik siya sa kanyang upuan, at muli ay pinindot ang remote na lagi niyang gamit sa pag tawag ng mga nurse na mag aasikaso sa akin.
Nawala bigla ang sakit, naglahong parang bula, at iyon ay dahil nabuksan ang puso niya sa isang sakit, sakit na dulot nang kabiguan sa pag ibig, sakit ng kalungkutan at pangungulila. Ito ang nasagap kong damdamin mula sa kanya, matapos sambitin ang huling mga salita nya. That situation gave me the chance to peak inside her real feelings.
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ko magawang maramdaman ang tunay nyang kalooban noong una. Ito ay dahil nagagawa niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Napag aralan niyang maging mas nangingibabaw ang dikta ng kayang isipan. At dahil doon ay naturaan niya ako, bagaman wala siyang idea na mula sa pagbubukas niya ng tunay niyang emosyon ay nagawa kong aralin o kopyahin ang paraan niya ng pagkaya sa sakit na nararamdan nya. Napakalaking bagay ang natutunan ko mula sa kanya. Na kahit pa binabangungot pa rin ako ay naaagapan ko na agad ang aking damdamin sa oras na magising ako. Nagagawa ko na itong kontrolin tulad ng ginagawa niya.
Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan siya ng mabuti, mukhang himbing na siya.... pero hindi. Gising siya at pinakikiramdaman lang ako. Nag kukunwaring tulog upang makaiwas sa usapan, I smiled at the back of my mind. I think I'm drawn to people like Silver, I see her now much clearer, she's the female version of Silver. Perhaps one day I'll be close to her too, I do believe that I will be a big part of her life someday.
"Thank you. Malaking bagay ang ginawa mo upang matutuhan kong kontrolin ang nararamdaman ko. Pero sana, magawa kong suklian ang ginawa mong pag tulong sa akin, sana dumating naman ang pagkakataon maituro ko rin sayo ang mag patawad, sa ganoon paraan magagawa mo rin papasukin sa puso mo ang kapayapaan at ang saya na dulot ng pagpapatawad ng kapwa."
"Hindi man sa ngayon, pero sa darating na panahon. Just like what you said. That it is possible to let the pain be a part of you, that you can control it, and I do believe it too is applicable to happiness, you also can choose to be happy, you can let it into your heart, you shouldn't be afraid to be happy Amanda. Everyone deserves to be happy, you deserve it too." Huling sabi bago bumalik sa aking kama.
(Next on MTS-2: Parted-II - Clark's Adoption. Cakes & Coffee. Angel of light and of darkness)