Yuuki' POV
Hi ako nga po pala si Yuuki Kazehaya, a certified otaku and other calls me a weeb pero wala akong pake sa kanila since three dimensional people sucks
17 years old na nga po pala ako, magisa lang ako sa bahay dahil ang mama ko ay nagtatrabaho abroad habang ang tatay ko naman ay sumakabilang bahay na or in short sumama na sa kabit niya, walang hiya yung lalaking yun eh
Anyway katulad nga ng sinabi ko isa akong certified hardcore otaku at dahil doon ay wala akong kaibigan sa eskwelahan namin, actually ako pa nga palagi ang trip ng mga bully sa school at syempre walang tumutulong sa akin dahil lahat ng tao sa school ay ayaw sa akin or in short story nandidiri silang lahat sa akin
Oh well pakielam ko naman sa kanilang lahat, as long as nageexist ang anime sa mundong ito ay kakayanin ko ang lahat ng mga pambubully nila sa akin
Isa pa sanay na din naman ako na nabubully ako dahil since elementary pa lang ako talagang binubully na ako at hanggang ngayon ay hindi pa din iyon nawawala
Anyway tama na yung usapan tungkol sa mga bully since wala naman akong mapapala sa kanila, besides isang taon na lang din naman ang titiisin ko at gagraduate na ako sa high school
Grade 12 na kasi ako ngayon at kapag grumaduate na ako ay sabi ni mama kukuhain niya na ako at doon na din ako titira abroad kasama siya kaya naman medyo excited ako
Anyway meron nga pala akong isang pangarap at paniniwala sa buhay, sa japan tinatawag nila itong 8th grade syndrome pero dito sa pilipinas ewan ko lang
I ALWAYS BELIEVE THAT I EXIST IN ORDER TO BE A HERO IN ANOTHER WORLD
Dahil sa paniniwala kong iyan kaya ako nasimulang mabully, nung sinabi ko ang paniniwala kong iyan sa classmate ko nung elementary ako ay tinawanan niya ako ng napakalakas at ang kasunod ay ipinagkalat niya na sa buong school ang tungkol sa sinabi kong iyon
Kinabukasan ayun nagsimula na silang mabully ako, noong una ay syempre umiiyak pa ako dahil sa hindi pa ako sanay pero nung tumagal na ay parang wala na sa akin iyon at normal na lang ba sa akin ang mabully kaya naman parang wala na lang
Anyway kanina ko pa sinasabing huwag na nating pagusapan ang tungkol sa pangbubully sa akin pero ako itong kwento ng kwento haha, sorry na agad
So punta na tayo sa reality... no mali yung pagkakadescibe ko, punta na tayo sa fucked up reality
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papasok sa school namin kung saan nagtitipon tipon ang lahat ng mga demonyo sa mundo, well no exception na iyon kahit na ang mga school staffs pa at mga teachers
Kung bakit pati sa kanila ay galit ako? Simple lang ang sagot, miski sila ay binubully ako dito sa eskwelahan namin, kahit nga ang guidance councillor namin binubully ako eh
Diba?! Saan ka nakakita na ang guidance councillor ang isa sa mga nangunguna sa pangbubully, awesome right?
Anyway pagpasok ko sa school ay napakaganda ng bati nila sa akin dahil may nagbato sa akin ng tatlong pirasong itlog, ang kinalabasan? Syempre ang lagkit ng katawan ko at ang dumi na agad ng uniform ko
Well as if namang may pakielam ako sa kanila, dumire-diretso na lang ako sa paglalakad pero hindi nila ako tinigilan
Pinagbabato nila ako ng kung ano ano, itlog, harina, juice basta marami ayoko nang isa-isahin dahil mauubos ang oras kapag inisa isa ko pa, basta lahat ng pwedeng maitapon nila sa akin naitapon na nila, kahit nga mga batong malalaki eh hinahagis nila sa akin eh
Pagdating ko sa classroom ay napansin kong napakatahimik noon, nakakapanibago dahil kapag ganitong oras ang room namin ay punong puno ng estudyante at napakaiingay nilang lahat
Binuksan ko na lang ang pintuan ng classroom pero bigla na lang may bumagsak sa aking kung ano-ano, nang tingnan ko ang katawan ko ay nakita ko ang maitim na tubig, siguro ay tubig mula sa canal
Hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay dumiretso na lang ako sa upuan ko sa pinakadulo sa likod at umupo, pagupo ko sa upuan ko ay bigla na lang may bumato sa akin ng isang lukos nang papel at doon na nagsimula ang pambabato nila sa akin
Pero anong reaksyon ko? Wala lang, nakatanga lang ako at nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang langit
Hays! Bakit naman kasi napakatagal akong tawagin ng mga summoners sa ibang mundo, nagsasawa na ako sa mundong to
Pagkilapas ng ilang minuto ay pumasok na ang tarantado naming teacher at ang ganda din ng bati niya sa akin, bianto niya ako ng class attendance niya... and guess what?! Sapul ako sa mukha kaya naman nagdugo yung ilong ko
Dahil doon ay nagsipagtawanan ang mga classmates ko, tch! Fucking assholes! Maghintay lang kayo at kapag naisummon na ako siguradong babalikan ko kayo at ibabalik ko sa inyo ang lahat ng pabor na ginawa niyo sa akin, yun nga lang ten times fold at mas malala iyon
May sinabi lang na kung ano-ano yung teacher pero wala akong pakielam sa kanya, pero ang huli niyang sinabi ay medyo nakakuha ng atensyon ko
"May bago kayong classmate, iha pumasok ka na" sabi nung gago naming teacher tapos ay bumukas ang pintuan namin at pumasok doon ang isang babae
Masasabi kong maganda yung babae, may katangkaran tapos ay maputi, mahaba ang straight na straight niyang buhok at napakaamo ng kanyang mukha, pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang mga mata na kulay asul
Well like I said wala akong pakielam sa three dimensional people kaya naman inalis ko na lang yung tingin ko doon sa babae at muling ibinalik ang tingin ko sa bintana, buti pa dito maganda yung view at napakatahmik
Puta dito sa loob napakapangit eh, feeling ko nga masusuka na ako kapag tinitingnan ko yung pagmumukha ng mga kaklase kong walang mga kwenta
Narinig kong nagpakilala yung babae pero hindi ko na inintindi, tutal baka isa pa siya sa dadagdag sa mga bullies ko
Well wala naman sa akin iyon kung madagdagan ang bilang nila ng isa eh, imagine buong school binubully ako including teachers and school stuuf tapos poproblemahin ko pa ang pagdagdag ng isa sa mga bilang nila? Tch!
Narinig ko ang tarantadong teacher namin na pinahanap na ng upuan yung bago nilang kaklase, hindi ko kasi tinuturing na belong yung sarili ko dito kaya "nila" yung term ko
Anyway wala naman akong pake kaya naman hindi ko na sila pinagiintindi, sasakit lang ang ulo kapag pinansin ko lahat ng mga kumag na to
"Hi" napatingin ako sa tabi ko nang may marinig akong magsalita, yung bago pala nilang kaklase nasa tabi ko... wait! Bakit nasa tabi ko to?!
Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong pero nginitian niya lang ako, what the fuck was wrong with this girl?!
"You shouldn't sit here" cold na sabi ko sa kanya tapos ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas
"I'm Charlene, ikaw anong pangalan mo?" muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya ng magpakilala siya sa kin, seriously?! May sira ba sa pagiisip ang babaeng to?! Tiningnan ko siya na para bang naweweirduhan ako sa kanya pero tanging matamis na ngiti lang ang isinukli niya sa akin
Dahil doon ay napaiwas ako ng tingin, shit! Bakit ganito yung pakiramdam ko?! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!
"Yuuki" sabi ko na lang sa kanya habang nakatingin sa bintana, ayokong mapalapit ang loob ko sa babaeng to dahil baka nagkukunwari lang itong mabait at kapag nakatalikod na ako ay baka mas malala pa yung gawin niya sa akin
"Nice to meet you Yuuki" nabigla ako ng bigla niyang hawakan yung kanang kamay ko tapos ay nakipagkamay siya sa akin, tiningnan ko siya nang may mga nanlalaking mata at magrereact pa lang sana ako ng bigla akong makaramdam ng kamao sa mukha ko
Dahil doon ay tumilapon ako papunta sa likuran, nang tingnan ko kung sino ang sumuntok sa akin ay napangiwi ako dahil si Kier yung sumuntok, Si Kier kumag ang isa sa pinakamalakas na mambully sa akin dito sa school
Sa lahat ng mga bully ko siya yung pinakamalala, masyado kasing brutal mambully, puta kung magisa lang sana siya lalabanan ko eh kaso palaging kasama yung mga aso niya
Nakita kong pinatunog niya yung mga daliri niya sa mga kamay niya saka siya dahan dahang lumapit sa akin pero bago pa siya makalapit ay hinarang siya ni Charlene
Dahil doon ay nanlaki ang mga mata ko, seriously?! Talaga bang may sapak sa ulo yung babaeng yun?!
Ano bang mapapala niya sa akin kung makikipagkaibigan siya sa katulad ko?! I'm just a fucking nobody?! Tapos gusto niya pang makipagkaibigan sa akin, the hell!
Nakita kong hinawakan si Charlene nila Zoe at Chris, yung dalawang aso ni Kier na palaging nakasunod sa kanya
Unti unti nilang inilayo si Charlene sa harapan ni Kier, may sinasabi sila kay Charlene pero hindi koi yon marinig dahil sa nanghihina ako, masyadong malakas yung suntok ni Kier na tumama sa akin kaya naman nahilo ako
Paglapit sa akin ni Kier ay pinaulanan niya ako ng sunod sunod na suntok sa mukha hanggang sa magsawa siya, ramdam ko ang init sa mukha ko dahil sa pagtagas ng mga dugo at ang paniningkit ng mga mata ko dahil sa sobrang bugbog
Kitang kita nang dalawang mga mata ko ang malademonyong ngiti ni Kier, tapos noon ay inikot ko ang mga mata ko sa paligid, lahat ng mga kaklase ko ay nakangiti lang sa akin na para bang sinasabing tama lang sa akin ito pero may isa... may isang tao na iba ang ekspresyon
Hindi kalayuan sa harapan ko ay nakikita ko si Charlene na humahagulgol tapos ay pinipilit niyang kumawala kila Zoe at Chris pero hindi niya magawa dahil sa napakahigpit ng pagkakahawak sa kanya
May mga sinasabi siya pero hindi ko iyon maintindihan dahil sa sobrang bugbog na ako, pakiramdam ko nga bibigay na ako eh
Pero kahit na ganon nga ang mangyari ay masasabi kong medyo masaya ako, mali ako sa impresyon ko kay Charlene, mabuti siyang tao at iba siya sa mga demonyong nandirito ngayon sa school
Medyo nagsisi ako dahil ganon ang trato ko sa kanya pero wala na akong magagawa doon, sa ngayon ay masaya ako dahil sa kahit na papaano pala ay mayroon pa ding tao bukod sa nanay ko na magsasayang ng luha niya para sa akin
Kung sana mas maaga ko lang siyang nakilala naging mabuti sana kaming magkaibigan, pero ayos na din to, bago ako mamatay ayos na sa akin ang malaman na mayroong iiyak sa katulad kong itinuturing na basura sa lipunan
Kahit na papaano ay sumaya saya ako... salamat Charlene
Ramdam kong bibigay na talaga ako kaya naman unti unti ko nang ipinikit ang mga mata ko pero bago ko pa iyon tuluyang maipikit ay bigla na lang umilaw ang buong classroom
Nagkagulo ang lahat kaya naman nabitawan nila Zoe at Chris si Charlene, agad siyang tumakbo papunta sa akin tapos ay iniangat niya ang ulo ko at inilagay niya iyon sa mga hita niya habang umiiyak
May mga sinasabi siya sa akin pero wala talaga akong marinig kahit na isa, inilibot ko ang tingin ko sa classroom at halos mapanganga ako sa nakita ko
Mayroong kulay putting magic circle ang buong classroom namin, tinatangka ng mga kaklase kong lumabas ng classroom pero walang nakakalabas sa kanila
Hahaha! Finally! Finally! Sa wakas dumating na ang oras upang ipatawag ako sa ibang mundo upang maging hero, saw akas dumating na din yung oras na pinakahihintay ko
Ilang sandali pa ay umilaw nang napakatindi ang mga magic circle kasunod nito ang biglang pagkawala nang lahat ng mga tao sa classroom... maliban sa akin
What the fuck?! Bakit naiwan ako?! Anong nangyari?! Bakit yung mga kaklase ko naisummon samantalang ako natira dito?!
Shit! Kung kailan akala ko pa naman pinapatawag na ako sa ibang mundo, argh! Goddamn it!
Halos maluha luha ako sa sobrang inis at gusto ko na ngang magwala ngayon kaya nga lang ay hindi koi yon magawa dahil sa bugbog sarado ang buong katawan ko
Shit! Shit naman! Bakit iniwan nila ako?! Talaga bang wala akong kwenta at kahit na ang mga taga ibang mundo ay inaayawan ako?!
Sa gitna nang pagiisip ko kung bakit ako naiwan magisa dito samantalang naisummon ang mga kaklase ko ay biglang may lumabas na magic circle sa harapan ko
Kakaiba ang magic circle na ito dahil hindi katulad kanina na puti ang kulay, ang nasa harapan ko gnayon ay kulay itim at pakiramdam ko tingnan ko pa lang ang magic circle na ito ay nangangatog na ang katawan ko
Lumapit sa akin ang magic circle at bigla ako nitong hinigop, naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko kanina
Habang nakapikit ako ay pakiramdam ko hinihigop ako sa isang walang katapusang butas, pakiramdam ko nga masusuka ako eh, pinipigilan ko lang ang sarili ko
Ilang saglit pa ay tumigil na ang pakiramdam na hinihigop ako kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko
Tumambad sa akin ang isang purong kadiliman sa buong paligid, nang tingnan ko ang harapan ko ay mayroon doong isang maliit na lamesa at sa gitna nito ay may isang lampara na mayroong ilaw na kualy violet
"Maligayang pagdating" napatingin ako sa likuran ko ng may magsalita, mula sa likuran ko ay mayroong isang napakagandang babae na sa tingin ko ay edad 20 na nakasuot ng isang itim na dress
"Sino ka?!" tanong ko sa kanya pero halata sa boses ko ang pagkatakot, syempre sino ba namang hindi matatakot kung bigla ka na lang mapupunta sa lugar na ganito
Ibang iba to sa inaasahan kong mangyayari kaya naman hindi ako handa!
"Ohh how rude of me, allow me to introduce myself. I'm Daria the God of Darkness" pagpapakilala niya tapos ay ngumiti siya sa akin, dahil doon ay kinilabutan ako
What the heck?! Anong giangawa ng diyos ng kadiliman sa harapan ko ngayon?!
"Ohh I forgot to tell you. You're going to be my successor" literal na napanganga ako dahil sa sinabi niya, what the heck is she talking about?!
Ang gusto ko ay maging isang hero at hind imaging isang evil god?! Oh my god no! ayokong maging villain ang role ko sa ibang mundo
"You're joking right?" medyo natatawang tanong ko sa kanya pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako
"Nope, I'm dead serious here" napaluhod ako sa sahig na tinatapakan naming dalawa dahil sa isinagot niya sa akin
No! yung pangarap kong maging isang hero sa ibang mundo wala na, at ang mas malala pa doon ay magiging successor ako ng god of darkness
Nooooooo!
"Oh come on Yuuki wala ka nang magagawa pa dahil ikaw ang napili ko bilang maging successor ko" sabi niya sa akin tapos ay naramdaman kong lumapit siya sa akin "Huwag kang magalala dahil magagawa mo pa din naman ang gusto mo despite of being the Ultimate Anti-Hero" dahil sa ibinulong niya sa akin ay nabuhayan ako ng loob
"Really?" tumango siya sa tanong ko sa kanya kaya naman bigla ko siyang nayakap, nagulat din ako sa ginawa ko, pero mas nagulat ako nang yakapin niya din ako pabalik
Agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin, pagkilas ng ilang minuto ay napagdesisyunan na niyang humiwalay
"Now let's start giving you cheats" woah! Finally! Dumating na yung oras para matanggap ko ang mga cheat ko haha, muling lumapit sa akin si Daria tapos ay inilapat niya ang kanyang palad sa aking dibdib, mula dito ay naglabas nang napakaitim na aura ang kanyang mga kamay at pakiramdam ko ay pumapasok ito sa loob ko
Habang ginagawaa niya iyon ay nararamdaman ko ang pagdaloy nang kakaibang kapangyarihan sa katawan ko, pagkalipas ng ilang saglit ay tinanggal na niya ang kanyang kamay at ngumiti sa akin
"Now check your status" sabi niya pero tiningan ko lang siya, hindi ko kasi alam kung pano ko gagawin iyon, bahagya siyang napatawa dahil siguro ay naintindihan niya na ang gusto kong iparating "Just swipe your hand in front of you and your status will appear" saad niya habang nakangiti
Ginawa ko nga ang sinabi niya at napanganga ako sa mga nakita ko sa status ko
Yuuki Kazehaya
Lvl: ???
HP: ???
DEF: ???
MP: ???
INT: ???
DEX: ???
VIT: ???
STR: ???
SKILLS:
(STILL UNKNOWN)
TITLE:
[Successor of God of Darkness] [The Man the God of Darkness Love] [Ultimate Anti-Hero] [Evil God]
Oh my god! What the fuck is wrong with my status? At ano yung mga title na yun? Successor of god of Darkness tapos The Man the God of Darkness Love, seriously?
Pero naguguluhan ako sa status ko, bakit puro question marks ang nakalagay doon pati sa level ko at yung mga skills ko naman ay unknown
"Ummm Miss Daria bakit po ganito ang status ko?" nag-aalangan kong tanong sa kanya dahil sa nkita kong title ko
"Anong gusto mong malaman?" sabi niya tapos ay lumapit siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, napakalapit niya at pakiramdam ko kapag gumalaw ako ay mahahalikan ko na siya, shit kinakabahan ako!
Napalunok ako ng laway at unti unti kong inilayo ang mukha ko sa kanya dahil baka mahimatay ako ngayon kapag hindi pa ako lumayo
"Ah yung tungkol po sana sa mga question mark sa status ko pati yung sa mga skills ko" sabi ko sa kanya
"Ah tungkol ba doon, well basically kaya question marks ang mga nakalagay doon dahil hindi na kayang sukatin ng mga numero ang stats mo kaya naman question marks na ang nakalagay. And about sa skill well kaya unknown iyon ay dahil kailangan mo munang manguha ng mga skill, what I mean is that kaya mong gamitin ang lahat ng mga skills kaya nga lang ang condition ay kailangan mo munang malaman yung pangalan at yung description ng skill para magamit mo ito" paliwanag niya kaya naman napatango tango na lang ako
Goddamn it! Mas malala pa to sa inaashan kong cheat, oh my god!
Dahil sa mga nalaman ko ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon, ayaw pa kasi iprocess ng isipan ko ang mga nalaman ko
"You okay Yuuki?" nagaalalang tanong sa akin ni Miss Daria dahil hindi ako nagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako sa malayo
Nang tingnan ko ang mukha ni Miss Daria ay kitang kita ko na talagang nagaalala siya sa akin, doon lang din naiprocess ng utak ko ang lahat ng mga nangyayari ngayon, at out of instinct ulit ay nayakap kong muli si Miss Daria
"Thank you!" pagpapasalamat ko sa kanya sa lahat ng mga ibinigay niya sa akin, honestly hindi ko iniexpect na magiging ganito ako kaoverpowered
Alam kong mabibigyan ako ng cheat pero yung ganitong cheat, I never expected that I will received cheat like this
Naisip ko tuloy kung nakatanggap din ng ganito yung mga kaklase ko sa mundong napuntahan nila, wait! Hindi kaya iisang mundo lang ang pupuntahan naming lahat
"Miss Daria tanong lang po" sabi ko sa kanya tapos ay humilaway na ako sa pagkakayap, agad naman syang sumenyas na ituloy ko ang sinasabi ko "Tungkol po sa mga kaklase ko, naisummon din po kasi sila sa ibang mundo. Gusto ko lang po malaman kung ang mundong pupuntahan ko at mundong pupuntahan nila ay iisa lang?" tanong ko sa kanya
"Yup iisa lang ang mundong pupuntahan niyong lahat. You're all going to Zukuria, yun nga lang magkaiba kayo ng role na gagampanan. They're summoned as heroes and you're summoned as the ultimate anti-hero" paliwanag niya sa akin
Dahil doon ay medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko, knowing na hindi imposibleng makita ko ulit si Charlene
Ngayong binigyan ako ng ikalawang pagkakataon sisiguraduhin kong hindi ko na to sasayangin pa
"Ah Miss Daria tanong po ulit" sabi ko habang kinakamot kamot ang ulo ko dahil baka nakukulitan na siya sa akin, pero contradiction ang naging ekspresyon niya, napatawa siya sa akin dahil sa ginagawa ko at muli akong sinenyasan na magtanong lang ako "Yung pagiging anti-hero ko sa mundong pupuntahan ko, maari ko po bang hindi sundin iyon?" nagaalangan kong tanong sa kanya dahil baka magalit siya sa akin sa tanong ko
Inihanda ko ang sarili ko kung sakaling sisigawan niya ako or sasaktan ako pero lumipas ang ilang minuto na wala akong narinig or naramdaman na ganoon
Sa halip ay isang warmth hug ang ntanggap ko mula kay Miss Daria, dahil doon ay napatingin ako sa kanya nang mayroong pagtataka sa aking mukha
"Normally hindi pwede ang gusto mo but since special ka para sa akin papayagan kita. You have my blessing to do whatever you wanted to do in that world. Alam kong gusto mo talagang maging isang hero instead of being anti-heero simula pa lang" paliwanag sa akin ni Miss Daria, I feel bad dahil hindi pala pwede ang gusto ko pero dahil espesyal ako ay pinayagan niya ako "But I have only one request Yuuki" dagdag ni Miss Daria kaya naman napatinign ako sa kanya
"Ano po yon?" tanong ko
"Ayo slang sa akin na gawin mo ang lahat ng gusto mo sa Zukuria but please, kahit na paminsan minsan lang sana gampanan mo din yung pagiging anti-hero mo sa mundong iyon" medyo malungkot si Miss Daria nang sinabi niya ang mga linyang iyon kaya naman hinila ko siya papalapit sa akin and then I hug her
"Don't worry Miss Daria, I'll be a hero at the same time the ultimate anti-hero in Zukuria" dahil sa sinabi ko kay Miss Daria ay naramdaman kong ngumiti siya kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nasa balikat koi to
"Thank you" narinig kong sambit niya sa akin
Pagkatapos noon ay ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang mga dapat kong asahan kapag nakarating na ako sa Zukuria
Sabi sa akin ni Mis Daria, ang Zukuria ay isang magulong mundo. Usong uso ang gyera sa mundong iyon dahil sa race discrimination
Maraming iba't ibang uri ng race ang nageexist sa mundo ng Zukuria katulad na lamang ng Human, Elves, Demi-Humans, Angels at Demons
Sabi din sa akin ni Miss Daria maraming mga halimaw na nageexist sa mundo ng Zukuria at dahil doon ay nabuo ang mga guild sa iba't ibang kontinente
Mayroong limang kontinente ang Zukuria at nahahati ang mga ito, bawat kontinente ay pinamumunuan ng iba't ibang lahi
At ang pinakahuli ay hindi uso ang tinatawag naming syudad sa mundong iyon, sa halip ay mga kaharian ang makikita ko sa mundong iyon at ang kanilang teknolohiya at huling huli na kung ikukumpara sa Earth
Marami pang sinabi sa akin si Miss Daria na impormasyon tungkol sa Zukuria pero ayoko nang isa isahin pa iyon dahil siguradong aabutin ako ng siyam siyam sa pagkukwento at pagpapaliwanag
"Handa ka na ba Yuuki?" tanong sa akin ni Miss Daria ng dumating na ang oras nang pagpunta ko sa mundo ng Zukuria, tumango ako sa kanya bilang sagot habang nakangiti, honestly excited na ako sa kung ano ang aabutan ko sa mundong iyon "Very well then, goodluck in your new adventure Yuuki" sabi sa akin ni Miss Daria tapos ay hinalikan niya ako sa pisngi
Kasabay noon ang pagkakaroon ng isang itim na magic circle sa likuran ko at katulad nung una ay hinigop ulit ako nito, bago pa ako tuluyang mahigpo ng magic circle ay ngumiti at kumaway muna ako kay Miss Dari, ganun din naman siya sa akin
Pagkatapos noon ay ipinkit ko na ang mga mata ko, I'm going to be the ultimate anti-hero in that world huh?
Well wala naman na akong problema doon lalo pa't ang mga hinayupak kong kaklase ang mga hero sa mundong pupuntahan ko, I'm not going to feel any guilt and conscience kapag pinatay ko na sila
Syempre exception doon si Charlene, mabuting tao si Charlene at sisiguraduhin kong magkikita ulit kami, at kapag nangyari na iyon ay sisiguraduhin kong magiging mabuti kaming magkaibigan
She's the only person aside from my mother that treats me like I'm not nobody, she wants to befriend me even though im being bullied by everyone
She doesn't care about them and still continue to talk to me, she even shed tears for someone like me, and because of that I feel some undescribeable happiness inside my heart
That's why I promise that I'm going to protect her from everyone that will cause her harm in the Zukuria
Using the power of being the anti-hero in that world, I'm going to protect her from everyone that will hurt her
I will show no mercy for those bastards that will make her or sad, it'll be an easy job to me since my real job is being the ultimate anti-hero of that world
And for my bastard classmates! They should ready themselves to face death, because when our paths meet I will definitely return the favor that they give me, only that it's ten times fold
Now bastards get ready!
I will surely make sure to enjoy the my new world from now on, I will take on journey and explore every single continent in that world
At the same time I will find friends, paminsan minsan gusto ko ding maranasang magkaroon ng kaibigan na makakasama
Gusto kong maranasan yung mga bagay na ginagawa ng mga magkakaibigan dahil simula noong bata pa lang ako wala na talaga akong kaibigan
Now then my new adventure to my new world starts! Sisiguraduhin kong eenjoyin ko ang bago kong mundo to it's fullest!