“Her First, His Last”
Chapter 8
“ASSUMING”
(Please do vote, comment and be a fan.. yun lang naman po ang hiling ko eh.. salamat sa mga nagbabasa.. gusto ko din po malaman ang feedback nyo para alam ko kung itutuloy ko paba to’ o hindi na.. so please.. please,, please.. do vote, comment and be a fan.. godbless.. love.. love.. love..)
Kate’s POV
Hello Philippines..HELLO WORLD!!! Masarap ang tulog. Maganda ang gising. :)) HEAVEN ANG FEELING!!!!!!!
\\(--O--)//
Inat. Inat. Talon-talon. Stretching. YAAHHHHHH!!! Ano bang magandang gawin ngayon? Matutulog ba ako maghapon o aayain ko si Meanne gumala?
…….
Gala!!
“HELLO, BFF!” Hala, tulog pa ata to.
(hmmmmmm?)
“MEANNE!!!!!!!!!!!!” haha. sigawan ko nga.
(AHHHHHHHH. Kate!! Aga mo n-naman mangbulahaw e?)
“Eto naman. Bangon na! Mall tayo.”
(Anong meron? Ang saya mo ata?)
“Sabado ngayon eh.”
(So?)
“Free-from-stress day. Kaya sige na, mall tayo!! Please?”
(Sorry girl, may laro ang mahal ko ngayon. Dapat kong bantayan yun from that makating higad!)
“Sinong higad?”
(Yung umaalialigid sa mahal ko. Pasensya ka na ha? Suportahan mo na lang ako BFF.)
“Hmm, sige na nga. GO GIRL!!!”
***call ended***
So alone ang drama ko ngayon. Anong oras na ba? 9 o’clock. Ano kaya ang breakfast. Gutom na ako!!! Takaw noh. Pagbigyan na. Ganyan talaga ang aking routine. Haha.
Lalalalalalalala. Lalalalalala. Lalalalalala. Mukhang may bisita si Lola ha. Sino naman kaya yung katawanan nya?
“Goodmor------ waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!”
O_____O
“Maganda ata ang gising mo apo.”
“L-lola, anong ginagawa ng l-lalakeng iyan d-dito?”
“Kanina pa syang ala otso dito. Ang bait naman pala nitong manliligaw mo apo eh. Niligtas ka pa kahapon”
I looked at him and gave him the anong-sinabi-mo-sa-lola-ko look. May gana pang ngumiti ang loko. Mapaso sana sya sa mainit na kapeng iniinom nya. Binebrain wash yata ng mayabang na to ang lola ko?
“Akyat muna ako Katerine. SIge ijo. Sa susunod ulit, dumalaw ka dito ha.”
“Makakaasa po kayo La.”
Hinila ko sya patayo sa kinuupuan nya. Pauuwiin ko na to. Takte. Good mood na eh. Tapos sya pa makikita ko pagbangon? WTH.
“Hey, kumain ka muna. Saka maligo!!”
Arrrrgghhh. Nakapanjamas pa pala ako. At magulo pa ang buhok. Malay ko ba naman kasing nandito ang lalaking yan. Of all people naman talaga. Kuuuuuuuuuuuuuu.
“Paano ka nakapasok dito?”
“Sa pinto. San pa ba?” Pilosopo Tasyo talaga.
“anong ginagawa mo dito?” I asked while watching him sip his cup of coffee.
“Sasamahan mo ako.”
Tss. See how bossy he is? Damn spoiled bratt. Kainis. Ano pa nga ba? MASTER KO SYA!! Wala akong karapatang tumanggi. Bakit ba kasi pumayag payag pa ako. Yung natitirang araw na hindi ko sya makikita, inagaw pa. Kulit!! Dito lang naman pala kami sa mall pupunta. Dito ko rin naman gusto kanina, pero not with HIM. Good thing dala nya yung kotse nya, kaya hindi ako namomroblema sa gagastusin ko. Haha. Kuripot ba? Hindi noh. Mautak lang aketch.
“Ano naman gagawin natin dito?” Kayamot! Naalala ko pa yung una naming pagkikita. Nuknukan ng angas.
“Mageenjoy.” Huh? Ano bang nahithit nito?
“tara.”
O___o
Kailangan ba talagang hawakan pa ang wrist ko? NEVERMIND Kate. Cool. Cool ka lang.
“Mahilig ka bang maglaro?”
“WOW!!! TIMEZONE!!!”
“Mukhang alam ko na ang sagot honey.” Gosshh, he’s smiling. Kaw na maputi at pangcommercial ng toothpaste ang ngipin. Mukhang mageenjoy nga ako dito. Hehe. Syempre, sagot nya lahat. Aba, binutas nya ang wallet ko kahapon noh. Kalimutan mo muna ang pagiging slave. Magenjoy ka muna Kate. >.< Libre to noh!!!! L-I-B-R-E
Una, nagbasketball kami. Huhuhu. Talo ako. E player kaya ang kalaban ko. Pero bumawi naman ako sa car racing. 3-3 kami.
“hindi ako papayag na matalo mo.”
I smirk. “Sige lang. mangarap ka.”Lagi kaya akong naglalaro nito sa tom’s world. Haha.
Ayun, umuwing luhaan ang bata. No one can beat the racer goddess. Bwahaha. Ano daw? Halos lahat ata ng pwedeng laruin doon napuntahan na namin. Masyadong energetic ang bata. Inaya ko sya doon sa may malaking gorilla.Sabi may voltage daw. Hahawak ka sa bakal, tapos papataas ng papataas yung voltage. Katakot. Baka kasi mamaya mangisay na lang ako bigla, tapos bangkay na akong iuwi samin. NO!!! Pano na lang si Lola Ella ko.. OA mo Kate..
Hinawakan ko na yung bakal. Tapos naramdaman ko na yung parang kuryente. Hindi ako bumibitaw. Napalingon ako kay Yuan ng marinig ko syang humahagalpak sa tawa. Sarap ng tawa nya. Totoong-totoo. Nakahawak pa sa tyan nya. Tss. Humanda sakin to pag sya na. Hmp. I completed the level. Well, hindi ako madaling patumbahin noh.
It’s his turn.
“Tss. Learn from the expert SLAVE!!” pangisi-ngisi ka pa. Tadjakan kita eh. Then nagstart na. haha.
Bibitaw na yan! Bibitaw na yan!
Told yah!! Haha. Bumitaw nga.
“So you were saying????” then I grin. Nakita ko naman syang nagpout. Papacute ka pa dyan.
Hinila nya ako sa barilan. Pansin ko lang, ang daming babae ang nakatabi kay Yuan. Ikaw na ang gwapo. Ikaw na!!! Kanina pa ba to sumusunod samin? To be specific, kay Yuan?!
“Sino naman yung kasama nya?” Chismosa 1
“Impossibleng girlfriend nya yan? She’s not Yuan’s type noh. Pero may kamukha sya eh.” chismosa 2
“Pansin ko nga. Pero duh, mas maganda pa din ako sakanya.”
E ibuhol ko kaya yang makakating dila nyo? Talagang pinaparinig nyo pa ha! DUH YOUR FACE. Kala mo naman kung sinong kagandahan. E kahit hibla man ng buhok ko, di pwedeng icompare sakanya.
Meanie Kate... Minsan lang naman... Napupuno na kasi ako eh… Lagi naman kasi silang ganyan. Hindi ko naman alam kung bakit sila galit na galit sakin. Wala naman akong maalala na masamang nagawa ko sakanila..
“Alis na tayo. Hindi na masaya.” He said with a serious voice.
Again, hawak nanaman nya ang wrist ko? Namimihasa ka na Dela Veda ha!! We went inside a boutique.
Sya sa mens’s section, ako naman, libot-libot lang sa ladies section. Tingin ng damit, dress, blouse. Then one dress caught my attention. Isang plain na color purple na may knee high at sleeveless. Simple, but elegant.
4000? O_____O grabe naman. Agad-agad kong binalik yung damit sa rack. Hindi ako gagastos ng ganun kalaki para sa ganung kaiksing tela noh.
“Let’s go. Gutom na ako eh.” =____= pasulpot-sulpot naman to.
Hinihintay kong hawakan nya ulit yung wrist ko…..Hindi na nya ginawa…Buti naman….
“McDO????”
“Oo..Bakit?.hindi ka ba kumakain dito?” Seriously Yuan? Mcdo?
“ah-eh. Okay.” Napakamot na lang ako sa ulo.
Lakas ng trip nitong taong to. Napapatawa mo ako ha. Masyado ba akong assuming kung ang inisip ko, sa isang mamahaling restaurant kami kakain? Sabagay, kahapon nga yung mga streetfoods hindi nya inurungan. Mcdo pa kaya?
“dami mo namang inorder.”
“wag ng magreklamo, kain na!”
Sunget.
“teka lang ha.” Nakasanayan ko ng pag may cokefloat, dalawang straw ang kinukuha ko. Kahit na hindi ko naman parehong ginagamit, dalawa parin ang straw ko dapat.
“Tara, let’s eat.” Ready to fight na ko. Pagkain to noh. Lafang kung lafang. Susubo ko na sana yung french fries ko eh. Kaso tong yabang na to, nakatingin lang sakin. Kahiya. Wide open pa naman ang bibig ko. Geeezzz
“Problema mo?”
“Kuha mo din ako ng dalawang straw.” Nakapout pa.
“Bakit hindi ikaw ang kumuha.”
“You’re my slave, remember?” >3< sinabi ng tumigil ka na ng kakapout eh.
“Fine!!” Grr. Tamad. “Yan na. Pwede na ba akong kumain?”
He smile then nodded.
Parang bata. Kain lang ng kain. Subo ng fries, tapos burger, tapos float. Favorite ko kaya to. hihi.
“Oh, Master? Bakit hindi ka kumakain? Ikaw ang pumili na dito tayo kumain diba?”
“Nakakatuwa ka kasing panoorin.” So kanina mo pa ako tinititigan?. Kakaconscious. Katapat ko kasi sya.
“stop staring at me. Hindi ako makakain ng may nanunuod sakin.”
And now, parang may binabalak na naman to. Papalapit ng papalapit yung mukha nya sakin.
Oh no!! Parang kinikiliti yung tyan ko. Ganito rin yung naramdaman ko nung nasa studio kami ha. Ano ba ang meron tong lalaking to at ganito ang nararamdaman ko whenever he’s around??
“t-teka, anon----Y-yuan!!!!??”
“May ketchup ka. Para kang bata kumain.”
Wag kasing masyadong assuming Kate.
“Ano bang iniisip mong gagawin ko sayo ha?”