*~Avril~*
HINDI ba nila napapansin na walang lalaki dito?
Hayysstt..
Bahala nga sila..
Pumunta ako kung nasan ang mga underwears. Saktong nakita ko si Maxine na nagtitingin din dun..
"Twinnie, asan si Lyn?"
Humarap s'ya saakin. "Kasama si Lucas, namimili ng food supply para sa byahe.."
I nodded, "Ow.."
"Hi Maxine!" Lumapit saamin si Keiton. "What are you doing? Where are we going?" Mabilis na salita nila sa maliit na boses.
"Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ni Maxine..
"Saying 'hi'--to you.."
"Minsan talaga hindi kita maintindihan.."
"Me too.."
"Hindi mo din maintindihan ang sarili mo?"
"Yupp," he pronounced letter 'p' with a pop sound..
"O--kay.." sagot ni Maxine saka namili ulit ng underwear..
"What you doing?"
"Namimili ng underwear and a pair of swimsuit.."
"Para saan?"
( ̄‐ ̄)
"Pantulog.." sagot ni Maxine with a 'duh' tone..
"Natutulog kayo ng nakaganyan?" Inosenteng tanong n'ya..
"Uh-yeah.." natatawang sagot ni twinnie..
"Kahit katabi n'yo sina Jax at Joseph?"
"Syempre, mainit kaya tuwing gabi.."
(• O •)!!
(KeiKei)
"Niyayabang n'yo ako e!" nag-pout s'ya..
"Tunay kaya 'yun.." nag-pout din ako..
"Kaya nga.." Natural nag-pout din si Maxine..
Humarap si Kei Kei saakin.. "Bakit 'nung natulog ka sa kwarto ko wala ka namang ganun?"
(• O •)!!!
(Maxine)
Lumingin din s'ya saakin. "Natulog ka sa kwarto ni Keiton na walang underwear?!"
Anak ni Victoria!
"Oh my god!" Napatingin lahat kami sa sales lady na nagtatago pero nakikinig sa pinag-uusapan namin. "Sorry," usal n'ya saka umalis..
"Syempre hindi no!" Pagtanggi ko..
"E bakit sabi n'ya wala ka daw underwear?"
"Naka-under wear ako! Malamang 'di n'ya nakita dahil nakadamit ako.."
"Ahh.."
"Hayysstt! Ang gulo n'yo pupunta na nga lang ako kina Jax." Sawakas umalis na s'ya..
*~Jax~*
"Ganyang brand na pala ang trip mong pabango," usal ko habang lumalapit kay Joseph.
"Ugag, hindi para saakin 'to."
"Aba, anong nakain mo at bibilhan mo ng ganyan si Maxine?"
"Wala," matipid na sagot niya..
"Anong wala.. Nag-away kayo kanina kaya bibigyan mo ng ganyan.."
"Hindi, wala akong kinain kanina. Bakit kumain ba tayo sa hospital?" He clicked his tongue, "Kung anu-ano kasi ini-imagine.."
"Jax! Grandpa--" natigilan si Keiton sa pagbabanta ni Zeph..
"Don't you dare.."
"Bakit ka natakbo?" tanong ko sa kanya..
"M-May itatanong lang ako sa inyo.." hinahabol n'ya ang hininga niya habang nagsasalita. Ang liliit kasi ng mga binti..
"Ano?" sabay na tanong namin ni Zeph..
"Ano sinusuot ng isang babae pag-boyfriend n'ya ang katabi n'ya matulog?"
Nagkatinginan kami ng katabi ko.. "Bakit kami tinatanong mo?"
He pouted, "E kasi may girlfriend na kayo. Saka nakakatabi n'yo sila tuwing gabi.."
"Teka nga, bakit ka ba nagtatanong ng ganyan?"
"G-Gusto ko na din magka-girlfriend.." He pouted even more..
"Akala ko kaya mo tinatanong kung anong sinusuot ng mga babae dahil plano mo na ding mag-boyfriend.." Zeph chuckled, "Edi mag-girlfriend ka. Wala namang pumipigil.."
"Bakit biglaan naman ata? Nauntog ka ba 'dun kaya naisip mong malungkot maging single?" pang-aasar ko..
"E akala n'yo kayo lang pwede magtabi ng mga chicks na naka-bikini tuwing gabi! Ha! Kaya ko din maghanap ng ganun.."
(O_o)
(Ako)
(o_O)
(Zeph)
"Anong pinagsasabi mo?"
"Sina Maxine at Avril namimili ng mga bagong bikini pantulog daw.." He pouted..
"Talaga?!"
"Mga manyak kayo," usal ni Zeph..
"E, bakit ayaw mo? Ako tatabi kay Maxine mamayang gabi. Ikaw tumabi kay Flynn!" sigaw ni Keiton..
"Ano ka chicks!? Bakit ko gagawin 'yun? Baka kung ano pa gawin mo kay Maxine.."
"Sabihin mo na gusto mo din naman s'yang makatabi hindi nagpapanggap ka na matinong lalaki.."
"Matino naman ako kesa sa inyo.."
"Bakit ba nagsisigawan kayo?" Biglang sumulpot sina Avril at Maxine na may dalang tig-isang paper bag.
Nakatingin kami sa mga 'yun saka nagtinginang tatlo. Nag-smirk si Keiton, alam ko na iniisip ng mokong na 'yun. Pero si Zeph pa-innocent..
"MAXINE! TAYODAWTABIMAMAYANGGABIKASIGUSTONIGRANDPAJONEXNAMAKATABISIATEFLYNN!" mabilis na usal ni Keiton..
Kung wala kang naintindihan.. Ako din..
"E kung balian kaya kita ngayon dito," pagbabanta ni Zeph..
"Nagkakaintindihan sila no.. Hindi lang pala si Joseph ang alien dito," pang-aasar ni Avril..
"Shut up," pambabara ni Zeph..
"Neil.." Isang makapangyarihang death glare ni Maxine ay nagpatahimik sa maingay na alien.. "Ano nga ulit sinasabi mo Keiton?"
"Si Zeph ayaw akong payagan na tumabi sayo mamayang gabi kasi selfish s'ya. Gusto n'ya, s'ya lang 'yung--"
"--TARANAGUTOMNAAKOSAANN'YOGUSTOKUMAINAKOMAGBABAYAD!" Tinakluban niya ang bibig ni Keiton at nag-alien language sabay labas ng shop kaya wala kaming ibang nagawa kung 'di sumunod nalang sa kanya..
"Hoy, ano nga 'yun Keiton?!" sigaw ni Maxine..
"Nakalimutan ko na.."
"Alah!"
"Nakalimutan ko na nga!"
Nag-crossed-arms si Maxine.. "Zeph may tinatago ka ba saakin?"
"Whooah! LQ 1.2! 'Di pa nga nagbabati magka-away nanaman.."
"Hindi ka nakakatulong Kei Kei," sawat ni Avril..
"Wala.." sa wakas lumabas sa bibig ng alien na 'yun..
Nahawa na ako kay Avril kaka-alien..
"E ano 'yung sinasabi ni Keiton?"
"Wala akong tinatago! Baka ikaw meron?" usal ni Zeph at natahimik naman si Maxine..
Parang mga aso't pusa..
Buti pa kami ni babe..
Dahil d'yan..
Hehehe..
Lumapit ako kay Avril at inabot sa kanya ang cellphone n'ya. Nanlaki naman ang mata n'ya habang nakatingin saakin..
"Paano mo--?"
"It's a secret," I winked..
"N-Nabasa mo--?"
"Alin 'yung messange mo?" I smirked. "Hindi ko makita 'yung cellphone ko pero nakarating parin naman saakin 'yung gusto mong sabihin.."
Napapalo s'ya sa noo n'ya.. "Anak ng t*ng*n*.." Namula ang buong mukha n'ya. Nihindi n'ya magawang tumingin at magsalita saakin..
Ang cute n'ya..
Hehe..
"Babe," I whispered.
Hindi parin s'ya tumingin.. "Mm?" Naiilang na tugon n'ya..
"I love you too.."
Napatigil s'ya sa paglalakad at na patingin saakin. "Binasa mo nga! Ala nakakasura ka! I hate you!" Tinakluban n'ya ang mukha n'ya at tumakbo palayo..
"Ganun ba dapat isasagot pagsinabihan mo ng 'I love you too'?"
"Ano nangyari 'dun?" tanong ni Keiton..
"Kinikilig.."
Siniko n'ya ako.. "Yabang mo, alam na ba ni Avril 'yung tungkol 'dun sa babae na sinasabing nabuntis mo daw s'ya.."
"H-Hindi.."
"Tsk.."
"'Wag mong sasabihin hangang 'di ko pa nakukuha ang resulta kung akin ba talaga 'yun.."
He glared.. "Bakit kailangan pa 'yung resulta kung hindi mo naman talaga s'ya binuntis?"
"S-Syempre evidence.."
"Nakabutis pala ha!"
Pareho kaming napatingin sa babaeng nasa likod namin..
[̲̅T̲̅][̲̅O̲̅] [̲̅B̲̅][̲̅E̲̅] [̲̅C̲̅][̲̅O̲̅][̲̅N̲̅][̲̅T̲̅][̲̅I̲̅][̲̅N̲̅][̲̅U̲̅][̲̅E̲̅][̲̅D̲̅]...