MELVIN'S POV
Bumalik na ako sa presinto. Mission accomplished na ako. Iyon ang nakasaad sa liham na natanggap ko. Kailangan ko lang bantayan si Lt. Jazzy Lorenzo Alberto. Pagkatapos niyang manganak, babalik na ako sa dati kong duty.
Magpinsan kami ni Benj pero Miranda pa rin ang gamit kong apelyido dahil hindi kasal sina Mama at Papa. Puwede ko naman daw gamitin ang Alberto pero ang katwiran ko, anak ako ni Mama...Isa akong Miranda.
Nagreport ako kinalunesan sa presinto matapos ang tatlong buwan at sumaludo sa aming hepe.
"Congrats, Sgt. Miranda. Higit pa sa aking inaakala ang iyong ginawa. Hindi ka lang pulis...puwede ka na palang magpaanak sa susunod."
"Sir naman..." Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. Saka niya ako pinalabas sa kanyang opisina. Balik ako sa SWAT ng araw na iyon. Bago ako pumasok sa loob ay nanatili muna ako sa pasilyo...pumindot ng ilang numero..." Yes, padeliver naman ng bulaklak para kay Jazzy Lane Alberto...St. Catherine Hospital, room 309... tulip, Miss. Salamat. I'll pay online..."
Binuksan ko ang data ko para buksan ang application na matagal ng naka-install doon. Online order iyon ng Flower Delivery... Gusto ko lang pasayahin si Jazzy sa pamamagitan ng mga bulaklak na iyon. Saka ako pumasok sa loob ng opisina.
Nakasalubong ko ang aking mga kasamahan. Nagmamadali silang umalis dahil may lakad ang buong tropa. Syiempre, hindi ako magpapaiwan. Kinuha ko kaagad ang aking vest...ang aking baril...at isang sniper gun... saka ako humabol sa sasakyan.
"Uy, hindi ka ba nakabakasyon?" Alam kasi nilang ipinadala ako sa isang special assignment pero walang nakakaalam sa mga nangyari. Si Hepe lang ang may lakas ng loob na magbiro sa akin kanina.
"Mabo-bored lang ako sa bahay kapag ginamit ko ang bakasyon ko...okay lang. Saka na ako magbabakasyon kapag kailangan ko."
"Sige...okay lang 'yan. Habang binata ka, sige ng sige sa mga operasyon. Kapag nag-asawa ka, tiyak kong maiinip ka sa opisina at gugustuhin mong palaging umuwi sa iyong pamilya. Alam mo, Sarge ganyan din ako noong binata ako. Late na talaga akong nakapag-asawa. Mabuti naman at nahintay pa ako ng huli kong girlfriend. Nakakawala ng pagod kapag may mga batang sasalubong sa iyo." Nasa loob na kami ng van ng mga oras na iyon at binabagtas ang kahabaan ng abalang kalye. Gabi pa naman talaga ang aming operasyon pero maaga kaming pumunta para mag-abang sa sitwasyon.
Napangiti ako. Na-imagine ko tuloy ang sanggol na hawak ko noong isang araw. Hindi ko akalaing ako ang magpapaanak kay Jazzy. Nawala ang kaba ko, ang mahalaga lang noong mga oras na iyon ay mailabas ni jazzy ng ligtas ang sanggol.
Kumusta na kaya silang dalawa? Napangiti akong muli. Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone. Kapag may lakad ang tropa, naka-silent mode na ang cp ko. Nakakahiya kung ako pa ang maging dahilan ng pagkabulilyaso ng aming operasyon dahil lang sa tunog nito.
"Ah, sige po...Salamat." Wala akong pagsidlan ng tuwa. Tinatanong ni Ma'am Lemuela kung balak ko daw bang dalawin si Jazzy at ang bata.
"PUwede mo namang dalawin si Jazzy at ang bata. Ang cute – cute ng baby..." Sabi niya sa kabilang linya. Pero ang totoo, wala kaong balak na magpunta sa ospital. Sisilipin ko na lang siguro ang sanggol sa loob ng nursery pagkatapos ng operasyon o kaya ay kinabukasan during visiting hours.
"By the way, salamat sa mga bulaklak na padala mo kay Jazzy."
Nakaka-inspire...ah, ganito ba ang pakiramdam? I feel relieved and contented with my life right now kahit ganito ang sitwasyon namin ni Jazzy. Pakiramdam ko, ako ang ama. Ako na lang sana...
Nasa pareho na kaming presinto at hindi ko alam kung kailan siya babalik muli sa trabaho. Ngayon, hindi namin puwedeng iwasan ang isa't isa dahil nasa iisang presinto na kaming pareho. Maaari kaming magkasama sa mga operasyon dahil pareho kaming sniper. At nasa SWAT TEAM din ako.
Anong mangyayari?
Tulad pa rin kaya siya ng dati...
Pagkatapos ng operasyon ng bandang madaling araw ay saka kami umuwi. Tinanghali na ako ng gising. Napabalikwas ako dahil medyo mataas na rin ang araw, maliwanag na sa labas. Nagmadali akong naligo at nagbihis ng blue collared shirt at blue slacks. Isinuot ko din ang gun holster ko sa beywang.
Dumiretso ako sa ospital. Sa Nursery ako nagtungo at saktong nandoon si Prof. Lee at ang kanyang asawa na estidyante rin sa Police Academy.
"Professor...kumusta po?" Kinamayan ko siya at ang kanyang asawa. Hindi ko maintindihan ang ngiti ng kanyang asawa sa akin. "Hello po, Ma'am...Sgt. Melvin Miranda po."
"Ah, ikaw si Melvin... Da...este, Ava...Savanna Osborne Espiritu Lorenzo..." Napatingin sa kanya si Prof. Lee.
"Asawa ko, Melvin...you can call her, Ava..."Tumango naman ako. Saka ko nilingon ang salamin. "Hindi kami makapaniwala sa nangyari." Yeah, ambilis manganak ni Jazzy. Hindi siya pinahirapan ng kanyang anak. Usually daw, lalo na kapag batang lalaki ay dugo ang unang lalabas sa ina at mahihirapan pa itong manganak pero with Jazzy's case...labas kung labas...
"Angsakit nga po sa tenga ng iyak niya. Ang cute naman ng pamangkin ko."
"Huh...pamangkin? Pinsan mo si Benj?" Tanong ni Miss Ava.
"Magkapatid po ang mga tatay namin...Miranda po ang apelyido ni Mama kasi hindi po sila kasal ni Papa." Napatango pa silang mag-asawa sa paliwanag ko.
"Ang cute ng baby ni Jazzy...Ben- Jamin daw ang name niya, with a dash...Benjie daw ang nickname." Wow, anggaling naman!
Hindi na ako tumuloy sa private room ni Jazzy dahil nakita ko kanina sa parking area si Chief/Sup. Lorenzo at si M/Sgt. Jude Lorenzo maging si Lt. Justine Lorenzo. Mukhang family affair ang madadatnan ko at maa-out-of-place lang ako.
Pababa na ako ng hagdan ng tanggapin ko ang isang unregistered call...si Ma'am Lemuela pala. Hinahanap niya ako. Nabanggit daw ni Prof. Lorenzo na nagkita kami sa Nursery pero hindi na ako dumiretso doon.
Muli akong nagpadala ng mga bulaklak para kay Jazzy...saka ako napabuntong –hininga.