Vallerie's POV:
Tawa ako ng tawa habang pinapanood si YZ na kinakabahan. He's frantically looking for the best top he has. Nandito kami sa unit niya, which isn't usual pero nakapunta naman na ko dito before.
He looked at me pouting, "Grabe ka, ako kinakabahan samantalang ikaw tatawa-tawa ka lang" he said.
"Eh kasi naman, ang tagal-tagal mo kong pinilit na ipakilala kita sa parents ko and now that it's here kabang-kaba ka" sabi ko in between laughs dahil tawang-tawa talaga ako.
"Hmp. I have a reason to be nervous. What if they don't like me? Ano nalang gagawin ko? What if they tell me to stay away from you" he frantically asked. Natawa nanaman ako.
"Don't worry, mabait naman sina Mama at Papa" I said, trying to make him calm down. "I know, the apple doesn't fall far from the tree"
***Later***
YZ stopped the car and took a deep breath na ikinatawa ko. Nasa tapat na kami ng bahay ng parents ko. It's not so big, just right and ordinary.
"Baby, don't laugh" he said. I smiled and nodded pero I'm actually laughing deep inside.
Lumabas na kami ng kotse saka ako naglakad papunta sa doorbell na nakalagay sa gilid ng gate.
After tatlong pindot ng doorbell, nagbukas na ang gate.
"Baby!!!! I missed you!" Sabi ni Papa. Imagine an old (well he's not THAT old) man still babying his college daughter.
"Hi Papa" I said and hugged him. "Mama" sabi ko, greeting my mom. She smiled at me and took me in for a hug.
"So I take it this is your boyfriend?" Straightforward na tanong ni Mama. Papa's eyebrows joined together. "Boyfriend? What boyfriend?" Tanong ni Papa.
"Mama..." I said, looking at her. "What? How will I tell him when you know he's very possessive over you? With that attitude of his, baka mamatay kami without even getting a grandchild"
Napaubo kami parehas ni YZ kahit wala naman kaming mga sakit. Grandchild agad Mama? Ohh yan see how desperate my mom is for me to get a boyfriend.
"Anyway, tara pumasok na. I hope you're hungry, because I prepared lunch" sabi ni Mama. Tumalikod na siya at pumasok ng bahay with Papa following her.
'Tong isa, walang masabi. Tahimik. Ang dating napaka-daldal ay ngayo'y mute.
Tinawanan ko nanaman siya. He pouted. "Aba ba't nawalan ng bibig ang boyfriend ko?" I asked, laughing.
***Later***
"Ipakilala mo namang 'yang kasama mo" sabi ni Mama. I nodded.
"Mama, Papa, si YZ po. Boyfriend ko" pagpapakilala ko para kay YZ.
"YZ, si Mama saka si Papa" sabi ko naman and looked at YZ.
"Hello po, Tito and Tita. As your daughter said po, I'm YZ. It stands for Yildeen Zamien po" pagpapakilala ni YZ sa parents ko. Yan! Nagkabunganga din!
"Zamien?" Sabay na sabi ni Mama saka Papa at nagkatinginan. "Then you must be the heir to your family's business, am I correct? Your family is quite well known when it comes to the business world" sabi ni Mama.
"Opo, I am the heir" sabi ni YZ and smiled.
"Anong course mo?" Tanong ni Papa.
"BSBA po"
"Bakit YZ ang palayaw mo? Does it stand for Yildeen Zamien?" Tanong naman ni Mama. "Opo" sagot ni YZ while smiling.
Lots of questions were asked habang ako nakikinig lang sakanila mag-usap. Medyo naging comfortable na din si YZ. Si Papa din naging comfortable na. Si Mama naman, kanina pa yan comfortable.
***Later***
Tapos na kami kumain at naghuhugas kaming dalawa ni Mama ng mga plato. Si YZ saka si Papa nasa balcony. I'll just say good luck, YZ.
"Great choice for a boyfriend" sabi ni Mama sakin. I smiled. "I guess he is a great boyfriend"
"Mabait, matalino, gwapo, may future na agad na nakaplanado, magalang, mayaman, he's perfect! I think I'm having a grandchild soon" sabi ni Mama and winked.
"Mama!" Saway ko sakanya, and she just laughed.