pagkagising ni Oliver ay naalala nya agad si Vince. tinixt nya ito.
"sorry ngayun lang ako nakapag text. naka tulog kasi ako pagkadating ko ng bahay. kumusta kana? - Oliver."
ilang saglit lang ay tumawag si Vince.
"Good morning, este good night na pala. Musta ang tulog mo?"
"okay lang. mahimbing kasi ikaw ang napanaginipan ko." pabirong tugon nya.
"wow. mabuti naman kung ganon."
"ikaw musta kana? naka tulog kaba?"
"hindi nga eh?"
"bakit naman hindi?"
"kasi palagi kang tumatakbo sa isipan ko. di tuloy ako maka tulog."
kinilig naman si Oliver sa narinig nya.
"hahaha. Baliw ka talaga Vince."
"Oo, baliw ako. Baliw na baliw sayo."
"Mais kaba?" ganting hirit ni Oliver.
"Bakit, kasi corny ako?"
"Hindi, sarap mo kasing papakin eh." tapos sabay tawa.
"Kita tayo mamaya." wika ni Vince.
"Huh, o..okay lang. Saan?"
"Basta, puntaha mo ako dito sa condo mga alas 9."
tiningnan ni Oliver ang kanya relo.
"huh? Eh, alas otso na ah."
"Kaya nga. May isang oras kalang upang mag handa. Maghintay ako sa labas ng condo. Bilisan mo."
pagka baba ng telepono ay nagmamadaling maligo si Oliver at pagkatapos ay bumaba na sya.
Naabutan nyang nananghalian ang kanyang parents.
"Saan ka pupunta Oliver?" wika ng kanyang daddy na unang naka kita sa kanya.
Lumapit muna sya sa mga magulang nya.
"Good evening po. Aalis lang muna ako dad. Babalik ako agad."
"Kumain ka muna. Di kapa nakapag lunch." wika ng kanyang mommy.
"Busog pa po ako mom." sabay beso sa kanyang mama.
"Mag ingat ka anak." wika ng papa nya.
"Sige po dad." tapos umalis na sya.
"Nako daddy ha. Mukhang namimihasa na yang anak mo. Kinukunsinti mo kasi. Baka kung sino na ang mga kinakasama nya." sabi ng mommy ni Oliver habang nagpatuloy sila sa pagkain.
"Pabayaan mona. Naninibago lang yan. at saka may tiwala naman ako sa anak mo. Alam kong di sya gagawa ng ikakasama nya."
Malayo palang ay tanaw na ni Oliver si Vince sa labas ng condo nya na may dalang bag.
"Hi," maikling bati nya kay Vince habang bumababa sa sasakyan at lumapit kay Vince.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta. Akong bahala."
Inilagay ni Vince ang bag sa likuran ng sasakyan at sya ang nagmamaniho nito.
Habang nasa daan ay di maiwasang ma excite ni Oliver kung saan sya dadalhin ni Vince.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Nginitian lang sya nito. Dahil walang natangap na sagot ay nanahimik nalang si Oliver.
Isang oras na ang lumipas at di parin sila naka rating sa paruruonan nila.
Malayo na sila sa syudad at puro matataas na puno ang kanilang nadadaanan.
Nagsimula ng kabahan si Oliver baka kung saan sya dadalhin ni Vince. Tinitingnan lang sya nito at ngumingiti na lalong nagpa kaba sa kanya.
"Nako lagot na. Saan kaya ako dadalhin ng taong ito?" wika nya sa sarili.
Ilang sandali lang ay hininto ni Vince ang sasakyan sa isang malawak na bukirin kung saan makikita ang buog syudad.
Bumaba si Oliver at tinitingnan ang paligid.
"Anong gagawin natin dito?" pagtatakang tanong ni Oliver.
Tanging ang buwan lang at ang ilaw ng kanyang sasakyan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ngunit ang tanawin mula sa syudad ay talaga namang nakamamangha.
"Bago kami pumunta ng Canada dito ako madalas pumupunta."
Sumandal sila sa harapan ng kotse habang naka tingin sa napakalawak na syudad.
"Sa 'twing pagagalitan ako ni daddy, dito ako nagpapalipas ng gabi. Saksi ang lugar na ito sa mga problema ko sa buhay. Dito ako tumatakbo sa tuwing malungkot ako at kinailangan kong mapag isa. Dito walang nakakakita sakin habang umiiyak." tumingin sya kay Oliver na kanina pa naka tingin sa kanya habang nagsasalita sya.
"Naging malaking bahagi ng pagkatao ko ang lugar na ito Oliver. Na mimiss kona ang lugar na ito. Its been five years mula ng naka punta ako dito."
Tiningnan lang sya ni Oliver.
"Gusto kong makita mo ang lugar na ito.Gusto kong samahan mo ako dito kahit ngayung gabi lang. Kung okay lang sayo?"
Di makapag salita si Oliver. Nagulat sya sa biglang pag seryuso ni Vince.
"Bakit ako?"
ang tanging mga salitang lumabas sa kanyang bibig habang nakatingin parin kay Vince.
"Dahil kahit hindi pa kita lubusang nakilala gusto ko na dito mismo sa lugar na 'to ang magsisilbing unang gabi na magkasama tayo. Dito natin simulan ang mga masasayang araw natin."
natigilan ng kaunti si Vince.
"I like you Oliver, and i hope you feel the same way too."
Inalis ni Oliver ang pagka tingin nya kay Vince.
"Parang ang bilis naman yata ng pangyayari. Kahapon palang tayo nagkakakilala. Pano mo nasabing gusto mo ako sa ganong kaiksing panahon?"
Hinawakan ni Vince ang mukha ni Oliver at iniharap sa kanya.
"Gusto kita. At hindi sa tagal na panahon nasusukat yun Oliver. Unang tingin ko palang sayo, alam kong gusto na kita. Alam kong naguguluhan kapa. Di kita bibiglain. Gusto kolang malaman mo na seryuso ako sa mga sinasabi ko."
walang lumabas na mga salita sa mga bibig ni Oliver. Nitigan lang nya si Vince. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Ngunit sa kaibuturan n kanyang puso ay merong kung anong kaligayahang kanyang nararamdaman.
"Naghanda pala ako ng dinner natin. May dala rin akong comforter at unan na pwede nating higaan. Huwag kang mag-alala hindi kita rerapin."
Iniba nalang ni Vince ang usapan at kinuha nya ang dala nyang bag sa likuran ng kotse.
Inayos na ni Vince ang kanilang kainan. Maya maya pa ay lumapit na si Oliver.
Sa dalawangput isang taon ni Oliver sa mundo ay di sya maka paniwala na merong taong gagawa sa kanya ng ganito. Taong pwedeng magparamdam sa kanya ng importansya maliban sa kanyang magulang.
Kung ano man ang pwedeng mangyari ay naka handa na sya. Mabait naman si Vince at nakita nyang alagang alaga sya nito kaya wala na syang kailangang kakatakutan pa.
At nagsimula na silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay niligpit ni Vince ang kanilang kinainan. Pagkatapus ay umupo sila sa nilapag na comforter habang naka tingin sa malawak na syudad.
"Alam mo Oliver. Sabi ko noon, kun meron man akong dadalhing ibang tao dito ay siya ang taong mamahalin ko habang buhay. Gusto ko makita nya ang ganda ng mundo sa simpleng paraan. At maging masaya kaming dalawa."
tumingin ulit sya kay Oliver.
"Sa tingin ko natagpuan kuna ang taong 'yun. Sana nagustuhan mo ang date natin. Alam kong badoy pero gusto ko malaman mo na kahit anong klasing yaman meron ang pamilya ko ay simple parin akong tao. Ikaw palang ang dinala ko dito Oliver. Alam ko na kahit hindi mo man ako magustuhan, naging masaya ako ngayong gabi."
"Kahit naguguluhan man ako sa bilis ng pangyayari, gusto kong magpasalamat sayo Vince. Dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakadama ng ganitong klasing kaligayahan. Kung ano man ito, gusto ko munang makasiguro. Espesyal ka sakin at sana maintindihan mo ako."
naging seryoso narin si Oliver. Tiningnan nya sa mata si Vince.
"Nang sa gayon, masaktan man ako, alam ko sa sarili ko kung ano ang pinapasuk ko. Kung magkakarelasyon man tayo, ayaw kong magmamadali."
maluhaluha ang mata ni Vince ng marinig nya ang mga salitang binitiwan ni Oliver.
"Maramig salamat Oliver. At least ngayon, alam kong may halaga rin ako sayo."
Niyakap nya si Oliver at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha.
Malungkot ang naging buhay ni Vince. Maagang namatay ang kanyang mommy. Kinailangang magtrabaho ng halos bente kuatro oras ng kanyang ama.
Sa isang lingo ay minsan lang sila magkasama sa hapagkainan ng kayang daddy. Hangang sa nag migrate sila sa Canada.
Naghahanap si Vince ng pagmamahal. At sa kung sino sino niya ito hinanap. Ngunit lahat sila ay iniwan rin sya.
Ngayon ay umaasa sya na si Oliver ang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na nyang hinahanap.
Naka tingin sila sa langit kung saan ay nagkikislapan ang mga bituin.
"Masayang masaya ako ngayon Oliver. Maraming salamat sayo."
naka unan si Oliver sa mga bisig ni Vince.
"Ako din Vince. Masaya ako. Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko."
Ilang sandali lang ay nakayakap na si Oliver sa napaka kisig na katawan ni Vince.
Hinalikan ni Vince ang noo ni Oliver at niyakap niya ito ng mahigpit. Pagkatapos ay natulog na sila na magkayakap sa isat isa.