Until The Next Sunrise

By Sweetiebuddies

15.7K 573 29

Get drunk. Wait until sunrise. Be inlove. Appreciate the art before it's too late. This is the story of Arch... More

Until The Next Sunrise
Prologue
1: The Art
2: The Help
3: The Place
4: The Special Someone
5: The Birthday
6: The Tears
7: The Blind Date
9: The Confession
10: The Life
11: The Motor
12: The Comeback
13: The Ex
14: The Dance
15: The First Date
16: The Question
17: The Acceptance
18: The Goodmorning Kiss
19: The Facetime
20: The Suprise
21: The Graduation
22: The Confusion
23: The Always
24: The Fixing
25: The Guitar
26: The Event
27: The Conflict
28: The Apology
29: The Pain
30: The Aftermath
31: The New Friend
32: The Accident
33: The Kisses
34: The Notebook
35: The Lunch Date
36: The Two Years
37: The Dream
38: The Start
39: The Insanity
40: The Love
Epilogue
The Note
Achilles Guevarra

8: The Rejection

281 9 1
By Sweetiebuddies

Eight

Many reacted at what he tweeted and what I have posted. We just remained silent about it. Mawawala rin naman ang issues kung hindi mo nalang papansinin, 'di ba? Tinago ko ang aking kilig pero ginawa ko iyong home screen ng laptop ko.

"Okay, students. Magp-practice kayo bukas para sa Graduation ball ninyo. Nag-assign na rin ang faculty members ng mga magsasalita sa stage. Especially 'yung mga nasa top ranks ng kanilang klase." Explain ni Ma'am Roces bago kami hinayaan na ienjoy ang foundation.

"May gown ka na?" Tanong ko kay Yna

"Oo! Binilhan ako ni Mama kagabi, eh ikaw?" Umiling ako. Hindi nalang muna ako aattend sa Grad. Ball, wala rin naman akong date eh. Si Yna nga, meron. Kasi pwede outsider basta kakilala lang din ng school namin. So, si Eman for sure 'yun. Ako? Wala naman akong ibang kaibigan sa labas eh.

"Hindi na siguro ako aattend, wala naman akong date eh. Wala rin akong susuotin." Sambit ko

"Naku! Last mo na 'yon, wala ng ganon sa SHS at College! Gawan muna natin ng paraan. Malay mo may lalaking kaibigan si Eman na type ka, iyon nalang ang date mo! Akong bahala sa date mo tapos ikaw sa gown, okay?" Dumaan si Glaire sa lamesa namin sakto nung pagkasabi ni Yna about sa gown.

"Aviona? Wala ka pang gown?" Nagaalala niyang tanong sa akin and I nodded. "Bakit hindi mo sinabi agad? I have gowns in my condo! Gusto mong sumama mamaya sa akin? I'll be glad though!" Why is she so kind? Kahit anong pilit ko sa sarili ko na mainis. Ang bait ni Glaire.

"Sige, itetext nalang kita, Glaire. Salamat." And problem solved na agad 'yung Graduation Ball kaya nag-enjoy kami buong araw ni Yna. Kinontak niya naman ang boyfriend niyang si Eman about sa date ko. May mga kaibigan daw siya. Pinakita naman sa akin 'yung mga picture at may isa na pogi na matangkad. Murang version ni Archer, ganon. Pero mayaman din.

"So, ano, si Mark na?" Tumango ako dahil inaantok na ako. Natulog muna 'ko sa lamesa namin habang nagpapatugtog sa earphones ko.

Graduation Ball

Archer: Susunduin pa rin kita mamaya, ah. Uunahin ko lang si Glaire.

Sanay naman ako. Priority naman talaga niya lagi si Glaire. Mas okay na 'yon kesa magkasabay kami sa kotse niya dahil mas awkward 'yun. Malamang sila ang magkadate ni Archer—he never asked me about who I am going to date. Pero pogi ang date ko noh! Nagkausap naman kami kahapon dahil sabi ni Yna mas maganda kung magkita na kami agad before the Ball. Though something's off with him, may sense of humor naman kaya keri lang.

Bagay na bagay sa akin ang gown ni Glaire. Sabi niya sinuot niya daw 'yon sa birthday ng kanyang Mama kaya maganda talaga 'yung klase nung gown. It was color grey, medyo kita ang aking dibdib pero hindi naman bastusin tignan. Naka-messy bun ang aking buhok, at hindi naman hard make up ang akin. Inayusan ako ng kapitbahay namin. Laced-grey style yung gown kaya kita mo 'yung design.

Me: Oo na, boss. Bilisan mo hinihintay na 'ko ni Mark.

Archer: Mark? Sinong Mark?

Me: Date ko na tiga-St. Agnes

Archer: Pogi? Baka mas pogi ako ah. Mapapahiya ka lang. Hahaha. Joke.

Wala namang mas popogi sayo pagdating sa mga mata ko, eh. Pero for sure may mahuhumaling din sa date ko.

Me: Oo, maganda kasi ako eh. Hahaha. Hindi 'yon joke.

Archer: Weh? Dito na 'ko.

"Ma? Una na po ako." Sabi ko kay Mama habang busy siya manuod ng tv. "Si Archer na rin po ang mag-uuwi sa akin, alis na po ako." Tumango lang ang aking Mama at nakalabas na 'ko ng bahay.

Natulala naman siya. "Oh? Ano? Sabi sayo eh, maganda ako!" Natatawa kong sambit tapos napakurap nalang siya. Nagandahan siya sa akin, huwag niya na i-deny. Baka mas maganda pa 'yung pagkakasuot ko ng gown ni Glaire kesa sa kay Glaire mismo.

"Anak!" Magsasalita na sana si Arch pero nagulat kami na sumigaw ang mama ko. "Si Archer ba ang date mo?"

Umiling kami parehas. "Nako, Mama. Hindi po."

"Ganon ba? Mali pala ang nasabi ko sa Kuya Aias mo. Sabi niya, picturan ko daw kayo. Pwede ba 'yon?" Nagkatinginan naman kami ni Archer. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ah, sige, tita. Ayos lang po. Hindi rin kasi kami madalas mag-picture ng anak niyo." Kinakabahan ako ng idikit ako ni Archer sakanya. He placed his arms around my waist and we both gave our best smiles in Mama's phone. Hihingin ko rin 'yon kay mama! Aba minsan lang 'yon.

"Salamat! Sige, baka ma-late na kayo. Magtext nalang kayo sa akin." Sabi ni Mama at nakangiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng totoo. Ilang taon kong hinintay 'yon kaya nung sumakay ako sa kotse, hindi ko mapigilan maluha. Kahit na noon may naiiuuwi akong honors, hindi ko siya nakitang ngumiti kaya tinamad ako. Pero kanina nakita ko at ang gaan gaan sa loob.

Huminto muna ang sasakyan ni Archer. "Bakit ka h-huminto? Okay lang ako dito." Hindi naman masisira 'yung make up ko kahit na umiyak pa 'ko. Mamumugto nga lang 'yung mata ko. Ang gaga ko kasi, ngayon pa ko iiyak!

"Humarap ka sakin." Sabi niya, pero hindi ako nakinig at nagpatuloy sa pagiyak. He suddenly pulled me in a swift motion, he hugged me. There. I cried in his arms. "Shhh, huwag ka masyadong umiyak. Baka masira 'yung itsura mo, ang ganda ganda mo pa naman."

Natuwa ako dun. Kung paano niya 'ko puriin para lang tumahan na 'ko. "Ngayon ko lang nakitang matuwa si Mama sa akin. Salamat, Cairos." Sabi ko at dahan-dahan umalis sa yakap niya. "Nakakatuwa makita 'yung Mama ko na ganon, kahit na hindi kami laging naguusap."

"There's always a time to heal, Aviona. Maybe magagawa niyo na ng mama niyo sooner." He said. "For now, you have to enjoy the Graduation Ball, alright? No more sadness tonight. Party hard."

"May sayaw sayaw ba sa ball?" Tanong ko dahil hindi ako umattend ng practice kahapon.

"Oo, pero bawal mag-aya ang girls mamaya. Boys talaga ang lalapit. Lapitan kita mamaya ah. Huwag mo akong ma-stan zoned. Lagot ka sakin!" Tumawa naman kami parehas don.

"Kamusta naman si Stan?" Tanong ko.

"Bakit? Magpapaligaw ka na ba?"

"Baliw! Tinanong ko lang kung kumusta eh." Umirap pa ako.

"Ayun, hindi niya alam kung anong gagawin para suyuin ka. Ikaw kasi eh, hard to get ka! Nagpapatulong nga sa akin 'yon pero sabi ko sakanya diba friends lang kayo." Wow. Protective.

"Pwede naman siyang manligaw ah? Bakit pinipigilan mo? Akala ko ba inaasar mo 'ko sakanya?" Intriga kong tanong. Baka naman.. Baka lang.

"Baka hindi ka seryosohin, ayaw ko naman non." Sabi niya. "Bakit parang kasalanan ko? So, gusto mo na mag-boyfriend ngayon? Kahit na hindi mo talaga gusto?"

"Nagpapaligaw palang naman ah? Hindi ko sinabing magb-boyfriend na agad." Sabi ko naman. Medyo nainis na yata siya kaya sabi ko joke lang.

Nakapaskil ang Graduation Ball banner sa gate. Maraming estudyante ang nasa loob na at nasa labas si Yna, Eman at Mark. Hinihintay ako.

"Huwag ka muna bumaba." Sabi ni Arch, "Di ba 'yun 'yung kaibigan mo? Sino 'yung isa? Tsaka 'yung isa pa? Hindi 'yan tiga dito ah?"

"Si Mark 'yung nasa likod ni Yna. Si Eman naman 'yung boyfriend niya. Parehas mga tiga-St. Agnes," Pagpapaliwanag ko naman at tumango siya.

"Yan 'yung date mo? Diba?"

"Oo, bakit?"

"I don't trust him..." Sabi niya nalang, "Basta mag-text ka lang kung may problema. Pupuntahan naman kita mamaya 'pag sayawan."

Namula ako. "Sige, bababa na 'ko."

"Ako na ang magbababa sayo."

"Ha? Naka-gown lang naman ako pero ka—"

"Aviona Clarisse, ako na." Madiin at may awtoridad niyang sambit kaya napanganga nalang ako. Hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto at alalayan ako pababa.

Nagsimula na 'yung ceremony ng ball. Malapit lang kami sa Table nila Archer pero kailangan ko pang lumingon sa likod para lang makita siya. Kaya syempre hindi na 'ko lumilingon. Baka mapansin niya na talaga.

Balak kong umamin sakanya ngayong gabi. Wala akong paki kung susunduin niya pa ba ako pabalik ng bahay o hindi. Kung papansinin niya pa ba 'ko ulit o hindi. It's now or never. Hindi naman na kami magkikita next year dahil nabanggit ni Glaire sa akin kagabi na lilipat silang lahat sa La Salle. Ipagpapatuloy niya na 'yung pag-aaral niya don hanggang college. Who am I to stop him from dreaming? Wala. Kaibigan. Bestfriend.

I'm willing to risk our friendship tonight. Hindi na 'ko magd-dalawang isip. I don't care what will happen next, gusto ko lang ipaalam na sa loob ng sampung buwan. Minahal ko siya. Nagkaroon ako ng inspirasyon mag-pinta at gumawa ng iba't ibang bagay dahil sakanya. Nagpapasalamat ako sakanya.

Baka after Graduation, hindi na kami magkikita. Atleast, pwede na akong mag move on non. Dun na 'ko magsisimula ulit ng buhay na wala siya. Balik sa buhay na wala na namang kulay at kasig-sigla.

"Ang dami pala talagang magaganda sa eskwelahan ninyo, noh?" Sabi ni Mark habang pinapasadahan ng tingin ang mga babaeng rumampa para sa best gown. Napili ako sa top 15 pero tinamad na ko kaya bumalik ako sa upuan ko. "Pero mas maganda ka sakanila, Aviona."

"Talaga ba? Haha! Salamat!" Okay naman kausap si Mark. Spaced out lang talaga ako kay Archer na kanina pa sinisiraan si Mark sa text messages niya. Seriously? Kung si Glaire kaya siraan ko sa texts anong mararamdaman niya?

Archer: He's a perv, Ace. Fuck.

Archer: I can fucking see from here how pervert he is. Putangina.

Me: Fucking shut up, Archer. Don't judge him. He's a gentleman!

Archer: I'm a man. I'm your bestfriend damn it. You don't trust me? Huh?

Me: lasing ka ba? You're ridiculous! I don't get you!

Archer: Kapag ikaw nabastos niyan, tangina. Pupugutan ko 'yan.

Okay na, pwede na 'ko kiligin pero hindi ko mapigilan na hindi mainis sakanya. Bakit ba siya nagagalit? Why can't he just be happy for me? Hindi ko nga siya iniistorbo sa mga katangahan niya para kay Glaire, pero kung makapagsalita siya sa buhay ko. Dinidiktahan niya.

Me: Fine. Deal.

"Face of the Night, Ms. Aviona Clarisse Estrada!" Tawag ng MC sa akin kaya naman nawala ang kunot sa aking noo. Nakita ko ang nga tinginan nila sa aking suot. Backless din kasi iyon, kaya nakakapanibago talaga. Hinintay ko pang matapos lahat ng awardees bago kami makaupo.

"Mr. Handsome of the Night, Archer Guevarra." Si Arch ang sunod na tinawag kaya lahat ng kababaihan ay nagtilian habang pinapasadahan namin siya ng tingin. Kung hindi lang ako nababanas sakanya namula na 'ko eh. Tinawag naman na Mr. Athlete of the Night si Astros, Mr. Machogwapito si Constantine. Natawag na kanina si Glaire kaya ibang awardees din ang tinawag.

"Thank you, Awardees! You may now go back to your seats." Bumaba ako sa mas malapit na hagdan.

"Ako ang mauuna," Sabi ni Archer sa isang malamig na tono. Damn, edi ikaw! Excited na excited yata siyang iwanan ako.

Laking gulat ko na hinintay niya pala akong makababa doon at inalalayan ako sa gown ko. Putangina, Archer. Sabihin mo sa akin paano ko kukunin 'yung puso ko eh iyong-iyo na.

"Grabe naman 'yan, Arch! Sana hinayaan mo nalang si Stan!" Nagaasar pa talaga 'tong si Astros nung makaupo na ulit ako. Si Mark na kasi ang umalalay sa akin nung malapit na ako sa table.

"Fuck you, bro," Narinig kong sabi niya. Wala kami sa mood parehas dahil sa ginawa niya.

"Mukhang mainit 'yung ulo sakin nung boyfriend mo, LQ ba kayo kaya ako ang date mo?" Tanong ni Mark sa akin habang busy ang lahat sa pakikinig sa ceremony.

"Huh? Hindi ko 'yun boyfriend." Sana nga eh pero hindi. "Bestfriend ko 'yun," Bestfriends lang kami nun.

"Weh? Bakit kung makatitig sa akin papatayin ako? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Sabi ni Mark.

"Hindi ko nga rin alam dun, eh," Sabi ko naman kay Mark. May mga kwento din si Mark about sa panliligaw ni Eman kay Yna kahit na lumipat na si Eman non, nagtawanan naman kami at kalaunan ay kumportable na ako sakanya. Naramdaman ko nga lang na touchy siya pero hinayaan ko lamang 'yon.

"Thank you for listening! Let's now eat and after the dinner, we're now allowed to dance. Only 7 dances are given." Sabi nung host at kumain na rin.

"Aviona, pwede ba kitang isayaw?" Natapos na ang una kong sayaw at 'yun ay si Mark. Sabi niya makikihalubilo naman daw siya sa iba, tumango nalang din ako. Si Stan naman ngayon ang lumapit sa akin.

"Oo naman, Stan." Ngumiti ako sakanya at tinanggap ang kanyang kamay. Sumayaw ulit ako tapos nagkwentuhan kami at hakatang nahihiya ba naman siya.

"Saan ka mags-senior high?"

"Nag entrance ako sa UST at FEU. Kung hindi man ako matanggap, dyan lang ako sa college of arts malapit dito." Sabi ko naman sakanya ng malakas dahil maingay na. "Balita ko kay Glaire, La salle kayo?"

He nodded, "Oo. Dun namin talaga plano mag-aral, clingy kami ayaw namin malayo eh." Tumawa naman kaming dalawa.

"Mamimiss ko nga barkada niyo, eh." Sabi ko, "Sila Archer, ikaw, at si Glaire. For a short time, naging close ko rin naman kayo. Sayang. Ngayon ko lang kayo nakilala lahat."

"Bakit kasi ayaw mo sumama sa tropa namin?"

"Hmm, let's just say. Mas okay lang 'yung ganito lang. Diba? Hindi naman kailangan in the same circle of friends tayo para maging magkaibigan tayo, eh," I explained.

"I know it's late to say this, but.." Ngumiti ako at hinintay ang kanyang sasabihin. "I really like you, Aviona Estrada. Can I court y-you?"

Nabigla ako pero hindi na 'ko nagulat. "Wow." Yun ang nasabi ng lola niyo. Haha.

"Uh, I know it's too late dahil magkakaiba na rin tayo ng eskwelahan. But, I wish you could give me a chance." I will never forgive myself if I use Stan just to get away from Archer. No, I won't do that. It's clearly Archer over him.

"Stan," I started. "I like you, too. I like how gentleman and concious you are when you're with me. I like how respectful you are with other people. But, I really don't have time for relationships. I-i just don't see myself with you, iyon ang problema ko." He seem disappointed with my decision.

"Oh, I got rejected." He faked a laugh. He couldn't stare at me or even glance. Natapos ang kanta kaya bumitaw na ako sakanya.

"I hope you understand, Stan." Sabi ko. Tumango tango lang siya, "Hindi pa ako ready.." Paumanhin ko.

"It's okay, Aviona. Thank you for being honest. I hope we'll meet again when you're ready."

Continue Reading

You'll Also Like

Teach Me By Susie Ann

General Fiction

1M 12.5K 74
It's never been easy to tame a wild tigress especially a big and pride one. It takes a lot of effort and time. Success aren't visible unless you see...
2.9K 193 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...
167K 6.4K 42
Sa edad na desi-siete ay napilitang umalis sa mansyong tinitirhan niya si Venice. Para takasan ang malupit na kapalarang sinapit ng pamilya niya sa t...
438K 22.9K 34
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.