Bargain with the Rebel Heartb...

By VixenneAnne

5M 127K 10.7K

Arch. Isabel Funtalva will stop at nothing to fulfill her ambitions. Even if she has to bargain her body and... More

New Book Available!!
meet your rebel heartbreaker
Chapter 1. Ambition
Chapter 2. Source of all Evil
Chapter 3. Hot Shot Engr in Town
Chapter 4. Charmed Existence
5. Blistered Past
6. Einstein Nerdy
7. He gets what he wants
8. Claim What's Yours
9. Shattered Dreams
10. Fake Promises
11. Drunken Social Climber
12. For the Love of Rolex
13. Out of my League
14. When the Universe Conspires
15. The Crazy Show
16. The Pledge
17. Rockstar on my Bed
18. Pursuit of Ambition
19. Dark World It Is
20. Just as Amazing
21. Her Envious Heart
22. Ang Die sa Diet
23. Sa Ngalan ng Ginto
24. Lord, Give Me A Sign
25. Unlabeled
26. The Seduction Game
27. Foul Play
28. Bitches Don't Cry
29. A Phase in his Life
30. Behind the Mask
31. His Kiss was a Gateway Hell
33. Pang-MMK
34. How to Break a Perfect Love Story
35. Hopes and Reality
36. Coffee Delight
37. Bitter-Hearted
38. Dear Karma
39. Playful Circumstances
40. Wild Escape
41. In the Cold of the Night..
42. Isla Isabelle
43. Legally Binding
44. Wet and Crazy
45. Sweet Honesty
46. Uncertainty
47. Scared
48. All of You..
49. Love in the Moonlight
50. Lies beneath the Lies
51. The truth about the Lie
52. Finale
53. Epilogue
Book Version
ANNOUNCEMENT!!

32. Her Wild West Fantasies

72.1K 2.1K 348
By VixenneAnne

Si Isabel Funtalva po ay wag tutularan. Only professionals lang ang makakagawa ng pinaggagawa niya:)


Quote for the day:

Your comments and reactions please:)


Cole kissed me.


Engr. Nicholas Ramirez of R&R International.


The man of all girls' wet dreams and wild west fantasies... kissed me.


Pakiramdam ko bibitayin ako at nakalatag sa harapan ko ang aking huling hapunan. Oh Diyos ko, patawarin mo po ako sa aking mga pagkakasala kung ito man ay ang aking huling hapunan, may dalawang salita lamang po akong bibigkasin para sa inyo; thank you.


Hinayaan kong sakupin ni Cole ang mga labi ko. Diniin ko pa nga ang ulo ko sa kamay niya na nasa ilalim ng leeg ko para hindi siya makawala at ipagpatuloy ang paghalik. Ito na ang tamang panahon para maganap ang itinakda. Nabuhay na ang dugo ng punong bantay sa puson ko, mangangagat talaga ako kapag hindi natuloy 'to! Pinalalim ko ang halik, ninamnam at nilasap ko talaga ang bango at sarap ng bibig ni Cole. Parang alak, habang tumatagal lalong sumasarap, parang turnilyo, habang iniikot lalong bumabaon. Parang saluyot, habang binabasa lalong dumudulas. Ikinawit ko ang dalawang braso ko sa leeg niya hanggang sa tuluyang bumagsak si Cole sa ibabaw ko. Oh grasya. Come to Mama. Wala siyang choice. Kahit anong takas niya, sa akin pa rin ang bagsak niya! Ramdam ko ang tagumpay. Ang pechay ko, wala pang dilig basa na.


Nanuot ang kamay ko sa buhok niya. Pababa sa leeg, hanggang sa ako na mismo ang umangat upang kalasin ang butones ng damit niya. I didn't stop until I saw the golden bronzed skin of the Spartan warrior that the universe decided to give me. He was a gift to all women but damn all souls in heaven and hell, I would keep this gift to myself for as long as forever. Walang makakaagaw kay Cole sa akin. Not even his freaking skinny ex girlfriend! Kapag sinubukan nito, sisiguraduhin ko na sa susunod mag-aalaga na ako ng bulldog at gagawin ko siyang lollipop no'n.


Going back to business..nang mahubad ko ang damit ni Cole at tumambad sa akin ang walang katapusang muscles na nakapailalim sa perpektong kulay ng balat niya, hindi ko napigilan ang humanga. Ulam. Unli rice with maasim na sabaw toyo, sili at kalamansi nalang ang kulang. Nag kulay -green ang buong paligid ko. Naupo ako sa ibabaw niya, malandi kong kinagat ang ibabang labi ko habang ang dalawa kong kamay ay nakasuksok sa mahaba kong buhok, pababa sa leeg ko hanggang sa dibdib ko na tanging kakarampot na cup C na bra ang nakatakip. Ganito ang sabi ni Rushell eh, painitin ng husto ang kambing sa kawali hanggang sa umusok.


Ano Captain America, galit ka na ba? Kung hindi pa, maghintay ka, sisilaban kita. Hindi ko na kailangan ng gayuma, alindog ko lang, sapat na.


Naengkanto si Cole sa ganda ko. Nakikita ko sa mukha niya na hindi niya alam ang ginagawa niya, kaya kailangan ko na itong bilisan bago siya mahimasmasan. Inabot ko ang zipper ng pants niya, pero bago ko pa man maibaba iyon hinawakan niya ako sa pulsuhan.


"Sandali!"


Ano ba naman! Kakasabi ko lang na 'wag siyang mahimasmasan eh.


Nginitian ko siya ng matamis. Walang susuko Isabel. Para sa ginto! "Bakit baby? Gusto mo ba ako muna ang maghubad? Pwede naman..." nilandian ko iyon pero, pweh! Tunog lusyang na bugaw.


Naningkit ang mata niya sa akin.


"Ayaw mo bang tawagin kitang baby? Sweetheart nalang. Darling? Babe? Honey bunch? Coco crunch? Nido? Sinta? Anong gusto mo ha?" Ngayon naman tunog baklang walang booking. Bedroom voice ko ba naririnig ko o talagang paos ako? Nag-aapoy ang katawan ko sa init eh. Umiikot na nga ang paningin ko.


Naunsyaming libog lang ba? O literal na masama ang pakiramdam ko?


Inangat ni Cole ang katawan. Nasa posisyon kami kung saan nakaupo si Cole at nakaupo din akong paharap sa kanya. Ang mga binti ko ay nasa magkabilang beywang niya. Kinapa ni Cole ang leeg ko. "You're hot"


"I know right.."


"Masama ba pakiramdam mo?" may pagaalala na sa boses niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Doon ko narealized na nilalagnat talaga ako. Ang lamig ng aircon, sinipon pa ako bigla.


"Hndi ah--aachhuuuuu!!" sabay singhot.


Umiling-iling si Cole pero masuyong inayos ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Kumilos siya para ihiga ulit ako sa kama at balutin ng kumot. "I'll get you medicine."


"Isang patak lang ng sperm magaling na ako--"


"Baliw."


"Alam mo na 'yon. Paulit-ulit ka pa."


Inirapan ko siya, pero nginitian niya ako. Ngiting napakagwapo, simpleng angat lang ng sulok ng labi niya parang namatay at nabuhay na ang buong pagkababae ko. Palpitate ang inabot ng puso ko. Ang hirap huminga lalo't parehong may iniinda ang puso at puson ko. Dumukwang ulit si Cole para sana halikan ako. Sa labi o sa noo hindi ko na alam dahil biglang natigil nang may lintik na hayop na kumatok sa pinto.


Sino man ang kumatok na iyon ay kukulamin ko talaga hanggang sa tubuan ng galis sa mukha!


"Cole...It's me. Ok lang ba si Isabel?" boses iyon ng bichesang palaka. Tunog kokak eh. Alam kong si Naomi iyon.


"Huwag mong bubuksan ang pinto! Sinasabi ko sayo." pinandilatan ko si Cole.


"I have to. Paano ako kukuha ng gamot mo kung hindi ako lalabas?"


"Hindi mo naman kailangang lumabas. Ang kailangan mo lang ay labasan."


"Umayos ka nga."


"Ayos na ayos ako, gusto ko na ngang masira eh! Sirain mo na ako!"


Nang akmang magsusuot na siya ng damit, inagaw ko pa iyon. Nakipaghablutan pa ako sa kanya, dumikit pa ng ilang beses ang dibdib ko sa dibdib niya, pero ako lang yata ang naapektuhan parang siya wala naman. "Oh ayan na damit mo, lamunin mo!" irap kong hampas sa kanya dahil ayaw niya talagang sumuko. Asar na asar akong nagtalukbong ng kumot patalikod sa kanya.


"Babalik ako."


"Kahit wag na." ganti ko.


"Wag lang lalabas."


"Ano lalabas ako ng nakahubad?"


Hindi na siya sumagot. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto, narinig ko ulit ang boses ni Naoming Kokak.


"Isabel, ok ka lang? I'm so sorry, kung hindi dahil sa akin hindi ka mahuhulog sa pool. Nakakahiya.."


Gusto kong magwala sa lakas ng amoy sunog na plastic na nanggagaling sa boses niya. Napilitan akong maglabas ng ulo para lang panggigilan siya ng tingin. Nakabihis na siya. Litaw na litaw sa hapit niyang damit ang kapayatan. Nag-init lalo ang ulo ko. Kung magmamaldita ako, ako lang ang magmumukhang masama sa paningin ni Cole kaya pinigilan ko.


"Wag kang mahiya. Ok lang na nahulog ako sa pool, ang saya nga eh. Tingnan mo nilalagnat ako." sarkastiko ko pa ding sagot. Ang pagka-bitch ko talaga nuot sa dila eh.


"I'm sorry." sabi pa niya.


Ngiting aso ang pinakita ko. Nasa harap kami ni Cole eh. "Ok lang. Next ulit. Sa dagat naman."


Hindi nya pinansin ang pabalya kong mga sagot. Bakit ang natural ng ngiti niya? Parang totoo? Pati ba naman sa pag-acting talo niya ako? Wala akong nagawa nang hawakan niya ang braso ni Cole at sabay silang lumabas ng pinto. Gusto ko talagang mangagat ng tao! Nakakainis!!!


Nang makalabas ang dalawa sa pinto. Tumakbo ako patungo sa bag ko na bitbit ng bellboy. Mula doon ay kinuha ko ang gayuma. Desperada na kung desperada, ito yata ang epekto ng pinaghalong lagnat at sapi ng kalibugan sa katawan. Isang malaking luxury suite ang kinaroroonan ko kaya kompleto sa pagkain. Kumuha ako sa ref ng pineapple juice, nilagay ko iyon sa baso. Hinaluan ng gayuma, dinasalan ko pa ng lahat ng dasal na alam ko. Sinayawan ko pa ng lahat ng sayaw at orasyon na nakita ko sa palabas. May kasama pang tirik-epek ng mata para talaga effective.


Pagbalik ni Cole, iinomin niya ang juice sa ayaw at sa gusto niya!


Nilapag ko ang juice sa katabi kong side table. Nahiga ulit ako sa kama at nagbalot ng katawan dahil unti-unti ko nang naramdamang nagyeyelo na ang dugo ko sa lamig. Tama si Cole, masama ang pakiramdam ko at kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon maiwaksi. Ang tagal pa niyang bumalik. Baka kasama niya si Naomi na umuwi na at kinalimutan ako. Anong gagawin ko? Baka nagtatawanan na ang dalawa, pinagtatawanan ako ng hindi ko alam. Baka hindi na ako balikan ni Cole.


Nagdedeliryo na ba ako? Nakikita ko ang mukha ni Eleanor. Nasa harapan ko, nakataas ang noo at kilay, nakatitig sa akin.


Dahil ba makasalanan ako? Pera lang naman ang gusto ko eh, masama ba 'yon? Si Cole lang naman talaga...


Hindi ko na alam ang sinasabi ko, unti-unti nang namanhid ang utak ko hanggang sa tuluyang pumikit ang mata ko.....







"Isabel..wake up.." masuyong boses iyon ni Cole alam ko. "You need to get up and take your meds. Inaapoy ka ng lagnat."


Ang sarap sa tainga ng boses na iyon. Kahit nakapikit ako, napapangiti ako. Naramdaman kong inalalayan niya akong maupo. Binuka niya ang bibig ko at pinasok doon ang maliit na capsule ng gamot, nalasahan ko ang pait. Pero napalitan ng manamis namis na lasa ng pineapple juice iyon. Guminhawa ang pakiramdam ko sa likido. Naubos ko yata ang isang baso. marahan niyang isinuot ang damit sa katawan ko, tapos ay hiniga ulit ako.


Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko.


"Sleep tight, Bonita... you'll feel better after awhile."


Naramdaman ko ang pagyakap ng braso niya sa beywang ko. Nakaunan ako sa bisig ni Cole.


"Cole.."


"Hmm.."


"Ang damot mo..ba't di ka magshare.."


"Ng sperm na naman?"


"Hindi.."


"Ng ano?"


"Ng apelyido.." tapos no'n nag-travel na ako sa ibang galaxy. Hindi na talaga kaya ng kapangyarihan ng punong bantay ang lagnat ko....


Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 38.6K 51
One night that changed everything.
94.5K 2.6K 18
Vion San Pedro never anticipated the extraordinary twist his simple life would take. He discovers he is not ordinary but rather a demigod, the offspr...