"ITO ang suotin mo bes," sabi ni Soli at ibinigay kay Salva ang isang crop top na kulay pink. Bakas sa kaniyang mukha ang excitement.
Salva rolled her eyes and snorted. "Ano bang pupuntahan natin Soli? Diba sa concert lang?" Salva asked at ipinagkrus ang dalawang braso sa harap ng kaniyang dibdib.
"Salva naman eh, gusto ko lang naman na magmukha kang pretty like me!" Soli said with pleading eyes. Napabuntong-hininga na lamang si Salva. Kahit kailan, hindi niya kayang maresist ang cuteness ni Soli.
"Yehey! Susuot na siya!" Maligayang sabi ni Soli. Rumehistro ang malaking ngisi ni Soli sa kaniyang mukha.
Napa-iling na lamang si Salva. Bakit ba kasi ang cute nitong bestfriend ko? Naisip ni Salva at patuloy na umiiling. Kung naging lalaki lang sana ito ay... Hay, 'wag ko na nga lang ituloy.
"Sige, labas na, magbibihis ako," sabi ni Salva at itinaboy si Soli palabas ng kuwarto niya.
Soli flashed a confused look at tinaasan siya ng kilay. "Hoy ateng! Just to remind you lang ha, nakita ko na ang buong katawan mo, pati kasulok-sulokan ng pagkababae mo, nakita ko na 'yan kaya don't act like you're hiding something from me kasi wala ka na'ng bagay na dapat pa'ng itago. Nakita ko na lahat."
Agad na pinamulahan ng mukha si Salva. Hindi niya alam kung matatawa ba siya, kung mahihiya, kung magagalit, ah basta! Sari-saring emosiyon ang naramdaman niya. Kahit na bakla si Soli ay lalaki pa rin ito.
Oo, hindi niya sinadyang makita ni Soli ang buong katawan niya. Lasing siya n'on kaya si Soli- bilang bestfriend niya- ang naghatid sa kaniya sa kaniyang apartment. Hindi lang hinatid, binihisan na, nilutuan pa. Ang swerte talaga niya sa bestfriend niyang bakla.
Tanging batok lamang ang ibinigay niya kay Soli. "Ang bibig mo Soli, walang preno." Bago pa man makasagot si Soli ay sinarado na niya ang pinto.
Ngumisi lang si Soli nang nakakaloko. Pagkatapos, pakembot-kembot siyang lumabas sa silid ni Salva.
Napailing na lamang si Salva sa inasal ni Soli. Sanay na siya'ng tinatarayan siya nito, sanay na siyang makinig sa walang preno nitong bibig pero minsan ay natatawa pa rin siya sa mga inaasal nito. Ang galaw kasi bi Soli ay hindi nababagay sa hitsura niya.
Kung titingnan sa malayo, everyone would conclude that Soli is a damn, hot guy! Pero, if you look closely, lumalabas ang tunay niyang kulay.
Isinuot na ni Salva ang damit na ibinigay sa kaniya ni Soli. Hindi naman talaga siya mahilig sa gan'on, isinuot lamang niya ito dahil sa kagustuhan ni Soli. Nevertheless, bumagay naman sa kaniya ang crop top na kulay pink.
Dahil sa suot niyang crop top, exposed na exposed ang bewang niya. Maganda ang hubog ng katawan niya, it is the type of body that men would drool over.
Nakasuot na siya noon noong minsang sumali siya sa isang beauty pageant ngunit naiilang pa rin siyang suotin iyon dahil hindi siya sanay na i-expose ang katawan niya.
Pinaresan niya iyon ng pantalon na kulay black at saka kinuha ang black boots na may three inches heels. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng kuwarto, naabutan niyang nakaupo sa sofa si Soli habang naglalaro sa cellphone nito.
NANG mapansin ang paglapit ni Salva, agad na itinago ni Soli ang cellphone at tumingin rito. Pinasadahan niya ng tingin si Salva at hindi maiwasang ngumiti. Ang ganda talaga ng bestfriend ko.
Kahit na bakla siya, hindi niya ide-deny ang katotohanang nagagandahan siya sa bestfriend niya. Maganda naman talaga ito. For seven years na naging bestfriends sila, saksi siya sa kaguwapuhan ng mga manliligaw nito. She is a goddess of beauty, tiyak na malalamangan niya si Aphrodite sa kagandahan.
Naging crush pa nga niya ang mga manliligaw nito at hindi siya nahihiyang i-voice out ang kaniyang nararamdaman para sa mga ito. Siya ang dahilan kaya walang sinagot si Salva sa mga nanligaw sa kaniya, lahat kasi ng manliligaw ni Salva ay crush niya.
Ang swerte ko talaga kay Salva! Hindi lang dahil maganda si Salva kaya maswerte siya rito kundi dahil sa palaging inuuna ni Salva ang pagkakaibigan nila. Kapag crush ni Soli, kay Soli lang, hindi dapat mapunta sa iba.
"Solitario Alfonso!" Narinig ni Soli ang tawag ni Salva sa kaniya. Agad niyang pinanlakihan ng mata si Salva.
He hates that name so much. Kung puwede lang na palitan ang pangalan niya sa birth certificate, noon pa ay ginawa na niya. He hates his parents for giving him that name, maraming pangalan sa mundo, pero bakit Solitario pa?
"Hoy chakadoll! Wag mo nga akong tawaging Solitario, masakit sa tenga!" Soli hissed as he pointed his finger at him.
Salva giggled. "Ang cute mong magalit. Halika na nga, baka hindi ka na makapuwesto sa harap mamaya." She pulled his hand and intertwined their fingers. Sabay silang lumabas sa apartment ni Salva at nakangiting naglakad papunta sa concert ng The Rockets band.
NAPUNO ng ingay ang buong gymnasium dahil sa hiyawan ng mga taong nanonood. Magpapahuli pa ba si Soli? Siyempre hindi.
"Go papa Rence, crush na crush na crush na crush kita!" Napatakip na lamang si Salva sa tenga niya. Like, the hell! Ang ingay ng katabi niya'ng si Soli!
"Go Juno! My G! Ang guwapo mo!" Sigaw naman ni Solenn na kakambal ni Soli. Gender lang nila ang naiiba pero wala silang pinagkaiba in terms of attitude. Pareho silang maingay!
Feeling ni Salva na anytime now, mabibingi na siya dahil sa ingay ng kambal na nasa tabi niya.
"Go papa Rence! Go! Go! Go!" Patuloy pa ring sigaw ni Soli.
Tinakpan na lang ni Salva ang tenga niya gamit ang dalawang kamay niya. Ang iingay talaga ng kambal! Gosh! Hindi keri ng bangs niya!
"Thank you for supporting The Rockets. Now, our colleague here wants to offer a song to his special someone!" Sabi ni Juno, ang vocalist ng banda.
Agad na tumayo si Rence- ang drummer ng banda- at nakipagkamay kay Juno. Agad nagtilian ang mga babaeng nasa paligid kasama na si Soli.
"Good evening everyone!" Rence greeted the crowd and flashed his signature smirk.
Para namang nasapian ang mga kababaihan dahil sa lakas ng kanilang tili. Nagsimula na'ng tumugtog ang The Rockets at nagsimula na ring kumanta si Rence.
You're insecure
Don't know what for
You're turning heads when you walk through the door
Don't need make up
To cover up
Being the way that you are is enough
Everyone else in the room can see it
Everyone else but you-ou-ou
Baby you light up my world like nobody else
The way you to flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
"Oh my GOD! Ako ang kinakantahan niya! Ako! Ako!" Tili ni Soli at niyakap ng mahigpit ang braso ni Salva. "Oh my GOD! Dream come true na!"
If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
(Oh oh)
That's what makes you beautiful!
Nagsimula na'ng maglakad pababa ng stage si Rence. Samantala, naging hysterical na si Soli. Para na siyang mahihimatay dahil hindi raw keri ng puso niya ang kilig na nararamdaman.
Salva rolled her eyes. Ang OA talaga ng bakla niyang kaibigan, kung hindi lang niya kaibigan ito ay sinabiha na niya ito ng 'Hoy! Talande ah! Papaasahin ka rin ng playboy na 'yan!'
So c-come on
You got it wrong
To prove I'm right I put it in a so-o-ong
I don't why
You're being shy
And turn away when I look into your eye eye eyes
Everyone else in the room can see it
Everyone else but you
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
(Oh oh)
That's what makes you beautiful
Nana (chant)
Nagsimula na'ng maglakad palapit sa kanila ni Soli at Salva si Rence. Malalim ang paghinga ni Soli habang minamasdan ang paglapit ni Rence. Ito na ba? Dream come true na ba?
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But you when smile at the ground it aint hard to tell
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
Huminto si Rence sa harap nila at pinagpatuloy ang pagkanta.
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know (oh oh)
You don't know you're beautiful!
(Oh oh)
You don't know you're beautiful!
(Oh oh)
That's what makes you beautiful!
"Salva." And all Soli's hopes vanished when Rence said Salva's name. Napatingin siya kay Salva, hindi niya sinasadyang taasan ito ng kilay.
SALVA was clueless. Pabalik-balik ang tingin niya kay Soli at kay Rence. Parang may kung anong kirot ang naramdaman niya na'ng taasan siya ni Soli ng kilay saka binitawan ang braso niya.
"Salva, I want to let you know how much I like you since college." Nagsimula na'ng gumawa ng palabas si Rence. Samantala, nakatutok pa rin ang mga mata ni Salva kay Soli.
"Salva, look at me," Rence said and Salva automatically looked at him.
"College pa lang, niligawan na kita, gusto kita Salva, and I want to be with you always. So please, will you-" hindi pa naituloy ni Rence ang sasabihin na'ng biglang umalis si Salva. He looked disappointed because instead of listening to his confession, mas pinili ni Salva na sundan ang tang-ina'ng baklang iyon.
"SOLI! Soli! Listen to me." Salva tried to call his name pero ayaw pa rin siyang tingnan ni Soli. Hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman niya. Parang minamartilyo ang puso niya dahil sa inasal ni Soli. Kailanma'y hindi nagtampo si Soli sa kaniya, at ngayo'y magbabago ang lahat dahil sa putang-inang Rence na 'yon. Hindi! Hindi siya papayag!
"Ano pa ang dapat kong pakinggan Salva? Crush ko siya pero hindi mo naman sinabing nanligaw siya sa'yo since college kaya akala ko may pag-asa ako. Alam mo namang 'pag crush ko, akin lang di 'ba," Soli said without looking at her.
"Soli, sorry kung hindi ko nasabi agad sa 'yo. Feeling ko kasi magagalit ka sa 'kin kapag sasabihin ko." Salva tried to explain pero hindi siya pinakinggan nito.
"So what? Hahayaan mong ako na lang ang makadiskubre? Ang sabihin mo, malandi ka!" Soli spat and continued walking away. Naiwan lamang si Salva na humihikbi. It's all her fault! It's all her mistake kaya pananagutan niya ito. Kailangan niyang ayusin ang pagkakaibigan nila dahil lang sa putek na manliligaw na 'yan!