Sorry Tagal ng Update. Busy lang po sa mga Gawain. Hehe.
-------------------
- Sofia Lopez -
Kinabukasan.
Nasa loob ng Opisina si Sofia at kasama niya si Gino. Halos wala silang pansinan,
Nang tumayo siya at lumapit sa Boss niyang masungit,
Saka sabay abot niya ng isang Folder na ipinahanap nito sa kanya.
" Sir, Ito na po yung Papeles na hinahanap niyo. " aniya.
Nakatingin lang ito sa kanya.
Bago siya tumikhim.
" Ahmm. May ipagagawa pa ho kayo? " sabi niya.
Bigla naman ito natigilan.
" Aa,e.. wala na. " wika ni Gino.
Pagkasabi niyon ay binirahan na niyang talikod.
" Sofia.. " ani Gino sa kanya bago siya makalabas ng pinto.
Kunwa'y yamot na humarap siya dito. At nakita niyang ilang na ilang si Gino. At hindi malaman kung paano ang gagawing paghingi sa kanya ng Sorry dahil sa nakikitang iritasyon sa mukha niya.
" Ah, Sofia, pwede bang huwag mo na akong tatawaging 'Sir?' Pwedeng 'Gino' na lang uli? Masyado kasi tayong pormal, samantalang dalawa lang naman tayo rito. " wika nito.
Ganon? Sa loob-loob ni Sofia. First-name basis na naman sila?
Tumango lang siya at pagkuwa'y lumabas na ng kuwarto.
Pero pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay nagtatalon siya sa kilig habang pinipigil na makapag-ingay ang bibig.
" Sssst..! Hoy! " gahoy sa kanya ni Mayen sa may punong-hagdan.
" Tingnan mo 'to. O. Juice ko! Bumigay na yata! " Si Mayen.
" Sssh! " biglang saway niya rito.
" Hwag kang maingay! " Nagtatakbo siya sa hagdan.
" Halika, may ikukuwento ako sa'yo! " sabi niya sa kaibigan.
" Ano na naman 'yan?! Baka ilusyon na naman 'yan,ha? " anito.
" Sira! Basta, halika! Doon tayo sa kuwarto ko! " sabi niya.
" Hindi pwede, doon tayo sa kuwarto ni Happy! Baka hanapin ako ng alaga ko! Nagpakuha lang sa akin ng juice, 'no! "
Napatingin naman siya sa baso ng mango juice na dala-dala nito.
" O, segi, doon na lang! " aniya.
Tuwang ikinuwento niya kay Mayen ang pagkakabaligtad ng pangyayari.
At natatawang pinamewangan naman siya nito.
" At ikaw naman itong nagmamalaki? " wika ni Mayen.
" E, siyempre, 'no! Gantihan lang 'yan! " sabi niya.
" Sira! " sabi naman ni Mayen.
" Sige, magpakipot ka. Pagbalik dito ni Bianca, tingnan ko lang kung pansinin ka uli ng Gino na 'yan! " ani Mayen.
Narinig ni Happy ang pinag-uusapan nila.
" Lagot siya kay Grandma pagbalik niya rito. Pagagalitan siya ng grandma ko dahil inaway niya ako! " tukoy nito kay Bianca.
Bumungisngis naman si Mayen.
" Juice ko! May giyera-mundial pala rito pagbalik ng babaeng 'yon! " sabi ni Mayen.
" At makakatikim na rin siya sa akin, kahit magalit pa uli sa akin si Gino, " aniya.
" Pagtutulungan namin siya ni Mrs. Stanford. " patuloy niya sabi.
" Sama ako riyan! " sabat ni Mayen.
" Ako rin! " sabi naman ni Happy.
Pagkuwa'y napabungisngis na naman si Mayen.
" Hindi kaya sa Cebu tayo puluting lahat nito pagkatapos? " Wika ni Mayen.
" Malamang, " sabi niyang nakatawa.
" Pero hindi bale. Ang importante ay maipamukha natin kay Bianca na mali ang ginawa niya kay Happy at sa atin. At maipakita na rin natin sa kanya na hindi maganda ang ugali niya, na pangit ang ugali niya. Baka nga sa pagmumulat natin sa kanya ay mapagbago pa natin siya, diba? " mahabang wika niya.
" Tama! Correct ka r'yan! " si Mayen.
" Pagtulungan ang babaeng bruha! Sabunutan at ilampaso ang mukha! " wika uli ni Mayen.
" Hoy! " saway niya sa kaibigan sabay sulyap kay Happy.
Napabungisngis naman ang bata.
" Hindi, biro lang. Bad 'yung sinabi ko. Happy." Baling ni Mayen sa alaga.
" Nagbibiro lang ako. " anito.
Tumango naman si Happy.
---------
Next Part 21 :)