Mr. Killer Smile (√)

By LadyLangLang

3.9K 658 16

Ito ang storya ng isang lalaki na biniyayaan ng isang killer smile. Isang ngiti na kayang patayin ang sino ma... More

...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
A/n
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
LangLang's Note
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
3L's Note:
3L's Note:

Chapter 30

41 12 0
By LadyLangLang

Chapter 30

SHAWN's POV

Nasa kwarto lang ako at nag-iisip ng kung anu-ano. Nasa baba ang pamilya ko kasama ang ibang mga relatives namin para sa konting salu-salo. Ako din naman ang nagsuggest na 'wag ng magparty nang grande. Nasa baba rin si Aze at nakikigulo sa mga pinsan ko. Nandun din sina Kuya Roy at Manager J. At huwag niyo ng itanong kung asan ang bantay kong elimsty, ewan ko kung nasan 'yun.

Mas pinili kong manatili sa kwarto ko para maiwasan ang posibilidad na ngumiti ako sa harap nila.

Biglang pumasok sa utak ko si Quera at si Mr. Suarez.

Alam na kaya niya?

Galit kaya siya?

Bakit naman siya magagalit?

Hindi naman siguro alam ni Mr. Suarez na ako ang dahilan kung bakit namatay ang anak niya.

Unless kung sinabi ni Quera nung naalala pa niya ang lahat.

Haisst. Mababaliw na ako sa kaiisip nito.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok dun. Bigla 'yung bumukas at pumasok si Aze.

"Oh, napadpad ka sa kwarto ko?" bungad ko sa kaniya.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa humiga siya sa kama ko.

"Nothing. Trip ko lang tumambay sa kwarto mo. Haha" sabi niya sabay tawa.

"Baliw" nasabi ko na lang. Tumayo siya sa mula sa pagkakahiga at pumunta sa sofa sa kwarto ko at pinagdiskitahan ang mga regalo ko na 'di pa nabubuksan.

"Shawn. Pwedi buksan?" tanong niya.

"Do what you want. Kumuha ka rin ng gusto mo. Just make sure 'wag mong pakialaman yung mga regalo ng family at relatives ko." Paalala ko sa kaniya.

"Yes" napasuntok pa siya sa hangin. "The best ka talaga Shawn"

Hinayaan ko lang siyang guluhin yung mga regalo. Bahala na siya diyan.

Bigla kong naalala ang regalo sa akin ni Quera, 'yung mga smiley masks. Ang cute lang niya habang pilit niyang itinatago 'yun sa likod niya. Di ko tuloy mapigilang ngumiti, pero syempre, 'yung 'di kita ni Aze.

*phone ringtone*

Napatingin ako sa side table na nasa gilid ng sofa. Nagriring ang cellphone ko. Hindi 'yun pinapansin ni Aze kasi busy siya sa mga regalo.

"Aze!" Tawag ko sa kaniya.

"Oh?"

"Paabot ng cellphone ko na nasa side table ng sofa"

"Okay- - -" kinuha niya ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ngumiti siya sa akin nang mapang-asar. "Ang Quera mo tumatawag" hinagis niya sa akin yung cp, buti na lang nasalo ko.

"Pinagsasabi mo diyan" tiningnan ko tama ba ang sinasabi niya. Si Quera nga. Bigla na naman akong tinamaan ng kaba.

Clinick ko ang 'Accept' at itinapat ito sa tenga ko.

"Que- - -" 'di niya ako pinatapos ng salita.

("Mag-usap tayo bukas. Itetext ko sa 'yo ang lugar. Bye") napakunot noo ako.  Ako lang ba o sadyang cold ang pagkasabi niya nun? Bakit ganun siya makapagsalita? Possible kayang alam na niya?

Wala pa sigurong 10 seconds ang call na 'yun.

Pagkatapos kung ibaba ang cellphone ko ay napansin kong nagtataka ang mukha ni Aze.

"Magkagalit ba kayong dalawa? Pansin ko kasi ang pagkasira ng mukha mo (sira talaga?). Binabaan ka ba ng phone?" Tanong niya. I just shrug my shoulder as a response.

Biglang magvibrate ang cellphone ko.

1 message received from Quera...

Let's meet at the village's plaza. 9:00 AM. 'Wag mo na akong sunduin.

"Oh anong sabi niya?" Daig pa talaga ang babae sa pagkatsismoso nito.

"Magkita raw kami sa plaza bukas" binulsa ko na ang cellphone ko at hinarap siya.

"Hala!!" Bigla nanlaki ang mata niya at napatakip pa sa bibig niya.

"Ba't ganyan ka makareact?"

"Naku!! Baka magkoconfess sa 'yo si Quera - - - aray naman oh" binato ko kasi siya ng libro, sapul sa ulo.

"Ewan ko sa 'yo. Kung ano-ano na lang 'yang mga sinasabi mo"

"Pero Shawn, seryoso, may gusto ka ba kay Quera?" Tiningnan ko siya, seryoso nga ang loko.

Balik tayo sa tanong niya. Gusto ko nga ba si Quera? I won't deny that I'm happy when I'm with her, even if I don't smile, I know that what I feel is happiness. I don't know if you can call it 'like'. Sometimes when I feel that feeling, I can't help but ask myself, is it because of my mission that's why I feel this?

"Hoy!!! Earth to Shawn" winagayway niya ang kamay niya sa harap ko. 'Di ko napansing nakalapit na pala siya.

"Huh?" Napabalik ang atensyon ko sa kaniya.

"Napatigil ka bigla sa tanong ko. Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Ah. Oo. At tsaka 'wag ka ng magtanong ng mga walang kwentang tanong" sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

"Fine, fine. Makaalis na nga. Oy Shawn, I'll bring these huh?" Nilingon ko kung anong tinutukoy niya. Inangat niya ang isang paper bag kung saan nilagay niya yung mga napili niya.

"K." Sagot ko.

Nang makalabas ma siya ay bigla na namang sumagi sa utak ko kung anong sasabihin ni Quera sa akin bukas.

~~~~~~~~

@Plaza

Napatingin ako sa relo ko. It's already 9:10. Almost 30 minutes na rin akong nakaupo sa bench dito sa plaza habang hinihintay si Quera. Kung pwedi nga lang na sinundo ko siya, pero sabi niya sa text na 'wag na raw.

*kring kring*

Napatingin ako sa pinanggalingan ng bicycle bell. Si Quera na sakay sa bike na at papunta sa direksyon ko. Nakapants na color blue at off shoulders na damit at naka rubber shoes.

Malapit na sana siya sa bench na inupuan ko ng biglang may sumigaw.

"Miss!! May batong nakaharang sa dadaanan mo!!!"

"Huh?!!" Tumingin siya sa lalaking sumigaw kaya 'di niya nakita 'yung batong nakaharang sa daraanan niya.

Nagpagewang ang bike niya nang madaanan nito 'yung bato.

"Woah!! Ahh!!" Na-out of balance ang bike niya.

Mabilis akong tumakbo sa direksyon niya at agad ko siyang hinawakan at niyakap bago pa siya mahulog sa semento. Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa semento.

Narinig ko na lang ang tunog ng pagtumba ng bike bago dahan- dahang dumilat. At 'di ko maipaliwanag kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapansin kung nakapikit siya at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Konting galaw lang, mahahalikan ko na siya.

"Quera, nasarapan ka ba diyan sa posisyon mo?" Agad niyang minulat ang mata niya at biglang nanlaki nang mapansin niya 'yung posisyon namin.

Agad siyang tumayo at halos mapadaing ako nang bigla niya itukod yung mga kamay niya sa dibdib ko para kumuha ng suporta para makatayo. Itinayo niya 'yung bike niya at pinark sa tabi ng bench na inupuan ko kanina saka siya umupo.

Pagkatayo niya ay bumangon na rin ako at pinagpagan ang sarili ko dahil sa alikabok na galing sa semento. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa tabi niya, not literally 'dikit' because there's a space between us that can be occupied by one person.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano magi-initiate ng topic. At tsaka siya naman ang may kailangan sa akin.

'Nung napagtanto kong 'di talaga siya magsasalita, ako na ang unang nagsalita.

"So... Anong gusto mong sab- - -"

"Why did you lie to me?"

"Lie to you? About what matter?"

"About the model thingy"

"What about that- - - aray!! Ba't ka nanghahampas?" Ang sakit 'nun. 'Di ba niya alam na ang sakit ng likod ko kasi sa pagsalo ko sa kaniya, tas hahampasin niya lang.

"'Wag ka kasing magmaang-maangan! Alam mo kung anong tinutukoy ko! Bakit mo sinabing part time job mo lang 'yun?"

"Hindi naman 'yun big deal para- - -"

"Of course it's a big deal!! Alam mo bang puno ng pictures mo ang kwarto ng kaibigan ko? Kung 'di siguro sinabi ni Tito Ferdinand na sikat kang model, 'di ko pa malalaman" pagmamaktol niya.

"Haist. I just did it on purpose"

"And that's it?" Nagcross-arms siya habang nakataas kilay at naghihintay ng sagot mula sa akin.

"Ayaw ko lang na mailang ka sa akin. Ayaw kong makilala mo ako bilang isang sikat na model, kundi isang ordinaryong teenager lang." Paliwanag ko.

Marahan namang tumango si Quera na parang naiintindihan na niya ang sinasabi ko.

"Alam mo bang may biglang nagflash na memory sa isip ko? Nakasakay ako sa isang kotse tapos nakatingin sa isang billboard na may mukha mo tapos may hawak kang 'Killer Scent'"

Nagulat ako, pero 'di ko lang pinahalata. May naaalala na siya.

"May amnesia ka?" Tanong ko, obviously 'di ko alam kung bakit nawala ang ala-ala niya.

"That's what I've been wondering. I don't know why I can't remember my past. My mom doesn't tell me about this matter" sabi niya.

Ano ba talagang nangyari? Kagagawan ba 'to ni Lady Ngiti para pahirapan ako? Kung ganun man ay tagumpay siya.

"By the way, 'di ba famous model ka? So that means that my title ka? Anong name ng fandom mo? Tell me what is it" sabi niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin bago siya sinagot.

"You don't need to know" sabi ko na 'di pa rin siya tinitingnan.

"Sige na sabihin mo na. Oyy, sasabihin na 'yan. Sige na Shawn, 'di mo naman ako matitiis eh" sinundot niya ang tagiliran ko kaya napaigtad ako at napatingin sa kaniya na nakangiti sa akin.

"Quera, stop that" sabi ko pero 'di siya nakikinig.

Patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin na may kasamang sundot sa tagiliran.

Nang makatyempo ay hinuli ko ang kamay niya. Nakaramdam ako ng kuryente. Nagulat naman siya at napatingin sa kamay niyang hinawakan ko.

'Di ko namalayang dahan-dahan ko na pala itong inintertwine. Kaya ngayon ay holding hands na kami. Di naman siya umangal at hinayaan niya lang.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"The name of my fandom is Smiley and I was known as Mr. Killer Smile" sabi ko sa kaniya. Randam ko ang panlalamig ng kamay niya.

"Pwedi bang ipakita mo sa akin ang ngiti mo"

"Sorry. Ayaw kong mamatay ka"

"Aysus, 'di totoo 'yan. 'Di naman ako mahihimatay dahil sa ngiti lang"

"Hindi naman mahimatay ang tinutukoy ko eh" mahinang sabi ko.

*bell sound*

"Ha anong sabi mo? 'Di ko narinig ang sinabi mo kasi may dumaan na ice cream vendor" sabi niya sa akin.

Sign siguro 'yun na 'di pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang bagay na 'yun.

"Wala. Ang sabi ko baka gusto mo ng ice cream" sabi ko na lang. Ngumiti naman siya at tumango.

Hinila ko siya at  lumapit sa ice cream vendor.

"Kuya, may rocky road flavor po kayo?"

Rocky road? Seriously? Anong akala niya, nasa ice cream parlour kami?

"Naku Miss, wala po akong ganung flavor, sa mga mamahaling pabilihan lang po 'yun. Dirty ice cream lang meron ako" paliwanag ni Kuyang ice cream vendor.

Lumungkot naman ang mukha ni Quera.

"Ganun po ba kuya, sige iba na lang. Ano po bang flavor meron kayo?" Inopen ni kuya 'yung tatlong lalagyan ng ice cream.

"Meron pong chocolate, mango at strawberry"

"Hmm. Ano kayang masarap? Ikaw Shawn, anong gusto mo?"

"Ikaw"

Teka, nasabi ko ba 'yun? Haist, bakit ba kasi ko nasabi 'yun? Ano bang pumasok sa utak ko? Naku naman Shawn.

"Ako?" Gulat na tanong ni Quera na tinuro pa ang sarili niya.

"O-oo i-ikaw. Anong flavor gusto mo?" Umiwas naman ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Hahahahaha. Ang cute mo 'pag namumula Shawn. Sige kuya, dalawang ice cream in cone chocolate flavor"

"Sige po Miss" naglagay na si kuya ng ice cream sa cone at ibinigay sa amin.

"Ito po"

"Salamat kuya" inabot ko kay kuya ang P50 .

"Keep the change po"

"Naku salamat po Sir"

Tumango ako at nagsimula ng kainin ang ice cream. Hinila naman ako ni Quera pabalik sa bench. And yes, nakaholding hands pa kami.

Tiningnan ko siya. Ang saya-saya ng mukha niya kaya siguro 'di niya napapansin ang mga kamay namin.

Madali ko lang naubos 'yung sa akin.

"Alam mo bang first kong kumain ng dirty ice cream?" Agad niyang sabi pagkatapos ubusin ang ice cream niya. Napatingin ako sa natirang ice cream sa right side ng lower lip niya.

"Halata nga" sabi ko. Taka naman niya akong tiningnan. 'Di ko maalis ang tingin ko sa ice cream stain na 'yun.

"Paano mo nalaman?"

"Kasi..." Unti-unti kong nilapit ang labi ko sa gilid ng labi niya hanggang lumapat ito sa ice cream stain. Nalasahan ko ang ice cream sa bibig ko.

"Wala na ang ice cream sa gilid ng labi mo" sabi ko. Nanatili lang siyang tulalang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat.

Maski nga ako nagulat sa ginawa ko.

"W-why did you- - -"

"Quera!!!" 'Di natapos ni Quera ang sasabihin niya. Lumingon siya sa taong tumawag sa kanya.

Agad siyang tumayo at nilapitan ang ginang.

"Mom? Why are you here in the Philippines?" Agad na tanong niya pagkatapos niyang yakapin ito. Tiningnan ko ang ginang. Kamukha niya nga, maganda rin at sa tingin ko ay 40+ na.

"Why? You didn't miss me?"

"Of course I miss you. By the way Mom, I want you to meet my friend" hinila ako ni Quera sa tabi niya.

"Good morning Ma'am" ngumiti naman ang Mommy niya.

"Good morning din hijo. What's your name?"

"I'm Shawn - - -"

"Shawn? You mean, Shawn Mikael Leandro?" Kumunot naman ang noo ko. Paano niya ako nakilala?

"Yes Ma'am- - -" biglang naging cold ang titig niya sa akin.

"Stay away from my daughter. Quera, lets go home" hinila niya na si Quera.

"But Mom- - -"

"No buts"

"Mom my bike!"

"Let the bodyguards bring it home"

"Ma'am - - -" tawag ko sa Mommy ni Quera.

"I don't want you near my daughter again " ang huling sinabi niya bago hinila ulit si Quera at sinakay sa kotse. Sa tingin ko ay uuwi na sila.

What just happened?

May galit ba sa akin ang Mommy niya?

But why?

- - -
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

8M 481K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
170M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
196K 5.5K 57
In the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the ca...