The Sound of a Sigh

By glimpseoit

39 0 1

"Will you go after someone you love? Or stay for someone who loves you? " The story is about tw... More

Sincerely Yours, Jordan!

39 0 1
By glimpseoit

My name is Jordan, Jordan Phillips. Meet my cousin and bestfriend, Michael Phillips. Obvious naman kung saan nakuha yung pangalan namin - "Michael Jordan". Our fathers are twins and they're both big fans of Michael Jordan. So, gets nyo na?
My father and Michael's father are half white. Kaya tisoy kami ni Michael. Thanks to our dads, gwapo kami. And since our fathers are twins and kamukha kami ng mga daddy namin, magkamukha rin kami ni Michael. My mom said I would have a twin but she lost it. Malakas daw kasi ako, so I survived. But it's okay. Michael is like my twin brother, anyway.

Basketball is the sports that we both love. And it's our passion. Our dads are teaching us basketball. Aside from that, they enrolled us to different basketball clinics. And we're also part of the school's basketball team. And we're doing well.

Our family lives in a village called "Green Village". Malapit kasi eto sa paanan ng bundok kaya marami kang makikitang green. There's also a falls nearby where me and Michael secretly go. Our parents forbid us to go there. Baka raw malunod kami. Strict ang parents.

I think I forgot to tell you our age. I'm nine, while Michael is ten. Actually, eleven months lang naman ang gap namin. Michael's house is just beside our house. Our dads are so close kaya naman ayaw nilang magkalayo sila sa isa't isa. Mag-bestfriends na rin pati mga mommy namin. Nakakatuwa di ba?!

Suddenly, Michael's parents called for a family meeting. At doon ko nalaman that Michael's family are leaving for Singapore for Tito's work. And they are staying there for good. I know nalungkot ang dad ko sa balita. Pero mas nalungkot kaming dalawa ni Michael. For the first time, magkakahiwalay kami ng bestfriend ko.

So, fast forward, one day ago, Michael's family left the country. We actually sent them to the airport. So, now I am left alone. Mag-isang anak lang kasi ako. Wala na ang bestfriend ko. Wala na ang twin brother ko.

I was practicing basketball when a car stopped in front of Michael's old house. Oh, I could remember Tito told us that they sold their house. At malamang, sila ang nakabili sa house nila Tito. A woman came out of the car. She's like my mom's age. And a little girl went out from the backseat. And she's just so lovely. She has a straight black hair. Parang model lang ng shampoo. At bilog ang kanyang mga mata. Super black pa. Her checks are so pink. Parang kerubin. Kasing ganda sya ng babae na I assume mama nya.

My mom hearing the car engine went out from our house to welcome our new neighbors.
"Hi! Call me Sandra. Eto naman ang anak ko si Jordan. D'yan lang kami nakatira oh," sabi ni mom.
I said, "Hi!"
"Hello, I'm Patricia, single mom. Meet my daugther, Nadine. Say hi to them Nadine," said her.
"Hi!" sabi ni Nadine na nakatago pa sa likod ng mama nya.
So, I thought, "Nadine pala ang pangalan mo. At mahiyain ka pala."

"Well, Patricia. Alam mo ba na twin brother ng husband ko ang nakatira dati d'yan?" chika ni mommy.
"Oh really?" sabi ni Tita. Sabi nya tawagin ko raw syang tita.
"But they moved to Singapore for good. Nalungkot nga kami eh," added mom.
"Ay ganun ba? So sad. Ah sige. Pasok muna kami sa loob ha. We have to fix our things pa kasi eh." Tita and Nadine waived us goodbye.

One Sunday afternoon, I sneaked out to the falls where Michael and I used to play. I really miss my bestfriend. And then, I realized that someone was after me. So, I hid behind a bush. There, I saw Nadine looking for me. So, I surprised her.
"Bulaga!"

Natakot ko ata sya so she cried.
"Uy! Sorry na. Ba't ka ba kasi sumusunod sa akin?" said I.
"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa' yo eh," she answered.
"Sige. Friends na tayo. Wag ka nang umiyak," I said to her. "Sige ka, baka kunin ka ng monster na kumakain ng mga iyaking bata."
Ngunit hindi pa rin sya tumigil sa pag-iyak.
"Oh tingnan mo. Dumilim tuloy ang langit dahil sa pag-iyak mo," sabi ko.
Hay salamat! Tumigil din sya sa pag-iyak.
"Sabi ni mama, naiintindihan daw tayo ng kalikasan. Dahil daw sa atoms. Lahat daw ng may atoms, nakakaintindi, kahit hindi man sila makapagsalita. Kaya raw nung namatay si Jesus, naintindihan daw yun ng kalikasan. Kaya dumilim ang langit at lumakas ang hangin at yumanig ang lupa para maipakita na nalulungkot sila," sabi ni Nadine.
"Talaga?" sagot ko na nakataas ang kilay.
At doon nagsimula ang friendship namin ni Nadine. Nalaman ko na magsing-edad lang pala kami. Nalaman ko rin that her dad was an engineer and he died trying to save a construction worker's life.
"Yours" ang tawagin namin sa isa't isa, from the complimentary close 'sincerely yours'." At yun nga, naging partners kami sa mga kalokohan. At naging close na rin ang families namin. Salamat at nagkaroon na rin ng bagong bestfriend si mommy.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Seven years after.
Ang bilis talaga dumaan ng panahon. Teenagers na kami ni Nadine.
Now, I'm about to go out with my teammates from the locker. It's the championship! Our school was able to enter the finals. Kinakabahan ako kasi malaking team yung haharapin namin. Underdog pa kami.

People are shouting but I just could not hear anything. I could only hear my heart that beats so fast. I don't know but bigla akong nablanko. Kinausap ako ng coach namin pero hindi ko sya marinig. Ako pa naman ang inaasahan ng team. But when I saw Nadine cheering up from the audience, bigla lang akong nagkaroon ng lakas ng loob. Nandoon din ang mama nya. Of course, my mom and dad. Pati na rin ang younger brother ko. Yes, nagkaroon pa ako ng younger brother. And his name is Christopher. Six years old na sya. And they are all cheering out for me.

At nagsimula na rin ang laban.
At first, medyo nahirapan kami. Mas mataas pa ang score ng kabilang team. But just like what everyone says, "bilog ang bola."

Last two seconds sa fourth quarter, lamang ng one point ang kalaban. Pero sa amin ang bola, may free throw pa. At kaya nung pinasa na ito sa akin ay binigay ko na lahat. And Yes! Naipasok ko ang bola for three points. We've got the championship. And me, as the "Player of the Game". Nakaka - proud. Syempre proud din ang family ko sa akin. At sila Nadine at si Tita Patricia.

Nilapitan ako ng team captain ng kabilang team at nakipag-shakehands sya sa akin sabay sabi na, "Hindi pa tapos ang laban, brad!" Pero binalewala ko lang yun.

Pinuntahan ko sina mom and dad. "Ang galing talaga ng anak ko," sabi ni daddy.
"I'm so proud of you, son!" sabi ni mommy.
"Kuya, one day, I will be like you," sabi ni bunso.
"Congratulations, Jordan", pagbati ni tita.
"Yours! Sabi ko na nga ba eh. Mananalo ang bestfriend ko," Proud na sabi ni Nadine.

I just can't believe how Nadine grew up to be a tomboy. I didn't see that before. Napakahinhin nya kasing bata. I think I must be the one to blame for it. Puro panlalaking laro na lang kasi ang nilalaro namin nung mga bata pa kami. Of course, you can't force me to play barbie dolls. And Nandine is just so understanding and always giving way for me. Kaya ako na lang ang laging nasusunod.
Anyway, Nandine is a taekwondo player. And she excels in that sports. Of course, I'm supporting her like how she supports me. We make sure that we are always there for each other. Lagi kaming present sa mga games namin to support each other.

Nagkaroon pa ng victory party sa school, kaya nauna nang umuwi sila mom at dad. At pauwi na kami ng teammates ko kasama si Nadine at ilan sa mga friends namin nang harangin kami ng team na tinalo namin. Nilapitan ako ng kanilang team captain, "Di ba sabi ko sayo hindi pa tapos ang laban", sabi nya.

Ta's bigla nya akong sinikmurahan. Kaya nagka-rambolan na. Hindi naman nagpahuli ang bestfriend ko. Palibhasa taekwondo player. Kaya ang lakas ng loob.

Susuntukin na sana ako ng kanilang captain nang tawagin ako ni Nadine. "Yours!" sigaw nya.
Nung pailag na ako, sya namang sulpot ni Nadine sa likod ko, kaya sya ang tinamaan. "Yours!" sigaw ko.
Buti na lang at may dumaan na police car na nagpapatrol ng mga oras na iyon at inawat kami. Bilis lang nakatakbo ng kabilang grupo. At sa prisento, sinundo kami nila mommy't daddy kasama si Tita Patricia.

Pagdating sa bahay, sermon ang napala naming dalawa ni Nadine.
"Ano ba ang naisip nyong dalawa't nakipag-rambol kayo. Lalo kana Nadine. Ki babae mong tao", sabi ni Tita Patricia.
"Wag nyo na pong pagalitan si Nadine, tita. Sila po ang nauna. Tinambangan nila kami. Pinagtanggol lang naman namin ang isa't isa," pagpapaliwanag ko.
"Ki sila ang nauna o kayo, sana umiwas na lang kayo sa gulo," dagdag ni mommy.
"Pabayaan nyo na. Basta di na mauulit to ha!" sabi ni daddy.

Nang sumunod na araw pumasok na kami ni Nadine sa school. Kami lang ang tinitingnan ng mga tao. Lalo na si Nadine. Ang laki kasi ng black eye nya. And we stayed under the jack fruit tree nung nag-recess na, waiting for our next subject.
"Smile!" sabi ko kay Nadine na kanina pa walang imik.
"Uy! Smile naman dyan," sabi ko. Pero di nya pa rin ako pinapansin. So, I pinched her rosy cheeks.
"Ano ba?" sabi nya sabay tulak sa akin.
"Ayaw mo kasing mag-smile eh", sabi ko. Dahil doon, napilitan syang mag-smile.
"Yan. Kasyang-kasya lang pala ang sukat ng postiso mo", nakatawang sabi ko.
"Eto oh. Nang-aasar pa. Nawalan na nga ng isang ngipin yung tao," sagot nya.
Natanggal kasi ang front tooth nya sa lakas ng suntok ni captain. Yung central incisor. Buti na lang at dentist ang mama nya. Kaya agad nalagyan ng postiso.
"Ba't ba kasi nakipagsuntukan ka. Sana nag - video ka na lang para may proof tayo na sila nga ang nauna. Ayan, natanggal nang isang ngipin mo, nagmukha ka pang panda," pang-aasar ko pa sa kanya. At napasigaw na lang sya sa galit.

I am always busy at basketball practices. And I don't have time to study. But thanks to Nadine, she's always there to help me catch up our lessons. Although, she's also busy on her taekwondo and studying but she always has the time for every thing. Doon ako hanga sa kanya.

One morning, late akong dumating sa school. "Big J!" my teacher shouted at me. I'm actually known by that nickname. "You're late again. Where is your assignment?"
Kinabahan ako. Hindi ko kasi nagawa ang assignment ko, "Ah, eh, teacher, kasi ganito yun.."
"Ah, teacher," Nadine interuppted, "nasa akin po ang assignment nya. Sabay po kasi kaming gumawa ng assignment sa bahay namin, kaya naiwan nya po ang notebook nya." She winked at me.
Thanks to Nadine. She saved my day like she always does. "Okay!" sagot ni teacher.

"By the way, class, magkakaroon kayo ng prom night in two weeks. So, maghanap na kayo ng makaka-date ninyo. But then again, we're not teaching you on how to flirt here. We just want you to meet other students in this school. We're teaching you on how to socialize. Lalo na sa mga masyadong loner dyan," sabi ni teacher. At tawanan kaming lahat.

At recess, syempre like my yours always does pinagalit nya ako. Saying hanggang kailan daw ako magiging ganito. Pa'no na raw 'pag nawala sya sa buhay ko.
"OA naman nito! Ang lakas mo kaya. At ang tapang - tapang pa. Pati siguro kamatayan tatakbuhan ka, " sagot kong nakatawa.
"Syanga pala. Tayo ang magka-date sa prom ha! " sabi ko sa kanya.
"Ah.."
"Oh bakit?" tanong ko. "Baka naman babae ang gusto mong maka-date?" sabi ko sabay tawa.
"Eto oh, nang-aasar pa ," galit na sagot nya.
"Joke lang!" sabi ko.
"Oo na. Sino pa bang ide-date ko kundi ang bestfriend ko," sagot nya.
"Sige ha. Wala ng bawian. Mag-ayos ka nang pangbabae para hindi malito ang mga tao kung sino ang lalaki sa ating dalawa," sabi ko at tumakbo na ako. Baka kasi makatikim ako ng flying kick. Ang sarap - sarap talaga kasing tuksuhin nitong si Nadine. Lalo syang gumaganda kapag nagagalit.

At the prom night, naghihintay ako kay Nadine sa labas ng gate nila habang inaayos ni mommy ang buhok. "Gwapo talaga ng Jordan ko," sabi ni mommy.
"Syempre! Saan pa ba magmamana yan kundi sa akin. Kaya nga patay na patay ka sa akin, di ba?" sabi ni daddy.
"Ay, naku. Tigilan mo nga ako", sagot ni mommy na halatang kinikilig.

At yan, may lumabas na rin sa gate. Akala ko si Nadine, si tita pala.
"Salamat sa paghihintay," sabi nya.
"Labas ka na, anak."
Natahimik ako nung nakita ko si Nadine na lumabas sa gate. She's so beautiful. She's like a princess. Hindi mo man lang makikita ang black eye nya na hindi pa rin gumagaling. Ang galing kasi ng pagkaka-makeup ng mama nya. At biglang...
"Aray ko!" sigaw ni Nadine na natapilok.
"Pasensya na. Hindi kasi sanay ang anak kong magsuot ng heels," paliwanag ng mama nya na tinutulungan syang tumayo.
"Wow, Nadine! Ikaw ba yan? Sa wakas. Nagmukha ka na ring..."
"Sige! Ituloy mo nang tamaan ka sa akin", galit na sagot nya.
"O tama na yan. Umalis na tayo't baka ma-late pa kayo. Sayang ang makeup ni Nadine," sabi ni dad.

At yun na nga, hinatid kaming dalawa ni dad sa venue. Syempre nung pumasok na kami, kagaya ko, nabigla rin ang mga tao nang makita nila si Nadine. Malayong - malayo sa tomboy na nakasuot lagi ng baseball cap. Lalo na yung mga lalaki, laglag ang mga panga! Kaya lang, natatapilok sya every now and then. Pero nandito naman ako handang umalalay sa kanya.

We were asked to dance with our partners. Hirap na hirap kaming dalawa ni Nadine sumayaw dahil sa heels nya. Lagi nyang naaapakan ang mga paa ko. At nasagid pa nya ang mga pagkain sa table. Sa sobrang hiya nya ay tumakbo sya papalabas sa venue. Syempre hinabol ko sya.

Doon sa garden, nakita ko syang umiiyak. "Nakakahiya, yours," sabi nya.
"Okay lang yun," sagot ko habang hinahaplos ang likod nya.
"Hindi mo naman ako naiintindihan eh. Wala ka kasi sa posisyon ko," sagot nya.
Kaya naman para maiintindihan ko sya, nakipagpalit ako ng outfit sa kanya. Ayaw nga nya eh pero pinilit ko sya. Pagkatapos naming makapagpalit ng damit, pumasok na uli kami sa venue. At nabigla silang lahat nang nakita nila akong nakasuot ng gown, habang si Nadine nakasuot ng suit.
Niyaya ko si yours na sumayaw. Kagaya rin nya, lagi akong natatapilok. Tawanan lang ang lahat sa amin. Nag-eenjoy naman kami ni Nadine. Kaya wala ng hiya - hiya. Salamat at napatawa ko na rin ang bestfriend kong kanila lang ay umiiyak.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Finally, graduate na rin kami ni Nadine sa high school. And we're ready for college. She graduated with honors. Syempre, ako rin. Salamat sa lahat ng tulong nya. Pa'no na lang kaya ako 'pag wala sya?
We've decided to study Architecture. Supportive naman ang parents namin. Lalo na si dad. Architect kasi ang dad ko. We enrolled at Universedad de Aguila. Of course, I'm also a varsity player in there for "Iron Feathers", which is the name of our team. And Nadine also pursues her taekwondo career there.

Basketball practice namin nun at may mga cheerleaders na nagpapraktis din at the far end. And then I saw such beautiful lady who stands out among all of the other cheerleaders. She owns shiny, curly, cool dark brown hair. Her eyes are almond. She's tall and slender. She's... Basta! Lahat na lang ng maganda na sa kanya na. Kaya nga natulala ako nang makita ko sya. Niwala akong marinig. Naka-smile lang ako. Para bang nakakita ako ng diyosa... By then, I knew that I fell in love with her. Nagising na lang ako nung may bolang tumama sa mukha ko. Nakakahiya nga eh. Tinawanan nya kasi ako.
But what's her name?
Nalaman ko from my teammates that her name is Valerie Hartman, brazilian - filipina - british. She's a model sya. At mala - Kim Kardashian ang dating n'ya. Kaya lang may boyfriend na sya who is also a basketball player from the other university. But it's okay.

Anyway, my team captain introduced me to her.
"Hi!" she greeted me. Nakipag-shakehands pa sya sa akin. At ang lambot ng kamay nya. "Hi" pa lang lalo na akong na-fo-fall sa kanya. And I want to get to know her more.

After practice, Nadine and I met at the school canteen. At kung akala nyo tuluyan nang naging babae si Nadine. Well, sorry to discourage you but hanggang prom night lang yun! Anyways..

"I've found the one!" I said to Nadine.
"Huh? Okay ka lang ba?" sabi ni Nadine.
"Yours! I've found the one, the right one for me. The love of my life! And I'm going to marry her in the future", excited na sabi ko.
"At sino naman ang napakamalas at kawawang babae ang tinutukoy mo?" tanong nya.
"Uy grabe sya oh," sagot ko. "Her name is Valerie Hartman. At napapa- heart - heart nga yung mga mata ko nung makita ko sya.
"Uy... my best friend is in love," tukso pa nya.
"Hay.. Valerie," sabi kong nag-de-daydreaming.
"Oh, kailan mo sya ipapakilala sa akin?" asked her.
"Yun na nga ang problema, yours, eh. May boyfriend na sya. At team captain pa ng Golden Bulls," sagot ko.
"Hala! May boyfriend na pala yan. Kung ganun, ngayon pa lang, itigil mo nang kahibangan mo sa kanya," sagot nya.
"Yours, boyfriend pa lang nga, di ba? Hayaan mo, magkakahiwalay din sila," sagot ko.
Tinaasan lang nya ako ng kilay sabay sabing, "Bi --tter!"

Hayy!! Tapos na rin ang klase and we're waiting for my dad under a shed to fetch me and Nadine sa labas ng school. Ayaw pa kasi ni dad na bigyan ako ng sarili kong car. And there, we saw Valerie. And she seemed like she's waiting for someone.
"Nadine, look! Yan si Valerie," sabi ko kay Nadine sabay turo kay Val. "Ganda nuh?"
"In fairness, hindi ka pala namalik - mata," sagot nya.
A sports car stopped by and a tall, dark and not so handsome guy came out of the car. He gave Valerie a kiss. And I was hurt.
"Ouch! Malamang yan yung boyfriend ng crush mo," panunukso ni Nadine. "Anong pangalan nya?"
"John Joseph Blanco. Golden Bulls' team captain, number 23," sagot ko. "At tiyak na makakalaban namin sila sa National Games.
"Laki ng katawan, yours," sabi ni nya. "Height mo?" she asked.
"6'2," sagot ko.
"Siguro nasa mga 7'1 ata yan. At nakasakay pa sa sports car - BMW! Dehado ka, yours. Balita ko mabangis daw yan sa court," sabi ni Nadine.
I felt like she's trying to discourage me, so I said, "Wala yan sa laki at sa sports car, nasa galing at puso yan," sagot ko.
"Wow ha! Kung maka - Mark Pingris lang eto. Parang true!" sagot nya.

At salamat ay dumating na rin si dad. At sa loob ng car, I asked my dad, "Dad, can I drive my own car now?"
"Oh bakit bigla ka na lang humihingi ng sasakyan?" asked dad.
"So that you don't need to fetch me and Nadine everyday," I answered.
"Why? Masaya naman ako sa ginagawa ko ah," he answered.
"Ay naku, tito. Gusto lang nyang magpa-impress sa crush nya," panunukso ni Nadine.
"Uy, ano ba?" sabi ko.
"Ah.. Nagbibinata na talaga ang anak ko," sabi ni dad. "Don't worry, son! This weekend, I'll buy you a car."
At tuwang - tuwa naman ako sa narinig ko.

On weekend, as dad has promised, he took me to the dealership to get the car that I like. But I realized I wanted to ride a motorbike. So, nagpabili ako kay dad ng Lamborghini motorcycle. Feeling ko kasi para akong action star kapag nakasakay ako sa isang bike. Syempre my best friend was the first person to have a backride.

Sa parking lot ng university, Valerie saw me riding my Lamborghini and she smiled at me. Gwapong - gwapo naman ako sa sarili ko. "One point!" said I.

One time, nagpatulong ako kay Nadine gumawa ng love letter. "Yours! Tulungan mo naman akong gumawa ng love letter para kay Val oh," I asked her politely.
"Fine!" she said. "Message mo sa kanya?" pasupladang tanong nya.
"Basta gusto ko lang ipaalam sa kanya na may lihim na nagmamahal sa kanya," sagot kong kinikilig pa.
"Ay naku! Mr. Secret Admirer!" said Nadine. "Uso pa pala yan ngayon. Ba't di mo na lang kaya i-messenger?"
"Eh di malalaman nyang ako ang secret admirer nya!" sagot ko.
"Gumawa ka ng dummy account!" sagot nya.
"Ba't di mo na lang kaya simulan ang pagsusulat?" sabi ko sa kanya.
"Demanding? Ikaw na lang kaya ang magsulat," sabi nya.
"Alam mo nang pasmado ako!" sagot ko.

And I asked a school janitor to give the letter to Val who's seated with her four girlfriends next to our table at the cafeteria. "What's that, Val? Love letter?" asked one of her friends.
"Hindi! Bill ng Meralco!" another friend said.
"Pilosopo!" sagot ng isa.

I can't believe pinabasa nya 'to sa mga friends nya:

"Dear Valerie,
The first time I saw you, I knew that it's you.
When our eyes met, suddenly I saw a glimpse of our future.
But I know that your heart belongs to someone else.
And I've heard that you're so much into him.
Yet I'm so in love you. And I just can't keep my eyes off of you.
He may be way too far better than I do but I'm hoping that you happen to glance your way to me.
And I'm praying that you'll end up with me.

You may not notice it but I have set my heart for you.
And I'm always here waiting for you till our hearts beat as one.

Sincerely Insane"

"Girl, you have a secret admirer!" a friend said.
"Oh no! Another hopeless romantic," another girl said.
"Ew!" sabi pa ng isa.
"Old school!" Val said. And they all laughed.

"Yours, old school daw" sabi ko kay Nadine.
"Oo. Narinig ko. Wag ka ngang parang radyo d'yan," she answered.
"Ba't mo ba kasi nilagyan ng 'Sincerely Insane'? What should I do now?" I asked.
"Eh di ligawan mo ng makatikim ka ng suntok mula sa boyfriend nyang titan," said Nadine.
"Baka naman ang ibig mong sabihin kapre!" sagot naman.
"Uy! Gwapo kaya yun. Masyado ka lang kasing ingit sa kanya dahil s'ya ang boyfriend ng crush mo at 'di ikaw!" sagot n'ya.
"So, crush mo?" sabi ko.
"Sinabi ko lang namang gwapo", sagot n'ya.
"Kanino ka ba talaga kampi?" tanong ko.
"O sige na, mas gwapo ka na sa kanya," sagot n'ya.
"Ngayon ano na?" tanong ko.
"Tigilan na kaya natin 'to, yours," sabi n'ya.
Napabuntong hininga na lang ako. "Well, at least, nalaman nya," I thought.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Siguro nga in every relationship hindi nawawala ang mga away - away. One afternoon, dumating ako sa bahay. I saw mom with Tita Patricia. Mom was crying while tita was trying to soothe her. When tita saw me, "Iwanan ko muna kayong mag - ina para makapag - usap kayo," sabi ni tita. She tapped my shoulder and left.
"Mom, what happened? Why are you crying?" I asked.
"Your dad left us. We had a terrible fight this morning. At hindi na namin naayos ang problema namin," she said sobbing.

I was so suddened by what I've heard from mom. Hindi agad nag - sink in sa akin lahat. Basta ang alam ko, nasasaktan si mommy.

Ilang days na rin na umiiyak ang mommy ko. Halos hindi na sya lumalabas sa room nila ni daddy. Hinahatiran ko na lang sya ng makakain. Kung hindi man inuubos ay hindi talaga ginagalaw. Lagi naman syang binibisita ni tita para damayan sya. Alam ko I need to be strong for my mom and Christopher. I'm the oldest son. Hindi ko man maipakita sa kanila pero parang sasabog na ang dibdib ko. At wala akong ibang malabasan ng sama ng loob kundi ang bestfriend ko. Sa kanya lang ako umiiyak. Sa kanya ko lang naipapakita ang kahinaan ko.
"You know what, yours? 'Pag ako nagkaroon ako ng sarili kong pamilya, hinding - hindi ko sila iiwan gaya ng ginawa ni dad sa amin. I hate him," sabi ko.
"Pssst! Wag ganyan, yours. Daddy mo pa rin sya," sabi ni Nadine.
"But he left us," said I mumbling.

And speaking of lover's quarell, paalis na kami ni Nadine sa school nung nakita namin si Valerie at ang boyfriend nyang nag - aaway. Nabigla kami ni Nadine nang sinampal si Val ng boyfriend nya kahit maraming tao. Sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ay napatumba sya sa lupa. And the guy left her in the shame in the middle of the crowd.
Pinara ni Valerie ang dumaan na taxi. Awang - awa nga ako sa kanya eh. Naalala ko kasi si mom. So, pinababa ko si Nadine sa motorbike ko para sundan si Valerie. And for the first time, I left Nadine for Valerie.

I saw Valerie's taxi stopped by the baywalk. There she sat on the riprap crying all alone. At nilapitan ko sya.
"Val!" I called her.
"Why are you here?" she asked and she immediately wiped her tears as she saw me.
"I'm sorry kung sinundan kita rito," said I. "Alam mo? Hindi mo dapat iniiyakan ang ganung klaseng lalaki. You don't deserve him. Marami pang lalaki d'yan na i-te-treat ka like how you should be treated."
She leaned on my shoulder and I hugged her. At doon na nga nagsimula ang pagkakamabutihan naming dalawa. "Yes! This is it." I said to myself.

Ngunit habang lumalalim ang pagkakasunduan namin ni Val, unti - unti naman akong napapalayo sa bestfriend ko. Halos lahat kasi ng time ko na kay Val na. At nagtatampo na rin si Nadine sa akin. Pero gusto ko lang namang lumigaya kasama ang babaeng mahal ko. At alam ko maiintindihan ni Nadine yun.

Inamin ko kay Val na ako si Sincerely Insane na nagpadala ng sulat sa kanya dati. Sinabi ko rin na narinig ko ang reaksyon nilang makakaibigan. At napatawa lang si Val sa hiya.
And after several weeks of dating, finally, Val said "yes" to me. Syempre ang bestfriend ko ang unang pinaalam ko sa mabuting balita.
"Masaya ako para sa'yo, yours. Finally, naging kayo na rin ng dream girl mo!" sabi ni Nadine.
"Sabi ko naman sa'yo, di ba?" sagot ko.
"But, Jordan, wag kang magagalit ha, pero may naririnig kasi akong balita na nagde - date daw sila uli ng ex nya."
Uminit ang ulo ko sa narinig ko, "Ano ba, Nadine? Ba't ba nagpapaniwala ka sa mga taong yan. Alam naman natin pareho na maraming na - i - insecure kay Val," pasigaw na sagot ko.
"Relax lang. Wag kang magalit. Ayaw ko lang namang masaktan ang bestfriend ko," sagot nya.
"Tama na! Ayaw ko nang marinig yan mula sa yo," sabi ko at agad akong umalis.

Nung akala ko okay na ang lahat sa amin ni Val, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. Alam naman ni Valerie na mag - bestfriends lang kami ni Nadine, pero hindi ko inaasahang pagse - selosan nya ito. Medyo possessive kasi sya. So, she asked me to stay away from my bestfriend. Otherwise, I would lose her. And I don't want that to happen. She's the love of my life. So, I talked to Nadine about it. And Nadine, as always been understanding ay lumayo rin sa akin. Hindi na rin kami nagpapansinan. As if hindi kami magkakilala. Hindi na rin kami sabay pumupunta sa school. Pero lagi nya pa ring ginagawa ang mga assignments ko. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil dun.

Walang imikan, until I've heard rumors about her and her taekwondo coach. Di ko napigilan ang sarili ko, so I confronted her.
"Nadine! Balita ko may relasyom daw kayo ng coach mo?" I asked her. But she just ignored me as if she did not hear anything.
So I grabbed her arm. "Nadine, ano ba? Sa lahat ba naman ng lalaki sa campus yung coach mo pa? Nadine, he's too old for you and he's already married!" said I.
"Ba't pa nagpapaniwala ka sa mga chismis d'yan?" pasigaw na sagot nya. "He's like a father to me. At hanggan dun lang yun. At sa lahat ba naman ng tao sa campus, mismong bestfriend ko pa, jinu - judge ako?" she answered with teary eyes.
"I'm sorry!" I said . But before I could speak another word, my girlfriend came and called me. From the look on her face, she's obviously mad and jealous. And without a word, I left Nadine for Valerie for the second time.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Semi - finals na ng National Games. My team, "Iron Feathers" laban sa "Golden Bulls", team ng ex ni Val. Sigawan ang lahat. "Big J! Big J! Big J!" Hindi lang namin malaman kung sinong "Big J" ang tinutukoy nila. Binansagan akong "Big J" at "Big J" din pala ang ex ni Val. Coincidence!
Nagche - cheer sina Val para sa team namin. At nasa crowd din si Nadine. She smiled at me but I just couldn't smile back to her. Val is watching. At ayaw kong mag - away na naman kami ng girlfriend ko dahil sa kanya. So, I ignored her as if I didn't see her. And I could see the sad looks on her face.

ANNOUNCER 1: Semi - finals na, partner! Iron Feathers vs Golden Bulls. Saan dito ang mga fans ng Iron Feathers, sumigaw kayo!

(Iron Feather's fans shout)

ANNOUNCER 2: At gusto ko namang marinig ang hiyawan ng mga fans ng Golden Bulls!

(Golden Bulls' fans shout)

ANNOUNCER 1: Alam mo ba, partner, ang dalawang team na'to ay matagal ng magkaribal?

ANNOUNCER 1: Oo naman, partner! Sinong di nakakaalam? At may bagong player ang Iron Feathers na balita ko, nagpapakitang gilas na raw. Tawag sa kanya ay "Big J". The rising star! Number 14! Jordan Phillips!

(Jordan's fans are cheering)

ANNOUNCER 2: Partner, wag mong kalimutan na may "Big J" din ang Golden Bulls. Ang mabangis at malaki at malakas, ladies and gentelmen, number 23, John Joseph Blanco!

(John Joseph's fan are cheering)

ANNOUNCER 1: Alam mo, partner, mas maganda sana kung sa finals maghaharap ang dalawang team na to eh. Pero! Pero... Sino kaya ang maghahari sa hardcourt ngayong gabi? Ang mga may pakpak? O ang mga may tig - aapat na paa?

ANNOUNCER 2: At may mga sungay pa ang mga yan, partner!

Wala akong inisip nung mga oras na iyon kundi ang matalo si John Joseph para kay Val. Mainit talaga ang dugo ko sa kanya. Mas malaki man sya sa akin pero hindi ako natatakot sa laki nya. At nilapitan nya ako.
"Ikaw pala ang umagaw ng girlfriend ko. Sa wakas, nagkaharap din tayo," sabi nya sa akin.
"Hindi ko sya inagaw mula sa'yo. Bigla mo s'yang binitawan kaya sinalo ko sya," matapang na sagot ko sa kanya.
"So, tumatanggap ka pala ng mga tira - tira?" sabi nya na nakatawa.
"Hindi ko alam na ganun pala kababa ang pagtingin mo kay Val. You don't deserve her!" sabi ko.
"Yes! A guy like me does not deserve a woman like her. She's so cheap. Ano ba ang nakita mo sa kanya?" sabi nya. "Bakit? Ikaw? Ano ba ang nakita mo sa kanya? Ba't mo s'ya syinota?" I asked him.
"Kaya nga tinawag na syota di ba dahil ibig sabihin nun, short time. And she's nothing good but for short-time," sagot n'ya.
"Tingnan natin hanggang saan ang yabang mo," sabi ko.
"Lakas ng loob mo ah!" sagot n'ya.

Bago pa man kami magkasuntukan ay inawat na kami ng mga teammates namin. Dahil dito ay mas lalo akong nainis sa kanya. Kaya lalo ko syang gustong talunin.

At nagsimula na nga ang game. Medyo marumi makipaglaro itong si John Joseph. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya. Dikit ang labanan namin. Pero sa huli natalo namin sila. At tuwang - tuwa ako sa resulta ng laban. Pinaghirapan namin 'to ng buong team ko. At nakita ko si John Joseph na nag - walkout. Napahiya siguro.
Sigawan ang lahat sa pangalan ko. Pakiramdam ko, nasa 'kin ang atensyon ng lahat. 'Liban kay Val. Nasan na nga ba sya?

Kasalukuyang kong hinahanap si Valerie. Hindi ko na kasi sya nakita after the game. Hindi rin nya sinasagot ang mga tawag ko. At doon sa parking lot ng arena, nakita ko syang nakikipaghalikan kay John Joseph. Sobrang nasaktan ako sa nakita ko. Kaya sinugod silang dalawa at sinuntok ko si John Joseph sa pisngi. Pero di man lang sya natinag. Ginantihan nya ako ng isang napalakas na suntok na nagpabagsak sa akin.
"Val, pa'no mo nagawa sa akin 'to. Minahal naman kita ah. Lahat ng gusto mo sinunod ko," sumbat ko sa kanya.
"I'm sorry, Jordan. But I'm still in love with him."

Yun lang ang sinabi nya sa akin at umalis na sila. Habang ako, ito, nakaupo lang na umiiyak at duguan ang mga labi. At biglang dumating ang bestfriend. Di ko alam, kanila pa pala sya nanunood sa amin. At gaya ng dati, sya na naman ang binuhusan ko ng sama ng loob.

Natuto akong uminom dahil sa sobrang sakit. Gusto ko lang namang makalimot. Iniwan ako ni dad. At ngayon naman.. si Val. Parang hindi ko na 'ata kakayanin lahat ng 'to.

Dumating si Nadine sa bar kung saan ako umiinom para awatin ako na sya namang ikinagalit ko. So, tumakbo ako palabas nang hindi pa bayad ang ininum ko. Malamang si Nadine na ang nagbayad. Pa'no na lang kaya kung wala sya.

I just could not think clearly that time. Nakasakay ako sa bike ko at hindi ko namalayan na masyado na pala akong mabilis. Sa crossing, may dumaan na 10 wheeler truck. Sinubukan ko pang magpreno pero di rin umabot.

Nang magising ako, nasa ospital na ako. Nandun sina Nadine, si mommy at Christopher, at si Tita Patricia. And I was so surprised na nandun din si dad. Magkahalong tuwa at galit ang nadarama ko nang makita ko si dad. Ganun pa man, si Valerie pa rin ang laman ng isipan ko. Nalungkot ako dahil niminsan, di ako dinalaw ni Val. At ang masakit pa, I missed the finals sa game namin. Bedridden kasi ako for some weeks dahil sa leg injury ko. Sabi ni Nadine panalo raw ang school namin, at least, 'di ba?
Kahit papano maswerte pa rin ako dahil pwede pa akong makalaro uli ng basketball. Masama man ang nangyari sa akin pero nagdulot pa rin ito ng maganda sa pamilya ko. Dahil dito, nagkabalikan sina mom and dad. Lalo kaming naging close ni dad na syang nag - a - advice sa akin. Maayos na ang pamilya namin. Okay na rin kaming dalawa ni Nadine. Ngunit di ko pa rin makalimutan si Val na umalis ng bansa to pursue her dream of becoming a famous super model. Ang alam ko, pumunta sya ng Singapore. At balita ko pa, hindi rin sila nagtagal ng boyfriend nya.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Graduate na kaming pareho ni Nadine sa kurso namin. Hindi muna ako nag - board exam. And I asked my parents that I would like to visit Michael in Singapore and have a vacation there. At saka na ako magbo - board pagbalik ko. Ayaw man nila pero pumayag na rin sila.

Alam ni Nadine ang tunay na rason kung bakit gusto kong pumunta ng Singapore. At yun ay para sundan si Val.
"Ano ka ba, Jordan? Kailan mo ba matatanggap na wala na kayo ni Valerie?" sabi ni Nadine nung nag-uusap kaming dalawa.
"Nadine! Ba't di mo na lang kaya ako suportahan? Ganun naman ang magbestfriends, di ba? Nagsusuportahan?" sagot ko sa kanya.
"Suportahan sa kahibangan mo? Eh lalo ka lang masasaktan sa ginagawa mo, yours!" sagot nya.

Oo, tama sya. Masakit nga. Pero mas lalo akong masasaktan 'pag hindi ko sinubukang ayusin ang relasyon namin ni Valerie.
"You don't understand it, yours. I love her so much. And I just can't live without her. And I will follow her wherever she will go. She means the world to me. Mamamatay ako 'pag nawala sya. Ganun ko sya kamahal, yours!" I said to her.
Iyak lang ako ng iyak na parang bata. At niyakap ako ni yours ng napakahigpit na napaiyak na rin.
"Hindi kita pipigilan na sumaya, yours. Susuportahan kita kagaya ng dati. At tandaan mo, kahit ano mang mangyari, nandito lang ako palagi," she said.

Binigyan ako ng despedida party ng mga kaibigan namin ni Nadine. Three days na lang kasi aalis na ako.
Sa falls kung saan kami nagtatambay ni Nadine, doon kami ng camp. Actually, gabi na noon at nagkaroon ng inuman at may bonfire pa. Sa sobrang kalasingan ay tumakbo si Nadine para sumuka. Sinundan ko siya. At doon, nagkausap kami ng masinsinan.
"Jordan, mahal kita. Matagal na", sabi niya. "Sobrang tagal ko nang itinatago ang nararamdaman ko para sa'yo. Hirap na hirap na ang kalooban ko. Hindi ko na kayang magpanggap pa."
"Yours! Alam mo naman di ba?" sagot ko.
"Ano ba kasing pinakain ng Valerie na yan sa'yo? Ba't ba hindi mo sya magawang kalimutan?" sabi niya.
Ako naman ay hindi makasagot sa kanya. Kung sana siya na lang ang minahal ko.
"It's okay. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Halika swimming tayo," paanyaya nya.
"Yours, sobrang lasing mo na," pagpipigil ko sa kanya.
"Okay lang ako. Kaya ko pang lumangoy", pagpipilit nya. At hindi nga s'ya nagpaawat sa kagustuhan n'yang lumangoy. At nagtapos ang gabing iyon na puno ng katanungan ang isipan ko. Sobrang litong-lito ko.

Few hours from my departure, nasa bahay pa ako at handa na akong umalis. At excited akong makita si Valerie sa Singapore nang may kumatok sa kwarto ko. "Ay, ikaw pala Nadine. Pasok ka," aanyaya ko sa kanya.
"Nadine, tungkol sa sinabi mo sa 'kin sa camp...," sabi ko. Napabuntomg hininga ako. "Mahal din naman kita eh. Pero..."
Hindi ko malaman kung paano ko bubuuin sa isipan ko ang gusto kong sabihin sa kanya. "Wala namang magbabago, 'di ba? Ako pa rin si Jordan na bestfriend mo!"
Ngunit wala lang s'yang imik. "Ayos lang! Di mo naman kailang sumagot eh," sabi ko.

Hindi na namin natapos ang pag - uusap naming dalawa dahil dumating si dad. Kailangan na raw naming umalis. At hinatid ako nina daddy at mommy sa airport, kasama ni Christopher at Tita Patricia. Hindi na rin sumama si Nadine. Mas mabuti na yun. Ayaw ko kasing makita ang mga luha nya. Tumingin - tingin pa ako sa paligid. Nagbabakasakaling nagtatago lang s'ya. And for the third time, I left my bestfriend for the woman that I love the most.

In Singapore, sinundo ako nina Michael kasama nina tito't tita. At wala talagang pinagbago si Michael. May tupak pa rin. Lalo pa ngang lumala.
Doon hindi ko alam kung saan ko unang hahanapin si Valerie. Hindi ko talaga kasi alam kung nasan sya. Nagbabakasakali lang ako. Wala na rin akong kontak sa pamilya ko nung mga panahong iyon. Lalo na kay Nadine. Alam ko kasing nasaktan ko s'ya ng husto.

I stayed with Michael's home in Singapore. And after some months, finally, I've found Valerie sa tulong na rin ni Michael. I've heard may ari na sya ng isang botique dun, "House of Valerie". At agad kong pinuntahan yun.
Excited akong makita sya. It's been two years since she left. Nung papasok na ako, sobrang kaba ang nadarama ko. Agad kong hinahanap si Val from one of her staffs. "She's right there," sabi ng babae sabay turo sa kanya. At ang saya - saya ko ng makita ko sya. Lalo syang gumanda.
"Val!" I called her.
"Jordan! You're here," she replied.
Nung papalapit na ako sa kanya, may dumating na isang chinese-looking guy at hinalikan sya sa labi. Parang nag-de javu lang.
"Ganitong - ganito ang nangyari dati ah," sabi ko sa sarili ko.
Tumingin ang lalaki sa akin. May sinabi sya kay Val pero hindi ko narinig.
"Oh by the way, meet Jordan, my old schoolmate from the Philippines," she introduced me to him.
"Jordan, meet my husband..."
"Meet my husband.." tanging yun lang ang narinig kong umi-echo sa isipan ko. Ewan ko, ba't bigla akong nabingi. Hindi ko na narining ang sumunod na sinabi nya. Basta nakipag - shakehands ang lalaki sa akin at umalis na ako agad.

Sa loob ng kwarto namin ni Michael, nandun ako mag - isang umiiyak. Sawi na naman ang puso ko. At naalala ko ang sinabi ni Nadine sa kin. Ba't nga ba hindi ako nakinig sa kanya. Hindi na sana ako nasasaktan ngayon. Naalala ko ang pamilya ko. At na-realize ko na medyo matagal na rin akong nalayo sa kanila. So I decided to go back home immediately.

Nagpapasalamat ako kay tito at tita sa pag-aaruga nila sa 'kin habang nasa kanilang poder ako. Lalo na kay Michael na sobrang na-miss ko. But I have to go back home. Because I know where my heart really is. And that is back home.

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Finally, I'm home!
Nakita ko sina mommy, daddy at Christopher na naka - abang sa akin. Syempre may dala akong pasalubong para sa kanila.
"Anak, we missed you so much!" umiiyak na sabi ni mommy.
"Oh, ba't di ka man lang nagparamdam sa 'min, anak?" tanong ni dad sa akin.
"Pasensya na po. Masyado lang po akong nag - enjoy sa Singapore," sagot ko. "Ah, si Nadine po asan?" tanong ko.
Hindi sinagot nila mommy ang tanong ko, "Ah, anak, dun na lang tayo mag - usap pagdating natin sa bahay. Alam ko pagod ka," sabi ni mommy.
"Oo nga po. May jetlag pa nga po ako eh," sagot ko.

Pagdating namin sa bahay...
"Oh eto mga pasalubong ko sa inyo," sabi ko habang binubuksan ang dala kong box na may lamang regalo para sa kanila.
"Meron para sa'kin, kuya?" tanong ni bunso.
"Syempre! Makakalimutan ba naman kita?" sagot ko sa kanya.

Narinig kong may nagdo - doorbell, at inisip kong si Nadine yun. "Ako na ho ang magbubukas," sabi ko. Ngunit si Tita Patricia pala ang nag - doorbell.
"Kumusta ka na, Jordan?" Tita Patricia.
"Ayos lang po. Sige ho pasok po kayo, tita!" I invited her in.
"Nasan po si Nadine" I asked her. "May dala pa naman akong pasalubong para sa kanya. I'm sure magugustuhan nya 'to," sabi ko.
"S'yanga pala, yung tito't tita mo, kumusta? Si Michael?" tanong ni dad.
"Okay lang po sila doon," sagot ko. "Teka hindi n'yo pa po sinasagot ang tanong ko. Nasan po si Nadine?" Pero nagtinginan lang sila. Kaya nagtaka na ako.
"May dapat po ba akong malaman?" I asked them.
Dad spoke to me, "Anak, we were contacting your tito every now and then para kumustahin ka. And we thought you're doing fine."

And there was a long moment of silence.....
And mom started to cry, "Oh, Jordan! Anak."
"May dapat po ba akong malaman?" I asked them.
And Tita's voice was breaking, "Wala na sya, Jordan. Wala na ang anak ko!" And she cried.
"Ho? Pa'no? Ano pong nangyari?" tanong kong litong-lito.
"Wala ka ba talagang maalala, Jordan?" dad started to speak slowly, "Nadine died last year during your camp."
At ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko habang unti-unting bumabalik sa aking alaala ang lahat.

(Flashback)
Nagkaroon ng inuman noon. Pero hindi uminom si Nadine para raw may umalalay sa akin 'pag nasobrahan daw ako. At sa sobrang kalasingan ko nga ay napatakbo ako para sumuka. Sinundan naman ako ni Nadine para alalayan. At doon nga ay nagkausap kaming dalawa ng masinsinan.
"Jordan, mahal kita. Matagal na", sabi niya. "Sobrang tagal ko nang itinatago ang nararamdaman ko para sa'yo. Hirap na hirap na ang kalooban ko. Hindi ko na kayang magpanggap pa."
"Yours! Alam mo naman di ba?" sagot ko.
"Ano ba kasing pinakain ng Valerie na yan sa'yo? Ba't ba hindi mo sya magawang kalimutan?" sabi niya.
Wala akong maisagot kay Nadine noon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nabigla rin kasi ako sa inamin n'ya sa akin.
"It's okay. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Balik na tayo sa kanila."
Sa pagbalik namin ay uminom si Nadine. At pinipigilan ko s'ya dahil hindi s'ya sanay uminom.
"Halika swimming tayo," anyaya ni Nadine.
"Yours, sobrang lasing mo na," pagpipigil ko sa kanya.
"Okay lang ako. Kaya ko pang lumangoy", pagpipilit nya.
"Yours!" sampit ko.
At hindi nga s'ya nagpaawat sa kagustuhan n'yang lumangoy. Nang nag-dive si Nadine, akala ko okay lang s'ya. Pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa s'ya umaahon. At kinabahan na ako.
"Guys! Si Nadine! Si Nadine!" sigaw ko habang tumatakbo para sumisid. Sinubukan naming sumisid para hanapin s'ya pero masyadong madilim.

At kinabukasan natagpuan ang katawan ni Nadine ng mga rescue team. Umiyak lang si tita nun na akap-akap ang wala ng buhay n'yang anak. Habang ako, sigaw lang ng sigaw.

(Sa kasalukuyan)
Nang maalaala ko na ang lahat ay napahawak na lang ako sa ulo kong parang mabibiyak sa sakit. Oo nga pala. Sabi ng doktor masyado raw akong na-trauma sa nangyari kaya may mga nakalimutan ako. Pinapunta ako nila dad ng Singapore para magpagaling. At oo nga pala. Nag-se-celebrate kami ng graduation ng mga kaklase ko doon sa camp sa may falls. Sa may falls kung saan nagsimula ang friendship namin ni Nadine. Sa falls kung saan naglalaro kami ni Nadine. Sa falls na sya ring nagbawi ng buhay ni Nadine. Sa falls kung saan nagwakas ang lahat.

At kinahapunan ay pinuntahan ko agad ang puntod ni Nadine. Doon, naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. At doon ko rin na - realize na napakawalang kwenta ko pa lang bestfriend. Gusto ko lagi na lang ako ang iniintindi.
"Nadine! I'm sorry! I'm sorry!"
Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi, "I'm sorry!" Puno ako ng panghihinayang at hiyang - hiya rin ako sa sarili ko.
One day ago was Nadine's first death anniversary. And I asked myself, if only I had loved her the way she loved me, baka hindi s'ya naglasing. Baka hindi s'ya lumangoy ng lasing. Baka hindi s'ya nalunod. Baka hindi s'ya nawala sa amin.
Many times, I have left my bestfriend to follow the woman that I love and now I lost them both. Dati, ako ang nang - iwan sa kanya. Ngayon sya na ang nang - iwan sa akin.
"Nadine, akala ko ba sabi mo sa akin dati na nandito ka lang palagi kahit anong mangyari. Ba't mo ako iniwan, yours!" sabi ko.
Bumulusok ang ulan kasabay ng pagbulusok ng mga luha sa aking mga mata. At para bang narinig ko ang boses ni Nadine na nagsasabing:
"Naiintindihan tayo ng kalikasan!"

** thanks for reading. continue to enjoy reading **

Araw-araw kong binibisita ang puntod ni Nadine. Hindi madaling tanggapin ang nangyari. Lalo na't alam mong nasaktan mo ng husto yung tao.
Dumating rin si Tita Patricia sa puntod ni Nadine at may binigay siya sa akin. Sabi nya nakita raw n'ya ito sa drawer ni Nadine at may pangalan ko. Nang buksan ko ang box, nakita ko ang isang crystal clear vial na ginawang pendant. At ang nakasilid nito ay ang natanggal na ngipin ni Nadine. Tinago n'ya pala ito. Napangiti na lang ako. "Si Nadine talaga," sabi ko.

One year has passed. Nakapag - board exam na rin ako at nagtatrabaho na rin ako sa company namin bilang architect. Pero sadyang hindi ko maiwan - iwan ang basketball, kaya sumali na rin ako sa professional league. Ang pamilya ko ang inspirasyon ko ngayon. Every game and every point, I dedicate it to them, especially to my yours.
Kahit wala na si Nadine, I still could see her in the audience cheering for me - my true cheerleader!

"Nadine! Wherever you are, I know that you're happy in there. Wala nang Jordan na laging nang - aasar sa'yo. Wala nang yours na lagi mong pinagtatakpan. And Nadine, I want to let you know that you're my first love. I just could not tell you then. Natakot kasi ako sa'yo. Natakot ako baka makatikim ako ng flying kick mula sa iyo 'pag nalaman mo. But I have really loved you. And I will always love you forever."

Sincerely Yours,
Jordan

- THE END -




Continue Reading

You'll Also Like

367K 15.6K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
127M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.5M 135K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
172M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...