The Mafia Prince: The Reset

By krylesung

34.8K 807 153

The Mafia Prince's Sequel. (Gonna finish it first before editing the whole story, both books 1 and 2) More

CAST OF CHARACTERS
P.R.O.L.O.G.U.E (Prologue pa lang itey. Hahaha)
Golden Black Box? Golden na nga, Black pa?
Wisdom
The Royal Household of Lancaster
The Encounter
At Age Eleven
The Introduction
Mission... Failed?
It's Simply Complicated
Game of Chess
The Same Fvcked Up Mind
Midnight Meet-up
The Truth Will Set You Free Part One
An Invitation
I'm Still Your Mother
Cast of Characters (Female)
Their... long lost sister?!
Kristina Madrigal
Katarina Madrigal's Comeback
Neutral
It's a Twisted Fate
Alexandra
I Love You... Always
Mrs. Stallworthy
NOT AN UPDATE
Mind Games: Part 1
Mind Games: Part 2
Mind Games: Part 3
Refuge
Accomplices
Kelly Cryle
The Black Society
Frill
The Flawless Plan
The King and Queen
Love of My Life
The Right Decision
150
A Great Compromise
Nail in the Coffin
The Traitors
Unmasking
The Truth Will Set You Free Part 2
Arson
Autumn
Alexander Lancaster
The Reset: The Genesis of the Great War
The Reset: The Antidote
The Reset: An Unforseen Puzzle

Master of the Dungeon

693 20 2
By krylesung

ALEXANDRA's POV

Nagising ako nang may narinig akong sunod sunod na ingay mula sa labas. Nagtaka naman ako dahil umaga na at nasa isang medyo pamilyar na silid ako at doon ko lamang napagtantong nasa mansion kami ng mga Stallworthy. Tinignan ko ang sarili ko at napagtantong iba na ang damit na suot ko pero wala na akong panahon na isipin pa kung sino ang nagpalit sa akin dahil sa sunod sunod na ingay na naman na narinig ko. Medyo maingay na rin sa labas kaya tumayk ako ag nagtungo sa terrace at dun ko nakita ang kaguluhan sa baba.

Mga tauhan ng mafia na busy at lahat ay may buhat buhat na mga kahon na dinadala nila sa mga malalaking truck. Ano bang nangyayari? Natulig lang ako eh may ganito na agad. And to feed my curiosity, lumabas na ako ng kwarto at hinanap ang taong alam kong makakasagot sa mga katanungan ko. Ngunit pagkadating ko sa mismong baba ay nagulat ako nang makita ang miyembro ng mafia ng mga magulang ko at maging ang miyembro ng Wisdom pero wala ang taong iyon. Ano bang nangyayari? Bakit parang seryoso ang lahat? May problema ba? Okay naman ang lahat kahapon.

"Anong problema? Bakit parang busy kayong lahat?" tanong ko sa kanila sabay unat. Tumingin naman sila pero hindi nila ako sinagot. "Uso mamansin"

"Puntahan mo si kuya Nathan sa basement" nagulat ako sa pagkakasabi ni Weather... Malamig at seryoso kaya hindi na ako nagsalita at sinunod ang sinabi niya. Mukhang may problema nga. Kaya dali dali naman akong nagtungo sa basement at agad na nakita ang taong hinahanap ko. Mag-isa lang niyang nakaupo sa mahabang sofa habang umiinom ng alak. Ang aga aga eh nagpapakalasing na siya. Ano bang problema ng mga toh? Hindi na lang kasi ako diretsuhin para matapos na.

"Nathaniel" agad niya akong tinignan ngunit halos muntik na akong mapaatras nang salubungin ako ng blangko niyang mga mata. "M-may problema ba?" hindi siya nagsalita at uminom sa kanyang alak. Ganun lamang ang ginawa niya hanggang sa maubos niya ang iniinom niya. Bigla akong kinabahan dahil sa demonyong nasa harapan ko ngayon. Parang back to square one kami ngayon. "May nangyari ba?"

"What do you think?" mas lalo akong kinabahan sa lamig ng boses niya ngayon.

"A-ani bang nangyari?"

"Leader ka ng Wisdom diba? Then you should be aware of everything that are happening around you" sabi niya.

"Alam mo, kaysa makipaglaro ka sa akin ng hulaan, baka pwedeng sabihin mo na lang? At huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na wala akong kwentang leader dahil kung napakagaling mo, hindi sana nagkawatak watak ang grupo mo" tumalikod ako upang lumabas ngunit nagulat ako ng may mabilis na hangin na dumaan sa pisngi ko at nabasag ang baso na hawak hawak ni Nathaniel kanina. Agad ko siyang tinignan dahil don.

"You have no idea how I've worked hard to build my mafia"

"And you have no idea how I've fvcking tried to mold your mafia back together. Tangina. Hindi mo alam kung paano ako nagmakaawa kila Autumn na huwag kang iwan kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan"

"You don't fvcking care"

"Tangina naman Nathaniel! Kung may nagawa man akong mali sabihin mo! Hindi yung nakikipaglaruan pa ako sayo!" hindi niya ako sinagot pero tumayo siya at lumapit sa akin kaya napaatras ako. But he was fast enough to hold my hand na pigilan ako sa paglayo.

"Wala ka nga bang talagang alam. Alexandra?"

"Putangina naman Nathaniel! Magtatanong ba ako kung meron?!"

"Pinalaki ka ng mga traydor... Hindi kaya isa ka ring traydor?"

"What? Ano bang sinasabi mo?"

"Why don't you ask your foster parents, Alexandra?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo tanungin ang pinakamalaking ahas na kalaban natin?"

"Tangina Nathaniel, hindi kita maintindihan!" hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ang leeg ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"They were right about one thing... your enemies won't betray you but your friends will" nang sabihin yun ni Nathaniel ay biglang bumalik ang mga alaala ko nung nasa Grade 5 pa lang ako.

Flash back

I'm so down at feeling ko mag-isa lang ako. I was betrayed by my most trusted friend --- ah! Hindi pala. Akala ko kaibigan ko pero hindi pala. Naging kaibigan lang nila ako for academics purposes. Galit ako pero hindi ko kayang ipakita sa kanila. Hindi pa naman nila alam na alam kong plastic lang pala sila. Buong gabi akong walang gana. I tried not to show it pero alam kong nahahalata na nila mama at papa. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa kisame. May mga assignments pa ako pero wala pa akong balak tapusin. My "friends" were calling and they even texted na kokopyahin nila assignment ko dahil may work daw sila.

Tsss. Hindi ko na rin alam. Akala ko tunay na kaibigan ko sila. How can they be so selfish? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila yet nagagawa nila ito sa akin. As far as I can remember, naging mabait naman ako all throughout. Yun pala, sinisiraan na nila ako kapag nakatalikod ako. Sana pala hindi na lang ako nagtiwala sa kanila. Napaayos ako sa kama nang may kumatok. Alam kong si mama yun kasi sa kanila ni papa, si mama yung mas gusto na kinakausap ako. Si papa naman, hinahayaan lang ako taz hihintayin niyang ako ang lalapit.

"Aegi... Gising ka pa?" rinig kong sabi ni mama. Hindi naman ako gumalaw at nanatiling nakapikit ang mga mata ko. "Don't try to fool me anak. You never sleep with the lights on" at dun na ako napamulat. Umupo si mama sa gilid ng kama ko kaya umupo ako. "Gwaenchanh-a?" umiling ako. "Ai jalmos doengeoya?"

"Mama..." hindi ko sinagot ang tanong niya at sa halip ay niyakap ko lang siya at dun na ako umiyak. Hinintay naman ni mama na tumahan ako before telling her what's wrong. "Bakit kaya ganun ma? Wala naman akong ginagawang masama pero bakit nagagawa pa rin nila akong traydorin? Akala ko pa naman mga kaibigan ko sila"

"The sad part of betrayal is that it never comes from your enemies"

End of Flash Back

Nakatulala ako habang nakatingin sa mga blangkong mata ni Nathaniel. Unti unti rumirehistro sa isip ko ang sinabi niya. Unti unti kong naintindihan ang mga sinasabi niya. Ngunit parang ayaw tanggapin ng sistema ko. Parang... parang kalokohan lang. Hindi... Hindi ito maaari.

"I-imposible..." bulong ko na alam kong nakarating sa pandinig ni Nathaniel kaya napangisi siya.

"What's impossible about it, Alexandra?"

"T-there must be some mistake"

"The only mistake here is when my parents trusted them. And now, I'm doubting if I could still trust you. You're their adopted child, anyway"

"Do... do you honestly think na kaya kong gaguhin ang mafia, Nathaniel?"

"Why not? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat, Alex?! Your foster parents are the biggest snake! Ang tagal tagal namibg hinanap ang ulo ng pinakamalaking grupo na kumakalaban sa amin pero hindi namin mahanap dahil kami mismo ang pumoprotekta!"

"B-baka nagkakamali lang kayo..."

"Nagkakamali? You were with them for two fvcking decades Alexandra! Sa tingin mo ba sa mga panahong iyon, hindi ka kayang hanapin ng mga taong gustong pumatay sayo?! Do you honestly think that they will not take that opportunity to find ng slaughter you?! Ni hindi ka ba nagtataka na for all those years, nanatiling buhay ang mga kumupkop sayo?! Kilala ng kalaban namin ang bawat at dating miyembro ng mafia! Sa tingin mo, paano nabuhay ang mga kumopkop sayo ng ganun katagal gayong hindi alam ng mafia kung nasaan sila?! At alam mo kung bakit hindi ka nila magawang patayin?! Dahil alam nilang balang araw ay hahanapin ka ng mafia and they will use you as their advantage! Nakapasok sila dahil sayo!" nag-sink in na lahat ng impormasyon sa isipan ko. As much as I wanted yo deny it, tama lahat ng sinabi ni Nathaniel. Kahit saang anggulo ko tignan. I becamr a part of their entry... no... I became their entry. P-pero paano? How could they do this to me? Akala ko ba pamilya kami? What happened?

"P-Pero wala akong alam sa ginagawa nila"

"Use that ignorance. You will be our entry point"

"Gagamitin niyo rin ako?"

"Ano ba sa tingin mo?"

"Nathaniel! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?!"

"That's sir Nathan to you" My jaw dropped as I stared into the abyss of his eyes. This is not the Nathaniel na nakasama ko kagabi. Hindi na siya yung dating Nathaniel na kilala ko. I can't believe na kaya niya akong gamitin. I can't believe na dahil pinalaki ako ng mga nagtraydor sa kanila, eh traydor na rin ang tingin niya sa akin. Masakit lang sa akin dahil bakit parang sinisisi niya ako sa nangyari sa mafia nila? Wala naman akong kamuwang muwang pa noon. Ni hindi ko nga alam na may mafia pala talaga sa totoong buhay. Wala nga aking kaalam alam diyan.

Umalis na ako ng basement dahil hindi ko kinakaya ang nga sinasabi niya. I was about to approach the team but I saw the same emotion na nakita ko sa mga mata ni Nathaniel. They were all blaming me, except for three people... Autumn, Renzo and Rence. I just knew... yun pa rin ang tingin nila sa akin kaya alam kong naniniwala sila sa akin. Kaya hindi na ako tumuloy. I ran out of the mansion at alam kong nakatingin na ang mga tao sa akin ay hindi ako huminto. Ni wala man lang rin pumigil sa akin at nag'offer ng ride. Hinayaan lang nila ako na parang hindi nila ako kilala. Nang makarating ako sa gate at lumingon ako at nakita ko sa terasa si Nathaniel na nakatingin din sa akin. I thought that he was going to order his men to close the gate pero hindi. Pinanood niya lang akong umalis. Nasaktan ako dun. I thought we were building a relationship... I thought that I was ready to give him his one month pero nangyari pa ito. He did not listen. Hindi niya ako pinakinggan. Mas pinaniwalaan niya ang logic na nabuo sa isipan niya.

Wrong move. Shit! Hindi ko dala ang phone at wallet ko! Damn?m! But with my pride on the line, tumuloy ako at hindi bumalik. Bahala na. Medyo malayo pa naman ang mansion nila sa kabihasnan. Mabigat ang puso ko at halos maluha luha na rin ako at hindi ko hahayaang makita nilang mahina ako. Una kong pupuntahan sila mama at papa. I will here everything from them at sana mali sila... Sana hindi totoo. A part of me was telling na nagkamali lang ang mafia but a vigger part of me is also blaming myself for not seeing that possibility.

*

Pagod at nahihilo pero pinilit ko pa ring maglakad. It's almost evening... Palubog na rin ang araw. Ang talino ko naman din kasi... aalis alis ng walang dalang kahit ano. Ni hindi ko pa nga alam kung nandun sila mama at papa eh. Ang alam ko lang nilipat sila ng mafia para maprotektahan sila pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan sila at hindi ko na rin alam kung alam nilang alam ko na ang ginagawa nila. Nakikita ko na rin ang signage papasok sa barangay namin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Sana ay madatnan ko sila.

May mga batang naglalaro na sa labas at may mga nagbebenta na rin ng nga barbeque. Ngunit mas binilisan ko ang paglakad at nang makarating ako sa harap ng bahau namin ay napahinto ako nang makitang bukas ang gate. Sumilip ako sa loob at wala akong nakitang tao. I sneaked in at sa back door ako dumaan. Pinakiramdaman ko muna ang paligid ngunit wala akong naramdamang presensya ng tao. May tao ba o wala? Pero bakit bukas ang gate at hindi nakalock ang mga pinto. Nakalimutan ko na rin na naglakad ako ng isang buong araw at uhaw na ako.

I stealthily roamed around our house hoping to find someone pero wala. Umakyat na rin ako sa taas pero walang tao kaya nagtungo ako sa kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at napatingin sa bedside table kung saan nakalagay ang isang kahon. Kinuha ko ito at binuksan at bumungad sa akin ang kwentas na may tatak na R.M . Red Monarch. Sabi nila mama sa akin na huwag ko raw walain ang kwentas dahil importante daw iyon at yun ang hindi ko maintindihan nun. But now, it all make sense. Sinuot ko ang necklace at iniwan ang kahon sa gilid.

Naglibot pa ako hanggang sa makarating sa kwarto nila mama at papa. Wala naman akong nakita dun kaya umalis na ako. Bumaba na rin ako at nagtungo ako sa sala. Wala pa rin akong makitang tao ngunit muntik na akong matumba nang matapakan ko ang nakaangat na bahagi ng carpet. Aayusin ko sana nang may mapansin akong kakaiban kaya imbes na ibalik sa dati eh inangat ko ang carpet at dun ko nakita ang isang pintuan sa floor. Kailan pa kami nagkaroon ng ganito? Naalala ko rin na kapag pinaglilinis ako ni mama ng bahay, hindi niya pinapalinis ang sala. Palaging siya. At nagpapalit sila ng carpet kapag nasa school ako. Is this what they're trying to hide from me?

Unti unti kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang hagdanan pababa. Walang alinlangan ko namang pinasok... Amoy alikabok at ang tanging nagbibigay ilaw ay ang nga torch na nasindihan na nasa wall. I closed the door at sinundan kung saan patungo ang lagusan. I never knew about this part of our house. Maya maya pa ay nakita ko na ang bukana ng lagusan at napatigil ako nang makita sa di kalayuan ang isang itim na mansyon. Napapaliguran ng matataas na bakod na may isang malaking metal gate at sa tuktok nito ay isang imahe ng puting ahas na may gintong rosas.

White Serpents.

Nanghina ako sa nakita ko. All this time... All this time... Ang hinahanap naming kalaban... ay matagal ko na palang nahanap. Nasa isang magubat na parte ang mansyon. May mga gwardiya ring nagbabantay sa gate. I was about to go back nang may marinig akong yapak... Lalabas na sana ako pero may mga gwardiya. I was panicking. Shit! Wala pa akong armas! And just as when I readied myself to hit the person in front, may isang malakas na kamay ang humila sa aking patungo sa isang silid habang nakatakip ang kamay niya sa bunganga ko. Nakahawak rin siya ng mahigpit sa akin at hinintay niyang makalagpas yung tao bago nagsalita.

"Ma'am Alex... si Nico ho ito" at dun lang ako kumalma.

"Nico?"

"Opo ma'am. Kanina ko pa po kayo hinihintay"

"Huh? Pa-paano mo alam na darating ako?"

"Kanina pa po ako sinabihan ni Rence"

"Ni Rence?"

"Opo"

"Teka. Nasaan ba tayo?"

"Ito po ang pinakamain na head quarters ng White Serpents"

"I-ibig mong sabihin..."

"Ang mga taong kumopkop po sa inyo ang namamahala sa grupong iyon" I knew, deep inside me kung ano ang sagot sa mga tanong ko but I still wanted to ask for confirmation. I wanted to know kung totoo ba ang sinasabi nila. Ayoko kasing maniwala na ang kinikilala kong mga magulang ay ang mga taong gustong pumatay sa akin. Kaya pala... I was always wondering kung paano nalalaman ng mga kalaban ang mga galaw namin. We've eliminated people from our mafia to control it pero naglileak pa rin ang nga information. Yun pala ay nagpanggap silang kakampi ng mafia. Pero bakit? Why do they have to show some love?

"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" I changed the topic dahil masakit at ayokong umiyak. He must've understood it dahil hindi na niya binalik yung topic.

"Rence sent me"

"Si Rence?"

"Yes. Binabantayan ngayon ni boss Nathan ang bawat galaw nila Autumn and Renzo kaya hindi sila makagalaw to help you so they needed someone na hindi mainit sa mata ni boss"

"Autumn and Renzo actually obeyed, Nathaniel?"

"Madalas man ho na hindi sundin ni Autumn ang utos ni boss, pero sa ganitong mga sitwasyon, mas mabuting makinig ka na lang. Sir Nathaniel is a demon. Mahirap siyang kalabanin" I was saddened by what Nico told me. Ibig bang sabihin nito na ipinapakita na niya sa akin kung paano siya magalit? Pero, bakit sa akin Nathaniel? Bakit kailnagang sa akin mo ibaling yang galit mo? Wala naman akong kasalanan. Siguro ang tanging kasalanan ko na lang ay yung magisng forst parents ko sila. But, hindi ko rin naman alam eh.

Kaysa isipin pa ang mga bagay na hindi naman dapat, pinilit kong kalimutan na lang muna ang mga sandali. I need to focus on my mission at hindi ko ito matatapos kung magpapaapekto ako sa nangyayari. Gusto kong makatulong kila Nathaniel para kahit papaano eh may masabi naman siyang maganda. Ayokong isipin nilang traydor ako.

"Are you ready Ms. Alex?"

"Yeah. Ah by the way, may baril ka bang dala diyan? Hindi ko nadala yung akin" inabot ko ang kamay ko pero nakita ko ang pag-aalangan niya. Ano bang problema nito? "Nico, paano ako papasok diyan sa lungga ng mga kalaban kung wala akong baril? Suicide mission ba ito?"

"Uhm... B-basta ho mag-iingat kayo" sabi niya at binigyan ako ng baril na may kasamang silencer at tatlong magazine.

"Tinuruan naman ako ni Autumn kung paano humawak ng baril" sabi ko tsaka inayos ang baril na binigay niya. I also put my hair in a messy bun oara hindi sagabal tsaka ko hinubad ang jacket ko leaving me on my red fitted sando. Mas makakagalaw ako ng kapag ganito.

"Ms Alex... A-ano hong ginagawa niyo?"

"Makapal yang jacket ko at hindi ako makakagalaw. Tsaka, ganito rin naman si Autumn nung tinuturuan niya ako. At ginagamit niya ring advantage sa mga lalaking kalaban namin nun at effective naman kaya gagamitin ko" sabi ko at wala naman siyang nasabi dun.

"Ah eh... Ms. Alex... Naka'sports bra po ba kayo?" nahihiyan tanong niya sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Nico... safe ako" hindi na nga siya nagsalita at pinauna ako. Hindi naman ako nagdlaawang isip at pumasok sa loob. Sana lang ay mahanap ko ang hinahanap ko. Nang marating ko ang bukana ay tumigil ako atbtumingin kay Nico. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya maari lamang na paunahin ko na siya. "Nico, hindi ko kabisado ang lugar na toh. Mauna ka na lang and I'll just have you covered"

"Sige po, Ms. Alex" dumaan kami sa may bandang likod na ng malaking mansion. Ayon kay Nico, mas kakaunti ang mga bantay dito sa bahaging ito and true enough, nasa limang gwardiya lamang ang nandito kumpara sa ibang bahagi ng mansion.

"Akin na yung tatlo, ikaw na bahala dun sa dalawa sa unahan" I was about to do my thing nang harangan niya ako.

"Eh Ms. Alex, ako na po ang bahal. Kaya ko naman po eh"

"Huh? Eh anong gagawin ko?"

"Uhm... hintay na lang po kayo dito"

"Aba. Binigyan mo pa ako ng baril"

"Eh Ms. Alex"

"Okay lang ako Nico. I can handle it kaya hindi mo kailangang mag-alala sa akin" hindi siya nakasagot pero nang tumalikod ako ay may narinig ako binulong niya pero hindi ko naintindihan kaya hinayaan ko na. Baka nagdadasal lang. hehehe.

Ibinalik ko ang tingin ko dun sa limang gwardiya. Tatlo sa kanila ang nasa may bandang likod habang dalawa naman ang nag-uusa sa bandnag harap. I'll leave them to Nico. Umakyat ako sa isang puno at plinano ang gagawin ko. Tinignan ko naman si Nico at nakitang nagsisimula na rin siyang gumalaw. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga gwardiya... kung babarilin ko ang isa sa kanila, malamng nun ay magkakagulo sila at baka marattle silang lahat. I need to move discreetly para hindi agad nila malaman na may nakapasok na ng teritoryo nila.

I observed the surroundings first at napansin ko ang isang punong malapit lang rin sa kinatatayuan nila. If I can go to that tree from here, mas makakagalaw ako. So, I did what I did. Nagpalipat lipat ako sa mga puno hanggang sa marating ko ang puno na pupuntahan ko. Nakita ko rin ang gulat sa mata ni Nico. Well, medyo may kataasan nga rin naman ang mga puno pero hindi ko ito alintana. Sanay na rin naman ako eh. Perks of having HiGH5 as your trainers.

Nang marating ko na ang puno, nakita kong pwede rin pala akong bumaba dito to have a physical fight with them rather than to use my gun. Pero masyadong suicide. I need to make sure na kapag nakipag'physical combat ako sa kanila eh hindi makakatunog ang mga kasamahan nila. So, I looked for another way at napansin ko ang mga stock ng boxes... I can hide behind them. So without wasting any more time, I jumped and landed directly behind the boxes. I made some sounds on the grass pero mukhang hindi na yun pinansin ng mga gwardiya. At kung sinuswerte ka nga naman, may isang baseball bat dito. Kaya naman tinago ko na lang ang baril ko sa likod ko, para mahawakan ko ang bat dahil wala akong holster.

And when I had the right time, I smash one guys on his head at nung titingin na sana yung isa ay hinampas ko na ang mukha niya and I did not let the last one na makagalaw pa dahil hinugot ko ang baril ko at pinaputukan siya sa ulo. At nang mapansin ni Nico na napansin n dalawang kabigan nila ang kaguluhan ay dun na niya tinapos ang dalawa at sinamahan ako.

"Mamamatay ako sa'yo, Ms. Alex" sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Huh?"

"W-wala po... tara na po habang hindi pa nila napapansin na napasok na natin sila" sabi niya kaya tumango ako. Tinago muna namin ang katawan ng limang lalaki sa mga puno para hindi nila makita at pumasok na sa bahay. Akala ko ay maraming tao ngunit walang tao sa pinasukan naming silid ngunit rinig na rinig mo ang ingay sa kabilang silid kaya kailangan naming mag-ingat ni Nico.

At nang tuluyan na kaming makapasok sa mansion ay biglang nagsitunungan ang mga alarm.

"Shit! Tara na Ms. Alex!" and I have no choice but to follow Nico dahil siya lang naman ang nakakaalam ng lugar na ito. Nagtago kami sa pang silid. At sa hula ko ay arang storage ito at matagal nang hindi nalilinis at napupuntahan dahil sa kapal ng alikabok at sa dumi. Well, I had no other choice kundi ay makikita nila kami. We've stayed there hanggang sa narinig na rin namin ang usapan ng mga tao sa labas.

"What was the alarm all about?"

"The master is here... He needs to see us all"

"Bakit daw?"

"I don't know... For the D Day, I think"

"Oh okay"

Nagkatinginan kami ni Nico dahil dun. D Day? Ibig sabihin...

"We need to inform the others"

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 468K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
26M 644K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
7M 256K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
7.1M 353K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...