Wala sa sarili akong nakaupo habang nakasubsob ang mukha sa lamesa. Maaga akong ginising ng mga tagapagsilbi dahil may mahalagang sasabihin daw si Cyver.
"Morning" napaayos ako ng upo nang marinig ko ang baritonong boses ng isang prinsepe.
Umupo ito sa harap ko at nakapanglumbabang tinitigan ako ng mapupungay nitong mata. Mukhang kagigising lang niya.
"Ah- hi!" Awkward kong bati dahil nakatitig lang siya sa akin. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong ko rito.
Nagulat ako nang tumayo ito at hinila rin ako patayo at mahigpit na niyakap.
"H-hoy! A-ano ba! Zuriel!" Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Just five minutes..... P-please" umiiyak na sabi nito. Ramdam na ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya at pagbasa ng balikat ko dahil sa luha niya. Di ko naman alam ang gagawin kaya nanahimik nalang ako at hinayaan siya.
Inalo ko nalang siya at niyakap pabalik pero mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo lang itong humagulgol ng iyak. Dapak! Anong gagawin ko?!
"Ahm- may problema kaba?" Natanong ko nalang. Mariin akong napapikit nang na realize ko ang tinanong ko. Gaga! Syempre meron umiiyak nga diba?!
Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok si Raidon at nakita kami sa ganong posisyon. Nagmamadali ko siyang tinulak sa pagkakataranta pero mas humigpit ang yakap niya sa akin.
"Ahm- may tao!" Pagpupumilit ko pero di siya gumalaw, nakayakap parin siya sa akin. "Please" pagmamakaawa nito.
Tinignan ko si Raidon at nakakuyom ang kamao nito habang nakatiim-bagang kaming tinititigan. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan bago umalis sa harap namin at naupo sa pwesto niya.
Di na ako nakatiis at buong lakas ko siyang tinulak at tumambad sa akin ang namumugto nitong mata at pulang ilong. "Damn it!" Bulong ko dahil nakaramdam ako ng guilty sa ginawa ko, hindi dahil sa tinulak ko siya kundi dahil Pakiramdam ko niloloko ko si Raidon kahit hindi naman. Ano ba ito!!!
Naupo nalang ako sa sobrang pagkairita sa sarili ko. Naiirita ako dahil na giguilty ako kahit hindi naman dapat! Wala akong dapat ipag-alala! Wala! Tandaan mo Amaris may mahal na siyang iba at hindi ikaw yon!
Naupo si Zuriel sa tabi ko kaya agad na lumipad ang tingin ko kay Raidon. Madilim ang tingin nito sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Kinikilabutan ako sa titig niya!
Katahimikan ang namayani sa buong silid hanggang sa nagulat ako nang biglang bumulong sa akin si Zuriel.
"Sorry, Nanaginip lang ako ng masama" yun lang ang binulong niya at hindi na nasundan, sasagot na sana ako sa kanya nang nagsipasok naman ang ibang mga prinsepe.
Ang maingay nilang pag-uusap at pagtatawanan ay nawala nang madatnan nila kaming tatlong tahimik at awkward ang paligid. Isa-isa silang nagsiupo sa kani-kanilang pwesto habnag nakatuon ang pansin nila sa amin.
"Zuriel, pwesto ko yan ah!" Sabi ng isang prinsepe at kung di ako nagkakamali ay si Xymon.
"Palit nalang tayo" nakangiting sabi naman ni Zuriel. Kung kanina ay nakakaawa ito ngayon naman ay nakangiti na ito ng malapad.
Nagsiupo na ang lahat at naghihintay kami na magsalita na si Cyver nang bigla namang tumayo si Raidon kaya lahat kami ay napatitig sa kanya.
"Raidon?" Tawag sa kanya ni Cyver. Umikot ito at tumigil sa katabi kong prinsepe.
"Max, palit muna tayo ng upuan" seryosong sabi nito. Natataranta namang tumayo ang isang prinsepe na mukhang takot na takot sa kanya. Umupo ito sa tabi ko kaya napapagitnaan ako ni Zuriel at ni Raidon.
Mas lalo namang umangat ang tensyon sa pagitan nila kaya nagsalita na ako. "Cyv?" Tawag ko rito kaya natauhan naman siya at mabilis na tumayo.
"Actually... "sabi nito at tinuon ang atensyon sa ibang prinsepe. "Darating na ang emperador sa susunod na araw kaya kailangan nating maghanda at pagandahin ang palasyo sa pagbabalik niya. Magiging Busy rin ang buong palasyo lalo na sa darating na pagdiriwang para sa itinakdang prinsesa."
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Cyver...
"Do we have to do that thing Cyv?"
"Absolutely! Dapat kang Makikilala ng buong imperyo Amaris. " wika nito kaya nanahimik ako.
"But first of all, I need some flowers to add some decoration in this palace and since walang ka taste taste ang mga tao dito..... " nabitin ang sinasabi niya at natuon ang tingin sa akin "Can you do it Amaris?" Nagmamakaawang sabi nito.
I'm bored and totally bothered by Raidon's presence. So it must be a yes! "No problem" nakangiting sabi ko rito at kinindatan siya. Nginitian niya rin ako pabalik.
"I can help her" mabilis na sabi ni Zuriel habang nakataas pa ang kamay. "I can protect her, she will be the one to choose the flowers and I'm the one who will protect her!" paliwanag nito at malapad akong nginitian. Pilit ko naman siyang nginitian pabalik.
"I will also help! " inaantok na sabi naman ni Xymon habang humihikab pa na siyang kinagulat ko.
"Ako din" sabi naman ni Lyncoln kaya pinanlakihan ko siya ng mata. What's with this prince?!
"Me too" malamig na sabi ni Raidon kaya mabilis akong tumingin sa kanya.
"Are you sure Raidon? Nadoon si Sabrina... As far as I know. Iniiwasan mo siya right? Kaya nga hindi kana pumupunta sa kaharian nila " nanunuyang wika ni Zuriel. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"That's none of your business" mariing sabi ni Raidon at nagsukatan sila ng tingin ni Zuriel.
Tatlong beses namang pumalakpak si Cyver para kunin ang atensyon namin kaya tumigil din ang dalawa.
"Well, problem solve kaya umalis na kayo at magtungo sa kaharian ng Ferosha" huling sabi niya bago lumabas ng silid at naiwan kaming lima.
***
Halos ilang beses na akong napamura sa isip dahil kanina pa umalis si Raidon at nauna....... He doesn't even care about me! So why did he even volunteered?! Yes! I told myself that I will not talk to him.... But damn! I can't do it!.....I can't stand it!
"Sa akin siya sasakay!" Naagaw naman ang atensyon ko nang biglang sumigaw si Zuriel.
"Sa akin sasakay si Amaris. Right amaris?" Tamad na sabi naman ni Xymon habang nakatingin sa akin.
Halos magsuntukan na sila dito habang wala namang pakealam ang isa naming kasama nakatayo lang ito malapit sa kabayo niya habang tamad na pinapanood ang dalawang nag-aaway.
Ilang beses pa siyang napapabuntong-hininga pag papadaan ang tingin niya kay Zuriel na parang hirap na hirap ito sa sitwasyon nila.
Lumapit ako sa kanya at iniharang ang sarili ko sa pinapanood niya. "Pwedeng sayo ako sumabay?"
Tumaas ang kilay nito sa akin. "No" mabilis ako nitong tinalikuran sabay sakay sa kabayo niya.
Nyeta!
"Tell me why are you doing this?" I asked. He hate me, kaya hindi siya mag vo-volunteer ng walang dahilan.
Tinitigan niya akong mabuti at bumalatay sa mukha niya ang galit. "I'm doing this for my friend, I'm trying to fix-" I cut him off.
"Maaayos mo ba?" Nanghahamong tanong ko rito. "Tandaan mo mahal na prinsepe... Ang bagay na nasira na ay hindi na kailan mababalik pa."
"Stop!"
"kahit anong ayos mo may lamat paring matitira..." he clenched his jaw. Dumilim ang tingin nito sa akin na siyang ikinangiti ko.
"I said stop!" He shouted
"Am I pissing you off?" Manghang tanong ko rito.
"Definitely!" Mariing wika nito at inirapan ako bago bumaba sa kabayo niya.
"Kung ito ang gusto mo then I will give it! Just close your fucking mouth woman!" Galit na sabi nito sabay lahad ng kamay niya sa akin upang alalayan akong sumampa sa kabayo.
Tinitigan ko lang ito at tinaasan siya ng kilay. "I thought-"
"Oh shut up!......You're getting into my nerves!........Bullshit!" Sigaw niya at binuhat ako pasakay sa kabayo kaya mahina akong bumungisngis.
Simula noong umalis kami ay hindi umalis ang masamang titig ng dalawang prinsepe sa prinsepeng nasa likod ko. I can't see it, but I definitely feel it.
"Mas magagalit sa akin si Zuriel, I know you know that he like you...." wika nito
I remained silent. I don't know how to react knowing that Zuriel like me. It just making me uncomfortable. Really uncomfortable...
"Are you not afraid of me? I might try to kill you again" wika nito kaya umiling ako ng ilang beses.
"I know you've learned" nakangiting sabi ko.
"Yeah?" Nakangiwing wika nito. Mahina naman akong natawa sa reaksyon niya.
***
Payapa kaming nakarating sa kaharian ng Ferosha. The kingdom where Sabrina live, the kingdom where Raidon's fiancée live....
Sinalubong kami ng nakangiting Sabrina habang naka ankla ang braso sa seryosong si Raidon na naunang dumating kaysa sa amin.
Nagtagpo ang mata namin ngunit mabilis rin akong umiwas na parang nakakapaso sa titig nito.
"Welcome to Ferosha, where fresh, different and unique flowers was born!" Nakangiting bati nito at iginiya kami papasok. She's not that bad. Mabait siya at maganda hindi pa yon isa rin siyang maharlika, but I don't know why Raidon hate her that much.
"Pwede niyong kunin lahat ng bulaklak na magugustuhan niyo" paliwang nito habang nililibot niya kami sa buong lupain na kinatitirikan ng mga magagandang bulaklak.
"Enjoy kayo!" Masayang sabi niya bago hinarap si Raidon. "Let's go to my room?" Malambing na sabi nito. Sinampay nito ang mga kamay sa balikat ni Raidon at mabilis na hinalikan ito sa labi.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil sa sakit na rumagasa sa puso ko. It's feels like someone is stabbing my heart repeatedly.
"No" mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang salitang iyon. Kinuha nito ang kamay ni Sabrina sa balikat. Mabilis niya itong tinalikuran at nilagpasan kaming lahat.
"RAIDON!" Matinis na sigaw ni Sabrina kaya napailing nalang ako. Does this girl even thinking? I bet not. Dahil kung nag-iisip siya matagal na niyang tinigilan ang kahibangan niya.
Tumakbo ito at hinabol si Raidon ngunit nanlaki ang mata ko nang biglang sumalampak si Sabrina sa lupa dahil sa pagkakatulak nito.
"Fuck off!" Malakas na sigaw nito na siyang kinapitlag ko. He's mad, really mad.
Mabilis na tinulungan ng mga prinsepe ang prinsesang luhaan habang ako naman ang humarap sa walang emosyong mukha ni Raidon at sa nag-aalab nitong mata dahil sa galit.
"What is your problem?!" Galit na sabi ko rito. Ang dapat sa lalaking ito ay pinapangaralan!
Hindi ito sumagot at nakatitig lang ang malapusa nitong mga mata saakin. "Hindi ka dapat nanunulak ng babae! Hindi ba iyon tinuro ng ina mo?!" Bahagya ko siyang tinulak ngunit wala itong epekto sa kanya.
"You brute!!" Inis na sigaw ko dahil sa sobrang pagkairita. Damn! This man is making me frustrated as hell!
"Say something! Ano ako nalang ang magsasalita rito?! Tititig kalang ng tititig?!-"
"Love" nagbabanta ang tono nito kaya napatigil ako sa pagsinghal.
I stilled. My mouth is still hang open dahil sa pagkabigla sa tinawag niya sa akin. I was caught off guard. Like what the hell?!
"Woah!.... Raidon Adley Gethrod did you just call her LOVE?!" Di makapaniwalang sabi ni Zuriel.
Tulala naman ako. Wala akong masabi. Di ko alam ang gagawin.
"This girl! Siya ba?!.... Siya ba ang pinalit mo sa akin?!" Sigaw naman ni Sabrina kasabay ng masamang tingin na pinukol nito sa akin.
"Ah- hehe. Ano ba kayo, nag-bibiro lang siya" kinakabahang sabi ko. How could he call me that endearment in front of his fiancée!! In front of this princes!
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko naparang hindi nagustuhan ang sagot ko.
"Im dead serious, LOVE" malamig na sabi nito habang nasa akin ang tingin.
Damn! Gusto kong ibunggo ng ilang ulit si Raidon dahil sa lumalabas sa bibig niya! Angsarap bangasan! Pinanlakihan ko siya ng mata, para tumigil siya ngunit mas lalo ata siyang lumala nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan kamay ko.
"Once is enough but, twice is unacceptable" galit na sabi nito at hinila ako sa kung saan. Wala akong maintindihan sa sinabi niya. Anong once at twice ang pinagsasabi nito?!
Rinig na rinig ko pa ang pagsisigaw ni Sabrina at ang tawag sa amin ng kasama namin ngunit nagbibingibingihan lang ito.
"Let me go Raidon!" Nagtangis ang bagang nito at nagpatuloy sa paghila sa akin. Pilit kong kinukuha ang kamay ko ngunit pahigpit ng pahigpit ang kapit nito sa akin hanggang sa napagod rin ako kakapumiglas.
Dinala ako nito sa isang hardin na napupuno ng mga pulang bulalaklak na nakapalibot sa amin.
He face me with a dark face kaya kinabahan na ako.
"Ano ba ang problema mo?" Galit na tanong ko rito. Kung may wala man akong maintindihan sa mundong ito ay siya iyon! Kanina lang wala itong pakealam sa akin ngayon naman makahila parang may umaagaw sa akin!
Nagpalinga-linga ito at muli akong tinignan ng may takot sa mukha. Muli itong luminga-linga na parang may hinahanap at natatakot.
"Tell me Raidon!" Sigaw ko not minding his face. Pinilig nito ang ulo at tinalikuran ako. Lumuhod ito upang makakuha ng mga bulaklak. Di ko siya makapaniwalang tinignan. Damn it! This man is making me crazy!
"Maganda ang mga bulaklak dito, you should get some" kalamadong sabi nito habang patuloy pa rin sa pagpipitas.
"Face me Raidon!" Sigaw ko, ngunit parang wala lang itong naririnig. Namewang ako dahil sa pagkairita sa kanya.
"Raidon ano ba!" Hinila ko ang kasuotan niya para humarap lang siya sa akin pero di ito nagpatinag.
"I'm talking to you!...Raidon!" This time ay tuluyan na akong malakas na sumigaw sa abot ng aking makakaya. Kasabay ng pagsigaw ko ay paghila ko sa kanya ngunit nagulat ako nang malakas nitong hawiin ang kamay ko.
Mabilis kong sinapo ang namumula kong kamay at pinigilan ang sariling maiyak sa sakit.
"Shut up!.... Raidon ka ng Raidon! Nakakairita kana!" Mariing sigaw nito.
I look at him with teary eyes. I feel the pain he bought. The pain in my hands and the pain in my heart. I feel so hopeless and horrible in just a minute. I feel worthless in front of him, he just make me realize that I'm not that important.... Not important at all, that I'm just a helpless princess that need his help for this fucking job! Just. For .this. Job!
Wala akong mababakas na pagsisisi o anumang emosyon sa mukha nito. He just looking at me intently. Tinaas ko ang ulo ko para pigilan ang sariling umiyak at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
I breathe out and face him with a smile.
"I-I'm sorry" napakagat ako ng labi nang gumaralgal ang boses ko. I know ano mang segundo ay papatak na ito kaya mabilis ko siyang tinalikuran and that's it!
Nalaglag na ang lahat. Lahat ng pinipigilan ko ay lumbas na. Impit akong napaiyak upang di niya ako marinig. Lumuhod ako at nagpanggap na namimitas ng mga bulaklak.
"I'll be back" malamig na sabi nito at narinig ko ang mga yabag nitong papalayo.
Tinigil ko ang pagpapanggap at sinapo ang dibdib. I just...... I just can't take the pain! Sobrang sakit. Sobra.
I cried and cried, nilabas ko lahat. Wala na akong pakealam kung mamaga man ang mata ko. I just need to let it out!..... This is too much for me! To much to handle and to much for me to take.
Marahas kong pinahid ang luha ko, ngunit mas lalo lang akong naiyak. Ilang ulit ko itong ginawa ngunit ganon parin at paulit-ulit lang mas lalo lang akong naawa sa sarili ko.
After all This is just a cycle of pain.
"This is the day I feel so helpless, so helpless that make me so worthless for the man who broke my heart second time around."