Pay Mo' SS (FAMOUS)

By AillexSkcy

611K 4.7K 160

Kilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na baba... More

Prologue:
Characters:
Chapter 1: Work Hard
Chapter 2: Weird
Chapter 3: 40°C
Chapter 4:
Chapter 5: Private Place
Chapter 6: Classmate
Chapter 7: New Suspect
Chapter 8: Angel to Demon
Chapter 9: Red Paper
Chapter 10: Red Paper II
Chapter 11: Cry out
Chapter 12: The Party
Chapter 13: Meet Sheekk
Chapter 14: Deal
Chapter 15: First Kiss
Chapter 16: I Agree
Chapter 17: Debt
Chapter 18: Imagination
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Back to work
Chapter 21: Jealous
Chapter 22: Crazy
Chapter 23: Slow Motion
Chapter 24: Magic Word
Chapter 25: Fire
Chapter 26: The Missing
Chapter 27: Evidence
Chapter 28: Mask
Chapter 29: Another Evidence
Chapter 30: Warrant of arrest
Chapter 31: Last Day
Chapter 32: Story of Leanna
Chapter 33: Under Arrest
Chapter 34: Troy
Chapter 35: Anniversary
Chapter 36: Double Check
Chapter 37: Fast Forward
Chapter 38: Free
Chapter 39: News
Chapter 40: Coordination
Chapter 41:
Chapter 42: Picture
Chapter 43: Can I quit?
Chapter 44: Sorry
Chapter 45: Safe
Chapter 46: Broken Hearted
Chapter 47: I thought
Chapter 48: THE INTERVIEW
Chapter 49: Face Off
Chapter 50: FLASHBACK
Chapter 51: Vulgar
Chapter 52: PLEASE
Chapter 54: Third to the Last Chapter
Chapter 55: Second to the Last Chapter
EPILOGUE

Chapter 53: Fourth to the Last Chapter

7.3K 59 10
By AillexSkcy


Chapter 53: Fourth to the Last Chapter

.
.
.
.
.
.
.
.

Laxy's POV

Natigilan ako sa sinabi ni Sheeria. Kaya napabitaw ako sa yakap niya.

Nang makarating kami sa office ay agad rin akong nag ayos ng gamit pauwi sa bahay.

Lumabas ako sandali sa terrace para magpahangin ng kaunti, nakapamay awang ako lumabas sa terrace.

"Galit ka ba sa akin?" Alam kong si Sheeria iyon kaya hindi na ako lumingon pa.

"Mag ayos ka na ng gamit uuwi na tayo."

"Laxy." Hinawakan ni Sheeria ang aking braso ng aktong hahakbang ako pabalik sa loob.

"Kailangan na nating umuwi, hmm." Agad ko ring inialis sa braso ko ang kamay niya.

.
.
.
.
.
.

Pagkadating na pagkadating sa bahay ay agad na rin akong nagpahinga sa kuwarto. Humiga ako sa aking kama at nag isip ng kaunti, after no'n hinubad ko na ang aking sapatos at necktie. Napatingin ako sa labas ng mapansin ang papalubog na araw.

Kaya lumabas ako sa terrace at pinagmasdan ang araw na iyon.

"Galit ka ba sa akin?"

"Galit ka ba sa akin?"

"Galit ka ba sa akin?"

Paulit ulit na sumasagi sa aking isipan.
Binuksan ko ang una at pangalawang butones ng polo na suot ko.

.
.
.
.

Sheeria's POV

Nagdadalawang isip akong pumasok sa kuwarto ni Laxy. Tila kasi galit siya sa sinabi ko kanina sa kotse. Kanina niya pa ako hindi kinakausap ng ayos. Hindi ko alam kung may problema ba o wala.

Nilakasan ko na ang loob kong pumasok sa kuwarto.

Pagbukas na pagbukas ko walang tao, sinubukan kong tingnan siya sa closet niya pero wala ding tao doon kaya nagtaka ako kung saan siya napunta.

Naglakad ako ng kaunti at napansin kong bukas ang pinto ng terrace, at lumilipad ang puting kurtina. Humakbang ako ng ilan ng mapansin si Laxy na nakatayo at nakatingin sa palubog na araw.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya at tingnan kung anu pa ang susunod niyang gagawin.

"Anung kailangan mo?" Nagulat ako ng itanong niya iyon. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kaya hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Lumabas ka na diyan, kausapin mo ako." Ramdam kong ako nga ang kausap niya kaya lumabas na ako.

"Bakit?" Tanong niya.

"Uhmm anu kasi, mag magtatanong lang."

"Anu iyon?" In a cold voice of him.

"Galit ka ba sa akin?"

.
.
.
.

Laxy's POV

Inulit niya na naman ang mga salitang iyon.

"Hindi, tsaka anu naman ang ikadadahilan ng galit ko sayo?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin lalo na kanina doon sa sinabi ko." Napatungo si Sheeria ng sabihin niya iyon.

"Huwag mo na lang intindihin iyon."

"Okay lang ba sayo na kuya ang itawag ko?" Napatigil ako sa pag iisip ng ulitin niya ang sinabi sa akin kanina, na naging dahilan ng pananahimik ko.

"Pero pwede bang hindi na lang kita kapatid?" Sunod niyang tanong sa akin. Napansin kong napatungo siya sa sinabi niya, tila nahihiya siya.

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan na tumingin siya sa akin.

"Pwede bang huwag mo na lang isipin ang bagay na iyan?" Balik kong tanong sa kanya.

"Pe pero."

Niyakap ko siya ng mahigpit ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Parang walang iniisip na problema, dahil sa bawat ngiti niya ligaya ang aking nadarama.

"Mahal na mahal kita Sheeria. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo na hindi tayo magkapatid, takot kasi akong malaman mo na mahal kita then iba ang mahal mo." Ang hula kong bibitaw si Sheeria ay mali.

"Mahal na mahal din kita Laxy, masaya ako dahil hindi tayo magkapatid. Pero mas masaya ako dahil pwede na akong lumabas labas."

Bumitaw ako sa yakap niya at hinawakan ang kanyang pisngi, namumula ang mukha niya ng hawakan ko iyon. Napatingin ako sa mapula niyang hugis pusong labi, tiningnan ko siya sa mata, sa magkabilang mata.

Napalunok si Sheeria habang tinititigan ko siya. Dahan dahan kong inilapit ang aking noo sa noo niya, hinawakan ko ang matangos at maganda niyang ilong. Ramdam ko ang namumula niyang mga pisngi. Hindi ko alam ang ginagawa ko, pero napapikit na lang ako at hinalikan ang kanyang mapulang labi. Hindi ko alam kung nakapikit din siya.

Hindi ako gumagalaw sa akin kinatatayuan, pagkamulat ko nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Pareho kaming hindi gumagalaw. Nakapikit siya at dinadama ang pagkakalapat ang aking labi sa labi niya.

Maya maya pa ay bumitaw na ako, ang mapula niyang pisngi ay nawala matapos mangyari iyon.

"Mag magpapahinga na ako." Nahihiyang sabi ni Sheeria at tumungo ng kaunti.

"I love you." Sabi ko sa kanya kaya napatunghay siya at nginitian ako.

.
.
.
.
.
.
.

Sandro's POV

Napalaki ang mata ko ng makita ang ibang files ni Whychael, kahit gabing gabi na ay dilat na dilat pa rin ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman ngayong gabi.

.
.
.
.

Kinaumagahan

.
.

Whychael's POV

Pagbabayaran mo ito kuya. Ang sabi mo palagi kang nasa likod ko, pero pinabayaan mo ako. Wala kang ginawa habang dinadakip ako, ang sabi mo hindi krimen ang pinapagawa mo pero isinabit mo ako, kaya isasabit din kita.

"Whychael sino ang taong ito?" Napatingin ako sa pangalan na nakasulat sa aking mga ID.

"Si kuya iyan." Agad kong sagot.

"Whychael, Trey Bautista ang nakalagay dito. Papaano naman magiging si Wyte ito?"

"Sinadya niyang ibahin ang pangalan pero si kuya talaga iyan."

"Okay maiba tayo, bakit gusto mong patayin si SS?"

Naiyamot ako sa tanong niya.
"Hindi ko sabi balak patayin si SS!" Sigaw ko.

"Binabalak pwede diba?" Mas lalo akong nainis kaya himpas ko ang lamesa.

"Bakit ko naman papatayin si SS?"

"Teka bakit ako ang tinatanong mo? Eh ikaw nga itong pilit gustong kuhanin ang red paper ni SS."

"Oh anu naman ang meron sa red paper na iyon?"

"Ikaw nga ang tinatanong ko! Bakit mo ninakaw ang red paper na iyon?"

"Hindi ko alam kay kuya!" Sigaw ko sa kanya, first time ko lang nakita ang lalaking kaharap ko kaya medyo iba ang kutob ko sa kanya, pero parang mapagkakatiwalaan ko naman siya.

"Anung ibig mong sabihin?"

"Si kuya ang nag utos sa akin na kuhanin ko ang red paper, ang sabi niya sa akin hiningi niya na raw iyon kay SS dati pa, pero hindi binibigay ni SS. Kaya ang sabi niya nakawin ko na lang daw, eh hindi ko naman alam kung anu bang meron sa red paper na iyon. Bakit mahalaga ba iyon?"


.
.
.
.

Troy's POV

Natigilan ako sa sinabi ni Whychael. Ibig sabihin si Wyte ang puno't dulo ng lahat ng ito. Pero bakit naman? Hindi dapat ako agad agad naniniwala sa sinasabi niya.

"Kung ayaw mong maniwala sa akin si Kuya ang tanungin mo. At kung hindi man magsabi si kuya ito na lang ang panuorin ninyo." Lumapit siya sa computer ko at nagsearch.

Maya maya pa isang location kung saan may dalawang lalaki ang nag uusap.

"Bro nakuha niyo na ba ang red paper?"

"Maghintay pa tayo ng kaunti bro, mukhang ang hirap suyuin ng kapatid ko eh. Ayaw niyang maniwala sa akin na kailangan ko iyong papel na iyon."

"Bro sabihin mo na lang sa kanya na yayaman kayo once na mapasainyo na ang papel na iyon."

"Paano kung hindi maniwala?"

"Maniniwala iyon, diba pangarap niyang magkaroon ng Ferrari. So sabihin mo at makakabili na siya kahit ilan pa ang gusto niya."

"Bro kamusta nga pala ang plano?"

"Hindi pa rin nahahanap si SS eh, wala na siya sa pinuntahan namin ni Sheekk na bahay kung saan nandodoon siya. Siguro inilapat nina Laxy si SS."

"Bro kailangan na nating mapatay si SS sa lalong madaling panahon, baka mapirmahan na niya ang last will and testament."

"Don't worry Wyte ako ang bahala."

"Teka napagana mo na ba yung satellite, hindi ko kasi magamit eh."

"Speaking of that hindi ko pa natatanong kay Chael."

"Sige RJ aalis na ako, baka hinahanap na ako nina Zekiell at Tita. Then kakausapin ko pa si Chael about sa satellite."

Pangalan nina RJ at Wyte ang narinug ko, malinaw na malinaw.

"Record iyan noong nakaraang araw bago ko kuhanin ang red paper na iyon mula sa bahay ni RJ, may inilagay kasi akong location sa satellite na inilagay ko sa atmosphere, iyon ang dahilan kung bakit nawala ako ng ilang araw. Ang sabi sa akin ni kuya iyang satellite na iyan ang magtuturo sa amin ng tamang sagot sa aming mga tanong."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ibig sabihin wala talagang kinalaman si Whychael sa lahat, inutusan lamang siya ng kuya niya para gumawa ng kasalanan.

"Kung gusto ninyong mabuhay si SS hulihin niyo na ang gustong pumatay sa kanya."

.
.
.
.
.

After kong kausapin si Whychael ay ibinalik na muli siya sa kuwarto niya dito sa NIU.

"Sandro Laxy may problema tayo."
Nqpatingin sa akin ang dalawa habang abala sa trabaho.

"Tama may problema tayo." Sabat ni Sandro na may hawak na papel.

"Mali na naman tayo ng nahuli." Nagakatinginan kami ni Sandro ng sabihin namin iyon ng sabay.

"Huh?"

"Sige ikaw muna Sandro." Sambit ko.

"Hindi si Whychael ang suspek. Mayroong bagong pangalan na lumabas."

"Si Wyte at RJ." Agad kong sagot.

"Huh?" Sabay na tanong ng dalawa sa akin.

"Oo si Wyte at RJ, kanina ko lang nalaman. And may good news ako, may isang bagay na makapagbibigay kasagutan sa ating lahat."

"Anu naman iyon?"

"Ang satellite na ikinabit ni Whychael sa atmosphere, isang maliit na satellite na kayang libutin ang buong mundo at kayang mahanap ang taong may sala. Kanina ko lang iyon nalaman mula kay Whychael, iyon ang dahilan kung bakit nawala siya ng ilang araw. I google it and here it is the Torino Satellite."

" He created this satellite since he was at a young age, he dreamed to be an astronomer. Pero ayaw ng kuya niya, pero noong humingi ng pabor si Wyte kay Whychael na ilagay ang satellite niya sa atmosphere so sumunod agad si Whychael dahil pangarap niya iyon. Tuwang tuwa si Whychael ng mailagay niya iyon ng ayos pero ang purpose lang pala ng kuya niya is to locate SS."

"Pero hindi alam ni Wyte kung paano papaganahin, kaya hindi pa nila malocate si SS."

"So paano natin papaganahin ang satellite na iyon?"

"Mismong si Whychael ang tutulong sa atin para mahanap ang location ng kanilang office. Nandodoon lahat ng pwedeng maging ebidensya natin sa kanilang dalawa."

"Sure na bang silang dalawa talaga ang suspek."

"Definitely Sandro. Makakahinga na rin tayo ng maluwag dahil finally nahanap na ang tunay na suspek."

"I have an additional statement, nahanap ko ito sa lumang files. About sa kaso ng magulang ni SS. It is not accident, may lalaking naglagay ng pin sa gulong ng sasakyan nina Rick Lopez. And here it is."

Isang lalaking nakasuit ang nasa video at picture.

"Kilala ko siya."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita mula sa likuran.

"That is my dad, dating kaibigan niya si Rick Lopez. Sabay silang nag audition para maging artista pero si Rick lamang ang natanggap dahil magaling siyang umarte. Inamin sa amin ni daddy na hindi siya magaling pero nainggit siya dahil lalong sumisikat si Rick sa simula pa lamang. Sinubukan niyang makiusap kay Rick na kung pepwede mag extra siya, pumayag naman si Rick pero nabash si daddy dahil sa ginawa niyang pagpost sa mismong account ni Rick.
Nang gabing iyon pupunta sana kami sa party kasama si daddy sa pangatlo niyang pelikula, at ang pelikulang iyon inventor ang ganap niya, nakapunta na kami pero si daddy wala pa. Ang sabi pupuntahan niya si Rick para may bonding naman daw sila kahit papaano. Pero iba ang nangyari, nabalitaan naming naaksidente si Rick at ang asawa niya. Then pag uwi namin sa bahay hawak niya ang remote ng pin na maaaring makasira ng kahit anu. He invented that kind of pin so no one can defuse the pin either me. Then lumipas ang ilang araw tulala lang si daddy, then may inerecord siya bago niya patayin ang sarili. Kasama sa recorder ang remote ng pin."

"So nasaan na ang remote at recorder?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko na alam kung saan inilagay ni kuya, sa kanya kasi inihabilin lahat ng gamit ni daddy dahil siya ang paborito. Pero hindi interesado si kuya sa mga ganoong bagay kaya itinago niya iyon sa bahay namin."

"Whychael salamat sa information." Tinapik tapik ko ang balikat niya habang hawak siya ng dalawang lalaki.




.
.
.
.
.
.
.

After no'n agad rin naming sinugod ang bahay nina Wyte. Tamang tama at walang tao doon.

Mabilis naming nahanap ang recorder at remote ng pin, at ang maganda may bago kaming nakita.




.
.
.
.
.

Whychael's POV

Tama lang na sabihin ko sa kanila ang totoo, para matigil na ang gulo. Ayaw ko rin na nag aaway away ang lahat, pero talagang pagsisisihan ni kuya ang mga ginagawa nila ni RJ. Akala ko pa naman mabuti ang intensyon niyang ilagay ko ang satellite pero ayos na rin at nakakatulong ako, at ang akala ko mabuti rin ang intensyon niya sa pulang papel na pinapakuha niya sa akin.

"Salamat Whychael." Napalingon ako sa likuran ng may magsalita. Napalaki ang mata ko ng makita ko siya.

"SS?" Patanong kong sabi na tila hindi ako naniniwala na nasa harap ko siya.

"Salamat at tinutulungan mo kami, kahit na napagkamalan ka naming suspek."

"A a ayos lang i iyon. Papapasensya na rin dadahil naga nagawa kong akyatin ang ang babahay niyo."

"Huwag kang mag alala, hindi mo naman nakuha yung tunay na papel eh."

"Huh? Anung ibig mong sabihin?"

"Ibang papel ang nakuha mo, sa totoo niyan wala sa bahay ang tunay na papel. Nga pala salamat din dahil sinabi mo ang ginawa ng daddy mo then nadamay pa sina mommy at daddy."

"Sorry for your lost SS."

"It's okay Chael, sorry for your lost too."

Niyakap ako ni SS ng sabihin niya iyon, masaya akong nakabalik na siya pero mas masaya akong nayakap ko siya. Dahil sa lahat ng modelong kilala ko siya ang pinakamaganda.

"Sige aalis na ako. And hintayin na lang natin ang resulta makakalaya ka na."

"Sige SS salamat din." Agad na rin siyang umalis matapos iyon.

Tama nga ang desisyon kong magsabi ng totoo dahil ang dami palang taong gusto yung ginagawa ko bilang inventor, samantalang si kuya hindi man lang naaappreciate ang mga nagagawa ko. Buti pa sina SS, Laxy, Troy at Sandro. Naniniwalang magaling akong gumawa at lumikha ng kakaibang bagay.

.
.
.
.
.

Wyte's POV

Paano ba paganahin ang satellite na ito? Hayyy dapat pala natanong ko muna kay Chael bago siya nahuli, kainis naman. Paano namin malolocate si SS kung hindi ko kayang paganahin. Teka baka may instruction kung paano gamitin.

"Wyte alam mo na ba kung paano paganahin?"

"Hindi nga eh, try mo kaya baka alam mo ito."

"Check ko wait lang."
Agad ding lumapit sa akin si RJ at pilit pinapagana ang satellite na gawa ng kapatid ko na hindi ko man lang naappreciate simula pa noong una, edi sana hindi kami ngayon naghihirap ni RJ kung paano gamitin. Pareho lang sila ni daddy na mahilig mag imbento ng mga gamit. Bakit kasi wala sa dugo ko ang ganoong bagay, haisst makatulong na nga lamang kay RJ.




.
.
.
.

Leanna's POV

"Bakit ngayon mo lang ako binisita?" Tanong ko kay Troy na nakatungo at tila may itinatago sa akin.

"Sorry busy kasi sa work eh. Kailangan ko na ngang bumalik sa office."

"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Huh? Didito ka na lang sa babahay, magpapahinga ka na lang."

"Bakit masama ba?" Sunod kong tanong.

"Hindi naman sa ganoon Leanna, baka kasi anu? Yang alam mo na baka makaingkwentro mo na naman si Reeyah."

"Nga pala about kay Reeyah nasa States na sila ng pamilya niya."

"Bakit naman?"

"May bagong trabaho siyang natanggap kaya tinanggap na niya."

"So papaano yung trabahong naiwan niya?"

"Hindi ko alam Troy, pero wala na rin akong balak mag apply sa kompanyang iyon dahil masaya na akong katrabaho ka."

"Buti naman, hehehe."

"I love you Troy." Napatingin bigla sa akin si Troy ng sabihin ko iyon.

"So meaning sinasagot mo na ako?"

"Yes!" Masaya kong sambit.

"Woah talaga, yes hoooo kami na! Kami na! Official kami na! Yes yoho!" Kitang kita sa ikinikilos ni Troy na masayang masaya siya na sinagot ko siya. Hayyy ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

"Nga pala kamusta ang kaso ni SS? Nahanap niyo na ba siya?"

.
.
.

Troy's POV

Natigilan ako sa pagtalon ng itanong iyon ni Leanna.

"Ah about ba doon, malapit na mahahanap na namin si SS."

"Talaga wow, I'm proud of you Troy. Finally makikita mo na rin ang pinakamaganda kong best friend." Nakangiting sambit niya.

Nakita ko na nga siya, at feeling ko mahal ko na nga siya.

"Troy salamat talaga." Sabay yakap niya sa akin.


.
.
.
.
.


Leveen's POV

"Sorry Sheekk."

"Okay lang Leveen, alam na rin naman ni Laxy at kasama niya ngayon si Sheeria."

"Hindi iyon ang tinutukoy ko."

"Anu pala?"

"It's about Reeyah."

"Bakit anung nangyari kay Reeyah."

"Nasa States na sila ng pamilya nila."

"Bakit naman?"

"It's all my fault, kakasalanan ko kung bakit umalis siya. Hihindi ko naman talaga ginusto yung nangyari eh."

"Bakit anu ba kasi ang nangyari?"

"Her family was not good, ibig kong sabihin may gustong pumatay sa pamilya niya pepero hihindi ako ang may kagagawan niyon!" Naiiyak kong sambit.

"Don't worry Leveen, ako ang nagpadala sa mga taong iyon. Sorry kung di ko nasabi sayo."

"Bakit?"

"Ayaw na ayaw kasing sumunod ni Reeyah sa States kasama ko kaya ko iyon ginawa. Para naman makasama ko siya doon kung sakaling makabalik na ako. Nakakaawa na kasi ang daddy niya sa States mag-isa lang kaya ko ginawa iyon. Sorry Leveen."

"Okay lang at least naging malinaw na ang lahat lahat." Niyakap ako ni Sheekk after kong sabihin iyon.

Akala ko nagkulang na ako sa mga bagay na iyon. Salamat Sheekk.

"Sumama ka sa akin." Napabitaw ako sa pagkakayakap ng magsalita si Sheekk.



.
.
.

Sheekk's POV

Leveen kailangan mo ng malaman na alam na ni Sheeria ang lahat sayo. Sorry kung mabibigla ka kapag naidala na kita sa kanya. Alam kong patatawarin ka ni Sheeria dahil napakabait niya tao, pero hindi ko alam kung kailan iyon.

"Pasok na tayo sa loob." Agad rin kaming pumasok sa loob ng sabihin ko iyon.

"Dea?" Napalingon kami ng may magsalita.

Kitang kita sa mga mata ni Leveen na naiiyak na siya ng makita si Sheeria.

"SS mabuti naman at isinama mo na siya dito." Salubong sa sambit ni Laxy habang naglalakad papunta sa amin ni Leveen.

"Dea."

"Sorry SS. I'm so sorry!" Naiiyak na sabi ni Leveen, napayakap si Sheeria ng lumapit siya kay Leveen.

Guys nalilito ba kayo, hehe ang tawag ni Leveen sa akin Sheekk, pero si Laxy SS ang tawag sa akin. Ang tawag naman ni Leveen kay Sheeria SS, pero si Laxy Sheeria. Habang si Sheeria ang tawag kay Leveen Dea, kami naman Leveen talaga. Nakuha niyo ba? Hayyy sana nakuha niyo ang ibig kong sabihin.

"I'm so sorry talaga SS."

"Shhhh okay na Dea, okay na. Naiintindihan ko kung bakit."

"Mayroon pa akong kasalanan."

"Anu ba iyon?"

"Tinanggal ko si Leanna sa trabaho niya bilang CEO."

Medyo nagulat ang reaksyong ni Sheeria pero ngumiti lang siya at muling niyakap si Leveen.

"Okay lang iyon, at least nagsabi ka ng totoo. Don't worry hindi ako magtatanim ng galit sayo."

Ang swerte talag nina Leanna at Leveen dahil nagkaroon sila ng kaibigang katulad ni Sheeria na napakahaba ng pasensya, siya yung kaibigan mapapa spoiled ka dahil sa sobrang bait niya. Pero makukunsyensya ka naman kapag ginawa mo iyon dahil sa mga magaganda at patamang advice na binibitawan niya. Siya ang perfect kaibigan na nakilala ko sa buong mundo. Kahit na hindi kami ganoon kaclose dama ko yung comfort niya. I'm happy sa ngayon dahil maayos na kaming lahat.

"Si Leanna na lamang ang hindi natin nakakausap about dito, don't worry ako ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Okay?"

"Okay." Ang gandang pagmasdan ng magkaibigang ito dahil sa tunay at totoo nilang intensyon sa isa't-isa.

.
.
.
.

Leanna's POV

Parang may kakaiba kay Troy. Tila may itinatago siya sa akin na dapat ay alam ko na.

"Sige Leanna alis na ako. Hinihintay na ako nina Sandro at Laxy."

"Sige babe, bye."

"Bye then." Hinalikan niya ako sa noo at agad ding umalis. Hinabol ko siya ng tanaw hanggang sa pagsakay niya sa kotse.

Napaisip ako na sundan siya pero hindi ko na lang ginawa dahil magluluto pa ako ng lunch ko.

.
.
.
.
.

After kong makaluto naisipan kong dalhan ng makakain sina Troy. Kaya naglaga ako ng pagkain sa tupperware, halos lahat ng niluto ko ay inilagay ko dahil tatlo sila sa office.

.
.
.
.
.
.

Troy's POV

Excited na akong makita si SS.
Pagkadating na pagkadating ko ay agad kong inasikaso ang mga gagawin namin bukas para sa last investigation.

Habang nagtatrabaho ay biglang dumating sina SS, kasama sina Laxy. May kasama silang dalawang babae pero familiar sa akin yung isa. Hawig niya kasi si Sheekk.

"Nandito ka na pala Troy, si Sheekk at Leveen nga pala."

Naghandshake kami sa isa't-isa at nagpakilala. So tama nga ang hula ko na si Sheekk itong isang magandang babaeng nasa harap ko.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni SS.

"Nga pala lunch break na." Napakamot ako habang nakatingin kay SS.

"Order na lang tayo ng makakain." Sagot nung Leveen ang pangalan.

"Oo nga para mabilis." Pagsang ayon ni Laxy.

Agad na silang tumawag at nag order ng makakain.
Maghihintay na lang kami ng ilang minuto sa pagdedeliver ng pagkain. Habang naghihintay lumapit ako kay SS.

Hindi niya ramdam na tumabi ako sa kanya habang katabi niya si Laxy pero kausap naman iyon ni Sheekk at Leveen.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pabulong kong tanong sa kanya. Pero natigilan ako ng makitang magkaholding hands sila ni Laxy. Napakurap kurap ako.

Buti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ko, napalingon siya sa akin ng huminga ako ng malalim.

"Oh anu yun Troy?" Tanong niya, mabuti na lang at hindi narinig ni Laxy. Hinawakan ko ang kamay ni SS pero binitawan niya iyon. Alam kong nagulat siya.

"Pwede ba tayong mag usap?" Muli kong tanong sa kanya.

Tumayo siya at lumakad palabas, so sinundan ko siya. Hindi pa rin nakakahalata si Laxy kaya sinamantala ko na.

"Anu ba yun?"

"Mahal kita SS." Napalaki ng mata si SS ng tingnan niya ako.

"Huh? No Troy, hindi ito pwede."
Naglakad siya palayo sa akin.

"But SS mahal na kita totoo iyon. Hindi ko alam ang gagawin sa nararamdaman ko sayo."

"Diba ang sabi ko ayaw kong niloloko mo ang kaibigan ko. At ang ayaw ko na dahil ko pa. Troy sinabihan na kita noong una."

"Pero SS hindi ko mapigilang hindi tumibok ang puso ko sayo."

"Ngayon pa lang Troy itigil mo na ang nararamdaman mo sa akin. Mahal ka ni Leanna iyon ang alam ko. Kaya Troy please lang huwag ka ng dumagdag pa."
Naglakad papasok si SS ng office after naming mag usap.

Sumunod na rin ako sa loob, pagkapasok ko nandodoon na ang pagkain. Kumakain na silang lahat maliban kina Laxy at SS na naghaharutan. So meaning iba pala ang gusto niya.

"May bisita po kayo." Napalingon kaming lahat sa pinto ng may mag announce sa microphone.

"Troy dinalhan kita nang makaka....

Hindi na naituloy pa ni Leanna ang sasabihin ng makita sina SS. Nabitawan niya ang dala dala pero sinalo iyon ni Sandro.
Natigilan naman sa paghaharutan sina Laxy at SS. Lumakad papalapit si Leanna kay SS at hinawakan sa kamay.

"SS, to totoo ba ang nakikita ko? Pe pero." Niyakap ni SS si Leanna sa mga sandaling iyon.

"Papaanong?" Yumakap na rin si Leveen sa dalawa.

"I'm sorry Leanna." Hagulhol na sabi ni Leveen.

Napatingin sa akin si Leanna, bumitaw siya sa pagkakayakap sa dalawa at lumapit sa akin.

"Leanna."

PAKKKKKKK

Ramdam kong namula ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Naririnig ko na ang paghikbi niya. Na parang nagsisisi na agad ako sa lahat lahat.

"Bakit hi hindi mo sinabi sa akin i ito?" Naiiyak niyang tanong sa akin.

"Sorry Leanna."

"Sorry lang. Halos maluka na ako kakaisip kung nasaan na ba talaga si SS. Sa ilang araw mong hindi pagbisita sa akin yun pala ay dahil dito."

"Leanna."

"Ikaw SS! Alam mo bang I gave up everything that I have noong nadudukot ka. Alam mo kung bakit? Para tumulong na mahanap ka!" Niyakap ko si Leanna. Pero nagpumiglas siya.

"Huwag mo akong yakapin! Ayoko na! Break na tayo!" Sabay takbo, napatingin ako kay SS. Pero galit ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Habulin mo siya." Bulong niya.

"HABULIN MO SIYA!" Ulit niyang sabi pero pasigaw. Tumakbo ako at hinabol si Leanna.



.
.
.
.
.

Wyte's POV

"Done, finally alam ko na kung papaano gamitin." Nakahinga na ako ng maluwag ng sabihin iyon ni RJ.

Mabuti naman at mahahanap na namin si SS, kung nasaan ka mang babae ka. Mamamatay ka na.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 3.8K 56
Paano kapag nawalan ka ng taong minamahal at pagkalipas ng ilang taon ay may nakilala kang kamukha nya. Isang Aroganteng tao si Ryan na kayang gawin...
1.3M 16.7K 75
Guess what? My girlfriend is tomboy.
93.1K 3.5K 57
Ang pag ibig ay parang isang laro. Dapat marunong kang dumiskarte; sa pagshoot ng bola, pag iwas sa mga kalaban at paano hindi mafoul. Pero paano kun...
82.7M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.