"Anong ginagawa natin dito?"nakakunot noo niyang tanong
"Ayaw mo bang sumama? Ano? Dito ka na lang sa labas?"
"Huh? Hindi! Sasama na!"mabilis niyang tugon at lumapit sa akin
Dahan-dahan kaming pumasok sa restaurant na hindi gumagawa ng anumang ingay. Mabuti na lang at nakatago ang mga mukha namin at maraming tao sa bandang unahan nito kaya hindi kami napansin.
Pumunta kami doon sa extension ng restaurant kung saan mabibilang lang ang tao pati ang tables dito. Tago kasi ito at may isa pang sliding door na papasukan. Dito kasi niya dinadala ang mga kaibigan niya na kapwa artista.
Katulad na lang ngayon. Ngumiti ako nang mapakla nang namataan ng mata ko silang dalawa na nakaupo sa malapit sa salamin at magkatapatan habang nag-uusap. Nakatalikod ito sa akin habang nakaharap naman sa direksyon ko ang babae. Hindi niya ako napansin dahil abala ito sa pagtitig sa katapat na lalaki.
"Baliw! Umupo na tayo. Hindi mamamatay ang mga 'yan sa tingin mo."bulong sa akin ni Sheena at hinila ako papunta sa isang table hindi kalayuan sa kanila
"So alam mo palang narito si Alden at 'yung babae?"mahina niyang sabi nang makaupo kami
Oo tama ang rinig nyo. Nandito kami sa Conchas ni Sheena na pagmamay-ari ni Alden. At kung bakit kami nandito? Hindi ko alam, tanungin nyo si Alden baka alam niya.
"Nag-aya kang maglunch tapos hindi pala pagkain ang sasadyain natin, tao pala. Mangangain ka pala ng tao."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nandito tayo para kumain, ano bang sinasabi mo?"
"Jusko Meng! Ang daming restaurant, dito mo pa talaga napili? Huwag mong sabihing naghihirap si Alden kaya kailangan mong ipatronize ang business niya? Sasabunutan kita."
"Bahala ka sa gusto mong isipin."
"Sus. Mas maganda ka kay Bella."
"Belle. Anong Bella ka dyan?!"tumaas ang kilay ko sa kanya
"Huli! Alam na alam! Sinasabi ko na nga ba e! Naiinsecure ka sa bruhang 'yun? Puro naman dibdib at pwet!"sabi niya at tinuro-turo 'yung babae nasa table hindi kalayuan sa amin.
"Actually maganda siya, magandang bold star."kumpirma niya
"Tumigil ka nga! Baka may makarinig sayo!"saway ko at pinalo siya
"Eh ano naman ngayon? Totoo naman! Tiwala kang papatusin ni Alden 'yan?"ngumuso siya at umiling-iling
"Wala akong sinabi."
"Hay naku Meng! Kung ganyan katindi ang selos mo, pabuntis ka na dun sa tao! Pinapahirapan mo pa buhay mo, pwede ka naman dun sa madali!"
"Sira ka talaga! Tsaka hindi ako nagseselos ano!"pinanlakihan ko siya ng mata lumalakas kasi ang boses niya
"Eh anong ginagawa natin dito? Tigil tigilan mo ko Nicomaine Mendoza ah!"
Napalingon ako sa gawi nila at nakita kong mahinang hinampas nung babae si Alden sa braso nito at tumawa.
"Ano, kaya pa? Masokista ka ano?"napalingon ako kay Sheena at umiwas ng tingin
"Maganda naman talaga si Belle. Tsaka ano, sexy pa. Payat na siya ngayon e."pamumuri ko
Hindi ko alam pero ramdam ko ang pait sa lalamunan ko dahil sa mga sinabi ko. Tumungo ako at muling umiling. Kailan pa ako nainsecure? Oo nga at wala akong masyadong dibdib at pwet, pero modelo naman ako ano? Kaya anong kinaiinis ko?
Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita na naman si Sheena.
"Oh? Eh, bakit? Aanhin ba naman ni Alden 'yung mukha niya tsaka ung dibdib at pwet niya! Sus sa gabi lang magaling 'yun sa araw nganga! Tsaka mahilig kayang matulog si Alden."tumango siya na parang kinukumbinsi ako sa sinasabi niya
Umiling na lang ako at tumawa.
"Pero syempre depende sa tao, malay mo sayo dilat magdamag. O edi ikaw na!"
"Hindi ka sigurado diyan."
"Uy gusto niyang dilat magdamag. Sira ka pala e, edi subukan mo!"biro niya at tumawang muli
"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ano ako, baliw?"sabi ko at tumawa na lang
"Pinapatawa lang kita. Nasasaktan ka e."
"Hindi nga. Ayos lang ako."
"Ipagpatuloy mo 'yan! Bigyan kitang award. Ayos daw? Tingnan mo 'yang tinidor, kung mahawakan mo parang babaliin mo na e!"
Hindi ko napansin na matagal ko na palang hawak iyon nang mahigpit. Agad ko naman itong binitawan.
Ilang segundo pa at lumingon ulit ako sa kanila.
Nanliit ang mata ko nang makitang hinawakan ni Belle ang kamay ni Alden na nakapatong sa table.
"Masyado mo kasing sinusulit ang pagpunta natin dito, kung anu-ano tuloy ang nakikita mo."
"Hindi ko lang maiwasan."
"Mahal po pa kasi? Bakit ba kasi pinapahirapan mo ang sarili mo?"
"Alam mo naman kung bakit diba? Ayokong madaliin, katatapos lang namin magsabihan ng mga sikreto. Baka maulit na naman 'to sa wala."
"Oo nga, pero hanggang kailan? Hihintayin mo bang maagaw na siya ng iba sayo?"
"Kung magpapaagaw siya, wala na akong magagawa dun. Hindi rin naman siya sa akin."
"So hahayaan mo na lang nang hindi mo man lang pinaglalaban?"
Hahayaan ko na lang ba?
"Hindi naman, pero kasi, gusto ko kung sasagutin ko ulit siya, sisiguraduhin kong siya na ang mapapangasawa ko. Diretso na 'yun dun. Kaya dapat alamin ko na ang pinapasok ko."
"Oh, huwag nang lilingon."mas kita niya kasi mula sa pwesto niya ang mga ito kumpara sa akin na kailangan pang tumagilid o tumingin sa likod para malaman ang nangyayari.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sheena at nagpatuloy parin sa pagsilip sa kanilang table.
Kinagat ko ang labi ko nang makita silang dalawa na nakatayo habang nakahawak ang kamay ng babae sa braso ni Alden at napahamak naman ang kamay ni Alden sa bewang nito nang may nakabunggo na crew sa babae.
Lumayo na ito pagkatapos. Nagulat ako nang biglang yumakap si Belle kay Alden. Nakita ko rin ang pagkagulat ni Alden. Muntik na akong mapamura nang dumampi ang labi nito sa pisngi ni Alden. Hindi ko kita ang mukha ni Alden pero wala naman itong ibang ginawa, nananatili namang ganoon ang babae.
Inalis ko na lang agad ang tingin ko roon at humarap kay Sheena na mariing nakatitig sa akin at malungkot na ngumiti.
Kaya ba hindi na ito nagpakita ng ilang araw at hindi na rin ako kinukulit o tinetext man lang?
"Gutom lang 'yan."sambit niya
"We should go."mahina kong sabi kay Sheena
Naintindihan naman agad niya ito at tumayo na rin.
"Can I take your---aalis na po kayo mam?"tanong ng waiter na lumapit sa amin
"Mukha ba? Ang tagal nyong kumuha ng order, wasak na wasak na 'yung kaibigan ko este 'yung mga tiyan namin sa gutom."
Pinigilan ko si Sheena sa pagsasalita pa. Dapat ay hindi na siya nagdahilan pa, baka makakuha pa ng atensyon.
"Ma'am, pasensya na po."mukha namang namukhaan siya ng waiter dahil tanging sumbrero lang ang suot nito
"Kuya naman kasi, huwag mo na kaming pigilan okay? Salamat."sabi ni Sheena at ngumiti
Nagemote lang pala ang bruha. Baliw lang talaga 'to!
"Anong nangyayari dito? Ms. may problema ba?"rinig kong sabi ng nasa likod ko
Nakita ko rin ang paninigas ng katawan ni Sheena, hindi rin siguro nito akalain na makakaagaw siya ng atensyon sa sandaling iyon at mapapansin ito ni Alden.
"Carlos?"tawag ata nito sa crew na kaharap ni Sheena
Hindi parin humaharap si Sheena kay Alden at nanatili rin naman akong nakatalikod.
"Kasi po aalamin ko po sana ang order nila Sir, kaya lang po aalis na po ata sila. Sabi po kasi ni Ma'am Sheena nawasak na daw po ang tiyan nila sa gutom."
Napapikit ako nang mariin nang banggitin pa ng crew ang pangalan ni Sheena. Wala na! Tapos na!
"S-sheena?"tanong ni Alden
Kita ko sa may tagiliran ko na hindi na nag-atubiling humarap si Sheena kay Alden dahil wala na rin naman itong kawala.
"H-hi, Alden?"nauutal na bati niya
"Sheena! Anong ginagawa mo dito?"
"Ahh--eehh--napadaan lang."
"Paalis ka na daw?"
"Ahh oo! Ang tagal naman kasing kumuha ng order, ginutom na kami!"inis na sabi ni Sheena
"Kami? May kasama ka?"pumikit ako nang mariin nang mapansin iyon ni Alden
Medyo malayo kasi ang pagitan namin ni Sheena. Kaya hindi siguro niya ako napansin. Kampante naman ako na hindi niya ako makikilala dahil sa suot kong jacket at pati face mask. Oh diba? Balot na balot!
"Huh? May sinabi ba akong ganun?"
"Siya ba ang kasama mo?"naramdaman ko naman ang titig niya mula sa likuran ko kaya humakbang na ako paalis
"Saglit."nagulat na lang ako nang mahawakan niya ang kamay ko
"M-maine?"parang nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin
"Alam kong ikaw 'yan."sabi niya sa malamig na boses
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala na namang dahilan para itanggi ko pa iyon at umalis kami dito dahil alam kong hindi niya rin kami papayagan. Naiinis lang ako na sa isang hawak niya lamang sa akin, alam niya nang ako 'yun? O baka naman hindi, ako lamang ang nag-iisip nang ganun. Naisip niya lang siguro na ako ang kasama ni Sheena.
Humarap ako sa kanya at inalis ang pagkakatakip ng mask sa bibig ko. Nakita ko ang mabilisang pagdaan ng gulat at saya sa mga mata niya
"Dito na kayo kumain. My treat."usal niya
"Talagang dito naman dapat kami kakain ano?! Ano sa tingin mo ang gagawin namin dito? Magmamasid?"singhal ko at humilig sa upuan sa may table namin kanina
"Ay hindi ba?"tanong naman sa akin ni Sheena
"Oo nga naman Alden. Si Maine, magsastalk? Jusko! Suntok sa buwan! Suntok sa buwan! Malabo! Aray!"tatapat sana siya sa akin nang upo at bago pa niya magawa 'yun, pinalo ko na siya
"Actually nga paalis na kami e. Diba?"matigas kong sabi habang pinanlalakihan ng mata si Sheena
"Huh? Hindi ba tayo kakain? Akala ko kakain na tayo?"namumutla niyang sabi
"Paalis na tayo DIBA?"giit ko
"Huh? Gutom na a--aray! Nakakarami ka na ah! "Mahina ko kasi ulit siyang pinalo para maintindihan ang nais kong sabihin
"Ahh, oo nga! Busog na ako. Whoo! I'm so full! Tara na bes!"pagpapatuloy ni Sheena
"T-teka! Dito na nga kayo kumain. Libre ko nga."pigil sa amin ni Alden
"Talaga?"tila nagmukhang pagkain ang mata ni Sheena dahil sinabi ng lalaki
"Ahh, hindi na. Busog na talaga kami."pigil kong muli
"Bes, maawa ka sinamahan na kita dito. Pakainin mo naman ako."dumaing na naman ito at humawak sa ab
"Sinamahan?"
"Sabi ko kapag sinamaan na ako, sinamaan ng tiyan."
"I insist."
Umorder na kaming dalawa at kulang ang salitang abuso para ilarawan ang ginawa naming pag-order. Pakiramdam ko napakarami naming kakain at nagfofood tasting kami sa dami ng nasa 6 seater table. Halos mapuno iyon.
"Anong ginagawa mo?"
"Kakain rin ako? Don't tell me I couldn't eat here at my own restaurant."
Hindi na lang ako umimik at baka masabihan pa ako ni Sheena na pabebe pa. Kumain na lang ako basta.
"Hindi ko alam na pupunta ka."
"Hindi ko rin alam."mataray kong sagot.
"Uminom ka ba kagabi?"
"Ginusto kong umino--uminom ng tubig. Gusto kong uminom ng tubig. Paabot nga."
"Uminom ka nga? Bakit?"
"Hindi."
"Sinong kasama mo?"
"You should eat more."
"Nicomaine Dei Mendoza."
"Huy! Buong pangalan mo na, patay ka!"pansin ni Sheena
"Hindi nga ako uminom, tsaka wala akong kasama. Hindi ako tulad mo."
"Hindi daw magjowa. Pero ang galawan, jusko!"napahagod naman si Sheena sa buhok niya
"What?"
"Wala."
"Bakit ka nga uminom?"
"Masaya e."
"What kind of answer is that?"
"Sagot ko."
"May nangyari ba sa atin?"
"Huy! PG naman! May nakain oh! Andito po ako. Tao po ako. Tatlo po tayo dito. Susme."
"Wala. Anong mangyayari?"
"Then, why are you mad? Why did your drink last night?"
"Baka uminom ako mag-isa kasi masaya ako. Baka kaya nandito ako, kasi kakain lang. Baka kaya naiinis ako dahil wala lang, trip ko lang."
"Nagseselos nga kasi."sabat ni Sheena
"You're still jealous with Belle?"
Lalong uminit ang ulo ko, hindi ba halata nung nag-usap kami na nagseselos ako dun sa tao? I just wanted to know why he's acting like this? Ayaw niya na ba ulit subukan? Ano na naman itong nangyayari?
"Are you--"
"Hon."bulong ng isang lalaki sa may likuran ko
"Oh ayan, pinapunta ko na ang asawa ko rito, kasi mukhang kailangan nyong mag-usap."biglang sabi ni Sheena at tumayo na
I looked at her and mouthed my apologies. Dinala ko siya dito tapos hindi ko man lang siya isinama sa usapan nung dumating na si Alden. Anong klase akong kaibigan?
Nginitian niya lang ako na parang naiintindihan niya ang lahat.
"It's okay. I understand that you guys need some time alone. Kaya hahayaan ko na lang kayo pero jusko, huwag kayong gagawa ng milagro."
Tiningnan ko siya nang masama sa sinabi at tumawa lang naman silang tatlo. Tahimik silang umalis at naiwan kami ni Alden na nakatalikod sa mga tao mula sa kinauupuan namin.
"Bakit wala nang tao?"tanong ko nang mapansing wala nang nakaupo sa paligid namin dito aa parang function hall nila.
"I don't want anybody to disturb us. This function hall is exclusive for both of us. Now talk."may awtoridad niyang sabi
"Are you-- are you pursuing Belle now?"muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi
"What? No! Saan naman nanggaling 'yan?"
"Have you seen the article and the vid--"
"I've seen it. I'm afraid you'd distant yourself from me again. Kaya nagulat ako na nandito ka."
"Nagulat ka, kasi mahuhuli kitang nakikipaglandian, ganun? Well, to tell you frankly hindi halata.!Hindi ko makitang natatakot kang layuan ulit kita. You seemed fascinated with how Belle reacts at whatever you were saying."
"Pinagmamasdan mo ba kami kanina?"
Tila mas nag-apoy ang inis ko dahil sa nililinaw niya. Pakiramdam ko mas nairita ako doon.
"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko rito Richard Faulkerson Jr.? Kakain talaga at ipapatronize 'yung food ninyo? Alam kong masarap ang pagkain nyo pero--aish--ano ba 'tong sinasabi ko? Dammit!"inis kong sabi nang marealize na nasabi ko ang nasa isip ko.
Bumuntung-hininga ako at nakita ko ang pagngiti niya kasabay ng pagkunot ng noo niya. Marahil iniisip niya na bakit hindi ko pa siya sinasagot gayong nagseselos naman pala ako.
"Sige lang, ipagpatuloy mo. Tama yan. Para lumiwanag na ang buhay mo."seryoso kong sabi
"Huh?"sagot niya na nahihiwagaan sa sinabi ko
"Sa meralco nagtatrabaho ang tatay niya diba?"bumaling ako sa kanya
Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nagtataka siguro at pati iyon alam ko.
"May google, google!"depensa ko kahit na alam kong hindi niya ito paniniwalaan
"I don't think that information's stated at that website."
"Eh siya, baka ibang google 'yung napuntahan ko, baka malapit na siyang maging tao sa pagkatalino! Ganun!" inis kong sabi at humagalpak naman siya ng tawa.
"Maine."tawag niya nang kumalma sa pagtawa
"Ano?! Masaya ba? Tawa pa."singhal ko sa kanya
"You're just too cute."
"Ano ako aso?"
"Kung nanonood ka talaga kanina, you should have seen how her face turned pale when I made it clear to her that I don't want any onscreen partner in my career. At kung nakikinig ka lang kanina, narinig mo sana kung ano ang mga sinabi ko sa kanya tungkol sayo."
"Like what?! Anong sinabi mo sa kanya na sa huli napahawak ka pa sa bewang niya at pinahalik mo pa siya sa pisngi mo?! Tell me. Baka maniwala ako."
"Hindi ko alam na hahalikan niya ako."
"Try harder. Kasi baka ako alam ko na hahalikan ka niya. Kasi baka usong umiwas din?"
"Damn. I promise! I didn't know!"
"You didn't know I'm here, kasi-- aish! I sound like a freaking jealous girlfriend!"
"Maine. Please. Napahawak ako sa kanya dahil muntik na siyang sumubsob papunta sa akin. We were talking about the article and the video. I told her how I hated her for saying to the press that she was the girl in that graduation picture. I had to make some arrangements regarding my career that's why I wasn't able to contact you for days. She explained her side and that's it."
You heard it right. Belle told the press that it was actually her on that picture. She confirmed the rumors and I don't want to hear her explanations anymore. Kahit saang anggulo hindi ko makikita ang kagandahan noon.
"Why are you so good to her?"
"What?"
"Hinayaan mo lang siya sa ginawa niya?"
"I made it clear to her that I don't want to do business with her anymore. And in case she will do something like that again which might affect you, I'll reveal her secrets right away and make sure to put her career down. "
"W-what? Wait! No! That--that's too much."pigil ko
"I reminded her how devil I could possibly be when it comes to you. Are we okay now?"
"Pero--"
"Are we okay now?"ulit niya
"And the kiss? How would you explain the kiss?"pagsusungit ko
"I said I didn't know that he would kiss me! Dammit!"mabilis siyang kumuha ng tissue at ipinunas sa pisngi niyang nahalikan
"Stop it."
"Are we okay now? Kailangan ko pa bang magpafacial Maine para patawarin mo ako?"seryoso at inis niyang tanong sa akin
"You're forgiven."tumango ako
"But please, don't meddle with her career."pagpapatuloy ko
"Okay. As long as I'm forgiven, love." hinalikan niya ako sa noo
Napatingin ako sa lamesa na marami paring pagkain.
"Kasalanan mo 'to, ang dami ko tuloy inorder dahil sa inis ko sayo. Pasalamat ka pinatawad kita. May plano na akong patumbahin itong negosyo mo kanina."banta ko
"And how would you do that?"
"I'll date my other suitors here. Yes, it would attract customers but I'd make sure you'll get crazy once I do that. "
"Dammit, don't joke like that, love."hinawakan niya ang kamay ko
"Napapagod ka na ba sa akin?"bigla kong tanong
"What? No! Saan nanggaling 'yan?"
"Wala lang. I was just thinking that may--"
"Take your time. No pressure. I could wait forever."
"We'll get there soon. Malapit na. I'm just waiting for something."
"Something? A kiss maybe?"pinisil ko ang pisngi niya pagkasabi niya noon
"It's for you to find out."hamon ko sa kanya
"I'm afraid with your surprises."pagtatapat niya
"You should be."ngumisi ako at tumawa pagkatapos
ALDEN'S POV
Nandito ako sa isang set malapit sa Pasig para sa isang commercial shoot. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Maine kahapon, naging maayos na kami. Kumpara noon, mas kampante na kami dahil wala na kaming tinatago sa isa't-isa. I'm happy that I was able to break her walls.
Nasa tent kami ngayon at nagpapahinga, malapit na kasi iyong matapos, medyo humupa na rin ang tao na nanonood kanina sa labas.
"Uy may naghihintay sayo sa labas."sabi ng biglang dating na kasamahan doon sa nasabing shoot
"Sino daw?"tanong ko
"Pare bawal kiligin ah, pero si Maine Mendoza lang naman."tinapik-tapik pa nito ang balikat ko
Tumayo ako agad nang marinig ang sinabi niya. Muntik ko nang takbuhin ang daan palabas kung hindi lang niya ako pinigilan sandali.
"Oy! Pare huwag ka namang pahalata masyado."bulong niya sa akin
"Sige na! Salamat!"tinapik ko rin siya sa balikat at akmang aalis na
"Sige lang. Ganda pala lalo ng girlfriend mo sa personal."sabi nito at umiling na lang
"Hindi pa. Hindi ko pa girlfriend."alma ko
"Ah, hindi pa ba? Yaan mo na pare, liligawan ka na ata."pang-aasar niya
"Walang ganun, ako ang nanliligaw. Naghihintay na lang ako ng sagot."depensa ko
"Oo na, manalig ka lang Pare. Manlilibre ka na ba? Mukhang may pag-asa na ah?"sigaw niya at tumawa
"Sana!"sigaw ko na lang sa kanya nang lumingon muli ako
Tumuloy na ako palabas at nakita ko nga siya doon sa may sulok, mag-isang nakatayo. Nahaharangan ito ng barricade dahil nasa loob naman siya kaya hindi siya pinagkakaguluhan. Bagamat nakakaagaw siya ng pansin kahit na nakacap siya at nakamask. Nang makita niya ako, agad niyang binaba ang mask niya at ngumiti sa akin. Kumaway siya pagkatapos. Hindi naman nakaiwas sa pandonig ko ang sigawan ng ilang nasa paligid na nagbabantay sa pagpapatuloy ng shoot ko. Marahil nagulat sila at nakimpirma na si Maine nga iyon.
Tinawid ko agad ang distansya naming dalawa sa takot na mainis na naman siya sa pangyayari at magalit sa akin dahil sa posibleng pagkaiisue sa akin.
"Bakit mag-isa ka dito? Bakit hindi ka nagtext? Delikado."Tanong ko nang makalapit sa kanya
Imbis na sagutin niya ako, ngumiti lang siya sa akin. Tinitigan ko siya at ganoon din ang ginawa niya. Umiling muna siya bago nagsalita.
"I want you to be my date at my sister's wedding. I'm here to know if that's possible."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"F-for real?"nauutal kong sabi
"Ayaw mo? Well, it's okay." tumango siya at tumalikod na
Bago pa siya makahakbang paalis, mabilis ko nang hinawakan ang kamay niya
Hindi ko alam kung bakit naisip niya ito gayong madaming nakakakita sa aming tao. Pwede niya naman akong itext o kung anuman at hindi ang maghintay dito sa labas.
"Without a doubt. I'll be your date tomorrow." pinisil ko ang brasong hawak ko at ngumiti ng matamis
"Good. I didn't expect a 'no' from you."kalmado niyang sabi
"And one more thing?"pahabol niyang sabi
Tumaas ang kilay ko sa pagkakaputol niya sa sinabi. Ngumiti lang siya at tumango.
"Can I have you for today? I need someone to accompany me in buying my wedding gift to the newly weds."nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa mga ginagawa niya ngayon
"That's not even a question. You'll have me driving for you anywhere you want, minutes from now."mabilis kong sagot
Tumawa siya at marahang pinalo ang braso ko. Hinila ko siya papasok, nang maisip ko na isama na lang siya sa loob para walang gaanong makakita sa kanya. Nagulat ako nang pinigilan niya ako at nanatili sa pagkakatayo roon. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"Wait for me inside."suhestiyon ko at umiling siya sa akin bilang pagtanggi
"I'll just wait here. I'll be fine."paninigurado niya, tumango pa siyang muli at ngumiti
"Maine please. Come with me inside. Mas marami pa ang makakakita sayo rito."bulong ko sa kanya
Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan iyon, natatakot na magbago ang isip niya. Natatakot na hindi ito ayon sa kagustuhan niya.
"Asking you to join me in shopping means I'm open to the possibility of being linked to you, Alden. "matamis siyang ngumiti bago umiling na muli
"No, change that. I really want to be linked to you. I want us to go public."
Nanlaki ang mata ko. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sobrang pagngiti.
Damn!
--------------
Merry christmas and happy new year.
Sorry for the late greetings. Love you all!
Sorry for the errors. No time to proofread. Thank you so much for patiently waiting.
---------------