Eto na yung part 2 ng Sorry, Duwag Ako. Yan lang ang nakayanan ko. Hehehe, pasensya na po sa walang kwentang ending.
Penge po ng comment niyo for feedbacks/reviews.
Salamat po sa mga nagvote at nagcomment!
Salamat din po sa mga humingi ng part 2!
Comment po kayo! Hohoh!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
WAG BASAHIN, DAHIL PANGET ETONG PART2. CHAR
"Chard! Mahal kita."
"Sorry Jas. But I can't."
Di ko naintindihan ang sinabi niyang yan. Lalo na nung sinabi niyang
"Pero kung yung tao ay para talaga sayo, maghintay ka lang."
Yan ang mga sinabi niya sa akin five years ago. I confessed to him after the day na magpunta kami sa enchanted.
Kasi nanaginip ako.
"Mahal din kita Jas."
O talagang nag assume nanaman ako?
Five years na din ang nakakalipas
Pero hanggang ngayon
Mahal ko pa din si Chard.
Wala na din akong connection sa kanila ni Jerome.
Baka may kaniya kaniya na silang pamilya.
Siguro nga hanggang dun na lang iyon.
At one day, makaka move on ako at mahahanap ang Mr. Right ko.
Nandito ako sa may Manila Bay,
kasi may photoshoot kaming ginagawa.
Hindi ako model,
ako yung photographer.
"That's a wrap! Good work today guys." Announce ko nung nakuha ko na yung mga gusto kong shots.
Nagsi alisan na yung mga staffs at yung mga model.
Napagisip ko kasing wag munang umuwi. Kaya naglakad lakad muna ako dito.
~Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita
Sana kasi Chard sinabi mo na lang na di mo ako mahal.
Hanggang ngayon tuloy, umaasa ako sa wala.
"Miss. Maghintay ka lang, babalik siya." Napalingon ako sa gilid. Isang matandang lalaki na nakaupo sa isang bangketa.
Ansabe ni Lolo?
"Sa huling lugar kung saan ka nakaramdam ng lungkot at saya. Doon." Sabi sa akin ni Lolo habang nakangiti ng malaki.
Di ko na lang pinansin yung si lolo. Kaya umalis na lang ako, pero sumigaw ulit siya.
"Five days from now! Magkikita ulit kayo at sasaya ka na." Napatigil ako sa sinabi ni lolo. Kaya humarap ulit ako sakanya. Pero paglingon ko, wala na siya. Weird.
Di ko na lang pinansin yung sinabi nung matanda baka napagtripan lang ako nun.
Limang araw na din ang nakakalipas mula nung nangyari yun. Ewan ko pero di ko makalimutan yung sinabi ni lolo dun sa manila bay.
Eto ako ngayon, papunta sa enchanted. Kasi dito yung place kung saan napagbotohan kung san gaganapin yung photoshoot para sa isang malaking project na gagawin ng companya.
Sa dinami dami ng lugar, dito pa naisip nung client namin. Di ko naman nakausap kasi may meeting ako nun.
Pagdating sa location, walang tao. Siguro nirentahan para di sagabal sa gagawin naming photoshoot. Sabi nila sa may harap daw ng space shuttle kami magkikita. Pero pagdating ko dun wala namang tao.
Baka napa aga ako, sabi ko na lang sa sarili ko.
"Daddy!" Sigaw ng isang batang babae. Pano nakapasok yan dito?
"Hey baby, stop running. Baka madapa ka." Sabay buhat sa kaniya ng isang lalaki. Ang cute ng mag ama.
Humarap sa akin yung mag ama. Pero di ko nakita yung muka nila kasi nakatanggap ako ng text.
Jas. Di tuloy yung photoshoot. ;) Sana maging masaya ka. :)) <3
"Ano ba yan." Mahina kong sabi. Maging masaya? Tsk. May puso pa.
"Wala naman talagang photoshoot Ms. Reyes." Sabi nung lalaki sa akin. Kaya napatingin ako sakanya.
"C-chard."
"Kamusta na?"
"Eto, mahal ka pa din." Syempre di ko sinabi yan.
"Okay lang. Ganun pa din."
"Who is she daddy?" Sabay turo sa akin nung...anak niya? </3
Mali yung sinabi nung matanda. Pati na din yung text sa akin, mali lahat.
"She's Jas baby. You know, the one I was telling you about?"
"A-anak mo Chard?"
"Chard! Chelsea!" Sigaw ng isang babae. Baka nga anak ni Chard yung Chelsea. </3
Sadista na ba ako ngayon? Bakit ko hinahayaang makita na papalapit yung babae sa mag ama niya?
"Jas? Is that you?"
"A-abby." Sabi na eh. </3
"Mommy!" Sabay pabuhat naman nung Chelsea kay Abby.
"A-anak niyo?" Tanong ko sakanila.
"Ah? Hindi. Hahaha si Chard lang ang kinilalang ama. Iniwan kasi ako nung lintik na hinayupak na nakajontis sa akin. Osiya, pupuntahan ko lang sila Jerome dun." Umalis na si Abby kaya naiwan kami ni Chard dito.
Ano bang nangyayari?
"^_______^ So Jas, I'm single and ready to mingle." Baliw. "Dapat kasi nakinig ka dun kay lolo sa manila bay." Ano daw?
"Last month pa ako nakabalik dito, last month na din kitang pinagmamasdan sa malayo. Humahanap lang ng timing. Ang mahal pa nga sumingil nung si lolo. At yung photoshoot? Kakuntsaba ko sila."
"Sabi ko sayo eh, kung yung tao talaga ay para sayo, maghintay ka lang. Kasi that moment, it may not be the right time for the two of us. But now, you're mine. Eto na ang sagot Jas, mahal din kita. Dati pa. Di lang talaga pwede that time, pero ngayon may Isabelle it isang soon-to-be princess na si Jerome. ^___________^" Sabay akbay sa akin ni Chard.
Naguguluhan man ako sa sinabi niya pero wala na yun. Basta ang alam ko lang, masaya ako.
"Jas this time wala ng hahadlang pa. Kasi mahal na mahal kita! at you're mine now. ONLY MINE!" Sigaw niya sabay pagliwanag ng kalangitan. Ang ganda ng fireworks.
"Tara? Sakay tayong space shuttle!"
THE END.