Soul Searching

By Heamity

1.5K 110 0

"Nawala ako para mahanap ka pero nasaan ka na?" Adan Verano met an annoying ghost lady that reminds him of hi... More

...
Soul Searching
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
;

Chapter 2

77 6 0
By Heamity

Chapter 2

"Oh my god! You didn't know?!" she gasped.

Tipid kong nginitian si Shi at kumuha ng panibagong shot para inumin.

"Kailan sila kinasal?"

Pagkabitaw ko non ay dinig ko ang pagmumura nila kay Shi. Sinubukan kong umakto na parang wala lang. Kunwari, wala lang sa akin 'yong balitang 'yon.

Hindi makatingin ng diretso sa akin si Shi habang sumisimsim ng vodka.

"Tuloy pa rin ang engagement. Hindi lang namin alam kung bakit hindi pa rin sila matuloy sa simbahan. Nagkakaproblema ata." Si Allen ang sumagot habang nagsasalin ng alak.

Binigay niya 'yon sa akin at nilagok ko agad pagkatanggap. I need to be numb.

Nagkatinginan sila at saka ko narinig ang buntong hininga ng katabi ko.

"You should get a life, Ads. You're getting old and grumpy!" sabay hatak sa'kin ni Mariaj papuntang dance floor.

Hindi ko alam kung paanong bigla na lang nila ako pinagtulungan. Kung sino-sinong babae ang pinakilala nila sa'kin nong gabing 'yon. Pinatulan ko ang trip nila at pinili ko 'yong Karina.

We danced, touched, and kissed. They even wanted me to get laid but I wasn't up for it.

Napahinto ako sa pag-iisip nang palibutan ako ng mga batang naghahabulan. I'm too occupied na hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa may Kids' Park.

Pinagmasdan ko ang paligid. Isa ito sa mga parteng trinabaho ko at nakakatuwang malaman kay Mr. Villamor na naging successful ang launching ng project. Maraming mga batang naglalaro ngayon kasama ang mga yaya nila. Naupo ako sa may malapit na bench, as I informed my secretary na dito na lang kami magkita.

Gusto ko munang panoorin 'yong mga nagsasayang bata. Mga naglalaro ng taguan at nagpapadulas sa mga slide. 'Yong iba ay nasa see-saw at swing.

I smiled. Mabuti pa sila walang prinoproblema sa buhay. Nilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng wooden table at humilig sa likod ng bench.

Tumigil ang mga mata ko roon sa grupo ng mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan. Doon mismo sa babaeng kasama nila na nakaputing dress.

I sat properly as I watched that woman. Her features remind me of someone. Her fair and delicate skin, her black wavy hair, the shape of her face, and even her smiles.

She looks like her.

Pinilig ko ang ulo, naiinis sa sarili kung bakit inaalala ko na naman siya.

Nag-angat ulit ako ng tingin doon sa babae. She's too young to be a mother. Baka Tita o Ate ng isa sa mga batang kalaro niya.

Napahawak ako sa ibabang labi habang sinusundan ang bawat galaw niya. Kung paano siya tumakbo at tumawa habang hinahabol siya ng isang batang lalaki. Kusang umangat ang gilid ng labi ko nong narinig ko ang malambing niyang boses.

"Sheet," bulong ko nang huminto siya at nagtama ang mga mata namin.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Baka mahalata niyang attracted ako sa kan'ya!

Kinuha ko 'yong cellphone, at hindi na nagdalawang isip pa na pindutin 'yong camera. Siniguro ko muna na hindi na siya nakatingin sa akin. Mabuti at bumalik na siya sa pakikipaglaro sa mga bata.

Pasimple kong inangat 'yong cellphone para sana kuhaan siya ng picture. I just want to take a candid shot of her. She's a perfect subject.

Ngunit nagtaka ako nong hindi siya nahagip sa camera. Pinahiga ko ang cellphone habang hinahanap siya sa camera pero wala.

Where is she now?

Binaba ko ang cellphone, at ambang hahanapin siya nong literal na natigilan ako. Nakatayo na ko non nang makita ko siya mismo sa harap ko.

Nagkatitigan kami ng halos isang minuto sa mata at hindi ko maintindihan kung bakit may naramdaman akong kakaiba.

Her almond eyes are looking straight at me. As if, she's trying to figure me out.

Hindi ko alam kung bakit. Pero tumindig ang balahibo ko roon at nanlamig ako bigla.

"Oh, fuckin'shit," singhap niya. "Nakikita mo ko?"

Tinuro niya pa ko, pagkatapos ang sarili niya, tipong pinapaintindi sa akin 'yong gusto niyang sabihin.

Oh, sheet!

Kumabog ang dibdib ko, at nanghihinang umupo ulit ako sa bench. Hindi ko na siya kayang tingnan ngayon.

Dinig ko ang mahinang pagmumura niya na para bang hindi rin siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.

What the pack!

"Uh, Sir?"

Bumaling ako kaagad kay Oliver at walang salitang nilahad ko sa kan'ya 'yong upuan sa harap.

Malalim ang buntong hininga ko. Sheet. Kailangan kong kumalma! "W--Where's the document? I need to review that tonight."

Oh, sheet.

Napansin kong naupo 'yong babae sa may gilid ko. Kumunot ang noo ng secretary ko, halatang kuryoso kung bakit medyo kinakabahan ako.

Nilapag niya 'yong laptop sa mesa, maging 'yong folder na pinapaasikaso ko sa kan'ya. Nag-umpisa siyang magpaliwanag tungkol sa magiging schedule ko, at kailangan tapusin within this week. Samantalang 'yong babae ay nakapangalumbaba, at pinagmamasdan lang ako.

"'Pag lumingon ka, akin ka." Tapos tumawa pa siya nang mahina.

Sheet! Sheet!

Mula sa papel ay nag-angat ako ng tingin kay Oliver na parang walang narinig sa tabi. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita.

Dapat masanay na ko sa mga ganitong sitwasyon. Hindi lang naman ito 'yong unang beses pero sana ito na 'yong huli.

Sheet! Baka sa susunod atakihin na lang ako sa puso dahil sa nerbyos.

"What do you think, Sir?" Oliver asked as he glanced at me.

Kumunot ang noo ko. Sinubukan kong hanapin kung saang parte na ba siya ngunit sa huli ay bumuntong hininga ako at sinarado 'yong folder. Hindi ko na siya nasundan dahil may bumabagabag sa sistema ko ngayon.

I sighed again. "Pardon?"

"'Yan kasi hindi nakikinig."

That. Pinigilan kong tingnan nang masama 'yong babae.

Inayos muna ni Oliver 'yong nahulog na salamin sa ilong at saka bumuntong hininga. Tiningnan niya ako na para bang sigurado siya na wala na naman ako sa tamang disposisyon ngayong araw.

Well, blame that creepy girl.

"I'm suggesting Sir, that you should meet Mr. Asteria next week to further talk about the proposed project and--"

Tumango ako, hindi na siya pinatapos.

"I'm sorry, Oliver. I'd just give you a call later if I have questions regarding this," sabay angat ko ng folder.

He only nodded. Tumayo na ko at binigyan siya ng panibagong gawain. Nagpasalamat din ako sa kan'ya bago umalis ng Kids' Park.

I need a breather right now. Epekto lang 'to ng pagod at puyat kagabi.

Tama. Lasing pa ko.

Mabilis ang lakad ko. Umakto na parang walang sumusunod sa aking elemento, na parang walang kumakausap sa akin. Diretso lang ang tingin ko sa daan at nagmamadali.

Nong nasa parking lot na ko ay agad kong nahanap ang sasakyan ko.

"Pansinin mo naman ako, Sir. Huwag ka nang mahiya. Ako lang 'to."

Pack!

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan, at agad na pinaandar ang makina nito pagkapihit ko ng susi. Natigilan ako nong walang sabi-sabing pumasok din siya sa loob. Nasa tabi ko na siya at umawang ang labi ko nang makumpirmang wala siyang repleksyon sa salamin.

Oh, sheet!

"Sir, kailangan ko pa bang mag-apply sayo para kausapin mo ako? Kaso nasa bahay 'yong resume ko. Pwede bang to follow na lang?"

Nagmaneho ako na para bang wala akong sakay na multo.

This is crazy. Kailangan kong magpanggap na hindi ko ramdam ang presensya niya para lubayan niya na ko. Nagawa ko na 'to ng maraming beses kaya sigurado akong magagawa ko rin 'to ngayon.

Sheet, I need to calm down. Hanggang ngayon, abnormal pa rin ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako.

"Relax ka lang Sir, 'yong speed limit mo. Saka Sir, mabait naman ako."

I keep on ignoring her. Kahit na panay ang daldal niya. Kahit na iritado na ko sa kan'ya. Naghihintay lang ako na mapagod siya at umalis na.

Bata pa lang ako nong bumukas ang Third Eye ko. They say, it's a special gift, but heck no! Hindi ko gustong makakita ng mga naliligaw na kaluluwa, at lalong ayokong makipag-ugnayan sa kanila. Mas lalo na sa makulit na kasama ko ngayon!

"Nakikinig ka ba? Sabi ko, ang gwapo mo. Crush nga kita, eh. Ma--Fuck!"

Nagulat siya nong bigla kong hininto 'yong sasakyan sa gilid ng kalsada. Isipin ko pa lang na may nagkakagusto sa aking multo ay kinikilabutan na ako.

Sheet! Matalim ko siyang tinitigan ngunit nanatili lamang siyang nakangiti.

"What? Eh, sa type ko 'yong moreno at matangkad. Makapal din ang brows mo, intense ang mata, matangos ang ilong."

Napailing-iling ako. This is really crazy. Napalunok ako bigla nong bumagsak ang tingin niya sa labi ko.

"Tapos, 'yong lips mo, na para bang ang sarap... sarap halikan," she spoke very slowly while gazing at my lips.

Sheet! Pakiramdam ko, lahat ng balahibo sa katawan ko ay tumindig dahil doon! Sheet! Pinagnanasaan yata ako ng multo!

She looked up at me again and gave me a sweet smile. Na para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari ngayon. Samantalang ako ay hindi na mapinta ang mukha.

"Umamin ka na kasi, Sir. Na nakikita mo ako," sabay tukod niya ng siko sa bintana habang nakaharap pa rin sa akin.

Nagtataka nga ko, kung bakit hindi siya tumatagos doon. Hindi tulad ng mga multong nagparamdam na sa akin noon.

Bumuntong hininga ako. "Fine. What do you want?"

Humigpit ang kapit ko sa manibela nong sumeryoso siya.

"I want you."

Sheet! Unti-unti akong nakaramdam ng takot dahil doon. Anong gagawin niya sa akin? Siya na ba 'yong sundo? Papatayin niya ba ko? Sasapian?

Sheet! Anong kailangan niya?!

Nabura 'yong mga brutal na eksenang naiisip ko nang marinig ko siyang humagalpak sa tawa. Napahawak pa siya non sa tiyan at naluluha.

I only shoot her a glare. Kung nakakamatay lang 'yon ay kanina pa siya bumulagta. There's nothing-packing funny here. Nong napansin niya ang madilim na ekspresyon ko ay doon lang siya huminto at pumormal.

"'To naman. I'm just kidding."

"Get out. I don't have time for sheet." Muli kong pinaandar ang sasakyan ko nang hindi siya sinusulyapan.

Ngunit naabutan ko pa ang simangot niya sa'kin. "Sungit. Tigang ka ba?"

Napailing-iling na lang ako. I can't believe this girl. I mean, ghost.

"Saka, it's shit not sheet."

Napabuntong hininga ako. I really can't believe this is happening to me.

Continue Reading

You'll Also Like

494K 14.9K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
13.4M 337K 43
Selene Illy Montebello is a Princess in the making. She was set to be the most sought after bachelorette and a future beauty queen. Undeniably one of...
632K 21K 43
Yolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching f...
750K 25.4K 48
R18 | MATURE CONTENT He was the kind of man mothers warned their daughters about. The kind who could get a woman's panties wet just with a look, the...