a/n: Yung ang saklap ng buhay ko? I'm so poor. huhu! I'm really really broke -_________- ikaw ba naman maputulan ng internet eh. Tapos pati kuryente naputol din. Aigoo! Kailangan ko pa tuloy maki-wifi sa kabilang ibayo. Tss! Anw, i tried to update. Isn't it great? haha! Pero baka hindi ako makaupdate sa mga susunod na araw. I'm sorry! Neomu mianhe. Magpopost ako ng tatlong update pambawi pag hindi nako pulubi. hehe :) I'm expecting a positive feedbacks pag balik ko ha? Hehe. 4k reads na pala ang LV, i'm so happy! :))))))
~
36.
SACHIEL CLYDE ENRIQUEZ
Nagising ako dahil may tumatawag sakin. Ano ba ‘to? May pasok pa ko mamaya, 4am pa lang eh.
“Hello?” antok kong sagot. Late na rin ako natulog kagabe dahil ang kulit ni Sahara.
“Anak, she’s awake” Napabalikwas ako ng higa dahil sa narinig ko.
“Talaga dad?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes anak. She’s looking for you, ang sabi ko nasa Pinas kayo ni Chaeli. She wants to go home already” Sabi nang daddy ko.
“Sige po dad. Ibabalita ko mamaya kila Chaeli, kailan niyo po balak umuwi?” tanong ko.
“As soon as the doctor says so. I’ll call you again, babalik na ko sa loob” Mabuti naman at nagising na siya.
~
6am
“Good morning oppa” bati sakin ni Sahara. Ang aga naming magising no? Ganun talaga eh, hindi na nga ako nakatulog nung tinawagan ako ni daddy, naexcite kasi ako bigla.
“Good morning Chaeli, take a sit. I want to tell you something” umupo naman siya at curious akong tinignan.
“Goodmorning guys!” si Michen.
“Sakto dating mo hyung, may ibabalita ako” sabi ko sakanya. Disregarding his morning greeting.
“Ano yun?” umupo siya sa tabi ni Sahara.
“Dad called. Noona’s awake” parehas silang natulala.
Kahit ako hindi ko inaasahang magigising pa siya, she’s commatosed for two years. Actually it’s turning three years. At mag-aapat na taon na palang hindi siya nakikita nang mga barkada niya.
Bago kami umalis sa Chicago ni Sahara ang sabi nang doctor wala na daw chance na gumising pa si ate, at puro machines na lang daw ang bumubuhay sa kanya dahil nga hindi naman naagapan ang sakit niya.
Pero nung tatanggalin na daw yun ay biglang gumalaw yung isang kamay niya. Chineck siya ulit, himala daw na naging stable ang vital signs niya. Yun ang kwento sakin ni Daddy kagabi. Nadepress ang mommy ko dahil dun sa mga pangyayaring yun.
Hindi naman sana mauudlot yung operation kung hindi lang dahil sa hindi inaasahang bagay. Kasalanan yun ni Irvin. Ever since then nabuo na ang galit ko sa kanya, my noona suffered so much. Tapos pano pag uwi niya dito at nalamang yung kaisa-isahang lalaking minahal niya eh may mga anak na at malapit na palang ikasal?
Yung lalaking akala niya hihintayin siya. Yung lalaking ama nang mga anak niya, narinig ko sila mommy at daddy na naguusap tungkol sa nangyari nung last night namin sa Club Paradiso. She agreed to the idea of my sister sleeping with Irvin. Hindi niya naman daw alam na maiisip nilang gawin yun. At kung suswertehin ka nga naman ang bilis ano? Nakabuo agad eh samantalang one night stand lang yun? Ganun ata talaga pag mahal mo ang isang tao.
Pinapili si Ate noon ni mommy kung itutuloy daw ba yung surgery. Pag tinuloy she might loose the baby. Baby pa lang, three weeks preggy pa lang kasi siya nun at hindi pa namin alam na twins ang dinadala nya.
Tumanggi si ate, hintayin na lang daw nila na matapos siyang manganak. Those months were hell for her. Nandun yung susumpungin siya nang sakit niya. Hindi siya makatayo dahil hinang hina siya. 7 months nung umatake nang matindi yung symptoms nang sakit. Hindi na niya kaya, ang palagi niyang sinasabi ay ‘I want to die’ hirap na hirap din si mommy dahil doon.
Nag pa’C-section siya nung seven months ang kambal, utos ni mommy. Para daw maoperahan na. The operation was successful. Pero ilang araw na hindi pa rin siya nagigising, until it turned to months. At ngayon ay magtatatlong taon na. Ilang beses na rin siyang nag-flat line pero narerevive lang nang doctor.
“Nakausap mo ba siya?” tanong ni Michen sakin. He stands as the father of the twins. Ayaw ni mom pero dad insist. Sa mga ganung panahon daw kailangan nang kambal nang tatayong ama nila.
Kung bakit hindi si Irvin? May isang mabigat na dahilan. Isa kasi siyang GAGO!
“Hindi eh, saka na lang daw pag nakalabas na nang ospital” sagot ko sa kanya.
“How about the twins?” tanong niya.
“Okay naman daw sila. Tuwang-tuwa nga daw si Ate nung makita yung kambal. Hinahanap ka rin daw niya” para siyang nabunutan nang tinik sa sinabi ko.
He was there when my sister needs her. Ano pa bang hahanapin niya? Eh lahat nasa isang Lee Michen na.
I’m excited to see her” sabi niya. “Papasok na ko sa office, ikaw na muna ang bahala dito ha?” tumango lang ako.
I am also excited to see her.
~
ONE MONTH LATER
June na. Next week pasukan na. Ngayon ang dating nila Ate. Si Michen ang kasama nilang uuwi. Pumunta siya dun last week, sabi kasi ni Dad kailangan niya nang bumalik sa company. Sumama na rin si mommy para daw makapag-family bonding silang apat.
Family. Isa na silang masayang pamilya, kung maghabol man si Irvin sa mga anak siya wala siyang karapatan. Oo nga’t may pagkakahawig si Yto at Yves kay Heedo hindi maitatago yun. Pero si Michen ang nakapirma sa birthcertificates nila. Lee ang gamit nilang apelyido.
“SACHI!” sigaw niya sa di kalayuan. Nasa airport ako, maaga kasing natapos ang klase ko eh.
“Ate!” tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. I missed her so much. She’s gone thinner. Pero may curves pa din.
“How are you?” tanong niya sakin. She cupped my face then kissed my cheek. Grabe! Ginagawa niya pa rin akong bata.
“I’m fine! Good thing you’re back” ngumiti siya at tumingin sa likod niya. Si Michen nandun at nakatayo kasama yung dalawa kong pamangkin. Parehas niyang buhat to na akala mo ay sobrang gaan at wala lang sa kanya.
Kinuha ko sa kanya si Heedo. “Tara na. Mainit dito, hindi sanay sa init ang mga pamangkin ko” Sabi ko sa kanila. Inakbayan ni Michen si Ate, they look like a lovely couple.
May party mamaya dito sa bahay, welcome party para sa pagbabalik nang ate ko. Siguradong magugulat silang lahat.
“Daddy, it’s so hot” reklamo ni Helena kay Michen. Haha! Mainit naman kasi talaga.
Sa Club Paradiso kami dederecho ngayon. Ever since nagising si ate hindi na namin nabanggit sa kanya ang tungkol kay Irvin. Hindi na rin naman siya nagtanong tungkol dun.
“Haha, baby it’s okay. Sometimes you need to feel the heat” Sagot ni Ate.
Sinakay na namin lahat ng bagahe nila sa sasakyan. At dumerecho na papuntang Batangas.
~
8pm
Mukhang nandito na lahat nang bisita. Medyo na-late kami dahil sa traffic. Tulog na din yung dalawang bata kanina. Pero nagising nung patayin ang makina nang kotse.
“Bukas na lang yang mga yan Jagi, punta na tayo sa garden” pagaaya ni Ate ko kay Michen. Jagi ang tawagan nila. It’s sweetheart in Korean.
Ngumiti lang ito at pagkatapos ay magkaakay nilang dinala yung mga bata. Sumunod lang ako sa kanila. She did change a lot.
Medyo maingay sa garden pag dating namin, hindi pa nila kami gaanong napapansin maliban na lang nung sumigaw ni Sahara. “Eonnie” tumatakbo itong lumapit samin. “I missed you a lot” niyakap siya ni Ate nang mahigpit.
“I missed you too” umayos nang tayo si Ate pagkatapos ay tumingin sa mga kaibigang kanina pa titig na titig sa kanya. Hindi nila alam na darating si Ate ngayon. Surprise ito kumbaga. Inisa-isa niya ang tingin sa kanila. Nangunot ang noo niya pagtama nang mga mata niya kay Irvin. Bigla siyang napasapo sa ulo niya.
What’s happening?
“Jagi. Gwaenchana?” Michen asked her.
“I’m fine, jetlag lang siguro to” isa-isang niyang nilapitan ang mga kaibigan na kanina pa’y nakatitig sa kanya. “C’mon guys! Anong klase mga tingin yan? Don’t you miss me?” Si Ceana ang unang tumayo para yakapin siya.
“Gaga ka! Namiss ka namin nang bongga. Where the hell have you been?” tanong nito.
“I’ll tell you the details later” umupo siya sa tabi ni Ceana at tinignan si Michen. Umupo naman ang huli sa tabi niya. Kalong ang dalawang bata.
“Waaa. Ayan na yung anak mo? Last time na pinakita mo baby pa lang sila” Amazed na sabi ni Jillian. Mahilig siya sa bata.
Michen looked sick. Parang hindi alam kung pano mageexplain.
“They’re ours” maikling sabi ni Ate at tinignan yung dalawang bata pati si Michen nang may pagmamahal.
Seriously? Hindi ba nila alam na nandito si Irvin? Oh sinasadya ni Ate yun?
(to be continued...)