Xianeah's PoV
Uuwi nanaman ako ng mag-isa, walang kasama, palagi na lang bang ganito? Naisipan ko munang bumili ng fish ball at inumin ng mawala lungkot ko habang pauwi. Pagkain na lang ata magpapasaya sa akin. Bumili ako ng sampung pirasong fish ball at inilagay sa isang plastic cup. Ibibigay ko na sana ang aking bayad kaso bigla itong nahulog. Nilapag ko muna ang aking hawak at pinulot isa-isa ang mga baryang nahulog.
Bakit kaya napakatanga ko. Biglang may lalaking tumulong sa akin sa pagpupulot, "Tulungan na kita miss" sabi niya. Hindi ako tumingin sa kaniyang mga mukha dahil nahihiya ako "Huwag na, kaya ko na 'to" sabi ko sa kaniya. May natirang isang barya at sabay naming pinulot iyon. Bigla kong iniwas ang kamay ko at hinayaan siyang pulutin iyon. Bigla na lang akong napatingin sa mukha niya, tumayo ako at hinintay siyang makatayo rin. Pagkatayo niya ibinigay niya sa akin ang barya.
"Sa-salamat kuya" sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mukha. "Walang anuman, ako nga pala si Johnwille, ikaw?" Tanong niya. "Ako si Xianeah" sagot ko. "Nice to meet you binibini, I need to go na mag-iingat ka" he winked at umalis na siya papunta sa kaniyang mga tropa na naghihintay sa kaniya.
Pagkalingon ako sa tindero nakita kong pinipigilan niyang ngumiti napangiti ako dahil sa pagpipigil niyang pagngiti. "Heto na po yung bayad kuya, salamat po" ibinigay ko ang bayad, nagsimula na akong maglakad pauwi. Iniisip ko pa rin yung lalaking tumulong sa akin. I can't stop thinking of him. Ang gwapo niya, ang puti pa, tapos ang kapal din ng kilay niya. Akala ko barya lang mahuhulog, pati puso ko rin pala.
Nakita kong magkasama sina Yuhiro at Mojica, ako'y lumiko sa kanto upang hindi nila ako makita. Ang saya ko kahit na uuwi ako ng mag-isa. "Johnwille, johnwille, johnwille, john--" banggit ako nang banggit sa kaniyang pangalan nang biglang may manggulat sa akin. "ROAR! BULAGA! Sino si john-john huh? John-john ng john-john" Sabi ng baliw. "Nagpasaya sa akin ngayon" sagot ko sa kaniya. "John ka ng john, andito naman ako magpapatibok ng puso mo. Junjun pangalan ko" pagpapakilala niya sa akin habang naka superhero cape at nalapit sa akin nang dahan-dahan. "Putik" kumaripas ako nang pagtakbo. Hinabol niya ako mala Naruto Shippuuden.
Nakita ko sina Johnwille kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi na ako nagdalawang isip pang magtago sa likod ni Johnwille. "Oh hey there Xianeah, what are you doing? Bakit ka nasa likod ko?" Tanong ni Johnwille sa akin. "Nakanaks naman pre" sabi ng isang kaibigan niya. "Baby saan na si baby ko" sabi nung baliw papalapit sa amin. "Natatakot ako Johnwille siya dahilan kung bakit ako tumatakbo" sabi ko kay Johnwille. "Sige, kami na bahala Xianeah" sabi niya.
"Nakita niyo baby ko? Yung maganda nakasalamin?" Tanong nung baliw habang nakatago ako at nakakapit kay Johnwille. "Ako ba hanap mo honey?" Nagpanggap bilang isang bakla ang kaibigan ni Johnwille. "Hindi ka sa kaniya! Akin lamang siya!" Sumakay sa trip ang isa nilang kaibigan
Bigla tumigil mundo ko doon sa baliw. 'Di ko akalain na ganito ang mangyayari. "Gusto mo ihatid na lang kita?" Tanong niya. "Hala, hindi na kailangan" habang umiiling. "Sige na, para mas sure akong makakauwi ka ng maayos. Tara na!" nagpapaawang kilay. "Pero paano 'tong mga kaibigan mo?" Pag-aalala ko. "Hayaan mo sila, kaya na nila 'yan" nagsimulang maglakad.
Sumunod ako sa kaniyang paglalakad. "Bakit namumula mga pisngi mo?" Tanong niya. Lumingon ako sa kaniya at umiling "hindi naman eh, baka sa blush-on lang 'yan" pangangatwiran ko sa kaniya. "Oo nyie na lang" habang nakatitig sa akin. Lumingon ako sa kaliwang direksyon kung saan wala siya, tinanggal ko ang aking tali at tumungo. Natisod ako sa hums. "Ayan kasi itali mo uli ang buhok mo at tumingin sa daan" concern niya. Pero patuloy pa rin akong nakayuko habang naglalakad. Diretso ang tingin at walang kibo. Huminto siya sa paglalakad at hinawakan ang aking bag upang mapahinto rin ako sa paglalakad. "Akin na ipit mo, tatalian kita" sabi ni Johnwille. "Marunong ka ba?" Napalingon ako kay Johnwille. "Hindi siyempre pero hindi ko bibitawan 'tong bag mo 'pag hindi mo pa inipitan 'yang buhok mo" sagot niya. "Paano kung ayaw ko?" Pouts. Tumingin sa aking labi "I'll kiss you, sige ka" sagot niya. "Itatali ko na, ito na" sagot ko, akala niya mahahalikan niya ako huh. "Hindi ako marupok, ipahalik kita diyan sa manok!" Sabi ko. "Huwag na may manok naman tatay ko" sabi niya habang nakangisi at binitawan ang bag ko. "Edi maganda, may hahalikan ka na" sabay tawa. Tumawa rin siya.
Nagtali ako ng buhok at nagpatuloy sa paglalakad, "alam mo, mamimiss ko 'tong lugar na 'to. Alam mo kung bakit?" Lumingon ako sa kaniya. "Bakit?" Tanong niya. "Kasi puwet ko may rocket" pagbibiro ko sa kaniya. "Ano nga kasi? Ang kalog mo namang tao ka" sabi niya sa akin. "Siyempre, akala nga nila masungit ako" sagot ko. "Mamimiss ko din 'tong lugar na 'to, alam mo kung bakit?" Pag-uulit niya sa sinabi ko. "kasi puwet mo may rocket?" Poker face. "Hindi ah, kasi yung puso ko lalanding na sa puso mo" banat ni Johnwille. "Lalanding or lalandi?" Tumawa ako. "Nice, mautak" sagot niya. "Siyempre, hindi tulad mo manyak. Just kidding, nag-isip lang naman ng ka-rhyme"
While we are walking, palapit siya ng palapit sa akin. Habang ako nagbablush habang papalapit siya. "Xianeah.." he said. "Yes?" I asked. "Malapit na ba tayo?" He asked. "Yes, malapit na" I answered. "Sabi ko, malapit na ba maging tayo? Tapos yung sagot mo "yes, malapit na" joke, joke" he giggled. "Joke 'yon?" Tanong ko. He just smirked at me. "Dito na lang, balikan mo na mga tropa peeps mo doon" sabi ko. "Sige, sa uulitin" tumakbo siya. "Ingat Johnwille!" Sigaw ko, napahinto siya ngumiti at kumindat sa akin.
Pagharap ko sa likod, nakaabang na pala sa akin ang nanay ko. Nasa bahay siya ng aming kamag-anak at nakadungaw. "Lagot nanaman ako nito" bulong ko. "Xianeah! Halika rito at mag-usap tayo" habang nakakunot ang noo at nagsasalubog ang mga kilay. "Opo ma!" Dali-dali akong pumasok sa loob at umupo sa upuan. Pinangunahan ko na si mama. "Ma, ang ganda mo. Kaya nagustuhan ka ni papa eh, alam mo ma si papa nakita ko kanina may dalang chocolates pati teddy bear. Anniversary niyo ba ngayon ma?" Paglalambing ko. "Anniversary ng kabit niya" sagot ni mama. Humagalpak ang aking tita. "Ikaw bata ka, sino ba 'yon huh? Boyfriend mo? Pero pogi siya aba'y ganda nimo, Ikaw matahum apan ako mas matahum" sabi ni mama. Hindi ko naintindihan kaya bumulong ako kay tita kung ano yung sinabi ni mama. "Maganda ka raw pero mas maganda mama mo" sagot ni tita. "Salamat 'ta" sabi ko.
"Ma, wala akong barya" sagot ko. "Walay sensilyo? Ako ang naghatag kanimo ug salapi" sabi ni mama. "Ma! Stop spokening bisaya to me, my nose will get flat as yours sige ka ma" sagot ko. "Sabi ko walang barya? Bibigyan kita ng pera" sabi ni mama. Tumawa ako ng malakas. "Uwi na ako ma, gapagawis ganagaga agokogo maga" pinilit kong mag-g-words kay mama upang hindi niya maintindihan. Ngunit ito ang sabi ni mama "Ogag".
Umuwi na kami ng bahay at dali-dali akong nagpalit ng damit. Humilata ako sa kama "such a perfect day" pinikit ko ang mata ko at natulog.